Chapter 42
Para na kaming hibang ni Jayson kakasunod kay Crissa kung saan-saan pati sa madalas nitong puntahan ay nakabuntot kami. Dahil likas na madaming tao dito sa mall, naglakad na lamang kami ng normal habang nakay Crissa pa din ang atensyon.
Mas magmumukha naman kaming kahina-hinala kung patuloy kaming sumunod ng patago. Parang pamilyar ang daang tinatahak niya kaya hindi kami tumigil para sundan siya, hanggang sa nakumpirma ko nga kung saan siya pupunta, Sa boutique ni Tita Clementine.
"Sigurado ka ba sa ginagawa natin? Mukhang mamimili lang naman yan ng damit eh." Reklamo ni Jayson, akala ko ba gusto akong tulungan nito? Bakit ngayon kung makapagreklamo, parang ayaw niya yung ginagawa niya.
"Pwede ka namang umuwi kung nababagot ka sa ginagawa natin." Kailangan kong malinis ang pangalan ko and this time, susubukan kong hindi na makasira ng buhay tulad ng nagawa ko kay Klarisse.
"Ito naman, hindi na mabiro pwede ba kitang iwan dito?" Napailing na lang ako dahil alam ko naman na ayaw lang niyang umuwing mag-isa.
Malugod siyang tinanggap ni Martha sa boutique, tinawanan pa siya ni Crissa pero hindi na lamang siya umimik dahil nasa trabaho siya at kailangan niyang limitahan ang sarili niya. Hinahanap ko pa kung nasa loob ba si Tita Clementine pero hindi ko siya mahagilap.
"Papasok din ba tayo diyan?" Pabulong na tanong ni Jayson kaya napaisip ako kung papasok nga ba kami o hindi. Kung papasok kami, makakaharap namin si Crissa, kapag nangyari yon baka makahalata siya na sinusundan namin siya.
Tatalikod na sana kami para umalis nang bumungad sa amin si Tita Clementine na naging dahilan para magulat kami ni Jayson. Sumilip pa ito kung saan ang tinitingnan namin saka niya kami binalikan ng tingin.
"Bakit nandiyan lang kayo? Pwede naman kayong pumasok sa loob." Kaswal na alok nito saka nauna nang pumasok, wala na kaming nagawa kundi ang sumunod sa kaniya dahil baka magtaka naman siya kung bigla na lang kaming umalis. Ano ba kasi tong pinasok namin?
"Look who's here. Are you also working here like your minion?" Mataray na tanong ni Crissa, isa sa mga dahilan kung bakit isa siya sa pinaghihinalaan ko sa paglabas ng sikreto ni Bailey.
Dati-dati kasi ay patay na patay ito kay Bailey noong hindi pa lumalabas ang sikreto nito pero kung kumilos siya ngayon parang nawalan siya ng interes sa isang lalaking kinababaliwan niya noon.
"Miss, if you are just going to cause a scene here, please leave." Baling ni Tita Clementine kay Crissa na ikinairita nito. Napabuntong hininga na lang ako dahil mukhang mahihirapan kaming bantayan ang mga galaw ni Crissa.
"Don't you know who I am? I am the secon-ranked heiress of Las Decas. Treat your customers right or else I will shut your business down." Iritadong sabi nito pero hindi man lang kakikitaan ng takot si Tita Clementine sa pagbabanta nito.
May mga customers nang nakatingin at kinukuhanan ang nangyayari kaya sumingit na ako para patigilin ang gulo.
"She is a family friend so I think you don't have the power to shut her business down." I said simply that made her leave. Hanggang dito ba naman ibinabalandra pa din niya ang status niya?
"Who's that young lady? Do you know her?" Sasagutin ko pa lang sana ang tanong ni Tita Clementine nang bigla na lang mag-ring ang phone ko. I saw Dad's caller ID so I picked up immediately.
"Hello Dad? Napatawag po kayo." Bungad ko pero sinabi lang niya na kailangan ko nang umuwi, huwag na din daw akong magtanong dahil sa bahay na lamang daw niya ipapaliwanag.
"I'm sorry Tita, I need to go." Paalam ko sa kaniya, tumango siya bilang tugon kaya lumabas na ako ng boutique niya para umuwi. Sumunod naman kaagad sa akin si Jayson dahil wala na din naman na siyang gagawin pa doon.
"Tama kaya yung kutob natin na may kinalaman si Crissa sa mga nangyayari?" Nag-aalangang tanong ni Jayson na para bang nagdududa na siya na may kinalaman si Crissa.
"Kaya nga natin binabantayan ang mga kilos niya para malaman natin kung meron siyang motibo para ilabas ang sikreto ni Bailey." Pambabara ko sa kaniya dahilan para mapaayos siya ng upo.
"Alam ko, pero nakita mo naman kung paano siya umasta kanina diba? Parang wala siyang pakialam sa mundo, ang tapang pa nga niyang hinarap yung may ari ng Boutique kanina." Kumunot ang noo ko sa sinasabi niya dahil hindi ko siya maintindihan.
"Huwag ka nang magpaligoy-ligoy, ang dami mong sinasabi. Ano ba kasi ang gusto mong sabihin?" Tanong ko na dahil makakauwi na kami't lahat di pa din niya nalilinaw yung ibig niyang sabihin.
"Ang ibig kong sabihin, masyado siyang focused, ni hindi man lang sumasagi sa isip niya na inilabas niya ang sikreto ni Bailey kung siya man ang gumawa. Kahit na sinong tao, mabuti man o masama, maiisip at maiisip nila kung ano ang maling nagawa nila sa kahit na anong sitwasyon. Kaya kakikitaan mo sila ng mga kilos na hindi naman nila normal na ipinapakita." Ani Jayson.
"Sabihin na nating ganon na nga. Pero paano kung magaling lang siyang magtago ng nararamdaman niya kaya nalulusotan niya ang mga hinala natin?" Pumirmi na lamang ng upo si Jayson nang malapit na kami sa boarding house na tinutuluyan niya.
"May problema ba sa eskwelahan niyo Ma'am?" Biglang saad ng driver, bumungad sa akin ang mukha ni Mr. Carter nang humarap ito sa rear mirror.
"Mr. Carter, ano pong ginagawa niyo dito? Bakit kayo po ang nagd-drive?" Tanong ko rito dahil nasanay akong kay Daddy siya laging nakabuntot.
"Nagkasakit kasi yung driver mo Ma'am kaya ako na lang muna ang inassign ng Daddy niyo para pumalit." Napatango na lamang ako sa paliwanag niya.
Kaya pala siya ang nandito ngayon. Napansin ko lang, kung hindi nagli-leave, nagkakasakit ang mga tao sa bahay na nagiging dahilan para palitan sila pansamantala.
"Eh kayo po? Mukhang may pinoproblema po kayo." Mabuti na din siguro ang ganito, may mapaglabasan ako ng mga nangyayari sa eskwelahan, hindi naman madadal si Mr. Carter kaya ayos lang.
"Napagbibintangan po kasi ako sa university sa mga bagay na hindi ko naman ginawa. Naapektuhan din po yung pagkakaibigan namin ng mga kaibigan ko dahil doon kasi pati sila, iniisip na ako nga ang may gawa."
Pagsusumbong ko sa kaniya, parang nakahanap kasi ako sa kaniya ng Tatay dahil hindi naman kami ganito ka-open sa isa't-isa ni Dad.
"Bakit naman? Mabait ka namang bata. Ano ba ang nagawa mo at ganun ang iniisip nila? Kung totoo mo silang mga kaibigan, sigurado ako na may dahilan kung bakit ka nila pag-iisipan ng masama pero dahil kaibigan ka nila dapat kinukumpirma nila sa'yo kung meron ka nga bang nagawang kasalanan."
Mabuti nga sana kung ganon lang kadali, pero sila ang nasasaktan kaya sa tingin ko ako ang kailangang mag adjust. Kung mangungulit naman ako, baka mas lalo lang silang mainis sa akin. Ayaw ko namang maging dahilan yon para lumayo sila.
"Nagkaroon po kasi kami ng pagtatalo ng kaibigan ko at nabanggit ko po sa publiko ang tungkol sa sikreto niya pero hindi ko naman po sinabi yung eksaktong sikreto eh pero pagpasok ko po kinabukasan bigla na lang pong lumabas yung sikreto niya kaya ako po ang napagbintangan."
I explained without mentioning anyone's name. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kaniya pero pakiramdam ko, hindi magugustuhan ng mga taong ikinukwento ko na binabanggit ko ang pangalan nila sa iba lalo sa mga uasaping hindi maganda.
"Mahirap nga yan, hayaan mo na munang lumamig ang ulo ng kaibigan mo. Pasasaan ba't makikinig din siya sa paliwanag mo kasi kung kaibigan nga ang turing niya sa'yo makikinig yan sa'yo para matahimik ang kalooban niya." Ani Mr. Carter
"Sa tingin niyo po magkakaayos pa po kami?" Hindi ko alam kung bakit ko pa natanong yan, maski kasi ako hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko kaya gusto kong sa iba mismo marinig na may pag-asa pang maayos ang gusot na hindi naman ako ang may kagagawan.
"Bakit naman hindi? Kung sinasabi mo na hindi naman ikaw ang may kasalanan makakahanap at makakahanap ka ng paraan para maipakita sa kanila ang katotohanan. Bakit? Pinanghihinaan ka ba ng loob?"
Umiling lamang ako bilang sagot sa tanong niya dahil mas lalo lang akong pinanlalakasan ng loob para patunayan na hindi ako ang nagkalat ng sikreto ni Bailey.
"O ayun naman pala bakit kailangan mo pang itanong sa akin kung magkakaayos pa ba kayo. Nasa inyo ang desisyon kung aayusin niyo ang pagsasama ninyo. Kung mahalaga kayo para sa isa't-isa magiging madali lang ang lahat."
Nginitian ko na lamang siya at nagfocus na lamang sa pag-uwi. Kahit papaano gumaan na din ang pakiramdam ko pero hindi ako matatahimik hangga't hindi nalilinis ang pangalan ko.
"Nandito na po tayo Ma'am." Natigil ako sa pag-iisip nang magsalita si Mr. Carter, nang mapagmasdan ko ang paligid ay ngayon ko lang narealize na nakarating na pala kami dahil na din hindi ko narinig ang sinabi nito kanina.
"Huwag niyo na pong muna masyadong isipin yung problema niyo Ma'am, mukha po kasing may importante kayong pag-uusapan ng Daddy niyo." Tama siya, hindi ko pwedeng dalhin ang problema ko sa bahay lalo na't nabanggit nga ni Mr. Carter na mukhang importante ang pag-uusapan namin ni Dad.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top