Chapter 27
"Huy!" Nabalik ako sa katinuan nang may yumugyog sa balikat ko. Kanina pa pala ako tinatawag ni Martha pero masyado kong inisip ang sitwasyon nila Mom at Dad.
Hindi ko din kasi nakita si Mom buong araw magmula kahapon. Iniisip ko baka naglayas siya dahil nalaman niyang niloloko siya ni Dad, pero kung ganun nga ang nangyari, bakit hindi niya ako cinontact para sabihan?
"Kanina ka pa lutang diyan. Iniisip mo pa din ba yung mga nangyari sa'yo sa dagat?" Nag-aalalang tanong nito sa akin. Magkasama nga pala kami, hindi ko man lang namalayan na lumalalim na pala ang iniisip ko.
"Mukhang kailangan mo pa atang magpahinga, bakit ka ba kasi pumayag na lumabas na? Ubusin mo na yang kinakain mo at umuwi na tayo" saad nito saka minadaling ubusin ang pagkain niya.
Nabalitaan kong may mga estudyanteng nasawi dahil sa bagyo, madaming mga magulang ang namatayan ng anak kaya pinostpone na muna nila ang klase hanggang bukas.
"Hindi, okay lang ako. Iniisip ko lang na sa kabila ng lakas ng bagyo noong araw na yon, nakaligtas pa din ako." Pagsisinungaling ko dahil mukhang desidido na itong umuwi na sana pala hindi ko na sinabi.
"Pupuntahan ko si Tita Clementine, ipapasa ko sana yung resume ko. Well, hindi naman na daw kailangan pero as a formality na din." Gusto ko mang tumanggi na sumama sa kaniya pero kapag ginawa ko yun, sigurado akong pauulanan niya ako ng tanong kung bakit.
Ayaw ko namang sabihin sa kaniya na may affair sila ng Daddy ko at ikwento sa kaniya ang detalye dahil feeling ko mas lalo lang mag-iinit ang ulo ko kapag nagsalita pa ako.
Habang papalapit kami ng papalapit sa boutique ni Tita Clementine, mas lalong nangingibabaw ang galit ko sa kaniya. Naaalala ko nanaman kasi ang pagsisinungaling niya sa akin na gusto niya akong tulungan.
"Mauna ka na, kailangan kong magbanyo." Hindi ko talaga kayang makita si Tita Clementine ngayon kaya kahit pati lumang palusot ay pinatulan ko na para makaalis lang, hindi ko na siya hinayaan pang magsalita at dali dali nang tumakbo nang walang ideya kung saan ako pupunta.
Sa pagmamadali ko, nakabangga ako ng tao nang di sinasadya. Hihingi sana ako ng tawad pero pinigilan ko ang sarili ko nang sigawan ako nito.
"Watch it! Look what you — Oh, it's the ace's daughter. You're wearing those glasses and still can't see." Napairap ako nang makita ko nanaman ang babaeng sumampal sa akin noong unang araw ko sa umiversity.
Ayaw ko ng gulo dahil hindi maganda ang mood ko kaya nilunok ko na lang ang pride ko at humingi ng pasenya sa kaniya. Ayaw ko nang patulan pa ang taong hindi ko naman kilala.
"It's fine! At least you know how to apologize. That's right, don't let your current position fill your head as our family will be the next ace of Las Decas. We already got the Evans' position, it will not take long to take yours."
Tama ba ang narinig ko? Nagkapalit na ang posisyon nitong babaeng to at ng pamilya ni Dorothy.
"Ang lakas ng loob mong balaan ako na wag akong masyadong magyabang dahil sa mataas na ranggo ng pamilya ko pero ikaw mismo itong nagyayabang. Ano ka? Exception? Feeling superior sa lahat kahit sa mas superior sa'yo?"
Inis na tanong ko dito pero tinanguan lamang niya ako na para bang sinasabi niyang tama ang mga sinabi ko. Akala ko si Dorothy na ang pinakamalalang tao na nakilala ko pero meron pa pala itong isang to. Kampon ba sila pareho ni Satanas o ano?
"Why are you here anyway? Are going to shop for another batch of baduy clothes?" Pambubusko nito habang kinikilatis ako mula ulo hanggang paa.
"Oh yes that's what I'm doing. How about you? I thought no pets are allowed in this mall, how did you get in?" Kung kanina ay nag-eenjoy itong asarin ako, ngayon ay natahimik siya saka ako pinanlisikan ng mata.
"How dare you insult me!" Bigla na lamang nitong sigaw saka ako inatake. Pilit kong inaalis ang pagkasabunot niya sa akin pero masyadong mahigpit ang kapit niya dito kaya hindi ko ito maalis kaya sinabunutan ko na lang din siya.
Madami nang tao ang nakatingin sa amin pero ayaw pa din magpaawat nitong babaeng nakasabunot pa din sa akin.
"Stop that at once!" Biglang sigaw ng kung sino na siyang nagpatigil sa babaeng nakasabunot sa akin. Unti-unti nitong binitawan ang buhok ko kaya ganoon na lang din ang ginawa ko. Pati ang mga taong kanina ay nanonood ay nagsialisan nang marinig ang malakas at galit na sigaw ng babaeng pumigil sa kaguluhan.
Nang lumingon ako para malaman kung sino iyon ay bumungad sa akin si Tita Clementine, I didn't recognized her voice when she shouted because I knew her for having a calm voice.
Kung hindi pa sapat na nasira ang araw ko dahil dito sa babaeng nakasabunotan ko, dadagdag pa si Tita Clementine na bigla bigla na lang sumusulpot para makialam. Hindi ko alam kung iyon ba ang purpose niya kung bakit niya ako nilapitan pero isa lang ang sigurado ko. She's trying to take Dad from us.
Nang mamataan ako ni Martha ay agad ako nitong nilapitan para itanong kung ano ba ang pinagmulan ng away namin ni Crissa. So that's her name. What a nice name, it sounds bitchy, bagay sa kaniya.
"Alam mo napapansin ko lately, wala ka talaga sa sarili mo. Ano bang nangyayari sa'yo? Pwede ka namang magsabi sa akin at sa pagkakataong ito, magsabi ka ng totoo. Kaibigan mo naman ako."
Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi niya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung kaya kong sabihin sa kaniya ang mga nangyari dahil nakakatakot. Natatakot ako na sa huli ay hindi ko naman pala siya mapagkakatiwalaan.
Matiyagang naghihintay si Martha sa aking sasabihin habang ako ay hindi alam kung ano ang sasabihin ko. I felt bad for not trusting her when she is my friend so I pulled her away from the scene to tell her what I think.
Nang masabi ko sa kaniya ang mga tumatakbo sa isip ko ay natahimik siya, marahil ay hindi din niya alam kung ano ang kaniyang sasabihin. Napabuntong hininga na lamang ako, kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko dahil may napagsabihan ako pero hanggang ngayon iniisip ko pa din kung paano ko sosolusyonan ang mga problemang hinaharap ko ngayon.
Ihing ihi na ako, yung palusot ko kanina mukhang ngayon pa magkakatotoo, hinila ko na agad si Martha palayo at hinayaan nang si Tita Clementine ang umayos ng kaguluhan na 'yon.
Hindi ko akalain na sa simpleng pag-iwas ko, ganitong gulo ang mangyayari sa akin. Hindi ko ugali ang makipagsabunutan o makipagpisikalan, lalo na sa mga publikong lugar at sa mga lugar na madaming nakakakita.
Kinabukasan, galit na galit si Dad na pumunta sa akin habang may hawak na dyaryo. Nagulat ako nang bigla na lang niya itong ibinato sa akin, bumagsak ang dyaryo sa sahig kaya bumungad sa akin kung ano ang nakasulat doon kaya pinulot ko ito para mabasa ko nang mas maayos.
"Tayong pamilya lang ang may alam sa isyung yan Samantha, paano yan nakalabas? Ikaw ba ang nagpakalat niyan? Hindi totoo ang anumang nakalagay diyan. Masisira ang pangalan natin!"
Sa tanang buhay ko ngayon ko lang nakita si Dad na nagkakaganito. Umiling ako at sinabing walang kinalaman sa pagkakapublish ng dyaryo. Gusto kong maniwala sa kaniya na hindi totoo ang mga nakalagay sa dyaryo pero gumugulo pa din sa isipan ko ang pagyayakapan nila ni Tita Clementine.
Isa lang ang pinagsabihan ko tungkol sa bagay na ito. Si Martha lang pero kung ikukumpara ko ang nakasulat sa dyaryo at ang mga sinabi ko sa kaniya, malayo ang mga detalye non dahil hindi ko binanggit ang nakita kong pagyayakapan ni Dad at ni Tita Clementine kaya malabong si Martha ang may kagagawan nito.
When I turned the page of the article I saw a picture of Dad hugging Tita Clementine but Tita Clementine's face is blurry in the photo while dad's photo is clear as if they did this on purpose.
Ipinakita ko ang litrato kay dad at mas lalo pa siyang nataranta. Hindi ko na din alam kung ano ang iisipin ko at kung ano ang mararamdaman ko. Is Tita Clementine setting Dad up? Napakagulo na, nakakasakit ng ulo at nakakawindang ang mga nangyayari.
"Malabong ako ang may gawa nito Dad, I don't take pictures like this." Paliwanag ko sa kaniya, he just nodded as he understand what I am trying to say. Mabibigat ang martsa ni Dad na umalis sa harapam ko kaya sinundan ko ito, pakiramdam ko ay magpapadalo siya sa mga ikikilos niya.
I saw him grabbing his phone from his pocket to call someone. I wonder what he's up to. I hid in a wall to hear what he has to say and I heard it. Mom is in a hospital as she got a heart attack because of me. A tear fell from my eye, I am about to cry and sob but I don't want to be heard so I Ieft there.
Dad is trying to keep Mom away from this mess as he don't want her condition to worsen. Am I wrong all along? I want to solve this mystery but I just don't know where to start.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top