CHAPTER 10

CHAPTER 10 - HELL PUNISHMENT

Third person's POV

"... Punishment of Hell" at doon na tumulo ang luhang kanina pa pinipigilan ni Amy

"T-Tita please not that" nakakagulat na ang Angel ay nag mamakaawa ngayon para sa buhay niya. Umiling lang si Leila habang nakakunot padin ang noo

"That's to much, Leila" napatayo bigla si Anniza na hindi rin sangayon sa desisyon ni Leila

"Amy is a trusted one. I don't think I will able to see someone who can replace her..." malamig na sabi ni Aihika at tumingin sa kanya "... if she died" dagdag na sabi nito na para bang siguradong sigurado itong mamatay si Amy sa parusa na pinataw sa kanya ni Leila

"No she's not" malamig ring sabi ni Leila habang nakatingin ng deretso sa mata niya. Wala siyang magawa kundi bawiin ang tingin niya. Hindi niya magawang makipag titigan ng matagal kay Leila

"You can't trust your life to her" masamang tingin ang pinukol sa kanya ni Leila "She is not capable of being the Guardian Angel of the Council" mahina pero rinig na rinig niya at masakit para sa kanya makarinig ng ganon. Ang titolong pinag hirapan niyang kunin ay hindi karapatdapat sa kanya

Leila Uris is one of the hell great Guardian Angel in the whole school. Lahat ay mag babayad ng kahit mag kano para lang sa kaligtasan ng buhay nila. Iniidolo niya si Leila at kahit kailan man ay hindi niya ito kayang higitan o ni pantayan man lang

Guardian Angel

Yan ang pinaka mahirap na trabaho sa Council. Sayo mag babayad para lang ipag tanggol mo ang buhay nila. Sayo nakasalalay ang lahat. At siguro nga hindi siya bagay sa pwesto na yun

"Mrs. Zalirous" napatingin ang lahat sa nag salita

"I can't fcking remember I called Mr. Thales for this fcking meeting" naasar na sabi ni Leila na nakakunot ang noo ngayon

"I'm the Supreme Vice President. I think, I have the right to come here" pormal na sabi ni Solon

"This matter is not in your business" malamig ring sabi ni Leila

"Everything is my business here. Specially your daughter" hindi makapag salita si Leila. Alam niyang mangyayari 'to. Alam niyang mag kikita rin ang mga Thales at Zalirous sa iisang lugar. Pero sa pag kakataong ito hindi na nila kayang lumaban

"Yeah. What would you like to say?" pag susuko ni Leila

"Sorry to disappoint you, Mrs. Zalirous but I choose Amy Klein to be the Angel and you can't do anything about it" sabi niya

"Solon" she murmured his name. hoping that Solon could save her at this moment

"You can pick the one who's better than her" matigas parin na pag kakasabi ni Leila at pinag lalaban talaga ang gusto niyang mangyari

"She is the best" nakipag tagisan si Solon ng tingin kay Leila. Hindi niya hinayaang kainin siya ng takot sa babaeng nasa harap niya

"Then she could survive the Hell Room" nakangising sabi ni Leila. Mas natakot si Amy. Tuloy na tuloy na talaga ang pag pasok niya sa Hell Room

"Hell Room is to much. I suggest the Field Punishment" pormal parin ang pag kakasabi nito. Umiling naman si Leila at mawalang magawa

"Fine" sabi nito na may kunot parin sa noo. Tinignan niya si Amy "I'll watch your punishment tomorrow" malamig na sabi pa nito at lumabas na ng kwarto

Si Amy naman ay hindi makapaniwala sa nangyari. Alam niyang mag kalaban ang Thales at Zalirous. Alam niyang may mali

Hindi dapat ganon ang kinalabasan ng pag uusap ng dalawang magkalaban na kampo. Para itong nag kasundo sa iisang bagay na inaakala mong hindi mangyayari sa dalawang mag kalaban na grupo

"Kaano-ano mo si Solon Thales, Miss Klein" sabi ni Anniza. Siya talaga ang pinaka pormal mag salita sa dating mga nasa Council katulad lang rin ng anak niya

"Siya lang ang pumili sakin sa posisyong ito, Tita, wala ng iba" kinakabahan niyang sabi. Hindi naman talaga mawawala ang kaba niya kapag nandito ang dalawang tao na nakakapag tayo ng balahibo niya

"Don't think to much, Ma, She knows nothing" malamig na sabi ni Aihika. Ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng babae

"What about it?" puno ng pag tataka kong tanong

"Mafia thing" tipid na sagot sa kanya ni Aihika. Oo nga pala hindi kabilang si Amy sa mga Mafia. She was just a simple gangster back then. Walang ginawa kundi ang manggulo ng ibang tao. Then nakapasok siya sa Wilson Academy. Sumabak sa labanan para sa magiging susunod na Guardian Angel at nanalo siya

Ang Guardian Angel ay hindi nanatili sa isang school lang. Kung nasan ang dapat niyang protektahan dapat ay naroon rin siya

Pero kahit Guardian Angel na siya. Hindi niya parin magawang pasukin ang mundo ng Mafia. Council is not a Mafia Group nag kataon lang na may napasok ring mafia sa Council at wala kaming magagawa roon

"Alright" yun lang ang sinabi niya at lumabas na sa silid. Hindi siya interesado sa mga Mafia. At si Kara ay isa lang misyon para sa kanya

Xy's POV

Nakatulala lang ako nung inalalayan akong umupo ni Daddy sa kama ko

"What happen, baby?" nag aalalang tanong niya sakin at umupo sa harap ko. Bigla nalang tumulo ang luha ko

"I-I killed them" mahina kong sabi halos ibulong ko na ito dahil nahihiya ako sa ginawa ko. I shouldn't have done that. That's not acceptable

"Ang sama ko, Dad, I deserve to live in hell" nanginginig kong sabi. Niyakap ko ang sarili ko at sinisi ang sarili ko sa nangyari

"Don't say that. You are just protecting yourself" malambing na sabi ni Daddy. Tinanggal nito ang sumbrelo ko at gunulo ang buhok ko

"Is that enough reason to kill people" nanghihina kong sabi. I'm not really comfortable killing people. It's killing me too

"Yes" mahina ngunit hindi iyon nakaligtas sa pandinig ko

"I don't like to kill" naiiyak kong sabi
"Tell me what happen" sabi ni Daddy. Umiling nalang ako at inalala ang nangyari kanina...

Flash Back

Nanakit ang buong katawan ko pag kagising ko. Gising na ang diwa ko pero nakapikit parin ako dahil iniinda ko pa ang nanakit na leeg ko at likod. Maging ang tyan ko ay nanakit narin dahil nagugutom na ako

Sinubukan ko igalaw ang kamay ko pero ramdam kong nakatali iyon. Nag taka ako kaya bumangon ako

Pag mulat ko ng mata ko may nakatingin saking limang lalaki. I know there's a fear across my eyes

May mga ngisi ito sa labi nila. Napaatras ako. I don't know how to fight. Or should I say, I already forget how to fight

Marami na akong napatay dahil sa pakikipag laban. And its not worth it. People deserve to live. At walang makakadikta nito kung kelan tayo mamatay. Masama man yan o mabuti you don't have the right to decide in their death

"Don't hurt me" pag mamakaawa ko sa kanila. Wala na akong ibang maisip na gawin kundi ang mag makaawa sa buhay ko

'Just like before'

"I can't promise that, lady" malamig na sabi nung isa. May mga ngisi ito sa labi at nag labas ng kotsilyo

Kaba at takot ang naramdaman ko. Tumayo ako pero agad din akong natumba dahil nakatali rin pala ang nga paa ko

Kahit mahirap ay nag pumilit akong pumunta sa puntuan. Naririnig ko ang nga tawanan ng mga lalaki

Hindi ko sila pinakinggan at pilit binubuksan ang pinto pero hindi ko magawang buksan

At dahil sa nawala sa kanila ang atensyon ko di ko namalayang hinagip pala ako ng isa papaharap sa kanya at sinampal

Dahil sa lakas ng pag kakasampal niya natumba ako kasabay nun ang pag hulog ng cap ko. Inaabot ko ang cap ko para muling isuot pero hinila nanaman nila ako sa binti

"Please don't do this" pag mamakaawa ko pa. Ayoko ng masaktan. Tawanan lang nila at ang mga hikbi ko ang naririnig ko. Wala akong laban sa kanila

"Meron ka palang tattoo. Nice" sabi pa nito habang nakatingin sa noo ko. Ayoko ng ngisi nito. Ito na nga ba sinasabi ko eh

"Ayoko sa lahat ay yung nakikita 'tong tattoo ko" mahina kong sabi. Hindi ko alam kung narinig nila o hindi pero wala na akong pakielam

"Bagay ka palang maging reyna eh" nakakalokong tumawa pa ang isa

Ngayon ang tanging nasa isip ko lang ay si Ms. Violet. This place, This people reminds me of her

I wish someone could save me

Sinuntok ako ng isa sa kanila sa tyan kaya napa upo nalang ako at napa ubo

"You'll die in this place, Queen" bulong sakin nung isa

Doon na nanigas ang katawan ko. Nag eecho sakin ang pangalan na Queen at yung laging sinasabi ni Ms. Violet

Nag dilim ang paningin ko. Meron sa loob ko na gustong gusto makapag higanti. Ang isip ko ay hindi na maayos mag isip

Ang tanging nasa isip ko lang ay kung mapapatay ko ang mga taong 'to para ko naring napag higantihan si Ms. Violet

"Mamatay ka muna" malamig na sabi ko. Ni hindi ko na nga iyon nakilala dahil sa sobrang lamig niyo. Kusang huminto ang luha ko. At alam kong wala akong emosyong nakatingin sa kanya

Hindi nila sineryoso ang sinabi ko. Nag katinginan lang sila at saka tumawa. Kaya napangisi ako

Wala na ako sa tamang katinuan at mas lalo akong maiinis kung patuloy ko pang maririnig ang tawanan nila. Napangisi ako

I let the old me over take

'Katulad lang ng dati, Kara'

Sabi ko pa sa sarili ko. At hindi na sila hinintay pang sugudin ako. Ako na ang pumunta sa kanila

Madali lang 'to. Mashado silang mahina para sakin

Sinuntok ko ang isa. Dahil sa lakas noon ay napahiga siya

Wala akong ginawa kundi ang sumuntok at sumipa. Dun ako magaling at yun din ang nakasanayan ko

Nakatingin ako sa limang lalaki na namimilipit ngayon sa sakit. Tatalikuran ko na dapat sila nang may dumaplis na bagay sa braso ko. Buti nalang at medyo nanghihina na ito dahilan para hindi niya matusok sakin iyon

Nakaisip ako ng magandang idea sa kuntsilyong binato niya. Pinulot ako iyon at tumingin sa kanya

"This time your life will end" sabi ko at tinusok sa kanyang leeg ang kutsilyo

Hindi pa ako nakuntento at pumunta pa ako doon sa apat na kalalakihan. Tumayo sila. Ang isa ay sumugod sakin at nakahanda sa pag suntok pero naunahan ko siya. Tinaas ko ang kamay kong may kutsilyo at mabilis na hiniwa ang leeg niya

Rinig na rinig ang pag bagsak ng walang buhay nitong katawan. Nakangising lumapit ako doon sa tatlo

"Sa anong paraan gusto niyong mamatay?" napakalamig ng boses ko sa hindi ko malamang dahilan. Ang patayin lang ang tatlong nakakita ng tattoo ko ang nasa isip ko ngayon

Sumugod naman ang isa pero agad ko itong itinumba at paulit ulit na sinaksak ang katawan niya

Ang isa naman ay hindi na nag lakas loob sumugod sakin kaya ako na ang kusang lumapit sa kanya

Kunuha ko ang kwelyo nito at walang pasabing tunusok ko sa kanya ang kutsilyo. Ibinagsak ko ito

Pupunta pa sana ako sa isa pa ngunit nakita ko nalang na nakabukas ang pintuan ng White room

Nakatakas siya

End of Flashback

That's me six years ago

Walang awa at pumapatay

That is how Ms. Violet trained me

👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top