CHAPTER 15

CHAPTER 15 - MS. VIOLET

Xy's POV

Nakatingin lang ako sa kanya habang siya naman ay ina-unlock ang kandado ng selda dito. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nandito. Tirik na tirik pa ang araw

"Bakit ka niya pinarusahan?" malamig na sabi niya. Binuksan niya ang pinto at lumapit sakin

"Na late ako" matamlay kong sabi

"Can you walk?" ayoko mag assume pero parang nag aalala yung boses niya. Tumayo nalang ako. Kaya kong mag lakad 'no. Namamanhid lang ang ilang paa ko dahil sa sobrang tagal ko sa posisyong yun

"Gutom na ako" yun lang ang nasabi ko at nauna ng lumbas. Hindi ko alam pero napangiti ako sa kadahilanang alam kong nakasunod siya sakin

Inorder ko lahat ng gusto ko at humanap ng upuan

Nilapag ko ang pag kain ko at umupo sa lamesang nahanap ko. Hindi na ako nagulat nang umupo yung lalaki sa harap ko

"Bat wala kang maskara ngayon?" pag tatanong ko nung napansin kong wala nakaharang sa mukha niya

"You already saw my face. Wala na akong pag gagamitan nun" inip na inip na sagot niya

Tumango nalang ako at pinag patuloy ang pag kain ko

"Ikaw, Bakit hindi mo tinatanggal yang bonnet mo?" biglang tanong niya. Biglang akong nawalan ng gana. Mapait akong napangiti

"You know why" mahina kong sabi

"Believe me hindi nila yan pandidirihan" para bang siguradong sigurado siya sa sagot niya

"Hindi lang naman yun eh" mahina ang pag kakasabi ko pero alam kong narinig niya yun

"I'm interested to know you, Kara, kaya sabihin mo sakin" seryosong sabi niya sakin

"Sino ka ba at parang alalang-alala ka sakin. You're nothing but a stranger to me kaya wag mong pag himasukan ang buhay ko" garalgal ang boses ko at pinipilit ko lang na hindi kumawala ang mga luha ko. Tuwing naaalala ko yun di ko parin mapigilang matakot

Tumayo ako at nag lakad na papalayo sa kanya. Dumeretso ako sa kwarto ko at doon nag kulong. Sigurado kapag nalaman niya lalayuan niya ako dahil sa panganib ng buhay ko. Alam kong hindi titigil si Ms. Violet sa pag hahanap sakin

Hindi ko alam nakatulog na pala ako sa kakaiyak

...

Nagising ako sa katok ng pinto. Pag tingin ko sa bintana gabi na pala. Tumayo ako at pinag buksan ang kumakatok. Isa itong babae. Nakangiti at may dalang pag kain at inumin

"May nag papabigay sayo. Sabi niya ay hindi ka pa raw kasi kumakain" nakangiting ibinigay niya sakin ang tray. Tumango nalang ako sa kanya at isinara na ang pinto

Tamang tama gutom na ako. Hindi ko kasi naubos yung pag kain ko dahil doon sa lalaking yun

Teka. Ngayon ko lang napag tantong di ko parin pa pala alam ang pangalan niya. Lagi kong nakakalimutan. Bukas nga tatanong ko

Sinimulan ko nang kumain. Mabilis ko lang itong natapos at uminom ako ng juice. Naubos ako ito. Ilalapag ko na sana yung basa nang makita ko sa harap ko si Ms. Violet

Nabitawan ko ang baso. Alam kong nabasag ito pero hindi ko iyon pinansin. Mas mahalaga ang tao ngayon sa harap ko

"A-Anong ginagawa mo dito?" takot na takot kong sabi. Naiiyak rin ako dahil alam ko na ang susunod na mangyayari

"Queen" bulong niya na nakapag patayo ng balahibo ko. Umatras ako

"Please don't take me" pag mamakaawa ko. Ayoko na dito. Ayoko na mapunta ulit sa loob ng kulungang yun. Ayoko ng ibuwis ang buhay ko para lang sa pansarili niyang kasiyahan

"I'll take you back, Queen" natatakot ako sa kanya. May mga ngisi siya sa labi na nakakapag pakilabot sakin. Ayoko na ulit mabuhay sa takot

"Please please" yun lang tanging nasabi ko. Ayoko sa sobrang takot na nararamdaman ko ngayon. Naramdaman ko na ito noon. Noong nasa kamay niya ako. Noong siya pa ang kumokontrol sa walang kwenta kong buhay

"Xy" napalingon ako sa nag salita

"D-Devil" masaya kong sabi pero hindi parin mawawala doon ang luhang patuloy na tumutulo

"Run, Xy, Run" sigaw niya sakin

"No please. Run with me, Devil" iyak na ako ng iyak. Hanggang ngayon pa ba naman siya parin ang mag liligtas sakin

Lumapit ako sa kanya pero lumayo lang siya sakin

"Save yourself" sabi pa niya

"No! I can't leave you again" nasapo ko ang mukha ko. Ayokong iwan nanaman siya. Ayokong iligtas lang ang sarili ko. Kung makakaligtas ako dapat ganon rin siya. Dapat mag kasama parin kami

"Just run" sigaw niya. Napaigtad ako pero gusto ko paring lumapit sa kanya

"I want you to run with me this time" humihikbi kong sabi

"I want to be with you" garal-gal kong sabi. Masasaktan nanaman ako. Wala nanaman akong magawa. Wala parin akong kwenta. Wala parin akong magawa para sa kanya

"I can't run with you, Xy" malambing na sabi niya at hinaplos ang mukha ko. Dinama ko lang ang haplos niya. Mas lalo ata akong naiyak. Yung pag haplos niya sa pisngi ko para bang sinasabi niyang sinabi na paalam na

"Lets be safe together" bulong ko sa kanya pero ngumiti lang siya

"Save yourself" naiiyak ako lalo sa lambing ng boses niya. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa pisngi ko

"I promise to save you" tumitig ako sa mata niya pero wala akong nakikita ni isang emesyon doon

"And I promise to wait for you" nakangiting tumango ako sa kanya. Pumikit ako para damhin ang pag hawak niya sa pisngi ko at ang pag hawak ko sa kamay niya

Yeah. He'll wait for me. Sana kahit gano katagal iyon mahintay niya ako. Sana maabutan ko pa siya. Hindi ko kakayanin kung mawawala siya

"Xy" napabukas ako ng mata. Nanlaki ang mata ko nung may dugo na lumalabas sa bibig niya. Unti unting nabubuo ang kaba sa loob ko

Napalingon ako kay Ms. Violet. Nakangisi ito habang hawak ang isang baril. Tuloy tuloy nanaman ang pag agos ng luha ko

"Devil" tawag ko sa pangalan niya. Nasa lapag na siya ngayon at nag aagaw buhay

"Devil hold on" sabi ko pa sa kanya at umupo sa tabi niya

Wala akong magawa kundi ang umiyak. Kapag nandito sa Ms. Violet hindi ako makagalaw at takot lang ang tanging nararamdaman ko

"S-Save yourself" yun lang ang huli niyang sinabi at nawalan na siya ng pulso

Takot na takot akong tumingin kay Ms. Violet. May ngisi itong nakakakilabot sa labi

"Kill me also" galit na sigaw ko sa kanya

Iyak lang ako ng iyak

"Kara" may tumatawag sa pangalan ko pero parang wala ako sa tamang wisyo ngayon

"Fck Kara" rinig ko pang sabi niya. Pero hindi ko siya magawang tignan. Ni galawin ko man lang ang katawan ko ay hindi ko magawa

Napaangat lang ako ng tingin nung nasa harap ko na siya

"Ikaw na ba yung mag liligtas sakin?" bigla kong tanong sa lalaking hindi ko alam ang pangalan. Alam kong punong puno parin ng luha ang mukha ko

"Ikaw ba si Galen?" mahina pero alam kong narinig niya iyon

Bigla akong nahilo at sumakit ang ulo ko

Napahawak ako dito at sumigaw sa sakit

At naging malabo na ang mga sumunod na nangyari

Sana ikaw nga si Galen

👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top