CHAPTER 20

CHAPTER 20 - KILL HER

Third person's POV

Malapit ng uminit ang ulo ni Galen kakahintay kay Kara. Halos mag aapat na oras na siyang naka-upo sa loob ng kotse niya. Maraming dumadaan na estudyante pero ni isa doon ay hindi si Kara

"Fck" napapalo nalang siya sa manebela

Kunuha niya ang cellphone niya at tinawagan si Solon

"Bro" seryoso ang boses nito

"Where's Kara?" yun ang bungad niya dito

"Hindi mo siya kasama?" halata ang gulat dito kahit nasa kabilang linya ito

"No! Kanina pa ako nag hihintay dito" may galit sa boses nito

"Hahanapin ko siya" sabi nito at pinatay na ang tawag

Siya naman ay bununtong hininga para ikalma ang sarili niya saka lumabas ng kotse para hanapin si Kara

Nagising si Kara na sumasakit ang ulo. Sumasakit rin ang kanyang leeg

Unti unti niyang minulat ang mata niya. Nung una pa ay malabo ang nakikita niya pero unti unti naging malinaw ang lahat

Nasa isang gandang silid siya. Sunubukan niyang igalaw ang kamay at paa niya pero nakatali ito. Nangangawit na siya sa ganoong posisyon

"Gising ka na pala" napatingin siya sa nag salita. Wala kang mabasang emosyon sa boses niya. Babae ito, nakasalamin

"Sino ka?" tanong niya dito. Hindi nito pinansin o ni sinulyapan man lang siya

Kaya tinignan niya nalang ito ng mabuti. Parang nakita na niya ito dati

"Ikaw si Hera, hindi ba?" tanong niya dito. Tumango naman siya habang nakatingin lang sa librong binabasa niya

"Ano bang kailangan mo sakin?" pag tatanong niya ulit dito. Nakita niya naman siyang bumuntong hininga bago itikom ang librong binabasa

"Wala akong kailangan sayo" malamig ang boses nito maging ang mga mata nito

"Bakit ako nandito?" kunot noong tanong niya dito. Kung wala namang balak ang dalaga sa kanya bakit kailangan pa nitong ikulong siya at itali

"Para pigilan kang ipahamak siya" mas lalong kumunot ang noo niya sa sinabi nito

"I don't get your point, Miss Hera" matapang na sabi niya dito

"Hindi ko naman sinasabing intindihin mo ang sinasabi ko" malamig parin ang boses nito

"Tss hanggang kelan mo naman ako balak itali dito?" hindi niya binawasan ang taray sa boses niya. Naiinis siya sa dalagang si Hera. Para bang lagi itong hadlang sa kung anong gusto niyang gawin

"Hanggang bukas" walang ganang sabi nito

"What? Are you serious?" hindi matago ni Kara ang inis at gulat niya sa sinabi ng dalaga

"Yes" maikling sagot nito

"You are crazy" hindi nito pinansin si Kara. Tumayo lang ito at pumunta sa kusina

Pag labas nito ay may dala na itong pag kain. Inurong niya ang center table sa harap ni Kara saka nilapag ang platong puno ng pag kain

"Eat" tinignan lang siya ni Kara nang sabihin niya yun

"Seryoso ka ba? Nakatali kaya ako" sarkastikong sabi niya dito

Napaisip naman si Hera. Kinuha niya ang cellphone niya. Saka tinawagan ang mga tauhan niya

Hindi nag tagal may kumatok sa pinto
"Come in" malamig na sabi niya sa taong kumakatok

Bumukas naman ang pinto at nag sipasukan ang tauhan nitong malalaki ang katawan at may mga armas na dala

"What can we do for you, Lady Hera?" magalang na tanong nito sa dalaga

"Untie her hands then keep your eyes on her while she's eating. If she attack you, shoot her" utos niya sa mga ito

Mabilis naman sumunod ang tauhan niya. Ang dalawa ay nag tulungang tanggalin ang tali ng kamay niya at ang tatlo naman ay tinutok ang baril nito kay Kara

Nang makawala na ang dalawa niyang kamay ay inikot ikot niya ito. Mashadong mahigpit ang pag kakatali sa kanya ni Hera. Bumabakat din sa pulsuhan niya ang lubid na ginamit nito

Nag papasalamat rin siya dahil pinakain siya ng Dalaga

Pero habang kumakain hindi mapigilan ni Kara mag isip habang kumakain siya

Makapangyarihan ang boses ni Hera pero bakit parang ni ayaw nitong lumapit sa kanya na para bang sasakmalin niya ito kapag lumapit ito sa kanya

Mukha naman itong malakas pero bakit kailangan niya pa palibutan ng tauhan niya si Kara

Nakahanda ang mga ito sa pag baril sa kanya kung sakali mang gagawa siya ng hindi nila magugustuhan

Inalis niya lahat ng iniisip niya at sinulyapan si Hera

Hawak hawak nito ang kwintas niyang may maliit na dagger na nakasabit. Binabasa ulit nito ang librong binabasa niya kanina pero halata mong wala doon ang atensyon nito

Pinapakiramdaman nito si Kara. Na para bang hinahanda ang sarili kung sakaling aatake si Kara

Walang nag ingay sa mga sandaling iyon. Maririnig mo na ang mahinang pag kalansing ng kutsara at plato na nag tatamaan sa pag-kain ni Kara

"Are you finish?" napatingin siya kay Hera ng tanungin niya ito. Nakatingin ito kay Kara

"Yeah" walang ganang sabi niya. Sumandal siya sa upuan. Ngayong wala na siyang tali sa kamay ay madali nalang siguro makatakas

Pero hindi pa siya nakakapag isip kung pano malalampasan ang mga tauhan nito ay muling binalik ng mga ito ang mahigpit na pag kakatali sa kamay niya

"Wala bang pahinga?" reklamo ni Kara

"You may go" rinig niyang sabi ni Hera sa mga tauhan nito saka naman ito lumabas sa silid. Tumingin si Hera sakanya para itong nakahinga ng maluwag nang makita nito ang kamay niyang hindi na niya magalaw sa higpit

"Bakit mo ba ginagawa sakin 'to?" putol ni Kara sa katahimikan ng kwarto

"Dahil pahamak ka" malamig parin nitong sabi at saka umupo sa harap niya

"Pano ako naging pahamak?" kumunot ang noo niya

Hindi siya pinansin ng dalaga kahit nainis siya sa ugali nito ay hindi na siya muling nag tanong pa

Hindi nag tagal ay nakaramdam siya ng antok

"HERA" napatingin si Hera sa pinto nang bigla itong bumukas

"Solon" walang emosyong bati niya sa binata. Tumayo siya at hinarap ang binata

"Fck what did you do to her?" nilampasan siya ni Solon at tinignan ang kalagayan ni Kara na ngayon ay natutulog na

"I did nothing" parang balewalang sabi nito at pabagsak na umupo sa couch

"Akala ko nakapunta siya kay Galen" sabi ni Solon habang tinatanggal ang pag kakatali ni Kara

"I wont let that happen" sabi naman pabalik ni Hera

"Galit na galit si Galen buti nalang walang masamang nangyari sa kanya" napahawak si Hera sa kanyang sintido nang marinig ang sinabi ni Solon

"Wag mong ipaalam kay Galen" pakiusap niya dito. Alam niya kung pano magalit ang binata

"Baliw ka kasi. Bat ganito kasi ang ginawa mo sa kanya" panenermon sa kanya ni Solon

"Mas maganda ang naging plano ko kesa sayo. Simula palang alam ko ng desidido siyang lumabas kaya hindi uubra ang plano mo" pag papaliwanag niya "Kahit san mo siya yayain kung hindi naman sa labas ng school yun hindi siya sasama sayo" dagdag niya pa

"At yun ang pinaka magandang paraan para mailayo mo siya kay Galen" sagot naman ni Solon sa kanya. Tumango siya

"Oo"

"Yun lang talaga? Wala ka ng maisip na iba?" gulat na tanong sa kanya ni Solon

"Meron pa"

"Ano naman yun, genius?" sarkastikong sabi ni Solon habang inaayos ang higa ni Kara sa isa pang mahabang couch

"Tell her everything or..."

"Or what?" nag hihintay ito ng kasunod

"Kill her"

👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top