Chapter 28
Nadatnan kong nagchichismisan ang mga tao, malamang tungkol yan sa mistress issue ni Dad. Gusto ko man magreklamo sa mga ginagawa nila, mas lalo lang akong magmumukhang guilty kapag ginawa ko yon.
"O anong nililinga-linga mo diyan?" Tanong ni Martha nang makarating ako sa classroom. It turns out na hindi naman pala ang dyaryo ang pinag-uusapan nila kundi ang bagong transfer student.
Ayon sa kanila mas matanda daw ito ng dalawang taon dahil tumigil ito para mag-vocal training. Dito daw niya tatapusin ang pag-aaral niya bago siya magdebut as a singer.
Hindi ko na lamang sila pinansin dahil hindi naman pala ito tungkol sa pamilya ko. Ang inaalala ko ngayon ay ang kalagayan ni Mom, hindi pa din kasi maalis sa isipan ko na ako ang dahilan kung bakit siya inatake sa puso.
"Iniisip mo pa din ba yung tungkol sa - alam mo na." Tanong nito, buti nga kung yun lang talaga ang iniisip ko kaso inaalala ko din si Mommy, hindi ko alam kung kailan siya uuwi at kung saang ospital siya na-admit kaya hindi ko siya mabisita. Mukhang inililihim pa sa akin to ni Dad kaya hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya na alam ko.
Tinapik ng marahan ni Martha ang balikat ko dahil alam niya na madami nang gumugulo sa isipan ko ngayon. Simula noong nastuck kami sa isla nagkapatong-patong na ang mga problema pagdating ko.
Minsan hindi ko maiwasang isipin na imbes na makatulong ako, mas dumadagdag lang ako sa alalahanin. Natahimik ang lahat ng mga kaklase ko nang pumasok si Professor Willow kasama ang pamilyar na babae.
I scoffed when I saw who it is. I can't be mistaken, it's Klarisse. The girl who's lipsyncing my voice when I used to sing backstage. Did she really, trained to be a singer?
"Bakit ganiyan ang reaction mo? Kilala mo ba siya?" Nawala ako sa malalim na pag-iisip at tinanguan lamang si Martha. Sinong makakalimot sa kaniya? Nung huli naming pagkikita binabato pa yan ng kung ano-ano matapos mahuling nagli-lip sync. I wonder how she improved over the years.
"Good morning kiddos, I am Klarisse Bartolome a future superstar, I hope we'll get along." Pakilala niya sa kaniyang sarili habang ngumingiti at kumakaway na akala mo'y isa na nga siyang superstar kahit hindi pa naman nagsisimula ang career niya.
Ang mga kaklase ko naman na uhaw sa kasikatan ay nagsipresinta nang maging kaibigan niya, habang kaming mga walang pakialam ay nanatili lang sa aming mga upuan.
"Quiet! Go back to your seats." Galit na saad ni Professor Willow kaya nagsibalikan ang mga kaklase kong may mas mahina ang social status kumpara sa kaniya. Samantalang hindi naman siya pinansin ng ibang estudyante na may mas mataas na social status.
Pinakiusapan niyo ito nang maayos pero inirapan lang siya ng mga ito. Ito ang problema sa Palladium, kapag alam nilang mas mababa ang social status mo sa kanila, kakayan-kayanin ka nila.
Ganun din sa mga taong may mas mataas na social status sa kanila, kung alam nilang hindi ko gagamitin ang kapangyarihan mo laban sa kanila sila pa din ang may kontrol kahit na mas mababa sila kumpara sa'yo lalong lalo na kapag hindi nila alam na mas mataas ang social status mo kaysa sa kanila.
"I'll be your friend if you make her life miserble because that's been my goal for a long time." She said and pointed at me. Now you know what I mean? She's the type of person who has some guts because she isn't aware who's she dealing with.
Sisitahin pa sana ito ni Professor Willow pero sinenyasan ko na lang ito na huwag nang makialam. Nakuha naman nito ang gusto kong iparating kaya hindi na siya nagsalita. Ang mga estudyante namang gustong maging kaibigan siya ay pumayag na makipagtulungan sa kaniya para pahirapan ako.
Hanga na sana ako sa kaniya na hindi na niya kakailanganin ng ghost singer para maging superstar pero seryoso? Sasayangin niya ang opportunity na natanggap niya para lang mapahirapan ako?
If her arrival is still not enough, a group of students also arrived to join this class and one of those group of students is Crissa, the scandalous girl who loves to seek for an attention regardles how bad or good it is, as long as she can gain attention, she'll do it.
"I want to join in your gang too, you could use my help as I am the heiress of the second-ranked Las Decas." Klarisse's eyes lit up as she can use her as as a shield. Kilala ko si Klarisse the more the powerful a person is, the more she can use it as a shield. Sa madaling salita, manggagamit siya.
"Sure, it's my pleasure to have an heiress to my group. Besides, I need someone to lead." Umaalingasaw sa kaplastikan nitong sabi pero ang totoo, hindi leader ang kailangan niya kundi ng taong mauuto.
"I like your mindset. It seems like I found someone to depend on." Maarte namang sagot ni Crissa, good luck na lang sa kanilang dalawa. Hindi pa naman nila kilala gaano ang isa't-isa pero ganiyan na sila kung magturingan.
Kung susumahin mo, bagay silang maging tandem. Isang manggagamit at isang tagapagmana. Kung magkakasiraan man silang dalawa, sigurado ako na si Klarisse ang talo.
Hindi basta-bastang kaaway ang mga tagapagmana ng Las Decas, ayaw ko man aminin, maski ako ay napansin ko yun simula nang makatapak ako sa lugar na ito. Ang kakayahang manggamit ni Klarisse ay paniguradong kayang ibalik sa kaniya ni Crissa sa pamamagitan ng social status niya.
Mukhang dito na magsisimula ang pinaka malaking kaguluhan sa Palladium University. Hindi ako sigurado kung may mga gulo na ba dito noong hindi pa ako nakakarating dito o hindi ako sigurado kung gaano ba ito kalala.
Pero isa lang ang sigurado ko, isa sa pagsasama nilang dalawa ang magiging sanhi ng kaguluhan dito sa Palladium. Pareho kasi silang may hinanakit, pareho nilang gustong gumanti kaya sila ang nagkakaintindihan.
On the brighter side, halatang pareho silang gagamitin lang ang isa't-isa for personal gain. Maaaring maging malakas sila dahil pareho sila ng goal pero sa huli, dahil may bagay silang hindi nila kayang pagkasunduan, sila lang din ang magsisiraan.
"Sasabihin ko sa kaniya na ikaw ang tagapagmana ng first-ranked Las Decas para hindi ka nila guluhin." Biglang bulong sa akin ni Martha pero pinigilan ko na siya bago pa man siya makakilos, nagtataka niya akong tinignan pero sinabi kong kaya ko ang sarili ko kaya wala siyang nagawa kundi ang bumuntong hininga at hayaan ako sa gusto kong mangyari.
"Kayo? Hindi ba kayo sasali?." Tanong ni Crissa sa mga kasamahan, agad na kumilos ang mga kasama nito para makipagkilala kay Klarisse maliban sa dalawang nerd na nagtungo na sa bakanteng upuan.
"Anong ginagawa niyo? Bumalik kayo rito, huwag niyong sabihing diyan sa nerd na yan kayo kumakampi. Baka nakakalimutan niyong ako ang dahilan kung bakit kayo nakabalik dito."
Giit ni Crissa nang hindi nasunod ang kagustuhan nito. Lumalabas na ang mga kasamahan niyang pumasok dito sa classroom ay mga myembro din ng Las Decas.
"Hindi naman namin kailangan ng tulong mo. Kaya naming makapasok dito gamit lang ang sarili naming talino. Wala nang kontrol si Dorothy, sa university na ito. Maging ikaw ay wala din, hindi mo na mauulit sa amin ang kung ano man ang ginawa ni Dorothy noon. Hindi kami makikialam sa gusto mong gawin, sana ganun ka din sa amin."
Hindi nakapagsalita si Crissa nang sabihin iyon ng isa sa mga nerds na hindi sumunod sa kaniya. Akala ko ako lang ang nerd dito na may paninindigan sa sarili, may iba din pala.
Hindi ako aware na may masamang nakaraan pala ang mga tagapagmana ng mga Las Decas kay Dorothy, kaya din siguro nagkakaganito si Crissa para makaganti. At mas lalong hindi ako aware na nagkapalit na pala ang pamilya Evans at pamilya Fitz ng posisyon sa Las Decas.
Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung ano ang nangyari sa kanila at ganito na lang sila kung magturingan, napapaisip din ako kung paano nangyaring nagkapalit ng posisyon ang pamilya ni Dorothy at ni Crissa. Baka sakali kasing pwede ko tong magamit para baguhin ang sistema ng Palladium.
"Alright, that's enough go back to your seats as we still have one more transfer student and he got in through scholarship." Nang mabanggit ni Professor Willow ang scholarship ay automatic na nagtawanan ang mga estudyanteng nasa loob maliban sa dalawang nerd na tagapagmana ng Las Decas at mga nakapasok din sa pamamagitan ng scholarship.
Napanganga na lang ako nang makita ko kung sino ang pumasok. Akala ko hindi siya seryoso nang sabihin niyang gusto niyang pumasok sa Palladium, nasabihan ko na din na hindi maganda ang mindset ng mga tao dito pero heto siya at nakangiti pa sa harapan. Napahilamos na lang ako sa aking mukha at hinayaan siya sa gusto niya, sana lang makatagal siya sa ugali ng mga tao dito.
"Hi, my name is Jayson Amarillo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top