Chapter 9

Samantha's Point of View

Kapansin-pansing ang pagiging abala ng mga tao ngayon na para bang may pinaghahandaan silang malaking okasyon.

Wala akong alam sa mga nangyayari, gustuhin ko mang magtanong sa mga nagmamadaling katulong, hindi ko magawa dahil natatakot akong maabala ko ang mga ito.

Aalis na sana ako ng mansyon nang maabutan ko ang parents ko sa baba. Pinag-uusapan ang tungkol sa pagpapakilala ng tagapagmana ng pamilya Marquez.

'Does that mean that ate Lilia is finally going home?'

Iyon pala ang dahilan kung bakit abala ang mga tao rito sa mansyon, may malaki pala talagang kaganapan na pinaghahandaan.

Natigil ako nang unang lumapit sa akin si Papa pero hindi tulad ng dati, ngayon ay nakangiti siyang lumapit sa akin.

Usually, natatakot ako tuwing lumalapit sa akin si Papa, dahil nakasanayan ko nang napapagalitan niya pero ngayo'y para bang nagbago ang ihip nang hangin at nakangiti ako nitong sinalubong.

Sinulyapan ko pa si Mama humihingi ng assurance para mapaghandaan ko kung ano man ang mayroon ngayon pero tulad ni Papa, nakangiti lang din ito. Isang paninigurado na wala akong nagawang kasalanan at walang dahilan para kagalitan ako.

"Your Mom and I have something to tell you." I got so nervous as Dad started to speak, it doesn't matter anymore if it is something negative or positive but all I can feel right now is my heart beating so fast and my body shaking out of anxiety.

"Calm down Sam, I am not going to scold you, I will not make the same mistake again. I know I should have done this a long time ago but please, can you try not to be afraid of me?"

Dad's eyes looks sincere so I tried to calm myself down. I find it hard at first but I get the hang of it as I tried.

"Next week, on saturday night is your big day, as we're announcing you as the heiress of the Marquez family"

I am not sure if I heard it right or they said it wrong but Lilia is the older sister, she should be the heiress of the Marquez family.

"But Dad, Lilia is supposed to be the heiress, not me."

I reminded him as I am so confused why they chose me as their heriess when all I do is to trouble the family and it is evident for how often my Dad scolded me.

"It seems like your sister, Lilia is running away from the responsibility as she can't be found anywhere so we don't have a choice, who else would inherit our assets if not you?"

Dad said as he tries to convince me. I've been waiting for a chance to prove myself to them and I think the time has come.

"Alright Dad, I will be the heiress of the Marquez, I will be your heiress."

It's the first time I saw Dad being happy about my decision so I guess I am doing a great job. On the other hand, I am doubting myself if I can really do this, will I be able to bear this responsibility?

"What's wrong, Sam?" Dad asked with a worried face but I just shook my head and said that it was nothing.

"I know what you are thinking Sam, you may think that it is a huge reponsibility to bear but you have a long time of training, your Mom and I will make sure to give you enough preparations so when the time comes, you'll be ready to rule the city. You don't have to worry for the change because you can still do anything you want, except in your inauguration for being the heiress of course."

I sighed as I nodded, maybe I can bear that much trouble and I swore to myself that I'll do what it takes to make my Father proud.

"Can I also invite a friend to my inauguration? Even if she's out of our circle of status?" I asked hoping that he'll let me even if I knew the gap of the status we're in.

Tiningnan pa ni Papa si Mama dahil mukhang hindi nito alam kung ano ang isasagot. Nang makita nitong tumango si Mama ay siya ring pagpayag ni Papa.

Kahit pa mukhang napilitan lang ito, hindi ko maiwasang maging masaya dahil sa unang pagkakataon ay pinaboran ako nito. Buong buhay ko kasi, pakiramdam ko ay wala akong nagawang tama sa harap niya kaya lubos akong nagpapasalamat na dumating ang araw na ito.

Nagpaalam na ako sa kanilang aalis na dahil mahuhuli na ako sa eskwela. Hanggang sa makalabas ako ng bahay ay maganda ang mood ko nawala lamang ito nang maalala ko si ate Lilia.

Iwinaksi ko na lamang mula sa aking isipan ang mga di magandang naiisip dahil kilala ko ang kapatid ko.

Aalagaan niya ang sarili niya dahil ayaw na ayaw niyang napapahamak siya, siguro nga may dahilan kung bakit hindi pa siya nahahanap, siguro nga ay tinatakasan niya ang responsibilidad niya bilang tagapagmana dahil masyadong mabigat ito.

Ngayon pa nga lang ay iniisip ko na kung anong mga pagsubok ang pagdaraanan ko ngayong tinanggap ko na ang pagiging tagapagmana kahit wala pang opisyal na pagpapakilala paano pa kaya ang nasa isip ni ate Lilia kung nagkataon.

Ang kailangan ko na lang sigurong gawin ay ang magpakatatag nang sa ganoo'y maharap ko kung ano man ang dapat kong harapin.

"Goodmorning Ms. Heiress." Napapitlag ako nang may biglang magsalita sa tabi ko. Huminga ako ng malalim saka nagpatuloy sa paglalakad nang makita si Bailey.

"Ang tamis naman ng ngiti mo ngayon. Dahil ba hihirangin ka nang tagapagmana ng mga Marquez?"

Kahit  na naweweirdohan ako sa kaniya, bumalik muli ang sinasabi niyang matamis kong ngiti nang marinig ko ang tungkol sa paghirang na tagapagmana ng mga Marquez. Wala lang, ang sarap lang pakinggan.

"San mo naman nalaman yan? Wala pa man ding official announcement pero nakarating na agad sa'yo. Chismoso ka din eh no?"

Pambubuyo ko rito pero tinawanan lamang ako. Nakisabay na lang din akong tumawa para hindi siya magmukhang tanga. Ewan ko ba, simula nang malaman kong hindi naman pala talaga siya artista at nagpapanggap lang na mayabang, gumaan na ang loob ko sa kaniya.

Mas okay sana kung magiging honest din siya sa akin para open kami sa isa't-isa. Hindi na naging sikreto kung sino ako mula nang sinabi sa akin ni Papa na ako ang hihirangin niyang tagapagmana kaya nagsikalat na din pati ang mga impormasyon tungkol doon.

Pati nga ang bilin sa akin ni Papa na wag kong ilantad ang katauhan ko ay hindi na din nasunod. Pero okay na rin ang ganito, mas malaya akong nakakakilos at hindi na magiging limitado ang mga galaw ko.

"Ang saya pala sa pakiramdam ng ganito ano?"

Bigla ko na lang naibulalas kaya bahagyang natuon sa akin ang atensyon ni Bailey.

"Ang alin? Maging isang tagapagmana?"

Tanong niya habang nakakunot ang noo nito, iniisip siguro nito na unti-unti ko nang niyayakap ang status ko. Na unti-unti ko nang kinakain ang prinsipyo ko.

"Hindi yon. Ang tinutukoy ko eh yung may sapat na kalayaan. Dati kasi hindi ako kilala, ang alam ng lahat isa lang akong nerd, bawal din naman akong magpakilala, hindi ako sigurado kung bakit pero yun ang bilin sa akin ng Daddy ko. Pero unti-unti lang din namang lumitaw nung nakita ng mga professors dito yung personal records ko, mabuti na nga lang at hindi na yon nakalabas pa sa univeristy."

Hindi ko na narinig pang magsalita si Bailey kaya nilingon ko na ito. Napansin ko itong nakatulala na lang kaya marahan ko itong tinapik sa kaniyang balikat.

"Natulala ka diyan. Ayos ka lang ba?" Tanong ko rito dahil mukhang napalalim talaga ang iniisip niya.

"A-ayos lang ako. May naalala lang." kahit na hindi ako kumbinsido sa sagot niya ay pinili ko na lang ding manahimik. Bakit ba kasi parang ang daming tinatago nitong lalaking to? Sa amin dalawa mas mukha pa siyang mysterious kahit ang ordinaryo naman ng itsura niya.

"What if one day, malaman mo na hindi ka pala talaga tunay na anak ng mga Marquez?"

Biglang tanong nito na siyang ikinabigla ko. OA pakinggan pero, sinong di mabibigla kung out of nowhere yun ang itatanong sa'yo? Yun ba ang kanina pa niyang iniisip?

"Imposible yan pero para masagot yung tanong mo, hindi ko alam eh. Ewan ko kung magwawala ako o magpapasalamat sa kanila dahil inalagaan nila ako. Madaling sabihin sa ngayon ang mga posibilidad pero hangga't hindi naman nangyayari, hindi ko masasabi kung ano ba ang magagawa ko basta ang sigurado lang malulungkot ako kung sakaling malaman kong hindi ako tunay na Marquez."

Napapatango na lamang siya sa paliwanag ko at patuloy na nakatingin sa akin na para bang may inaasahan karugtong ang mga pinagsasasabi ko.

"Teka nga, bakit mo ba yan natanong? Anong trip mo?" Kung naweweirdohan ako sa kaniya, mas lalo lang akong naweirdohan ngayon, magtanong ba naman ng kung ano-ano.

"Wala lang, nabanggit mo kasi kanina na may pagkakataon hindi ka malaya sa puder ng mga Marquez. Naisip ko lang kung mas magiging malaya ka ba kung iba ang pamilyang kinalakihan mo."

Napaisip ako sa rason niya kung bakit niya natanong iyon. Akala ko nantritrip lang siya pero paano kaya kung ibang pamilya ang kinalakihan ko?

Ni minsan, hindi sumagi sa isip ko ang pagkakaroon ng ibang pamilya dahil na rin siguro mas kuntento akong isipin kung paano ko babaguhin ang mga baluktot na pananaw ng mga tao dito and at the same time maging proud sa akin ang mga magulang ko kahit kumilos ako sa sarili kong pamamaraan.









Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top