Chapter 39
Buong araw akong lutang pagpasok ko kinaumagahan sa University. Nabalik lang ako sa focus nang mamataan ko si Dorothy na pasimpleng itinatago ang sarili pero mas lalo naman siyang nahahalata.
"Hey where are you going?" I asked as I think that she's up to something. It's not my business but I'm worried that she'll cause trouble again. Sawang sawa na ako sa gulo, hindi pa ba sila nagsasawa?
"Just leave me alone. I don't want anyone seeing me like this." Halos maluha nang sagot niya habang pilit niyang tinatakpan ng kaniyang mukha gamit ang kaniyang hoodie. Bakit ba kasi siya nagtatago? Ang init-init ng panahon naka-hoodie pa siya.
As much as I don't want to meddle with someone else's business, she's acting weirdly so I can't help but to wonder what she's up to. I can't risk letting her harm anyone close to me again.
Huminto siya nang mapansin niyang nakasunod pa din ako sa kaniya kaya wala siyang nagawa kundi ang harapin ako. Inis pa ako nitong tiningnan pero hindi ako nagpatinag dahil sanay na ako sa mga tingin niya.
"I won't do anything okay. Just leave me alone. Why can't you just let me go to class in peace." Inis nitong maktol sa akin na mas lalo lang ikinakunot ng noo ko. Sinasabi niya pupunta siya sa klase pero maling daan naman ang tinatahak niya.
"Doon ang daan papuntang classroom natin o." Sarkastikong sabi ko sa kaniya habang itinuturo ang tamang daan pero hindi man lang ito nainis at bumuntong hininga na lamang saka nagsimulang maglakad.
Something is up. Una, nagkapalit ng posisyon ang pamilya ni Dorothy at ng pamilya ni Crissa. Pangalawa, napansin kong hindi na siya pumapasok sa klase namin. Pangatlo at ang pang-huli, nakikita ko siya ngayon na nilalakad ang ibang classroom.
Hindi kaya may kinalaman si Crissa kung bakit nagkakaganito si Dorothy. Hindi ko din nakalimutan na may nangyaring away sa pagitan ng mga ito kaya hindi din malabong ganoon nga ang nangyayari?
"Any policies of lower rank than me in Las Decas are void here. Whatever your problem is, you don't have to worry about it because students can move freely as long as I am the ace of this university."
Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko pero pakiramdam ko ay kailangang meron akong gawin. Nang masabi ko ang dapat kong sabihin, tumalikod na ako para tahakin ang kabilang pathway kung nasaan ang classroom namin.
"What are you doing here? Baka nakakalimutan mo, mas mataas ang ranggo ko sa'yo. Hindi ba dapat hindi mo ako sinusuway?" Yan ang bungad ni Crissa nang makapasok ako sa classroom. Akala ko ako ang kausap niya pero nakita ko si Dorothy na nasa likod ko na nauna nang pumasok sa akin at nilampasan ako.
Napaawang na lang ang labi ko dahil sa inasta niya. Hindi ko naman siya masisisi dahil ako naman ang nagbigay ng pahintulot sa kaniya para bumalik dito.
"Someone told me that your power is useless when the ace allows anyone to move freely in this university. I am part of this university so I think you should bear with it Crissa."
Tiningnan ako ng masama ni Crissa na para bang naghahanap ito ng sagot sa katanungan niya. Nagkibit balikat lamang ako saka nagtungo sa pwesto ko.
"Are you nuts? How can you allow someone horrible to get back here?" Crissa asked furiously so I looked at her from head to toe. What exactly does she mean by her question?
"Are you saying that I should put all of the horrible students somewhere? Where could that be?" I asked playfully and to my surprise she really answered my question.
"Where else if not in the charity section?" She said while smirking. I just smiled and looked at her until she's weirded out.
"If I did that, you also have to go. As if you're any better." I replied while smiling sweetly at her to piss her off. As usual, students who are listening to the conversation snickered but there's a snicker that stands out the most and when I found where it's coming from, I saw Hendrix with a mocking smile.
He is the eighth-ranked heir of Las Decas, he is one of the smartest nerd in this class. I thought he's laughing because of what I said but I am the one he's laughing at. Naramdaman siguro niyang nagtataka ako sa inaasta niya kaya ibinuka niya ang kaniyang bibig para magsalita.
"You're the one to speak but you're just as bad as them. Sure you have a brain and you're smart. But you're not so different from them. It would have been better if you just stay put, you just made things worse without realizing it."
He left after saying that while his friend Rayna, the fifth-ranked heiress in Las Decas followed him. What is he trying to say? That I am also a brat like the rest of the students here?
Pumangalumbaba na lamang ako sa upuan ko dahil wala naman na akong magagawa. Gusto ko mang kontrahin ang sinabi niya pero nakaalis naman na siya. What made him think that I am just as bad as the others?
Aaminin kong hindi ko gusto ang mga narinig ko dahil ang alam ko, malayo ang ugali ko sa mga tao dito at sinusubukan ko lang ituwid ang mga balikong pag-iisip nila pero mukhang iba ang iniisip ni Hendrix.
"Huwag mo nang isipin ang sinabi ng Hendrix na yon. Baka isa lang din siya sa mga naiinggit sa'yo kasi sa lahat ng iba, ikaw ang nakakagawa ng pagbabago dito sa University."
Hindi ko alam kung ganon nga ang nararamdaman ni Hendrix pero kung sakali man na tama ang sinasabi ni Martha, parang ang babaw naman ata ng dahilan. Sa maikling panahon, nakita kong matalino siya kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganon siya mag-isip.
"Nasaan na nga pala si Klarisse?" Tanong ko kay Martha dahil kanina ko pa napapansing hindi siya pumasok. Hindi naman sa nag-aalala ako sa kaniya pero napaka unusual na hindi siya pumasok dahil sa nangyari.
"Hindi mo ba nabalitaan? Dropped na siya, nakapasok siya dito dahil sa scholarship galing sa kaniyang agency. Ngayong hindi niya naalagaan ang image niya, natanggal siya sa agency kung saan siya dapat mag-dedebut as an artist kaya nawala na din pati ang scholarship niya dito. Mabuti nga at nabawasan na ang mga bruhang kagaya niya."
Napakagat ako sa mga daliri ko nang marinig na wala na pala si Klarisse sa University. Hindi ganito ang gusto kong mangyari, Palladium university has a tight security, hindi basta-bastang makakalabas ang mga nangyari dito unless may taong nagleak ng information tungkol sa mga nangyayari.
Maski nga ang mga miyembro ng Las Decas, wala silang kaalam-alam unless magtanong sila kung ano ang nangyari sa nasabing araw kung kailan nangyari iyon. I just did that to shut Klarisse up but I didn't expect her to get dismissed from the University.
"Huwag mo nang intindihin yon. Kahit naman natanggal siya sa agency may bagong agency naman ang tumanggap sa kaniya after the competition."
Hindi ko na alam. Kung nag-leak nga ang impormasyon tungkol sa nangyari, hindi ba dapat ang mga judges ang unang tatanggi na maging parte si Klarisse ng agency nila?
Iwinaksi ko na lamang iyon mula sa isipan ko dahil mukhang wlaa naman na akong magagawa, hindi ko na din naman alam kung saan na napadpad si Klarisse. Nang matapos lahat ng klase madaming nagsilapitang mga estudyante na tinatanong kung pwede daw ba nila akong maging kaibigan.
Sa bilis ng pangyayari, hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko kaya tumango na lamang ako. Ayoko namang makagawa ng pagkakamali at itaboy silang lahat gayong wala naman silang ginagawang masama.
Sa ngayon, pagbibigyan ko sila kahit na malaki ang posibilidad na kinakaibigan lang ako ng mga ito dahil nakita nilang hindi ako nagpapaapi sa kahit na sino.
Maya-maya pa, nilapitan ako ni Rayna, at humingi ng pasensya sa inasal kanina ni Hendrix, ipinaliwanag din nito na nagagalit lang ito dahil nakita niyang muli si Dorothy sa iisang classroom. Ang hindi ko maintindihan, bakit kailangan niyang ihalintulad ako kina Dorothy?
"Meron akong tanong." Natigil siya sa pagkukuwento tungkol kay Hendrix nang marinig ang tinuran ko. Nanatili siyang tahimik para makinig kaya nagsimula na lang akong magsalita.
"Kung ikaw ang tatanungin, masama ba na linisin ko ang pangalan ko sa harap ng mga tao?" Tinitigan lamang ako nito nang marinig ang tanong ko kaya naconscious ako sa maaari niyang isagot.
"Kung gagawin mo ito sa tamang paraan, hindi masama. Nasa iyo yon kung paano mo lilinisin ang pangalan mo." Sagot niya saka siya umalis. Imbes na malinawan ako sa mga katanungan ko, mas lalo atang gumulo.
Gusto ko pa sanang magtanong sa kaniya pero nakaalis na siya. Sa tingin ko naman tama yung pamamaraan na ginawa ko. Kilala ko si kasi si Klarisse, hindi niya seseryosohin ang mga maayos ko pakikiusap sa kaniya kung iyon ang gagawin ko kaya kinailangan kong gumawa ng paraan para seryosohin niya ako at yun nga ang pag-expose sa kaniya.
Sa tingin ko hindi naman masama na magsabi ako ng katotohanan para matakpan ko yung kasinungalingan niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top