CHAPTER 2

CHAPTER 2- MORACH ACADEMY

Xy's POV

Nagising ako 10:00 na kaya nag mamadaling inayos ko ang sarili ko para sa pag punta ko sa orientation namin. Halos mag ka tapilok tapilok ako habang nag susuot ng sapatos ko. Bakit ba kasi hindi ako nag alarm yan tuloy late ako

Kung gusto kong malaman yung sinasabi ni dad kahapon dapat makapunta ako doon ng hindi late. Nakakainis naman baka may nasabi sila tungkol sa school na 'to

Nang makalabas ako ng Girl's dorm. Ganon parin napahanga. Lalo na ngayon na andaming masasayang estudyante ang nag uusap at may kanya kanyang lakad. Mariin ang pag kakahawak ko sa bag ko. Bumuntong hininga muna ako saka nag lakad papuntang gymnasium

"Welcome to Morach Acasemy New and old students" narinig kong sabi sa loob ng Gym hindi pa man din ako nakakapasok nag sisilabasan na ang ilang mga estudyante

Badtrip. Wala na akong nagawa. Hindi ko naman na kayang ipaulit pa dun sa Dean ang lahat ng sinabi niya. Bakit ba naman kasi napaka antukin ko mahiga lang ako saglit makakatulog na ako

Tinignan ko isa isa ang mga estudyanteng dumadaan sa harap ko. Lahat sila nakangiti habang nakikipag usap. Katulad ng mga tao kapag nakakahanap sila ng bagong kaibigan. Biglang pumasok sa isip ko yung sinabu ni dad

'If it's not really a paradise then what it is? Heaven?'

Parang kasing anlayo layo ng school na 'to sa salitang gulo. Hindi rin siya bagay tawaging Hell Academy. Napaka layo. Lahat ng tao dito friendly, palangiti, wala nga atang bully dito o kahit mga spoil brats eh

Nag lakad lakad ako habang tinitignan ang nga tao sa paligid. Masaya talaga ang bawat taong nakikita ko sa paligid habang nag kwekwentuhan

"Hi" nakangiting bati sakin ng isang babae. Maliit lang siya at may maikling buhok. Sinabayan niya ako sa pag lalakad

"Hi" sabi ko rin at pilit na ngumiti

"Ako nga pala si Daisy" nakangiting pakilala niya

"Kara" pakilala ko rin dito

"Diba bago ka lang rin dito?" nakangiti parin siya. habang sinasabayan ako sa pag lalakad

"Yeah. How did you know?" tanong ko dito

"Hindi ko siguro naka attend ng orientation kanina. Lahat ng nadito sa school ay mga bagong students. Sa Thursday pa daw ang mga old students" kumunot ang noo ko nang sabihin niya yun

"Bakit daw ganon?" bigla akong naging interesado sa mga sinasabi niya. Siguro may kinalaman ito sa sinasabi ni Dad

"Gusto muna daw kasi nilang mag kakilala ang bawat new students saka na daw ang old students" paliwanag niya. Kunwari nalang ay naintindihan ko ang sinabi niya. Para kasi sakin ang babaw ng dahilan na yun. Pwede namang mag kakilala ang mga new students kahit nandyan pa ang mga old students

May tinatago ba 'tong school na 'to? O mashado ko lang iniisip yung sinabi ni Dad. Bakit pa ba niya kasi sinabi yun? Edi sana hindi ko iniisip kung ano ba talagang gusto niyang makita ko

"Kara nag lunch ka na ba?" tanong niya sakin. Umiling naman ako "Tara sabay na tayo" nakangiting yaya niya sakin. Sumunod nalang ako sa kanya dahil gutom narin naman ako. Nang makapunta na kami sa canteen agad namang nabigay ang order namin dahil wala pang pila 10:40 am palang kasi kaya wala mashadong tao pa

"Andami mong inorder, Kara kaya mo bang ubusin yan?" namamanghang sabi sakin ni Daisy

"Hmm. Ngayon ko lang kasi naalala na hindi pa pala ako nag be-breakfast" sagot ko dito. Kaya pala kanina pa kumakalam yung sikmura ko

"Ahh. Buti ka pa ayos lang sa magulang mo na marami kang kumain si momsie kasi ayaw niyang nasisira ang figure ko....." at nag simula na siyang mag kwento sa sarili niya. Sa kalahating oras na kasama ko siya parang naikwento na niya ata halos kalahati ng talambuhay niya. Madaldal siya pero hindi naman yung tipo ng madaldal na nag yayabang well konti lang naman

"Eh alam mo naman fashion designer si momsie marami na siyang napuntahang bansa. Naging designer pa nga siya ng isang sikat na artista sa Hollywood. Kaya binibili niya lahat ng gusto ko. Si Daddsie naman ang business namin siya naka focus. Malaki ang company namin. Wala na sigurong makakatalo samin." sabi niya at tumatawa pa "Gusto ko ngang sa susunod ang Zalirous Empire naman ang pabagsakin ng company namin eh. Ewan ko kung bakit ayaw ni dadsie" sabi niya ulit at umikot pa ang mata niya. Ako naman ngayon ang bahagyang natawa

"Alam ko kung bakit ayaw ng daddy mo?" nakangising sabi ko

"Huh? Bakit?" takang tanong niya

"Dahil hindi nila kaya ang Zalirous" malamig ang pag kakasabi ko. Natahimik siya sa sinabi ko. Tinapos ko ang pag kain ko. Uminom muna ako ng tubig at muli siyang tinignan. Nakatingin lang siya sakin na para bang pinapanood niya ang bawat galaw ko

"Your dad made the right choice. Dahil kung sinunod ka niya malamang hindi kita kausap ngayon at malamang hindi ka makakatungtong dito. Nandoon ka na sa lansangan humihingi ng limos" tumayo ako at bumulong sa tenga niya "Keep this on that little head of yours, Lady, You will never win a war against my family" I whispered and left her. Again, talking to people is not a really good idea

Lumabas na ako sa canteen at dumeretso nalang sa room ko dahil sa sobrang inis ko. Wala na akong balak makipag usap sa mga tao. Wala naman silang magandang sasabihin eh. Pero nagulat ako ng pag dating ko sa room ko nandoon si mama at papa

"Xy"  agad na tawag sakin ni mama ng mapansin niya ako

"What are you doing here?" tanong ko

"Last minute visit" nakangiting sabi niya

"Akala ko ba bawal na?"

"Nakatanggap kami ng sulat galing sa school na may last minute visit kaya pumunta na kami agad" sabi ni dad na nakaupo sa sofa ng mini sala ko dito sa room. Napatango nalang ako

"Hmm dad... Nalaman kong lahat pala ng nandito sa school ngayon ay mga bagong students at sa Thursday pa ang mga old. I just want to know why" tanong ko sa kanya. Sana lang mag sabi siya mg totoo o kaya ay sana wag siya mag bigay ulit ng pala isipan sakin

"Gusto muna kasi nilang mag kakilala ang mga new students bago pa sila mahaluan ng old students" sagot naman ni dad

"I'll just make juice for us" nakangiting sabi ni Mom. Hindi na niya inalam ang sagot namin at lumapit agad sa maliit na bar counter dito sa kwarto

"Another reason. I already hear that" malamig na sabi ko dito. Bahagya naman siyang natawa

"Have a sit first, Xy" sabi niya kaya para matapos na ang usapan ay sumunod narin ako

"Iniisip mo parin ba yung sinabi ko? Kung iniisip mo mahihirapan ka lang. Kaya kung ako sayo mananahimik nalang ako sa isang tabi at mag antay ng mangyayari" seryosong sabi niya. Kaya napakunot ang noo ko

"Ano bang mangyayari dito, dad?" seryoso din ang pag kakasabi ko. Biglang ngumisi si dad at hindi ko alam pero kinabahan ako

"Wala naman. Mga simpleng bagay lang na alam kong kaya mo" nakangising sabi parin niya at sumandal sa couch

"Get straight to the point Dad" kunot noong tanong ko. Medyo naiinis narin ako dahil palagi niya nalang ako binibigyan ng pala isipan

"Just enjoy first your stay with the new students. Thursday pa ang pasok nila Tuesday palang ngayon. Dapat bukas may kaibigan ka na" seryoso parin siya kaya mas lalo akong nag hihinala. Ano bang meron sa mga old students

"Hindi ba ako pwedeng makipag kaibigan sa mga old students nalang?" tanong ko. Mas madaling malaman ang kung anong meron dito sa school kung sila ang tatanungin ko

"NO!" medyo nagulat ako ng mapalakas ang pag kakasabi niya yun "Fine pero mamili ka nga kakaibiganin mo" sabi niya ng ma realize niyang napasigaw pala siya. Mukhang hindi talaga mag sasalita si Dad. Ako na talaga ang kailangang makaalam ng lahat. Pakiramdam ko kasi may tinatago sakin si dad

"Meryenda muna tayo" biglang dumating si Mommy na mag dalang juice at bread. Just like when I was young

I miss it. Yung kaming tatlo masaya habang nag memeryenda. Nasira lang talaga nung...

Flash Back

8 years ago

"Hi beautiful Kara" napatingin ako sa tumawag sakin

"Hmm Hi. How did you know my name po?" tanong ko sa babae. Nakasalamin siya at naka hat kaya tanging ngiti sa labi niya lang ang nakikita ko

"Maganda ka kasi kaya alam ko" napangiti ako sa sinabi niyang yun at mas lalo pa akong nag pacute. Gustong gusto kasing marinig ang mga puri ng iba sakin

"What's your name po?" tanong ko dito. Dahil mukha naman siyang mabait

"Hmm tawagin mo nalang akong Miss Violet" Hindi parin mawala wala ang ngiti niya sa labi. Umupo siya na kapantay ko at kahit di ko nakikita ang mata niya parang titig na titig sakin ito. Hinawakan ko yung shades niya at binababa ito. Nakita ang violet eyes niya. Hindi ko alam kung contact lense ba yun o totoo pero nagandahan talaga ako sa mata niya

"Ang ganda po ng mata mo" naiusal ko nalang bigla. Mas lalo naman siyang ngumiti

"Talaga maganda" natatawang sabi niya

"Opo. Sana ganyan din mata ko" masiglang sabi ko sa kanya

"Hindi pwede, ako lang dapat. Saka maganda naman yung mata mo eh" malambing na sabi niya. Napangiti naman ako lalo

"Talaga po?"

"Oo naman. Gusto mo sumama ka sakin. Papakilala kita sa doctor na umayos ng mata ko" nakangiting sabi niya. Agad naman akong umiling

"Sabi ni Daddy papagalitan niya daw ako kapag wala akong kasamang yaya kapag aalis ako eh" malungkot na sabi ko

"Sige wag nalang. Gusto bilan nalang kita ng cotton candy?" tanong niya sakin saka tinuro yung vendor ng cotton candy. Masigla akong tumango at pumunta na kami doon sa nag titinda

"Isa nga po manong" sabi ni Miss Violet sa nag titinda. Agad naman niya akong ginawan "Manong paki dagdag naman ito pandagdag lasa" sabi niya sa tindero. Hindi ko nalang pinansin iyon dahil tuwang tuwa talaga ako kay Miss Violet

Binigay na sakin ni Manong at umupo kami sa bench dito sa park. Sumubo ako ng cotton candy

"Kara! nako kang bata ka. San ka ba nag pupunta" biglang dumating si Yaya Meli "Ay sino ba yang kasama mo. Ano bang sabi ng daddy mo. Halika na nga at umuwi na tayo" sabi pa ni yaya

"Yaya mabait naman si Miss Violet eh" pag mamaktol ko habang kumakain ng cotton candy

"Binilan ko lang naman si Kara ng cotton candy. Pasensya na po" magalang ang pag kakasabi ni Miss Violet kaya mas lalo akong natuwa sa kanya

"Wag mo nalang basta hila hilahin ang alaga ko" masungit parin ang pag kakasabi ni yaya "Tara na Kara umuwi na tayo" wala na akong nagawa nung yayain na ako ni Yaya Meli na umuwi dahil ngayon ko lang siya nakitang galit. Pero pag tayo ko bigla akong napahawak sa bench at nag blu-blur ang paningin ko

"Yaya Meli" mahinang tawag ko za kanya

"Kara--" lalapit dapat sakin si Yaya pero pinigilan siya ng dalawang lalaki at nakita ko nalang na nakahandusay na si Yaya at may dugo. Napalingon ako kay Miss Violet. Hindi na ngiti ang nakita ko dito mala demonyong ngisi

"W-What are y-you doing, Miss--" hindi ko na natapos yung sasabihin ko at bigla nalang ako nawalan ng malay

Paggising ko nasa isang malambot na kama ako. Bumungad sakin ang nakangising si Miss Violet. Agad akong umatras at nangingig ako habang nakahawak sa kumot

"Welcome to Eagles Nest, Queen"

End of Flash Back

"Baby are you ok?" nag aalalang sabi ni Mommy. Tipid ko siyang nginitian at marahang tumango

"Do you want us to sleep here?" tanong niya ulit

"Yes please" napangiti sila ng marinig ang sagot ko

"Bukas ang first day niyo diba" tanong ni dad

"Yeah. Pero bat ganon mag sisimula ang klase ng wala pa yung mga old students?" tanong ko din

"Oo naman. Mas magulo lang kasi kapag nandyan ang old students" si dad ang sumagot. Tumango nalang ako kahit hindi ako naniniwala sa dahilan nila

Mabilis nag daan ang oras dahil marami rin kaming ginawa sa loob ng kwarto ko nag laro kami, nonood ng movie at nag kulitan. Kahit papano naman ay tumatawa ako dahil alam kong ginagawa nila ito para sakin. Para maibalik ang dati

Mag kakatabi kami ngayon ni Mommy at Daddy pinapagitnaan nila ako

"We love you, Xy" bulong sakin ni Mommy

Hindi ko siya sinagot at pumikit nalang

👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top