Chapter 41

The next day, I stumbled down as I was pushed by the huge crowd of people, most of them are girls holding their lunch. What the hell is going on? When I got up, I saw them throwing their lunch to someone.  some food was thrown at me so I forced myself to huddle through the crowd.

That's when I saw Bailey being thrown by the students with their food. I got worried so I went there without thinking and tried to stop all of the students from what they are doing.

"Itigil niyo! Baka mabato niyo ang ace!" Malakas na sigaw ng isa sa kanila kaya nagsitigil ang mga estudyanteng kanina lang ay hindi maawat sa pagbato, maski ang mga professor nga ay walang ginawa dahil natatakot silang madamay.

Hinawakan ko ang palapulsuhan ni Bailey saka siya marahang hinila palayo sa mga estudyanteng naroon. Kusa silang nahawi nang makita nila akong dadaan sa kinaroroonan nila kaya hindi ako nahirapang ilayo si Bailey.

Mabuti na lang at wala nang sumunod sa amin dahil mahihirapan nanaman akong paalisin sila kapag nagkataon. Nang maidala ko si Bailey sa ligtas na lugar ay siya namang pagbawi nito sa kaniyang kamay.

"Ayos ka lang ba? Ano bang nangyayari bakit-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla niyang hinawakan ang palapulsuhan ko. Napangiwi ako dahil masyading mahigpit ang pagkakahawak niya.

"Bailey nasasaktan ako, alam kong hindi mo nagustuhan ang ginawa ko pero bakit kailangang umabot sa ganito?" Tanong ko sa kaniya habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak niya.

"Itinatanong mo pa kung bakit? Lumabas na ang sikreto ko. Alam na ng lahat na hindi ako singer, na rumaraket lang ako sa isang cafe. Walang nakakaalam ng sikreto ko Sam. Ikaw lang ang nagbanggit non, ibig sabihin, ikaw lang ang nakakaalam."

Ano ang sinasabi niya? Sinasabi ba niyang ako ang dahilan kung bakit lumabas ang sikreto niya? Ako nanaman ba ang sisisihin niya?

"Pero wala akong sinasabi. Wala akong inilabas na sikreto, nanatiling lihim yon sa akin Bailey." Sagot ko sa kaniya pero hindi ako nito pinakinggan bagkus ay sinamaan lamang ako nito nang tingin saka ako iniwang mag-isa.

Gusto ko pa sana siyang habulin pero alam kong hindi ko din siya makakausap ng maayos dahil iniisip niyang ako ang may kagagawan ng paglabas ng sikreto niya.

Ano ba ang nangyayari? Bakit sa tuwing sinusubukan kong ayusin ang mga gusot na nagagawa ko, mas lalo lamang gumugulo? Sino ba ang gagawa nito? Para akong may kaaway na hindi ko makita.

Maraming pumapasok sa isip ko na pwedeng gumawa nito pero wala naman akong pruweba na sila nga ang may gawa. I am so helpless right now that I can't prove my speculations.

Alam kong maraming may ayaw sa akin pero ganun ba talaga nila ako kinamumuhian para iparanas sa akin ito? Ganun ba nila ako gustong pabagsakin para gamitin ang kaibigan ko laban sa akin?

Wala pang tao nang makabalik ako sa classroom, malamang ay naroon pa silang lahat sa labas at pinag-uusapan ang mga nangyari kanina. Nadatnan ko si Martha kasama si Jayson, inaasahan kong tatanungin ako nito kung ano ang nangyayari pero sinamaan ako nito ng tingin.

"Bakit pati si Bailey nadamay sa galit mo? Noong una akala ko iba ka sa kanila pero wala ka din naman palang pinagkaiba." Saad nito, nanghina ang mga tuhod ko sa narinig. Sinisisi din ba niya ako sa nangyari.

Gusto kong magpaliwanag pero wala akong tinig na mailabas. Para akong sinasakal at biglang napipi. Pumatak ang luha ko dahil wala sa kanila ang naniniwala sa akin. Akmang tutumba ako sa panghihina ng mga tuhod ko nang alalayan ako ni Jayson.

"Galit ka din ba sa akin? Hindi mo din ba ako paniniwalaan tulad nila?" Lumuluhang tanong ko kay Jayson dahil siya na lamang ang naiwan dito.
"Nasa iyo yon kung ipapaliwanag mo sa akin ang nangyayari dahil ako man ay hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko. Gusto kong pakinggan ang side mo."

Sagot nito kaya huminga ako ng malalim para mapakalma ang sarili ko. Sinimulang kong isalaysay kay Jayson kung paano ko nalaman ang sikreto ni Bailey hanggang sa kung paano kami nagtalo kahapon, mataman lamang siyang nakinig sa mga kwento ko hanggang sa masabi ko sa kaniya ang lahat.

"Pero hindi ako ang naglabas ng sikreto niya Jayson, pagkatapos ng away namin ni Bailey, hindi ako nagsalita. Hindi ko alam kung paano nalaman ng mga tao ang tungkol don pero isa lang ang nasisiguro ko, wala akong kinalaman doon."

Tumango lamang si Jayson sa mga nasabi ko, isang senyales na naniniwala ito sa akin.

"Kung hindi ikaw, may isang tao na ginagamit ang mga impormasyong yon para hilain ka pababa. May nakakaalam pa ba ng sikretong yon bukod sa'yo?" Tanong ni Jayson pero umiling lamang ako bilang sagot.

"Wala pang sino man ang nakakaalam tungkol sa sikreto ni Bailey noong unang dating ko dito kaya sigurado ako na ako pa lang ang nakakaalam. Wala din akong ibang pinagsabihan dahil inirespeto ko ang sikreto niya at alam kong mangyayari ang mga nangyayari ngayon kung hindi ko tinago."

Pagpapaliwanag ko sa kaniya kaya napatango na lamang siya kasabay ng pag-iisip niya ng malalim.

"Hindi malayong isang tao na may galit sa'yo ang may gawa nito. Baka nga hindi lang isa ang nagplano nito, kung papansinin mo kasi, parang alam nito ang pasikot-sikot ng buhay mo kaya malaya nitong nagagawa ang mga plano niya.  Mahihirapan tayo para tukuyin kung sino nga ang nasa likod ng mga nangyayari, maliban kung may idea ka kung sino ang pwedeng gumawa."

Jayson has a point but at the same time, it just makes everything complicated. His statement doesn't necessarily gives clue to point out who's behind this but I have someone in mind that have a motive to do this.

"Dalawa lang naman ang mga taong pinaghihinalaan ko eh. Si Dorothy at si Crissa. Sila lang naman yung may pinakamalaking galit sa akin dito sa Palladium. Hindi ko naman na pwedeng isali si Klarisse dahil wala naman na siya dito sa Palladium University para gawin yon. Isa pa, hindi naman siya nagtagal dito para malaman nang ganon kabilis ang sikreto ni Bailey." Paliwanag ko.

"Edi sa kanila tayo magsisimula." Puno ng kumpyansa nitong sabi kaya kahit papaano ay nabawasan ang bigat ng loob ko. Sa ganitong sitwasyon ko lang talaga nasusukat kung sino ang pakikinggan ako at kung sino ang iiwan ako sa ere.

Naiintindihan ko si Bailey dahil siya ang nakakaranas ng lahat ng hirap ngayon, naghahanap siya ng masisisi dahil hindi din siya sigurado kung sino ang may kagagawan kung bakit lumabas ang sikreto niya pero si Martha, basta na lang siyang naniwala sa mga sinasabi ng iba nang hindi man lang ako pinakikinggan.

Masakit sa akin na parang walang napuntahan ang pagkakaibigan namin dahil kung kailan kailangan ko siya, saka naman niya ako kinamuhian. Hindi ko din naman siya masisisi, kaibigan na din ang turing niya kay Bailey baka nag-aalala lang din siya kay Bailey kaya sa akin niya naibunton ang galit niya. Sa ngayon iintindihin ko na lang.

Ang problema ngayon, hindi namin alam kung saan kami magsisimula. Kung paano namin patutunayan na may kinalaman sina Dorothy at Crissa sa mga nangyayari. Hindi naman aamin ang mga yon kung kokomprontahin namin sila.

"Sa ngayon siguro, kailangan muna nating obserbahan ang mga kinikilos nina Dorothy at ni Crissa, kailangan nating makita kung may mga kakaiba silang mga kilos. Sa ganoong paraan lang natin malalaman kung meron silang kinalaman sa mga nangyayari."

Sumang-ayon naman agad si Jayson sa ideya ko. Nagsidatingan na ang lahat ng mga estudyante kaya bumalik na kami ni Jayson sa sarili naming upuan. Hindi pa din natitigil ang usapin tungkol kay Bailey.

"Ang galing din magtago ng sikreto nong Bailey na yon ano. Bilib na sana ako pero buking pa din." Saad ng isa sa mga kalalakihan sa mga tropa nito saka sila nagtawanan.

"Sinabi mo pa, poging pogi sa sarili, at napakayabang dahil madaming sumusuporta sa kaniya pero itinatago naman pala ang napakalansang pagkatao. Ano bang gamit na pabango non at hindi natin naamoy agad?"

Gatong naman ng isang miyembro ng tropa nila. Napakuyom na lamang ang mga kamao ko dahil sa mga naririnig, pinipigilan ko lang ang sarili ko na awayin sila pero sigurado ako na kapag nag-eskandalo ako, maguguluhan sila dahil ang alam nila ako ang nagkalat ng sikreto ni Bailey.

"Manahimik na nga kayo! Kalalaki niyong tao pero daig niyo pa yung mga babae kung makipagchismisan." Biglang singit sa kanila ni Martha kaya nakahinga ako ng maluwag.

Mabuti na lang at nandiyan si Martha para ipagtanggol si Bailey dahil hindi ko iyon kayang gawin ngayon. Nang lumingon ako kay Martha, tumambad sa akin ang napakasama niyang tingin.

Hindi ko alam kung mababago ko pa ba ang paniniwala niyang ako ang nagkalat ng sikreto ni Bailey o hindi na. Mukha kasing sukdulan ang galit niya sa akin at para bang ayaw nang makarinig ng kahit na ano mula sa akin. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Sana tulad lang ito ng away-magkaibigan na maaayos din kalaunan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top