Chapter 7

"We've got a perfect score. At last, I found a worthy paper to check. Good job Ms. Marquez"

Marami nanaman ang hindi natuwa sa narinig nila. Mga taong ayaw nang nalalamangan sa kahit na anong paraan. Mga taong laging iniisip na sa kanila lang umiikot ang mundo, walang iba kundi sa kanila lang.

"That's not a surprise anymore, she's truly a nerd disguised as a cool kid"

Mga taong hindi nila matanggap na may nakahigit sa kanila kaya lagi nilang ginagawang issue ang magagandang nangyayari sa mga taong tingin nila ay kaaway nila.

"A nerd disguised as a cool kid? Isn't it the other way around? Or should we say she's a nerd with good connections. Maybe she used her connections to get that grade. I mean, it's not impossible, she is a Marquez"

I will take any insults that is being thrown at me. But hearing those words from her, daring to speak ill about my family makes my blood boil. I want to hurt her physically but I don't want to waste my energy so I stayed calm.

"Alam mo na dapat kung bakit at paano kita nalalamangan. Kapansin-pansin naman yon base sa paraan natin ng pakikipag-usap sa isa't isa.  Nagsasalita ako base sa intelektwal kong pag-iisip. Samantalang ikaw, nagsasalita ka kasi insecure ka na naghahanap ng butas para ipahiya ako. Besides you also have your own connections, does that mean that you also used that to get your grades? If so, bakit bagsak ka pa din?"

She blinked twice as she seem to lose words to say. I almost thought that she will not be able to find words to say but she proved me wrong by speaking again.

"Insecure? Ako? Insecure sa'yo? Bakit naman? Tignan mo nga yung sarili mo, you look like a trash, your way of clothing and style, it's outdated. And you are accusing me of connections when I got a lowest grade?"

She proudly said as if she made a difference. Pinagtitinginan na kami ng tao, tahimik nila kaming pinakikinggan kaya hindi ko mapapansin na nagpapakita pala sila ng interes sa pinag-uusapan naming dalawa ni Dorothy, ang babaeng uminsulto sa pamilya ko kani-kanina lang.

"Then why are you trying to bring me down Ms. Dorothy Evans? I am a trash in your point of view and you're sophisticated. Let me get this straight, I used my own intelligence to work on my paper, if you have issues to your low grades, then you must have a problem with your IQ."

She grinned as I am pointing every possible things that's causing her insecurities towards me.

Her actions is enough to call her insecure because she keep trying to bring me down when I am out of reach for someone like her which made it impossible to drag me down.

"Oh, maybe you just stepped here knowing that you are not belong here. Instead of going to university, why don't you just enter a modeling agency? Just show off your sophisticated beauty, wala ka naman kasing mapapala dito kasi mahina naman yang kukote mo" I added

Kung kanina'y tahimik lamang silang nakikinig, natatakot na makagawa ng ano mang ingay, ngayon ay palihim na silang bumubungisngis dahil sa mga binitawan kong salita.

"I heard the Evans are the 2nd ranked board member of this university which means they are also the 2nd richest family in the whole Palladium City. You're parents must be smart, smart enough to reach and maintain their current position. But what happened to you? What happened to their child?"

Dorothy's face turned red as I continued my sentence. I paused for a while to let her breathe as she might faint for her anger.

Matalim na ang mga titig na binibigay sa akin ni Dorothy, nawala na ang pamumula ng mukha niya pero kita pa rin ang galit sa kaniyang mga mata at ano mang oras ay animo'y susugurin na ako nito. Pero bago pa man niya ako sugurin, ibinuka kong muli ang aking bibig para magsalita.

"Just a piece of advice Dorothy. Instead of focusing on how to bring people down, why don't you just focus on how to improve yourself? Focus on your shortcomings. You'll look like a disgrace to your family if you act like a complete opposite of them"

Hindi ko na naituloy pa ang mga sasabihin ko dahil nagsimula na siyang magpakawala nang nakabibinging hiyaw.

"How dare you give me a lecture? What do you know about my family? If you think that being awful is being confident then I am just as awful as them, we all are so don't act like you're any different because you are also part of rich people who likes attention and a show off!"

'You're wrong, if there's a difference between us. It's the principles that I have'

"One day, I swear my family will exceed your family's achievements. Ako naman ang yuyurak sa pagkatao mo kapag dumating ang araw na yon"

She looked at me with her spiteful eyes before walking out the room. Napailing na lamang ako sa mga sinabi niya. I was just trying to make her realize what she lacks but she chose to see it in different manner.

I hope that she'll realize that she's being hard on herself by living according to the standards of the society, she's locking herself up in her own prison to the point that she's already mistaking confidence for arrogance.

Ang hirap sa mga tao sa henerasyong ito lalo na dito sa Palladium, masyado silang mapride, feeling nila niyuyurakan ang pagkatao nila pero sa totoo lang, iprinepresenta lang naman ang mas mabuting paraan ng pamumuhay.

Sure, I have different ways to deal with people, nakadepende lang talaga kung anong klase ng tao ang kaharap ko.

There are various types of people in this world. There are people who listens to their accord, there are people who listens and make fun of the message after, and there are people who doesn't listen at all.

Kaakibat ng mga klase ng taong yan ang mga technique kung paano mo sila pakikitunguhan. Ang maayos na pakikipag-usap ay para lang sa mga taong marunong makinig.

Direktang pagpupunto naman ng mga mali sa kanila ang bagay sa mga hindi marunong seryosohin ang salita ng kaharap nila. Samantala, ang hindi marunong makinig ay hindi na dapat pa pinagsasayangan pa ng oras.

In Dorothy's case, I need to be harsh because she will hear me out that way. There's no way she'll listen if I talked to her nicely as she thinks of me as a stupid nerd that is inferior to her.

I don't care if my techniques are provocative. I don't mind provoking their anger, as long as they'll find a way to improve themselves, it's all good.

Sure they will be angry at me but there's no way that their anger will prolong until their last breath. At least I hope so.

"Hindi ko akalain na may taong maglalakas loob na kausapin ng ganoon si Dorothy, matagal na panahon nang nagrereyna-reynahan yun dito sa university eh"

Npaigtad ako sa gulat nang may biglang bumulong sa tabi ko. Nang lingunin ko ito ay nakita ko ang babaeng nakasabay kong nalate sa pagpasok sa ikalawang klase noong unang araw ko palang dito. Siya yung babaeng tinatawag nilang outcast.

"Pasensya na kung nagulat kita. Itatanong ko lang sana kung pwede kitang maging kaibigan. Napansin ko kasi na iba ka sa kanila, na kahit mataas ang status mo sa buong siyudad, hindi ka mayabang"

Nahihiyang bulong nito sa akin, hindi pa nga ito mapakali na animo'y natatakot pa itong magtanong.

Noong una, hindi ko alam kung bakit kailangan niyang bumulong pero narealize ko kung bakit nang makita ko ang mga titig na ibinabato sa amin ng mga kaklase namin.

"Oo naman, walang problema sa akin. Masaya nga ako na sa wakas ay may lumapit na sa akin para makipagkaibigan"

Nasilayan ko ang makinang niyang mga mata at maganda niyang ngiti nang marinig niya ang aking tugon sa kaniyang alok na pakikipagkaibigan.

Masaya ako sa naging desisyon ko dahil nakikita ko sa kaniya na matagal na siyang walang kaibigan, bukod pa doon mukhang magkakasundo kami, hindi man pareho ang pinagdaanan namin, hindi naman yun nagkakalayo panigurado.

Iginiya ko ito palabas ng building dahil hindi na rin ako komportable sa mga tingin na ipinupukol sa amin ng mga estudyante sa classroom. Ganun na ba kaweird dito ang pakikipagkaibigan ng maimpluwensiyang nerd sa tinatawag nilang oucast?

"Sigurado ka ba talaga na tinatanggap mo ang alok kong pakikipagkaibigan? Kahit na alam mong outcast ako sa university na to?"

Natigil ako sa paglalakad saka ko siya ihinarap. Nacucurious ako kung ano ba ang pinagdaanan niya sa kamay ng mga aroganteng tao dito at kung mag-isip siya ay pinagdududahan niya ang sarili niya na para bang iniisip niyang wala siyang karapatang makipagkaibigan sa kung kanino niya gustuhing makipagkaibigan?

"Alam mo, yang salitang outcast, gawa-gawa lang yan ng mga mayayabang na tao dito sa loob ng eskwelahang ito. Kung normal nga lang lahat ng paaralan at hindi makikitid ang mga utak ng mga estudyante, sigurado ako na madami kang magiging kaibigan. Alam kong iisipin mo na hindi magiging madali pero dahil nandito na ako ngayon na walang pinipiling kaibigan maimpluwensiya man o hindi basta mabuti ang mga intensyon, matatanggap ko. Yun ay kung sasapat na sa'yo ang iisang kaibigan"

Tumango ito nang mabilis nagpapasalamat na sa wakas ay nagkaroon siya ng kaibigan.

"Ano nga uli ang pangalan mo?" Tanong ko rito nang mapagtanto kong kanina pa kami nag-uusap pero hindi ko man lang natanong ang pangalan niya.

"Martha. Martha Hidalgo"

*****

A/N: When is the first time you had a friend? Did your friendship last? What do you think of this chapter? Post it on your twitter with the tag #TPNfriendstory. Don't forget to vote and share the story to your friends.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top