Chapter 35
Samantha's Point of View
Napansin ko lang, naging mailap si Dorothy simula nang magkapalit ang ranggo ng pamilya niya at ng pamilya ni Crissa, ganun ba talaga kahalaga sa kaniya ang mataas niyang ranggo at ganoon na lang siya maapektuhan?
Napapansin ko din na hindi na siya pumapasok, did she dropped because of that? Ayaw ko mang isipin na ganoon kababaw si Dorothy pero considering na hindi normal mag-isip ang mga tao dito, posibleng ganoon nga ang nangyari.
Pangalawang araw na ngayon ng founding anniversary ng university pero tinatamad pa akong bumangon. Balak ko pa nga sanang lumiban pero kung gagawin ko 'yon, bibigyan ko ng pagkakataon ang grupo nina Crissa para pabagsakin ako.
Labag man sa loob ko, pinilit ko na lang bumangon at maghanda sa pagpasok. Malamig ang panahon ngayon at makulimlim na para bang sinasabayan nito ang kasalukuyan kong pakiramdam, tinatamad at masakit ang katawan.
"Oh bakit matamlay ang alaga ko?" Tanong ng kakapasok lang na katulong na si Aling Mila, tuwing umaga kasi ay may naglilinis ng kwarto ko kaya kailangan ko na din talagang bumangon.
Hindi ko alam kung bakit niya ako tinawag na alaga gayong nandito lang naman siya para maglinis at hindi para alagaan ako. Tuwing tinatawag ako nitong alaga ay nakakaramdam ako ng pagkainis kaya nilayasan ko na lamang ito.
Nawalan na din ako ng ganang kumain kaya dumiretso na ako sa university, siguro doon na lang ako kakain kahit sandwich lang. Kung kanina ay wala ako sa mood na pumasok, mas nadagdagan pa nang makita ang mga nakapaskil na mga posters sa dingding.
Agad na kumulo ang dugo ko nang makita kung ano ang nilalaman ng mga poster na iyon.
"Samantha, the boyfriend snatcher"
Kailanman, hindi ko naging intensyon ang mang-agaw ng boyfriend ng iba. Iisa lang ang kilala kong pwedeng gumawa nito. Si Klarisse lang naman ang mahilig gumawa ng kwento para magmukha akong masama at magmukha siyang kawawa.
Hindi na ako nag-abalang tanggalin isa-isa ang mga nakapaskil na poster, dumiretso na ako sa classroom para hanapin si Klarisse, may mga nalampasan pa akong mga kababaihang inilalayo ang kanilang mga boyfriend mula sa akin pero hindi ko na lamang pinansin, isaksak nila sa baga nila ang mga kasintahan nila.
Hindi ako tumuloy sa pagpasok dahil nagkaroon ako ng ideya nang madatnan ko siyang nagrerehearse doon kasama ang mga kabilang sa grupo niya na mataas ang suportang ibinibigay sa kaniya.
Naalala kong ngayon nga pala ang patimapalak para sa pagkanta, I was surprised as I heard her sing, she changed a lot. A girl who used to be a tone deaf is now an aspiring superstar.
Bago pa nila ako makitang sumisilip sa kanila, umalis na ako para hanapin si Bailey, sigurado akong kasali din siya ngayon sa patimpalak sa pagkanta dahil hilig talaga nito ang kumanta kahit na inililihim nito na hindi siya sikat na singer.
"Saan ang punta mo at parang nagmamadali ka?" Tanong agad nito nang mamataan ako nitong papalapit sa kaniya. Nabanggit kong balak kong sumali sa singing contest kaya napuno ito ng galak at para bang mas excited pa itong lumahok ako.
Nagpresinta pa ito na sasamahan ako sa coordinator para maipalista ang pangalan ko pero tumanggi ako kaya sinabi na lang nito kung saan ko makikita ang organizer.
Hindi ako nahirapang hanapin ang coordinator dahil hindi naman ito umalis sa kinaroroonan nito. Inaayos pa kasi nito ang mga nasa papel. Nang makita ako nito ay agad itong ngumiti at binati saka itinanong ang pakay ko.
"I am sorry Sir for the short notice but I'd like to inform you about some changes on the list because my partner forgot to include me. I am signing up with Klarisse Bartolome."
Agad naman nitong tiningnan ang mga pangalan na nasa listahan hanggang sa mahanap nito ang pangalan ni Klarisse doon. Naalala ko ang nirerehearse nitong kanta kanina kaya pati yon ay pinapalitan ko ng Never Enough ni Loren Allred.
Nag-aalinlangan pa itong palitan ang song pero sinabi ko rito na pati iyon ay pinapasabi ni Klarisse kaya wala na itong nagawa kundi palitan ang kung ano man ang nakasulat sa listahan.
'You can plant lies to everyone's mind but I can always cover lies with truth Klarisse. Just wait.'
Malapit nang magsimula ang contest kaya sumabay na ako sa coordinator para pumunta sa stage. Dati takot na takot na akong sumubok kumanta pero para bang may nagtrigger sa akin na maging confident ako kahit ngayong araw lang.
Hindi ako sigurado kung kagaya pa din ba ng dati ang boses ko o kung nasa kondisyon pa din ba ito pero nailista ko na ang pangalan ko, siguradong magtataka naman ang coordinator kung babawiin ko ang pagkakalista kaya wala akong choice kundi panindigan ang balak ko.
"Get yourselves ready, we will start in 15 minutes." Pagkuha ng attention ng coordinator sa mga kalahok, ang iba ay nakahanda na samantalang ang iba ay hindi pa tapos sa paglalagay ng mga make-up sa kani-kanilang mga mukha.
Kapansin-pansin kung paano nila pinaghahandaan ang contest na ito, mula ulo hanggang paa kasi nila, nakaayos. Mabuti na lang at hindi ko sinuot ang usual na damit ko dahil nasa labada ang lahat ng mga iyon.
Kapag nagkataon, magmumukha nanaman akong katawa-tawa sa harap ng madaming tao at baka hindi pa ako paniwalaan ng coordinator na magdu-duet kami ni Klarisse ngayon.
Ngayon ko lang isinuot ang mga dress na binili ni Mommy para sa akin na pinaresan ko ng flat sandals para kahit papaano, tumugma ito sa suot ko, itong salamin ko na lang ata ang natitirang nagiging dahilan para magmukha akong baduy. Allergic naman ako sa contacts kaya wala akong magagawa.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng discomfort pero tiniis ko nalang dahil ito naman na ang una at huling araw ko itong susuotin, hindi sa hindi ko naaappreciate ang mga ibinibigay sa akin, hindi ko lang talaga trip ang ganitong pormahan at hindi ko din gustong sayangin ang oras ko sa pag-aayos.
"What the hell are you doing here?" Bulong sa akin ni Klarisse nang iginiya ako nito papunta sa gilid ng backstage. Kumalas ako sa pagkakahawak niya dahil hanggang ngayon ay naiinis pa din ako sa mga posters na pinagdididikit niya sa mga dingding sa mga classrooms.
"Isn't it obvious Klarisse? I am also a participant. But don't worry, I am not the one you're competing with at this competition." Makahulugan kong saad sa kaniya pero nagtataka lamang niya akong tiningnan dahil wala siyang idea kung ano ang ibig kong sabihin at mas lalong wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari.
"Are you doing this because of the posters that I posted in every classrooms?" Nakangisi nitong tanong, sinabi pa nito na huwag kong pagsisihan ang pagsali ko dito dahil sa tagal noyang nagtraining kaya na daw ako nitong tapatan.
Napailing na lang ako sa sinabi niya dahil hindi pa din nawawala ang kayabangan niya pagdating sa mga kompetisyon. Huwag lang sana niyang lunukin ang mga sinabi niya kapag nagsimula na ang performance naming dalawa.
"I am just wondering, what made.you join this competition?" Tanong ni Bailey nang makaalis na si Klarisse.
"Singing used to be my favorite thing to do. I just think that I should show that I have a talent in singing, I can't just hide it forever because of my stupid past."
Mukhang kumbinsido naman siya sa sagot ko kaya hindi na din ito nagtanong pa ng karagdagang mga tanong. Ilang perforamance na ang nakalipas at ngayo'y tinawag na kaming dalawa ng coordinator.
Nagtataka pa si Klarisse kung bakit kaming dalawa ang tinawag pero hindi na siya nakapagtanong dahil lumabas na ako ng backstage. Knowing her insecurities, alam kong susunod siya dahil hindi niya kayang maatim na masapawan siya.
"What did you do? Bakit tayong dalawa ang tinawag? It's not like we're going to duet a song." I just looked at her smiling provocatively to annoy her. That's when she realized that I twisted the list, and we're actually going to sing together.
"You're going to regret this." Saad pa nito bago ngumiti sa harap ng mga audience, napaka-plastik.
"I don't think I will regret anything Klarisse." I replied as I also faced the audience.
Kitang kita ang mga naguguluhang mga kasama ni Klarisse sa nangyayari habang may mga tao namang nagch-cheer, tanaw ko din mula dito ang track team na panay ang cheer sa akin. Wala man silang naihandang banner tulad ng iba, naappreciate ko pa din ang suportang ibinibigay nila. Isa pa, hindi ko naman sila ininform na sasali ako ngayon.
Halos hindi na maipinta ang mukha ni Klarisse nang magsimulang tumugtog ang intro ng kanta kaya ako na ang nanguna para bigyan siya ng space. Nasa kaniya na kung hahayaan niyang mapahiya ang sarili niya o sasabay siya.
Nakabawi din naman agad ito mula sa pagkakabigla. Pagpasok ng second stanza ng kanta ay siya namang pagsabay nito. Base sa rehearsals niya kanina, hindi ang ganitong klase ng kanta ang timbre niya kaya halata ang inis nito sa akin habang kumakanta.
Pagdating namin sa climax, nanatiling mababa ang boses niya, nagmukha tuloy siyang kumakanta ng harmony. Halos maiyak ito sa galit sa akin nang matapos ang kanta pero pinilit niya pa ding ngumiti.
'If you think that I am still the girl before, think again as I assure you, that I am not the right person to mess with Klarisse.'
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top