CHAPTER 23

CHAPTER 23 - WALLS OPEN

Xy's POV

Kinakabahan ako sa tingin niyang iyon. Kahit na malayo siya ay alam kong sakin siya nakatingin

Nag mamadali kong kinuha ang bag ko at lumabas ng classroom. At dahil sa pag mamadali ko ay nabangga ako sa matigas na bagay

"Kara" tinignan ko ang tumawag sakin

"Solon" ito ang nabangga ko

"Bakit ka nag mamadali?" tanong niya sakin

"Yung nararamdaman kong nakatingin sakin. Nasa rooftop siya sa second building" agad kong sabi

"Namukhaan mo ba?"

"Hindi, mashado siyang malayo" tinanaw ko ulit ang rooftop pero wala na roong tao pero sigurado akong hindi guni-guni iyon

"Don't worry. Hahanapin ko siya" sabi niya at ginulo ang bonnet ko "Pero ngayon pumasok ka na sa classroom mo" dagdag niya pa

"Fine" sabi ko at inayos ko yung pag kakalagay ng bonnet ko

Katulad ng sinabi niya ay pumasok ulit ako sa classroom. Medyo dumami na ang mga tao dito malapit naring mag simula ang klase

Nakakainis na wala man lang akong magawa para hindi kabahan kung sa kung sino mang tao yung tumitingin sakin

Kahit nag simula na ang klase hindi parin mawala sa isip ko yung nangyari kanina

"Attention everyone. This is Julianne Torres. I'm here to inform all of you that tomorrow will be our first Test Battle. It's a Morach Academy tradition. Be ready. All student must participate. Goodluck"

Natigil saglit ang discussion nang biglang sumingit ang announcement ni Julianne Torres ang secretary ng school

Test battle?

Ano naman kayang meron doon?

"Ok Students. Narinig niyo naman siguro ang sinabi ni Miss Torres" nakangiting sabi ni Sir

"Alam kong nag tataka kayong mga new students kung ano ba ang Test Battle. Every quarter tradition ng gawin yun dito sa Morach. Sasabihin sa inyo ang instructions mamaya" mahabang paliwanag pa nito

Hindi ko na pinakinggan ang susunod niyang sinabi at pinikit nalang ang mata ko

"No sleeping in class" napadilat ako nang may bumulong sakin. Tumingin ako sa gilid ko pero agad din napaatras yung mukha ko napakalapit kasi ng mukha niya

"T" banggit ko sa pangalan niya

"Not interested to the topic?" tanong niya sakin tinutukoy niya ata ay yung test battle na kinekwento ngayon ni Sir

"Hindi naman. Ayoko lang talaga makinig" dahilan ko. Mas gusto ko yung nakikita ko kesa makinig sa dini-discuss niya

"You should listen para naman may background ka para bukas" tumingin ako sa kanya pero wrong move ata yun kasi nakatingin rin siya sakin kaya agad din akong umiwas

"Bukas ko nalang aalamin" sabi ko habang hindi nakatingin sa kanya. Pinikit ko nalang ulit ang mata ko at nag kunwaring tulog

"Gusto mo ba lumabas dito sa school?" nabigla ako nang itanong nanaman niya iyon sakin

"Ayoko na" mahinang sabi ko. Naalala ko si Hera baka kung ano ng gawin niya sakin kung sakaling mahuli nanaman niya ako

"Don't think about Hera. She'll never bother you again" sabi niya sakin. Umiling nalang ako

"Hindi naman natin siya kayang labanan. Kayang kaya niya tayong parusahan kung gugustuhin niya" matagal tagal pa bago ako makalabas sa school na 'to para mahanap si Galen at para maligtas namin si Devil

"Trust me. As long as I'm with you, you are safe" hindi ko alam pero bumilis ang tibok ng puso ko nung sabihin niya yun sa tenga ko. Biglang naging panatag ang loob ko

Nabigla ako at hindi makagalaw nang maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at in-intertwined ang mga ito

"Trust me, Xy" bulong niya sakin. Dahil siguro sa sobrang saya kaya bumibilis yung tibok ng puso ko. Tumingin ako sa kanya ng nakangiti

"I trust you" sabi ko sa kanya. Pinisil niya ang kamay ko habang nakangiti

Sabay kaming tumingin kay Sir na hindi manlang pinansin ang pag uusap namin

Natutuwa ako dahil lang sa simpleng pag hawak niya sa kamay ko

Haggang sa matapos ang klase hindi niya binitiwan yung pag kakahawak niya sa kamay ko. Buti na nga lang ay hindi nag papawis yung kamay ko. Nakakahiya naman sa kanya

Kahit nung lumabas kami sa classroom mag kahawak kamay parin kami. Pinabayaan ko nalang. Gusto ko rin naman eh

Pumunta kami sa parking lot. Eto na talaga yun. Lalabas na talaga kami dito sa school. Pinag-buksan niya ako ng pinto ng kanyang Ferrari FXX

"Pumasok ka muna. May kakausapin lang ako" sabi niya sakin. Inalalayan niya pa akong pumasok. Akmang bibitawan niya ang kamay ko pero hinigpitan ko ang pag kakahawak ko sa kanya

"Si Hera..." hindi ko na tuloy ang sasabihin ko nang ilagay niya ang hintuturo niya sa labi ko

"Don't think about Hera. I can handle her" para bang siguradong sigurado siya sa sinabi niya. Kaya napabuntong hininga nalang ako at tumango

"I'll be back" sabi niya at pinisil muna ang kamay ko bago umalis

Hindi ko maiwasang hindi isipin si Hera pano kung makita niya ako tapos hindi lang ako ang parusahan niya baka ngayon pati si T na

Napaigtad nalang ako nang biglang may kumatok sa bintana ng kotse

Imposibleng si T yun. Ang bilis naman niya

Kumatok ulit ito. Pag tingin ko napaatras ako

"H-Hera" gulat kong sabi

Sabi ko na nga ba hindi imposible sa kanyang hindi malaman ang binabalak namin ni T 

Galen's POV

"Yow Bro, bumisita ka sakin?" bati sakin ni Solon pag kapasok ko sa opisina niya. Pumunta agad ako sa harap niya

"Ilalabas ko ng school si Kara" deretsa kong sabi sa kanya. Hindi ako katulad niyang maraming paligoy ligoy

"At bakit nanaman?" tanong nito sakin habang nakangisi. Hindi ko rin alam sa taong 'to kung tutol ba o hindi sa gagawin ko eh

"Alam kong may tumitingin sa kanya. Kung nandito lang siya sa loob ng school ibig sabihin hindi siya makakalabas. Pag lumabas kami ng school at naramdaman ko paring may nakatingin sa kanya..." tumingin ako sa mata ni Solon habang nakahawak ako sa magkabiglang gilid ng table niya

"... Ibig sabihin lang nun hindi nababantayan ng nasa itaas ang buong school at may nakakalusot na mga taong hindi dapat nandito..." pinalo ko ang lamesa niya. Nakita ko namang napaatras si Solon

"... At kapag nalaman kong ganon nga ang nangyari... Paparusahan ko lahat ng nakakataas dito sa Morach" pag babanta ko sa kanya. Dapat lang na matakot siya dahil ang ayoko sa lahat ay yung natatakot si Kara

"Mashado ka namang hot, boss, hindi nakakagwapo ang palaging mainit ang ulo" alanganin siyang tumawa pag katapos sabihin yun

"Sige lang. Tumawa ka lang, Solon, sisiguraduhin kong hindi mo na yan magagawa kapag..."

"Hep hep hep bro alam kong may nag aantay sayo. Hindi rin maganda sa lalaki yung mashadong madaldal" sabi niya at tumawa pa

"Nag salita si gago" mas madaldal nga siya sakin

"Layas na, boss" pag tataboy nito sakin

"Nga pala yung kapatid mo bala balaan mo rin" pahabol ko pa na paalala

"Kaya na niya sarili niya. Madali namang makakuha si Hera eh" sabi niya na wala talagang paki sa kapatid niya

"Ayusin mo na lahat para sa pag alis namin ni Kara" sabi ko sa kanya at humakbang na paalis sa opisina niya

"Copy boss" rinig ko pang sabi niya bago ako tuluyang makaalis

Masosolo na kita, Kara

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa naisip ko. Napakamot nalang ako sa batok ko at pinuntahan siya

Xy's POV

"H-Hera" gulat kong sabi. Wala itong emosyon sa mukha habang kinakatok ako. Sumenyas siyang buksan ko ang bintana. Kahit ayoko ay binuksan ko parin ang bintana

"Anong--"

"May sinabi ba siya kung san kayo pupunta?" naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang nag tanong

"Wala" agad kong sinagot ang tanong niya. Mukha kasing ako abala pa ako sa oras niya dahil sinadya pa niya ako dito sa kotse ni T

"Kilala mo si T?" gulat kong tanong sa kanya

"Mag ingat kayo" yun ang huli niyang sanabi at umalis na

Bastos rin eh. Bahala nga siya jan. Pero buti nalang hindi na niya kami pinakielaman

Hindi narin naman nag tagal ay nakita ko ng papalapit si T

"Ready?" tanong niya sakin nung nakapasok siya sa kotse

"Ready" nakangiti kong sagot sa kanya

Pinaandar na niya ang kotse. Akala ko mag kakaproblema pa kami sa gate pero hindi. Kusa itong bumukas na para bang pinapadaan talaga kami

Totoo nga ang sinabi ni T. Kaya niya akong ilabas dito sa loob ng Morach

👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top