CHAPTER 19
CHAPTER 19 - DON'T
Xy's POV
Masaya akong bumangon sa higaan ko. Ngayon ko lang ulit naramdaman yung agan sa pakiramdam ko. Sa wakas meron narin akong nahanap na tao para tulungan ako. Tutulungan niya akong mahanap si Galen
Para akong nanumbalik sa sarili ko nang sumasayaw sayaw pa akong pumuntang banyo para mag toothbrush. Mamaya pa naman yung pasok ko napa-aga lang talaga ang gising ko
Pag katapos ko kay pumunta na akong kusina para kumakain. Habang nag hahanda ako ng agahan ko kumakanta rin ako ng love story ni Taylor Swift
Bata palang ako mahilig na talaga akong sumayaw at kumanta. Kahit sobrang taas niyan. Natatawa nalang ako sa sarili habang inaalala yung mga pinag gagagawa ko nung bata pa ako
"It's really nice to see you smiling, Kara"
"Ay Romeo!" napatili ako nung may biglang nag salita
"T? bakit ka ba nang gugulat? at pano ka nakapasok sa kwarto ko?!" gulat na tanong ko sa kanya
"Who is Romeo?" madilim yung mukha niya habang sinasabi yun
"A-Ah?" hindi ako nakasagot agad. Pano ba naman kasi ang talim ng tingin niya sakin. Parang sinasabi niya na wag akong mag kakamaling mag sabi ng sagot na di niya magugustuhan
"Who is that asshole?" pag tatanong niya ulit
"Ah si Romeo boyfriend ni Juliet" nag aalangang sagot ko
"He already have a girlfriend then why do you still saying his name? Are you in love with him?" kunot noong tanong niya
"Hindi" pag tatanggi ko agad. Ayokong agawin ang Romeo ng iba. My own Romeo will come to be with me. I just need to wait for him
"Then why are you still thinking of him?" hindi parin mawala ang dilim sa mukha niya. Hindi ko alam pero natawa ako sa reaksyon niya. Almost everybody know who's Romeo and Juliet
"Don't laugh at me, Kara" seryoso paring sabi niya. Nag kibit balikat nalang ako
"Bat ka nga pala nandito? And how did you get in?" kunot noong tanong ko
"I have my ways" malamig na sabi niya
"Whatever, T" I said and roll my eyes. Nakita ko siyang natigilan
"Hmm may problema?" takang tanong ko sa kanya kanina pa kasi siya nakatingin sakin eh at naiilang ako
"Nothing. You're just beautiful so I can't keep my eyes on you" umiwas nalang ako ng tingin sa kanya at pinigilan ang ngiting nag babadyang lumabas dahil sa sinabi niya
"Kumain ka na ba?" pag iiba ko ng usapan
"Not yet. I want to eat with you, if you don't mind" sabi niya at umupo sa hapag kainan
"Nakaupo ka na. Ano pa bang magagawa ko" mahina kong sabi. Hindi ko alam kung narinig ba niya yun
"Anong oras ng pasok mo?" biglang tanong niya habang kumakain kami. Uminom muna ako ng tubig saka tumingin sa kanya
"9:30" maikling sagot ko sa kanya
"Tapos ka na?" tanong niya ulit tinutukoy yung pag kain ko. Tumango nalang ako. Nagulat ako nung kunin niya ang platito ko at dinala sa lababo. Inangat niya ang long sleeve niya at kumuha ng sabon at sponge
"T-Teka anong gagawin mo?" tanong ko na para bang hindi ko alam kung ano bang gagawin niya
"I'll wash the dishes, What do you think?" he said, sarcastically
"Hindi mo naman kailangan gawin pa yan" sabi ko pa
"Shut up and let me do what I want to do" malamig na sabi at nag simula ng mag hugas. Gusto ko pa sana siyang pigilan pero parang hindi naman ako mananalo dito
Nakatingin lang ako dito habang ito ay nag huhugas. Natatawa ako minsan kapag nadudulas ang plato sa kamay niya. Halatang hindi ito sanay mag hugas. Ako kasi sanay na sa gawaing bahay kahit naman mayaman ang pamilya ko gusto ko paring matuto ng gawaing bahay kaya naman ang ginawa ko sumasama ako sa mga katulong namin sa bahay. Buti nalang at suportado ako ni Mommy at Daddy. Hindi naman kasi ako nag papigil
"Stop staring" malamig parin niyang sabi. Sumula ng pumasok ito ng walang paalam sakin hindi parin nag babago ang boses nito. Umiwas nalang ako dahil nakakahalata na itong naka titig ako sa kanya
"Tara hatid na kita. I know you don't want to get punishment again" sabi niya pag katapos niyang mag hugas. Nag pupunas na ito ng kamay. Kinuha ko na ang gamit ko at sabay na kaming lumabas sa kwarto ko. Pumayag narin akong mag pahatid dito dahil hindi naman ako makakalaban doon kay Carlos kapag nag tagpo nanaman yung landas namin
"How was your stay, so far?" tanong niya habang nag lalakad kami
"Hellish" maikling sagot ko. Ganon naman talaga ang naranasan ko dito sa school na 'to. Mag iisang buwan palang ako dito pero ang dami na agad na dumating na parusa sakin. Iilang beses narin akong muntikan ng mamatay
"Wag ka lang lalabag ng mga patakaran dito sa school. That's the only way to survive" parang baliwala niyang sabi
"Eh pano ang mga taong susubukan kang patayin?" tanong ko sa kanya
"Siguradong narinig mo na 'to. Morach na ang pinaka maayos na school kumpara sa ibang school ng Empire. Hindi naman pumapatay ang mga tao dito dahil trip lang nila. It maybe because of power you want to have. Ganon naman karaniwan ang labanan sa Mafia" parang bored na bored niyang sabi. Nakapamulsa ito at cool na cool kung mag lakad
Tumango nalang ako. Siguro naman makakapag katiwalaan ang mga sinasabi nito
"Dito nalang" sabi ko sa kanya nung huminto kami sa harap ng classroom. Buti nalang wala pang teacher
"Pag katapos ng klase mo pumunta ka kung saan tayo unang nag kita" mahinang sabi niya sakin. Napatingin naman ako agad sa kanya
"Bakit?"
"You want to find Galen, right? We'll go outside" paliwanag niya sakin. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya
"Talaga? Sa labas ng school?" gulat na tanong ko sa kanya
"Yeah" maikling sagot niya sakin
"Kaya mong gawin yun?" hindi ko mapigilang itanong iyon
"Yeah" kahit isang tanong, isang sagot lang siya masaya parin ako kasi ilalabas niya ako dito kahit saglit lang
"Sige kita nalang tayo mamaya" alam kong may ngiti sa labi ko habang sinasabi iyon. Tumango nalang siya. Ako naman ay dumeretso sa classroom
Bigla tuloy akong na-excite sa pag labas namin ni T
Nakakapag-taka lang na hindi ko inintindi muna sa si Galen ngayon. Ang gusto ko lang sa ngayon ay ang lumbas sa school na 'to
Naging aktibo ako sa klase para mas mapadali ang oras. Iniisip ko palang na lalabas ako sa school ay hindi na maalis ang saya ko
Kapansin pansin na wala si Ms. Jane sa mga araw na nag daan. Pero hindi ko na pinansin iyon mas mabuti ngang hindi kami nag kikita. Baka mag sabi nanaman siya ng mga bagay na nakakapag-pagulo sakin
"Class dismiss" pag kasabi na pag kasabi nun ay agad akong tumayo kasama ang bag ko. Wala ring paalam paalam na lumabas ako ng classroom
Pero hindi pa ako nakakalayo ay may tumawag na sakin. Lumingon naman ako dito
"Solon" tawag ko sa pangalan niya. Lumapit siya sakin ng may seryosong mukha
"San ka pupunta?" seryoso parin ang boses niya
"Sa..." nag isip muna ako. Kung sasabihin ko sa kanyang lalabas ako malamang na hindi pwepwede yun. Siya kaya ang Supreme Vice president ng council baka maparusahan rin si T dahil siya ang nag-aya saking tumakas
"Sa kwarto ko" yun ang napili kong isagot. Kung sasabihin kong sa canteen ay baka sumama pa ito
"Lets have coffee first" sabi nito sakin. Agad naman akong umiling
"H-Hindi na. Mag papahinga kasi ako eh" palusot ko dito
"Kara" napatigil ako sa uri ng boses na ginamit nito. Para bang alam niyang nag sisinungaling ako sa kanya at naiirita na 'to
"Solon, please not now" nag titimpi kong sabi. Baka nag hihintay na si T doon
"Kara, don't lie. Alam ko kung saan ka pupunta" gulat akong napatingin sa kanya
"W-What?" yun lang ang lumabas sa bibig ko
"Wag ka ng tumuloy. Pareho ko kayong bibigyan ng parusa kung pupunta ka parin doon" seryoso parin ito kaya hindi malabong gawin nga nito ang pag paparusa sa kanilang dalawa
Pero mas nanaig parin sakin ang kagustuhan kong makalabas dito kahit saglit lang
Hindi naman rin sapat ang pinag samahan nila ni Solon para palampasin siya nito. Sabi nga nila pantay pantay kung tumingin ang Council kahit siguro malapit ka pa niyang kaibigan ay hindi ka parin makakatakas
Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas para makipag tagisan ng tingin sa walang emosyong mata ni Solon
"Wag mo akong diktahan sa kung ano ang dapat kong gawin" inis na sabi ko sa kanya at tinalukuran siya
"Kara" tawag niya sakin pero hindi ko na siya nilingon
Mabilis akong nag lakad para makalayo agad sa kanya. Nakapunta naman agad ako sa labas ng builing
Natatanaw ko na si T na nakasandal sa kotse niya. Halatang naiinip na ito. Mashado akong natagalan sa pakikipag usapan kay Solon. Hinarang pa kasi ako eh
Lalapit na sana ako sa kanya pero isang mabilis na kamay na may panyo ang tumakip sa bibig at ilong ko
T
👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top