CHAPTER 21

CHAPTER 21 - SOMEONE

Xy's POV

Pag gising ko ay ramdam ko ang malambot na kama at malaya ng nakakagalaw ang kamay at paa ko

Nung bumangon ako ay tumama sakin ang sinag ng araw. Napa-buntong hininga nalang ako

Tinupad niya ngang ibabalik niya ako kinabukasan

Pumunta na akong kusina para ipag-hain ang sarili ko

Pununta kaya si T doon?

Siya lang kasi ang naiisip kong mag lalagay sakin dito sa kwarto ko

Sana hindi naman siya galit sakin. Pero may laban naman kaya si T kay Hera? Kahit ata mag sinungaling yon siya parin ang paniniwalaan ni President Aihika

Hindi na ulit ako mag tatangkang lumabas ng school. Baka kapag nalaman ulit yun ni Hera ay hindi lang pag tali ang abutin ko sa kanya

Napatingin naman ako sa wall clock ko dito sa kwarto. At nanlaki ang mata ko nang makita kong late na ako

Sinubo ko ang toasted bread na ginawa ko nag baon rin ako ng isa pa para kung sakaling makasalubong ko nanaman si Carlos at ikulong nanaman ako meron na akong baon. Mabilis na kinuha ang gamit ko bago lumabas ng kwarto

Pero nung nilolock ko na yung pinto halos mapatalon ako sa gulat nang makita kong naka-tayo sa gilid si Carlos

"Hey" bati nito sakin. Hindi tulad ng una kong kita sa kanya. Wala na yung mapag larong ngisi niya ngayon. Walang emosyon siyang nakatingin sakin. Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan sa biglang pag babago ng ugali niya

"Hmm bakit ka nandito?" tanong ko. Ayokong makipag batian pa sa kanya

"Sinusundo ka" seryoso parin siya

"Eh? Bakit?" nagulat ako sa sinabi niya. Bakit pa ako kailangan sunduin nito. At saka ano ba ako sa school na 'to bakit kailangan pa ng presidente ng school na 'to sunduin ako

"Wag ka ng mag tanong. Halika na" sabi niya na parang nag naiinip na siya. Hinawakan ako nito sa pulso para hilahin ako

Pero hindi pa siya nakaka isang hakbang ay napatingin siya sakin tapos dun sa pulso ko na hawak niya para siyang napaso at bigla nalang akong binitawan saka nauna ng mag lakad

"Bilisan mo dyan. Paparusahan kita kapag hindi ka nakasunod sakin" seryoso ang pag kakasabi niya. Nanlaki agad ang mata ko at saka siya hinabol

"Saglit" sigaw ko sa kanya habang hinahabol siya. Ang lalaki ng hakbang niya pano agad ako makakasunod

"Ang bagal mo" naiiritang sabi niya sakin. Natawa nalang ako kasi parang nakikita ko ang tunay na ugali ni Carlos hindi yung palaging naka-ngising Carlos

"Hindi ka naman talaga pala-tawa ano" sabi ko sa kanya nung nakasabay na ako sa pag lalakad sa kanya. Hindi naman ako sinagot nito "Nakangiti ka lang pero siguradong asar na asar ka na. Yun naman talaga ang totoo mong nararamdaman, hindi ba?" dagdag ko pa

"Mali ka. Ngumingiti lang ako kapag hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong marandaman" malamig na sabi niya. Hindi ko naman namalayang napahinto pala ako habang nakatingin sa kanya

"Bat ka tumigil?" sabi niya at tumingin pa sakin. Umiling nalang ako at inunahan siyang mag lakad

Dumeretso na ako sa classroom ko at umupo. Nakita ko pa ang masamang tingin ni Carlos nung dumaan siya sa tapat ng classroom namin eh. Umiling nalang ako

"Good Morning, class" napatingin naman ako sa nag salita

Ms. Jane

Katulad ng dati ay hindi parin siya pinapansin ng mga estudyante niya at mukhang sanay na siya doon ni wala ngang nakapansin sa pag kawala niya o baka naman wala talagang may paki sa kanya

"Nawala ako ng ilang araw dahil may inutos lang sakin sa ibang school" paliwanag niya kahit wala naman nag tatanong. Tulad nung una ay wala nanamang sumagot sa kanya. Maging ang mga new students ay hindi siya pinansin

Nag simula siyang mag discuss kahit alam niyang walang interesado sa subject niya

Naging ganon lang ang takbo ng pag didiscuss niya hanggang sa matapos ito

Nang matapos ito agad akong tumayo at lumabas

"Kara" napatingin ako sa tumawag sakin

"Bakit, Solon?" tanong ko sa kanya

"Sabay na tayo mag lunch" nakangiting yaya niya sakin

"Wag na" tanggi ko. Ngayon naman Supreme Vice Pres. ng Council ang nag aaya saking sumabay sa kanya kumain

"Sasabay ka sakin, whether you like it or not" sabi niya at hinila na ako pero habang nag lalakad kami hindi ko maiwasang kabahan

May nakatingin samin. Sigurado ako doon pero hindi tulad ng pakiramdam na si T ang nakatingin sakin kakaiba ang taong 'to. Pakiramdam ko nasa panganib ako habang nakatingin ito sakin

"You ok?" halos mapatalon ako sa gulat nang biglang nag salita si Solon. May pag aalala sa mukha niya

Wala sa sariling napatango naman ako

"T-Tara na" sabi ko at ngumiti ng alanganin saka ko siya hinila

Nung nasa canteen na kami nakahanap agad kami ng upuan. Siya na ang nag prisintang bumili ng pag kain namin

Mag isa na lang ako dito sa table at hindi ko nanaman maiwasang hindi kabahan sa mga tingin na yun

Para pang minmatyagan niya ang bawat kilos ko

"Ayos ka lang ba talaga, Kara?" napaangat ako ng tingin kay Solon. Meron na siyang dalang pag kain para samin

"Someone's staring at us" sa wakas ay nasabi ko rin yun sa kanya. Nagulat ako nang bigla siyang ngumiti

"Act cool. Don't mind it" sabi niya sakin at nilapag ang pag kain na para sakin saka umupo

"You mean, kanina mo pa alam na may nakatingin satin?" gulat kong tanong sa kanya. Ramdam kong kanina ko pa yun nararamdaman pero nag tataka ako kung bakit wala man lang siyang reaksyon

"Yeah" maikling sagot niya habang nag sisimula ng kumain

"Bakit wala ka man lang reaksyon?" takang tanong ko ulit sa kanya

"Ayokong ako ang unang kumausap sa kanya. Ano siya sinuswerte?" tapos tumawa pa siya na para bang hindi problema iyon kung may nakatingin man samin "Aatake naman siya kung gusto niya akong kalabanin eh" dagdag niya pa. Kahit kelan talaga ito kapag seryosong bagay laging nag bibiro

"Ewan ko sayo" yun nalang ang nasabi ko

Hindi ko nalang pinahalatang kinakabahan parin ako sa nakatingin samin. Hindi ko alam kung ano bang intensyon niya at naka-masid ito samin

"Tara hatid na kita" sabi ni Solon saka tumayo. Kakatapos lang namin kumain

"Sige" sagot ko at sumunod sa kanya. Pumayag ako kasi baka makasalubong ko yung nakatingin samin. Ayoko pa namang pumatay ulit. Nag bibigay lang yun ng masakit na ala-ala

"Hey, ang tahimik mo nanaman. Sabi ko naman sayo wag mo ng isipin yun" nakangiting sabi niya sakin. Pinilit ko nalang ngumiti

Mas mabuti ng na alam niyang iyon ang iniisip ko kesa na sa iba. Kay T ko palang nasasabi ang tungkol sa Eagles org.

Hanggang ngayon hindi ko parin lubos maisip na nasabi ko sa isang taong hindi ko pa naman mashadong nakikilala ang pinaka-iniingatan kong sekreto

Hindi siya nag pakita sakin ngayong araw. Hindi kaya naparusahan siya ni President Aihika o kaya ni Hera dahil nalaman nitong tatakas sila para makalabas sa school

Sana wag naman

"You're worried" rinig kong sabi ni Solon. Hindi ko namalayang nasa tapat na pala kami ng kwarto ko

"Don't mind me" ayokong sabihin ang pangalan ni T dahil alam kong mag tatanong pa ng mag tatanong si Solon

"Fine" sabi niya at siya na ang nag bukas ng pinto para sakin "Have a good night, Xy" bulong niya sakin saka ako iniwan

That was the first time he called me Xy

👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top