Chapter 40

Napagod ako sa kakaisip kaya nagpasya akong tumambay muna sa tambayan namin ni Bailey, sa puno ng talisay. Nakita ko pa si Bailey na papalapit pero bigla na lamang itong tumigil nang makita ako saka ako nito tinalikuran.

"Bailey wait!" Sigaw ko pero mas binilisan lang nito ang paglalakad. Iniiwasan ba ako nito? Tumakbo na ako para maabutan ko siya. Nang maabot ko ang braso niya ay hinigpitan ko ang pagkakahawak ko rito dahil hingal na hingal ako kakahabol.

"What is wrong with you? I was calling your name but you just ignored me. Why is that?" I confusely asked as I am weirded out because of his actions. He just stared at me blankly like he doesn't want to talk things with me. It seems like he is not happy to see me at all.

He's about to leave again but I grabbed his shoulders to stop him from leaving. He's avoiding my gaze so I moved to face him for us to talk properly.

"What is it? Hello, I don't do some reading to guess what's wrong." Pambubusko ko sa kaniya at sa pagkakataong ito, tiningnan niya ako nang may nakakunot na noo.

"You don't really know what you did? You just ruined someone else's life Sam." I stared at him with a puzzled face as I don't get what is he talking about. Is this about Klarisse?

"I thought you just want some change in this University but you've gone too far." So this is really about what happened between me and Klarisse at the singing competition.

"That's why you're avoiding me? Because of that? You don't have any idea how much I suffered from her hands in the past, and she's been trying to humiliate me by making up things that's untrue."

Tiningnan lamang ako nito na parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko saka ito ngumiti nang nakakaloko na para bang napakalaki kong joke sa harap niya.

"Naririnig mo pa ba ang sinasabi mo Sam? I am so disappointed. I supported you to change this university but you don't have to go that far, that you have to ruin someone else's life to get what you want. Alam mo ba kung ano ang nangyari kay Klarisse? She lost all her connections, she lost all the opportunities because of what you did. Ikaw na din mismo ang nagsabi na pinaghirapan niyang makarating dito sa pamamagitan ng voice lessons pero lahat ng efforts niya, nawala."

Teka, bakit parang kasalanan ko? I was just defending myself. I was just clearing my name by exposing her to people. Pati ba naman ang karapatan kong gawin yon hindi ko na din pwedeng gamitin?

"Let's just say she's been horrible to you in the past. Let's just say she's trying to humiliate you by making up stories. Does that ruin you? Does that make you less of a person? No, you are still Samantha Marquez, ace of university. Nothing will change as you are already powerful enough. But seeing you right now, it seems like I don't know you to begin with."

What he said striked my heart. Why can't he understand? Why is he saying all this things to me? What did I do wrong?

"I did it because I think that's what she deserves. You knew that they used me for their own benefits, she even used his boyfriend to make me fall for him so that they can take advantage of me. I just want to avenge myself. Bakit pati yon hindi ko pwedeng gawin?"

Tinignan ko siya nang diretso sa kaniyang mga mata, naghahanap ng sagot kung bakit hindi niya ako magawang maintindihan. Akala ko kasi kaibigan ko siya eh, dapat isa siya sa unang nakakaintindi sa akin.

"O edi lumabas din ang totoo — na gusto mong gumanti. You've been saying that you want to change the twisted minds of all students here in Palladium University but in fact, you're just using that as an excuse to get revenge. What? You said that she deserves it right? If so, it will come to her in no time. Kung gusto mong gumanti, gawin mo yon sa marangal na paraan. Nalinis mo nga ang pangalan mo, pero dinumihan mo naman ang pagkatao mo dahil sa paghihiganti mo. Anger and cruelty will just destroy yourself Sam, you should've let it destroy your enemies instead. Akala ko kilala na kita, pero sa tingin ko nagkamali ako nang pagkakakilala sa'yo."

Bumagsak ang mga balikat ko dahil sa mga narinig. Nagsimula na ding maglalakad papalayo si Bailey matapos lahat ng mga sinabi niya sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko siyang lumayo.

"Ikaw din naman ah, hindi din naman kita kilala. Madami ka din namang itinatago sa akin. Bakit kung makapagsalita ka, parang sobrang laki ng nagawa kong kasalanan? Bakit kung punahin mo ako parang sa'yo ko ginawa ang sinasabi mong pagkakamali ko?"

Akala ko ay haharapin niya akong muli dahil sa mga sinabi ko pero nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. Inis ko siyang sinundan para dumada, gusto kong maintindihan niya ng buo ang intensyon ko pero hindi na niya ako pinapakinggan.

Para bang sarado na ang utak niya para sa mga paliwanag ko. Para bang isa siyang bingi na ayaw marinig ang mga sasabihin ko. Nagmumukha na akong tanga kakasunod sa kaniya, nagsasalita akong mag-isa pero hindi naman niya ako pinapansin.

"Bakit nilalayuan mo ako sa pagkakamali kong iyon? Bakit ganon na lang kung layuan mo ako na para bang isa akong virus na pwedeng makasira sa'yo?"

Tumigil ako kakalakad dahil napapagod na ako, tumigil ako kakasalita dahil napipikon na ako. Naikuyom ko na din ang mga palad ko dahil nakakaramdam na ako ng inis.

"Kahit naman hindi ka nagpapakatotoo sa akin tinanggap naman kita bilang kaibigan ko ah. Hinayaan kitang magtago sa mga kasinungalingan mo tulad kung paano kita hayaan na maging kaibigan mo."

Halos pabulong kong sabi sa kaniya. Yumuko ako dahil naiinis ako sa sarili ko, naiinis ako dahil kahit anong subok ko may mapupuna pa din sa akin. Naiinis ako dahil naghangad nanaman akong makipagkaibigan na hindi ko na dapat ginawa. Naiinis ako dahil wala akong kadala-dala.

"Iniiwasan mo ako dahil nakagawa ako ng pagkakamali. Nagkamali ka din naman ah, akala mo kung sino kang mangaral sa akin pero ikaw mismo nagtatago ka para hindi ka mapagdiskitahan ng mga tao dito. Ikaw mismo hindi ka marunong magpakatotoo sa sarili mo."

Gulat ako nitong tinignan nang mabanggit ko ang lahat ng iyon pero parang wala na lang sa akin ang mga reaksyon niya. Para akong nawala sa sarili at hindi ko magawang pakiramdaman kung ano ang nararamdaman niya ngayon.

Hindi niya ako sinubukang intindihin kaya ganoon na lamang din ang ginawa ko, nawalan siya ng pakialam sa akin dahil sa pagkakamali ko sa ibang tao. Maiintindihan ko kung sa kaniya ako nagkasala pero hindi naman eh.

"Bakit Bailey? Gaano ba kalinis ang konsensya mo?" Wala sa sariling tanong ko sa kaniya. Samantalang siya ay nakafocus lang sa mga sinasabi ko na para bang aware siya kung ano ang mga maaari kong bitawang salita.

"Sabi mo kanina galit at kalupitan ang siyang sisira sa akin kaya sige, hindi ako magpapadala sa inis ko. Kahit naiinis ako sa'yo ngayon, hindi ako magpapadala doon. Hahayaan kong magalit ka sa akin at hahayaan kong ipagpatuloy mo ang kasinungalingan mo."

For now I want to reflect to know what I did wrong but by doing so, I need to be alone. I left after that encounter with Bailey. Maybe it's best if I am away from him, from anyone.

Hindi ko lang kasi alam kung paano ako magsisimula. Napupuno lang ako lagi ng tanong tuwing may gagawin ako. Saan ba ako nagkulang? Saan ba ako sumobra? Tama pa ba ang daang tinatahak ko para lang mabago ang pamamaraan dito sa Palladium University?

Gusto kong hayaan na lang na ganito ang ayos ng university, gusto kong hayaan na lang na may lagi akong nakikitang naaapi, gusto kong hayaan na lang ang lahat dahil hindi naman na ako ang pinagdidiskitahan nila, gusto kong sabihin na okay na dahil hindi naman na ako apektado.

Pero kapag ginawa ko yon, parang pinatunayan ko lang kay Bailey na tama lahat ng mga sinabi niya tungkol sa akin. Na gumagawa lang ako ng rason para gumanti, na wala din akong pinagkaiba sa kanila.

Madami akong nakakasalubong na taong nagpapakaplastik para sa atensyon ko pero hindi ko na lamang sila pinansin, may mga bagay akong dapat pag-isipan kaya wala akong panahon para ientertain silang lahat.

Nang makalayo ako sa mga tao ay may naramdaman akong parang may nakamasid sa akin pero nang lumingon ako ay wala naman akong nakitang tao. Ano nga ba kasing nagawa ko? Mali nga ba talaga ang mga pamamaraan ko? Dapat ba sinabi ko muna ang lahat ng plano ko sa mga kaibigan ko para mapag-usapan namin kung ayos lang ba siyang gawin?

Kahit na gusto kong pagsisihan ang mga nagawa ko, hindi naman ako sigurado kung may magagawa pa ako para maitama lahat ng ito. Hindi ko alam kung paano ko maibabalik ang mga nawala kaya Klarisse lalo na at hindi ko naman alam kung saan siya ngayon, wala din naman akong contact niya para makausap siya.

Napahilamos na lamang ako sa aking mukha dahil hindi ko na alam ang gagawin. Akala ko ayos na, pero parang mas lalo lang akong nagdala ng gulo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top