Chapter 33

Sa araw ng foundation day, maririnig ang mga sigawan ng mga tao. Halos mawalan na ito ng mga boses dahil sa pag-cheer nila sa mga athletes na gusto nilang manalo. Karamihan sa mga ito ay si Lara ang ipinunta at ang mga susunod dito.

Samantalang ang mga iba pang mga kalahok ay nababalewala dahil hindi nito naabot ang mga standars ng mga manonood kaya halos walang sumusuporta sa mga ito. Kung ano man ang nararamdaman nila ngayon ay posibleng iyon din ang nararamdaman ko, ang mabahala.

Kahit papaano naman kahit bago ako dito ay may sumusuporta pa din sa akin, ang mga kaibigan ko. Sina Bailey, Martha at si Jayson. Simula kasi nang dumating sila sa buhay ko ay wala silang ibang ginawa kundi manatili sa tabi ko kaya nagpapasalamat ako na narito sila ngayon para suportahan ako.

Natanaw ko hindi kalayuan si Lara na masayang nakikipag-usap kina Klarisse at Crissa, nagtatawanan ang mga ito na para bang tuwang-tuwa sila sa kanilang mga plano kung meron nga silang mga planong hindi maganda.

'Sinasabi ko na nga ba.'

Ngayong nakumpirma ko nang magkakasabwat sila, kailangan ko lalong mag-ingat at maging alerto sa kung ano man ang gagawin nila. Posibleng iniisip pa din nila na distracted pa din ako sa pag-iisip sa kung ano ang plinaplano nila pero posible ding may inihanda din silang pangalawang plano sakaling pumapalpak yung nauna.

The game is about to start, all athletes already got changed to their sport attire. While I am the only one left still wearing my casual clothes. Someone needed help earlier so I helped first before going to the locker room. It might be part of their trap to make me miss the match but I could be wrong.

Luckily, I finished changing clothes on time so I arrived at the competition site earlier than I expected. Dahil mabilis nga lang ang 100-meter sprint, madali lang natapos ang match. Kapansin-pansin ang pagkadismaya at inis sa akin ni Lara nang matalo ko siya.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan ang mga manonood. Hindi siguro nila akalain na matatalo ng isang baguhan si Lara, ito ang una kong pag-asa na makuha ang pansin ng iba, ito ang una kong inasahan para makakuha ng mga taong seseryoso sa akin pero mukhang hindi din ito ang paraan.

Tatalikod na sana ako para magpahinga nang makarinig ako ng sigawan. Halos kalahati sa kanila ay isinisigaw ang pangalan ko, maging ang mga ibang athlete ay nagdiwang kasama nila.

"Nagawa mo! Natalo mo si Lara, akala namin sumusuko ka na din para talunin siya pero nagkamali kami. Magagawa mo na ang plano mo. Konti pa at mababago mo na ang mga balikong pag-iisip ng mga tao dito sa Palladium." Excited na salubong sa akin ni Martha nang matapos ang match.

"Nandaya ka! Dinaya mo ako! Ito na lang ang meron ako aagawin mo pa, pati ang mga dating sumusuporta sa akin ay nasa'yo na ang atensyon." Natuon ang atensyon ko kay Lara na ngayo'y galit na galit dahil sa kaniyang pagkatalo. Itinulak pa ako nito sa braso dahil sa sobrang galit niya. May mga estudyante na nagsiharang para pigilan kaming dalawa pero mukhang wala siyang balak na makinig kahit na kanino.

"Lara, matagal ka nang athlete ng track and field. Dapat alam mong tumanggap ng pagkatalo, hindi sa lahat ng oras ay mananalo ka. Madami ang sumusuporta sa'yo, pero ganito ang iaasal mo sa harapan nila? Hindi ko kasalanan na sakin napunta ang atensyon nila, they just cheered for me. Sa inaasal mo ngayon mas lalo silang mawawala sa'yo dahil sa gaspang ng ugali mo."

Madami ang sumang-ayon sa sinabi ko kaya hindi na maipinta ang mukha ni Lara dahil sa kahihiyan. Ang ibang mga sumusuporta dito ay halos nag-alisan na din dahil ayaw nilang magsising sinuportahan nila si Lara na para bang ikinakahiya na siya ng mga ito.

Kahit papaano ay nakaramdam din ako ng awa sa kaniya dahil sa pagbabago ng tingin sa kaniya ng mga taong dati'y sumusuporta sa kaniya pero nawala din ang naramdaman kong awa nang maalala kung ano ang plano nilang gawin.

...

Habang nagpapalit ako, naramdaman kong may kakaiba sa sports attire na suot ko, nang isinukat ko kasi ito noong mga nakaraan ay hindi ito ganoon kaluwang kaya hinubad ko ito para matingnan.

Napansin kong may nakalaylay na parte ng shorts ko at doon ko lang napansin na punit pala ang kaliwang bahagi nito at nilagyan lang ng ilang safety pin para maayos. May ideya na ako kung sino ang may gawa nito pero hindi sila ang kailangan kong problemahin ngayon.

Mabuti na lang at aware ako na may ganitong dayaang mangyayari kaya nagbaon ako ng kaparehas na sports attire kung sakaling masira ang nakasilid sa locker. Nang magkaroon na ng anunsiyo na magsisimula na ang laro ay dali dali ko nang isinilid pabalik ang mga nasirang damit ko.

...

Kung hindi ko pa napansin na magkakasabwat sila noong nakaraan, malamang nadawit nanaman ako sa isang kahihiyan. Hindi na umakyat sa entablado si Lara nang hirangin itong second place sa patimpalak kaya hindi na nito nakuha ang kaniyang silver medal.

Madami pa din ang mga taong nagch-cheer lalo na nang isabit sa akin ang gintong medalya at trophy. Pagbaba ko sa entablado, halos dumugin na ako ng mga tao dahil gusto nilang malaman kung kailan pa ako sumali ng track and field.

Hindi ko inasahan na ganito ang magiging feedback ng mga tao dahil sa simpleng pagkapanalo ko at mas lalong hindi ko inasahan na ganito kasikat sa Palladium ang track and field.

Kung sa mga normal na paaralan kasi ay hindi masyadong pinagtutuunan ng pansin ang kahit ano mang sport ng track and field. Mas pinagtutuunan nila ang mga sports na may kinalaman sa bola tulad ng basketball at volleyball.

Hindi ako sanay sa ganitong klaseng treatment kaya hindi ako naging komportable sa pagdumog sa akin. Bakit parang ang OA naman ata nila? Ang akala ko simple lang na atensyon ang ibibigay nila sa akin pero sa sitwasyon ko ngayon daig ko pa ang mga sikat na artista kung pagkaguluhan.

"So you're really getting what you wanted?" Napairap na lamang ako nang lumapit nanaman ang grupo nina Crissa sa akin. Lahat na lang ba ng nangyayari sa buhay ko babantayan niya? Ganun ba kalala ang takot niya na mawala nang tuluyan ang sistemang matagal nilang pinoprotektahan?

"Listen here people. Do you know why the nerd here doing all of this? She's trying to disobey the rules set by Las Decas. She is trying to unite the rich and the poor, she is making way for the poor to take advantage of the rich. It's ridiculous isn't it?"

Sabat naman ni Klarisse, ano bang alam niya sa rules ng Palladium City? Kararating lang niya dito pero kung makaasta siya, akala mo gamay na gamay na niya ang mga tao dito. Kung sabagay, hindi na din ako magtataka dahil kauri nga naman niya ang karamihan sa mga tao dito.

"Kung iyan ang pananaw mo, hindi kita masisisi dahil noon pa man makitid na talaga ang utak mo. Ako na lang ang iintindi sa ugali mo kasi sa ating dalawa, mukhang ako naman ang may kakayahan non, ang umintindi."

Tulad ng nakagawian, may mga estudyante nanaman na nagbubulungan dahil sa pagtatalo namin ni Klarisse. Karamihan ay itinatanong nila sa isa't-isa kung kakilala ko na ba noon pa si Klarisse.

"At ano naman ang mali kung maging malapit sa isa't-isa ang mga mayayaman at mga mahihirap? Pare-pareho lang naman tayong mga tao dito. Kayo lang ang nag-iisip na aabusuhin ng mga mahihirap ang mga mayayaman pero ang totoo, nandidiri lang naman kayo sa kanila. Kung tutuusin kayo pa ngang mayayaman ang umaabuso sa mga mahihirap. Hindi ko nilalahat pero may mga nakikita kasi ako na hindi makatarungan ang trato sa mga mahihirap."

Buong tapang na sagot ng isang taong nasa panig ko. Nauutal man ito sa sinabi pero nagawa pa din nitong ipahayag ang gusto nitong sabihin. Madami ang sumang-ayon sa sinabi niya, may ilan na di sang-ayon, at may mga tao naman na piniling manahimik para makapag-isip.

Samantala, nadaragdagan lang ang inis nina Klarisse sa nangyayari. Kung dati, kaunti lang ang kakampi, ngayon ay unti-unti silang nadadagdagan dahil sa pakikilahok ko sa Track and Field.

"Hindi ko din nilalahat pero may mga mahihirap ding pinag-iinteresan ang kung anong mayroon ang mga mayayaman. Palibhasa, mga naiinggit kaya gustong makalapit." Depensa ni Klarisse habang may namumuong mapaglarong ngiti sa mga labi nito.

Hindi ko alam kung may karanasan ba siyang ganoon tungkol sa mga mahihirap at nasabi niya yon o sinusubukan lang niyang baliktarin ang sitwasyon para manalo sa kaniyang argumento.

"Hindi ba ganun ka Sam? May pag-aari ako na pinag-iinteresan mo?" Hindi na ako nagulat sa sinabi nito dahil kahit anong pamamaraan pa yan, handa niyang gawin masigurado niya lang na lumagapak ako sa lupa. Siniko pa ito ni Crissa para alamin kung anong sinasabi nito pero hindi siya nito pinansin.

Hinayaan ko na magbulungan ang mga estudyanteng nakapaligid sa amin at tingnan ako nang may pagtataka sa kanilang mga mukha.

"Ganito mo ba gustong maglaro? Sige, sasabayan kita sa laro mo." Kahit anong dungis maglaro ng tao kayang-kayang linisin non ng mga taong malinis ang konsensya at marunong lumaban ng patas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top