Prologue

Sa Palladium City, kung saan naninirahan ang mga taong nahuhumaling sa kayamanan, mga entitled, at mga mayayabang. May isang grupo na kung tawagin ay Las Decas.

Sila ang nagpapatakbo ng halos lahat ng naroon sa nasabing siyudad. Kumbaga sila ang nagsisilbing politiko ng lugar, politikong ang serbisyo ay para lamang sa mga mayayaman at walang pakialam sa mga mahihirap.

Isang nakakalasong pamamaraan ng pamumuno. Isang mapanira at makasariling layunin sa lugar.

Pero simula nang dumating si Samantha sa Palladium City, ay ang siyang bagong simula, hindi na natahimik ang lahat. Ang mga nakasanayan nilang gawin ay nagsimula nang mabuwag. It seems like her arrival will just cause them a total disaster but Samantha thinks the other way around.

She's provocative, ill-tempered to everyone who's crossing the line. Her provocative way of speaking gave her power which she needs to put things in order because that's what she wants, that's what she think she should do.

All of the heirs and heiresses who lives in the City are triggered at her for having it all that they even tried to perform their old tactics just to bring her down. 'Bullying' one word that weak people hated, they hate it so much that they choose to stay away from it and do what they're told to do.

Sino bang seseryoso sa itsura niya? Isang tipikal na nerd, baduy, at walang class kung tawagin na laging nagmumukhang kaawa-awa sa paningin ng nakararami. But she is Samantha Marquez, who likes to turn stereotypes into myth.

Hindi siya ang tipo ng taong basta-basta mong mabubully. Not now, but never. She knew it all, she experienced it and she get over it. She learned how to stand for herself and she's not letting the past repeat itself.

Sa mga pangangatwiran niya'y makakahanap siya ng kakampi, mga kakamping tutulong sa kaniya para tuluyang baguhin ang nakakalasong sistema sa buong siyudad ng Palladium.

Pero paano kung dumating din ang araw na dumating ang mga taong babago ng buhay niya?

Mga taong galing sa nakaraan niya na walang ibang ginawa kundi paglaruan ang pagkatao niya.

Paano kung magsilabasan ang mga sikreto at misteryong nasa ilalim ng akala niya'y hindi parte ng buhay niya?

Paano kung lahat ng pinaghirapan niya ay mauwi lang sa wala?

Mananatili pa kaya ang mga taong naging sandigan niya?

Tuluyan pa kaya niyang mabago ang mundong ginagalawan niya o manunumbalik lamang ito sa dati nitong ayos?

Ang pagbuwag ng pilit na pinaiiral na sistema ay siya ding magiging daan ng pagkabuwag ng pagkatao niya. Ang kapangyarihang pilit niyang binuo ay mawawalan ng silbi.

Ang pamilyang akala niya ay nariyan para sa kaniya ay siyang magpaparanas ng pagkabigo. Pagkabigong ayaw niyang iparanas sa iba pero siya mismo ang nakatanggap.

Hanggang sa isang araw ay napagtanto na lamang niya na wala nang natira sa kaniya. Magsisimula ang pagtatanong sa sarili kung mali ba ang kaniyang mga pamamaraan.

Saan siya nagkulang?

Saan siya nagkamali?

Saan siya sumobra?

Ngunit kahit anong pilit niya, hindi siya makakuha ng sagot. Parang nagsikap lang siya para pumalpak. Parang bumuwag lang siya ng bagay na kusa din namang mabubuo.

Pagkalugmok, pagkabigo, pagkalito sa mga nangyayari. Iyan ang normal na mararanasan ng isang taong pumalpak sa kaniyang layunin pero hindi iyon ang naramdaman niya.

Parang burado ang mga pakiramdam na iyon sa bokabularyo niya. Dahil sanay siya, sanay siyang inaapakan, sanay siyang hinihila pababa, sanay siyang inaalipusta.

Pero sa kasanayan na yon ay siya namang pagkawala ng sarili niya na hindi na nito alam kung sino siya at kung ano ba siya bago mangyari ang lahat ng nararanasan niya.

Sa kabila ng lahat ng kaguluhan, babangon siya. Mga misteryo, pasakit, at problema ay ginawa niyang sandata para labanan ang kung ano man ang pilit na humihila sa kaniya pababa.

Kikilos siya na parang alam niya kung ano ang dapat gawin at tanggapin. Kikilos siya na parang alam niya kung paano non babaguhin ang bumaliktad na sitwasyon.

Wala mang kasiguraduhan kung ano ang magiging kahinatnan ng mga gagawin niya pero sa lahat ng naranasan niya ano pa ba ang ikakatakot niyang mawala sa kaniya?

Maaaring ito ang maging susi para magbukas ng panibagong pinto patungo sa panibagong kinabukasan. Maaari ding isa itong patibong na kailanman ay hindi na niya matatakasan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top