CHAPTER 11
CHAPTER 11 - FIELD PUNISHMENT
Xy's POV
Nakaalis na sila Mommy and Daddy pero heto parin ako nakatulala. I can't believe I just did it again. Pinipilit ko na iyong burahin sa alaala ko pero bakit nag pupumilit itong bumabalik
Hindi ko talaga matanggap ang ginawa ko. Hindi ko na dapat yun ginawa kung ayaw kong maalala naman siya
Isinubsub ko nalang ang mukha ko sa ilalim ng unan. Kanina pa ako nakahiga at nag papahinga pero pakiramdam ko pagod na pagod parin ako
"Good day, Students" rinig kong sabi ng speaker. Rinig naman yata yun sa buong school
"We are sorry to tell you but the Welcome party is cancel. It is because of some matter. But don't worry the party will continue next week. That's all, thank you" Napabuntong hininga ako. Alam kong dahil sakin kaya hindi matutuloy ang party
Dahil pumatay ako. Inis akong sumigaw habang ginugulo ang buhok ko
Ang tanga tanga ko. Bakit ko ba naisip gawin yun. Mashado akong nadala sa emosyon ko
At ngayon mukhang mag tatagal pa ang Council dito sa school
Imbis na isipin ang mga kaganapan sa buhay ko ay pinili ko nalang matulog dahil wala naman palang magaganap na party
Kahit na hindi ko alam kung papatulugin ba ako ng konsensya ko ay pipilitin kong matulog
~ K I N A B U K A S A N ~
Nandito nanaman ako sa classroom nag bibilang ng oras. Kahit kelan ay hindi ko ginusto ang pag aaral pero kailangan
"Class dismiss" ako agad ang unang tumayo nung sabihin yun ng teacher. Nauna narin ako lumbas dito
Pero nagulat ako at napahinto nung makita ko si Solon na nag hihintay sa labas ng classroom. Hindi ko nalang ito pinansin at nag deretso sa pag lakad. Baka hindi naman ako ang ipinunta niya dito
"Kara" seryosong tawag niya sakin. Napalingon naman ako dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso
"Hmm?" tanong ko
"Mag sabi ka sakin ngayon" seryoso parin siya kaya kinabahan ako
"Anong sasabihin ko?"
"Nag dala ka ba ng kotsilyo sa White Room?" tanong niya habang nakatingin sa mata ko
"Hindi" seryoso ko paring sabi
"What the fck" mahinang bulong niya at sinapo ang noo niya
"W-What happen?" naguguluhan kong sabi. Hindi ko alam pero kinakabahan ako
"Punta tayo kay Aihika" hinila niya ako matapos niyang sabihin yun. Nag pahila nalang ako sa kanya
"Who is Aihika?" tanong ko sa kanya
"The Supreme President" malamig niyang sabi ng hindi tumitingin sakin. Automatic na napahinto ako nung marinig ko ang sagot niya
"Ayoko na siyang makita" alam kong may bahid ng takot ang boses ko. Natatakot ako sa maaring iparusa nanaman niya sakin
"Don't worry, Kara, She can't punish you again while I'm here" that is actually sweet but I know Solon won't be on my side always
Tumango nalang ako at sumunod sa kanya papunta kay President
Nang pumasok kami sa isang pintuan. Naabutan namin si President na nakaupo sa swivel chair niya habang kinakausap ang isang lalaki
"Aihika" tawag sa kanya ni Solon. Napatingin samin ang dalawa. Pero napatigalgal ako nung makilala ko kung sino ang lalaking iyon
"S-Siya yung lalaki sa White Room" bulong ko at alam kong narinig iyon ni Solon pero hindi ako sigurado kung narinig nila President
"Siya nga, Master siya yung pumatay sa mga kasama ko" galit na sabi niya at dinuro pa ako
"Are you the one who brought a knife in White room?" kunot noong tanong ni President
"I didn't. It wasn't me" tanggol ko sa sarili ko
"Ikaw yun" paninisi niya ulit
"Ikaw yun. Nag labas ka ng patalim" fck hindi ako yun
"Kung walang aamin sa inyo. Sasamahan niyo si Amy sa Field Punishment" mariing sabi ni Aihika. Nanginig naman ang buong katawan ko nang marinig ko ulit ang parusa
"It's not me" napahilamos ako sa mukha ko dahil pakiramdam ko tutulo na ang luha ko
"Bringing a weapon in White room is highly prohibited. Lalo na ng may namatay doon. At bawal iyon sa patakaran ko. Pumatay ka na kahit saan wag lang sa White room" galit itong tumayo habang nakatingin saming dalawa "Kung walang aamin sa inyong dalawa. Both of you will taste my punishment" sigaw niya at pinalo pa ang lamesa. Lahat kami ay napaatras. Nang mahagip ng mata ko si Solon bumuntong hininga lang ito at tila nag iisip
Sana isipin niya rin kung pano ako makakaalis dito ng walang natatanggap na parusa
"Supreme President Aihika" napatingin kami sa nag salita. Teka! ito yung babaeng humarang sakin dati. Bakit siya nandito?
"You need anything, Hera?" si Solon ang nag salita
"It was the guy who brought the knife in White room" katulad ng dati ay malamig parin ang boses nito at parang tamad na tamad mag salita
"D-Don't believe her, Master" takot na takot na sabi nung lalaki
"Sumama ka kay Amy mamaya para sa Field Punishment" mahinahon pero malamig na sabi ni Aihika sa lalaki. Umupo na ito ng komportable sa upuan niya at sinenyasan kaming umalis na
Walang imik kaming lumabas sa office ni Aihika. Yung lalaki naman ay wala sa sariling nag lalakad
"Thanks, Hera" may maliit na ngiti si Solon habang nag papasalamat kay Hera
"Napag utusan lang" iling iling na sagot niya. Tinapik niya si Solon sa braso at umalis na. Ni hindi man lang niya ako tinignan
"Bakit naniwala agad ang Supreme President sa kanya? Sino ba siya?" nag tataka kong tanong. Pero ngumiti lang siya
"She is Hera, The girl who knows everything" halata ang saya at pag mamalaki sa boses niya. Napatango nalang siya
"Manood tayo mamaya sa Punishment ni Amy at nung lalaki" sabi niya sakin. Hindi man lang tinanong kung gusto ko ba
"Bakit nga pala may parusa din si Amy?" takang tanong ko
"May nilabag nanaman kasi siya" sabi niya pero base sa pananalita niya halatang hindi iyon ang totoong dahilan. Mas minabuti ko nalang na hindi na mag tanong
"Tara! Lunch na tayo" sabi niya at hinila na ako papuntang canteen
Iba't ibang usapan ang maririnig mo sa loob ng canteen. Katulad ng dati ay may kanya kanya silang mundo
"Nasan nga pala si Amy ngayon?" tanong ko habang nasa gitna kami ng pag kain
"Nag hahanda para sa Punishment" mahina niyang sabi
"Pwede palang manood dun" sabi ko pa. I want to know everything about this school
"Oo naman" nakangiti niyang sabi pero makikita mo parin ang pag aalala sa mukha niya
"Field Punishment will start in a minute"
Sabi ng isang computer voice
Napaangat ang tingin ko nung bilang tumayo si Solon na may seryosong mukha
"Lets go" yaya niya sakin at nauna ng mag lakad. Sumunod na ako sa kanya at pumunta kami sa soccer field. Ano naman kayang klase punishment ang nag hihintay dito. Nag hanap kami ng mauupuan. Hindi mashadong malapit sa soccer field ang pinili ni Solon. I wonder why
"3"
"2"
"1"
"Field Punishment is officially starting"
Sabi ulit. At nakita ko na si Amy at yung lalaki na nasa mag kabilang dulo. Sa isang gilid naman ng soccer field ay may mga taong nakahilera. Mga archer, shooter at may iba't ibang klase pang mga sandata ang mga nandoon
"A-Ano bang klaseng punishment ito?" hindi ko alam pero kinakahaban ako
"Ito ang tinatawag ng lahat na Field punishment" huminga ito ng malalim bago pag patuloy ulit sa pag sasalita
"Dito ang tanging paraan lang para maligtas ka ay ilagan lang ang paparating sayo. Mahirap rin dahil mga bulls eye na ang mga yan kung tumira. Dalawa pataas ang maaring mapunta sa Field Punishment. Pero hindi gaya ng ibang punishment, dito hindi ka pwedeng lumaban. Hindi mo pwedeng patayin ang kalaban mo pero pwede mo siyang gamitin para makaligtas ka. Hindi matatapos ang punishment hanggang walang namamatay" mahabang paliwanag niya. Napatango nalang ako at tumingi kila Amy
Unang tumira ang mga archer. Sabay sabay sila kung tumira pero parang madali lang para kay Amy ang pag ilag
Pag karaan ng ilang minuto ay papalit palit na ang mga sandatang binabato nila kila Amy
Si Amy ay nakatamo lang ng mga daplis at yung lalaki naman ay may mga dugo narin
Pero naging matindi ang bulong bulungan ng lahat nang makita nilang meron pulang tuldok na nakatutok sa mismong puso ni Amy
"What the fck" rinig ko bulong ni Solon pero wala siyang magawa. Napatingin ang lahat sa isa pang building ng Morach. Nasa rooftop si Aihika at ito ang may hawak ng baril
Nakita kong nanlaki ang mata ni Amy pero halata ring nag iisip siya
Itinutok ni President Aihika ang baril at inaasinta si Amy. Hindi ko alam kung bakit hindi gumagalaw si Amy sa kinatatayuan niya
At sobrang bilis ng pangyayari ay naiputok ni Aihika ang baril. Pero kitang kita ko rin kung pano tumakbo at tumalon ng mabilis si Amy para kunin ang lalaki at gawin itong pananggalang
Ang lahat ng nonood ay napanganga sa ginawa niya. Maging ako rin ay namangha
'Ito ba yung sinabi ni Solon na pwede mong gamitin ang kasama mo para maligtas ka'
Parehas silang napahiga sa lupa ng soccer field. Ang lalaki ay hindi sigurado kung buhay pa ba o patay na pero si Amy ay pagod na pagod habang nakahiga. Hinahabol nito ang hininga niya
Si Solon naman ay tila nakahinga ng maluwag
May mga lumapit sa kanila. Tinignan rin kung mag pulso pa ba ang lalaki. Pero sumenyas itong wala. May namatay nanaman
"Amy Klein, The Guardian Angel won" sabi ulit ng isang computer voice sinisigaw ang pag kapanalo ni Amy
"Angel"
"Angel"
"Angel"
"Angel"
Sigawan ng lahat. Nag kakagulo sila dahil sa pag kapanalo ni Amy
"Puntahan natin si Amy" yaya niya sakin ng may ngiti sa labi. Katulad kanina sumunod nanaman ako sa kanya. Pansin ko lang kanina pa ako sumusunod dito huh
-.-
👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top