CHAPTER 14

CHAPTER 14 - GALEN

Xy's POV

Halos binuhat ko na yung katawan ko para lang makatayo. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Antok na antok parin ako dahil mag damag kong inisip yung mangyari kagabi

I'm not thinking about that stranger who kissed my forehead huh. Ang dahilan naman ng laging pag pupuyat ko ay ang Eagles they are always in my nightmare

'Devil, May pag asa pa ba akong makita ka ulit?'

Bulong ko sa hangin. Gusto ko ulit makita yung lalaking dahilan kung bakit wala na ako sa poder ng mga Eagles ngayon

Siya rin ang dahilan kung bakit hindi ako makapag move on sa Eagles nangako akong ako naman ang mag liligtas sa kanya 

But I can't do that alone. I need that guy who saved me. Tingin ko siya lang makakatulong sakin

Tamad na tamad akong tumayo para maligo. Siguradong may paparusahan nanaman ako kapag nalate ako. Wala nga si President Aihika dito pero nandito parin si Carlos kaya kaya niya parin ang parusahan

Kahit gusto kong bilisan ang pag kilos ko wala paring nangyari. Nakatulala ako habang shina-shampoo ang buhok ko. Kahit nung mag anlaw ako ay tulala parin ako

Kaya kahit anong gawin ko late padin ako

Nag lalakad ako nang humarang si Carlos. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Katulad ng dati ay nakangisi ito. Na para bang may kalokohan nanaman itong ginawa

"You're late in your first subject, Lady. Hope you're aware of that" may ngiti siya sa labi na hindi ko nagustuhan. This is it... another punishment

"Jail punishment is waiting for you" napayuko nalang ako. I really hate punishments

"Follow me" dagdag niya at nauna ng mag lakad. Wala akong magawa kundi ang sumunod sa kanya. Ano nanaman kayang magyari doon sa Jail Punishment

Ilang pasikot sikot pa ang dinaanan namin at nakarating rin kami sa isang literal na kulungan

"You'll stay here until midnight. No foods nor drinks" nanlaki ang mata ko nung sabihin niya yun. Hindi pa ako nag aalmusal at hindi rin ako nag hapunan kagabi dahil sa sobrang iyak ko

"Base on your face you haven't eat anything yet" natatawa nitong sabi "It's your punishment for being late. Sana hindi mo na ulit ito gawin" ngumiti siya sakin at tumalikod na pag katapos niyang susian ang rehas

Nanghihinang napaupo nalang ako sa malamig na sahig. At sinubsob ko nalang ang mukha ko sa dalawang braso ko. Wala akong makakausap dito. Nasa dulo ito ng mahabang hallway. At wala ring dumadaang studyante dito malamang

Naiiyak ako sa sama ng loob. Kailangan ko bang maranasan ito linggo linggo. Hindi na ba ako makakapag aral na hindi ako nasasaktan. Sawang sawa na akong masaktan

Nakauko lang ako. Nangangawit na ako sa posisyon ko pero wala akong pakielam. Medyo nahihilo na ako dahil sa gutom pero tinitiis ko parin

Isa ang natutunan ko dito sa Morach wag na wag kang mag papakita ng kahinaan. Maraming pwedeng manggamit sa iyo dito kung mahina ka

Gusto ko ulit tawagin si Mommy at Daddy pero alam kong hindi sila darating. Katulad ng dati. Pero yung lalaking yun dumating siya kahit hindi ko siya tinatawag. Tinulungan niya ako kahit hindi ko siya kilala at kahit hindi niya ako kilala. He was in that time when I needed someone to hold on. Kaya sigurado akong siya lang ang makakatulong sakin

Siya lang...

"Ehem" napaangat ako ng tingin sa lalaking tumikhim

And my heart skip a beat again when his eyes meet mine...

Solon's POV

"Hindi siya umatend sa dalawang subjects niya" nag aalangan kong sabi sa kanya. Malamang kasi na magagalit siya kapag nalaman niya

"Did you already check her room?" nakahawak siya sa sentido niya at alam kong naiinis rin siya

"Yeah pero wala siya roon. I even check the punishment rooms pero wala namang pinaparusahan ngayon" sabi ko pa sa kanya. Nako nasan ka na ba kasi Kara? ako nanaman sasalo ng galit nitong taong 'to eh

"Find her, Solon" naiiritang sabi niya

"Relax, bro, para namang makakalabas siya dito sa school" sarkastikong sabi ko sa kanya

"Dami mong sinasabi" magagalit na yan. Pft kahit kelan pikon talaga

Natatawa ko nalang kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang secretary nila dito sa Morach

"Yo Julianne" bati ko dito

"Ikaw po pala, Master , How may I help you?" ang pormal mashado ni Julianne. Sa pananalita, pananamit at sa pag kilos. Babaeng di mo aakalaing may kabaliwang taglay

"Could you please call mister Lahar. Tell him to go here at Thales office" masaya kong sabi sa kanya

"Copy, Master" yun lang ang sinagot niya sakin at pinatay na ang tawag

"Oi wag ka ng mag alala dyan" natatawang sabi ko sa kanya. Para na kasi siyang maiihi kakaisip

"I'm telling you, Solon, just shut your mouth up before I bury you alive" pag babanta niya sakin. Natawa nalang ako ng palihim. May kumatok sa pinto

"Pasok" sigaw ko. Agad namang binuksan ni Carlos ang pinto at pumasok

"You called me, Master" nakangiti niyang sabi. Kahit kelan talaga ito walang kaseryosohan sa katawan kaya nag kakasundo kami nito eh

"Maupo ka" yaya ko sa kanya. Sumunod naman siya sakin at umupo sa harap ko

Si bro kasi ang nakaupo sa swivel chair ko. Kapal ng mukha eh

"N-Nandito ka pala, Master Galen" gulat na sabi ni Carlos dito. Tumango lang ito

"May itatanong lang ako sayo Carlos" ako na ang kumausap sa kanya dahil wala naman atang balak yung isa dyan makipag usap

"Anything, Master" magalang na sagot niya sakin

"Do you know Kara Zalirous?" paunang tanong ko. Malay mo nakita niya pala

"I know Zalirous but I don't know they have a child" takang tanong niya. Oo nga pala 6 years nawala si Kara kaya malamang karamihan ay hindi alam na may anak pala ang mga Zalirous

"They have. Anyway may naparusahan nanaman ba?" yun nalang ang tinanong ko. Marami pa kasing punishment rooms na talagang student council lang ang nakakaalam sa isang school. At hindi naman ako kabilang sa student council dito sa Morach kaya malamang hindi ko alam kung nasan pa ang iba

"Ah yeah. In Jail Punishment" tila nalala nitong may pinarusahan pala siya

"Babae o lalaki?" kinakabahan kong tanong. Napatingin naman ako kay Boss at nakita kong nakakunot noong nakatingin siya kay Carlos

"Babae" pagka sabing pagkasabi nun ni Carlos agad na tumayo si Boss

"Tell me where the hell is that Jail" seryosong sabi nito. Nakita kong kinakabahan rin si Carlos base sa mukha nito

"Follow me" sabi nito at alanganin pang ngumiti

Sumunod narin ako sa kanilang dalawa. Anlayo na namin sa mga istudyante magang lugar ito para parusahan ang isang tao. Kahit siguro mag sisisigaw iyon ay walang makakarinig

Malayo palang kami sa Jail Punishment pero kitang kita ko na ang bulto ng katawan ni Kara

"Solon, Could you please give Mr. Lahar a punishment. I think he needs it" galit niyang sabi

"What? Boss!" nakita ko ang pag tutol sa mata niya pero wala siyang magagawa. Ginalit na niya ang Boss

"Come on, buddy, You punish the wrong person" seryoso kong sabi kay Carlos at tinapik na ang balikat niya

Gustong gusto mo na talaga siya, Galen

👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top