Chapter 25
Third Person's Point of View
Nagmumukmok pa din si Bailey dahil sa nangyari na halos hindi na lumalabas sa kaniyang kwarto. Wala man lang kasi siyang nagawa para iligtas si Samantha.
Pakiramdam niya ay wala siyang kwentang kaibigan, hindi man siya sigurado kung kaibigan ang turing sa kaniya ni Samantha pero kaibigan na ang turing niya rito dahil si Samantha lamang unang tao na nagpakatotoo sa kaniya.
"Sir, pinapatawag na po kayo sa baba. Kumain na daw po kayo, dalawang araw na po kayong nakakulong sa kwarto ninyo."
Saad ng isang kasambahay sa tinitirhan niya. Ayaw man niyang bumaba wala silang magawa dahil nakikitira lamang siya, mahirap para sa kaniya na tanggihan ang mga bagay na inaalok ng mga taong tumutulong sa kaniya.
"Huwag mo nang masyadong alalahanin ang mga nangyayari, alam ko na nag-aalala ka din sa kaniya, ipagdasal na lang natin na sana ay mahanap siya. Tagapagmana siya ng pinuno ng Las Decas kaya sigurado ako na gagawin nila ang lahat para mahanap si Sam."
Gusto ding umasa ni Bailey pero hangga't walang balita tungkol sa kaniyang kaibigan, hindi ito matatahimik. Hangga't hindi nahahanap si Sam, hindi niya kayang maging kampante at patuloy lamang nitong sisisihin ang sarili.
Hanggang ngayon ay malinaw pa din sa alaala niya kung paano lamunin ng alon si Samantha. Tanda niya pa kung paano niya tangkaing iligtas ito pero bigo siya dahil may mga taong pumigil sa kaniya para gawin iyon.
'Nandoon ako, pero wala man lang akong nagawa.'
Sa ospital kung saan kasalukuyang namamalagi si Ree, makikita ang mahimbing na pagtulog ni Theo habang binabantayan ang kaniyang asawa.
Halatang puyat at pagod ito dahil nangingitim na ang ilalim ng kaniyang mga mata. Hirap na itong pagsabayin ang pagbabantay sa asawa at pagbabantay sa kung anong nangyayari sa kaniyang mga negosyo.
Lalo na ngayon at may mga dokumento siyang kailangang ayusin dahil sa biglaang pagbabago ng Las Decas. Gustuhin man niyang magpahinga, alam niyang hindi pwede dahil pangalan naman nila ang babagsak, at iyon ang pinaka-ayaw niyang mangyari.
"What happened? Why am I here?" Hinang hinang tanong ni Ree sa oras na magising ito. Samantalang si Theo naman ay tila nabunutan ng tinik dahil sa wakas ay gising na ang kaniyang asawa.
"Wala ka bang naaalala? Nahimatay ka kaya dinala kita dito sa ospital." Nag-aalalang sagot ni Theo sa tanong nito. Akmang babangon si Ree pero pinigilan siya ni Theo dahil alam nito na magsisimula nanaman ang asawang alalahanin ang sinapit ng kanilang anak.
"Kumalma ka, ayos na ang lahat. Nahanap na si Sam kaya huwag ka nang mag-alala. Magpahinga ka na lang muna para kapag dumating siya, hindi siya mag-alala sa'yo. Ayaw mong nakikita siyang nag-aalala diba?"
Pag-aalo ni Theo para mapatahan si Ree na wala nang nagawa kundi ang mapaluha dahil nalaman niyang ligtas ang kaniyang anak. Nang makatulog muli si Ree, iniwan muna niya saglit ang asawa para kumuha ng gamit nito dahil mukhang magtatagal pa sila sa ospital para sa recovery ni Ree.
Kasabay non ay nagpadala na din si Theo ng mga tauhan niya para abangan si Samantha sa pagdating nito. Hindi niya alam kung paano niya sasabihin kay Sam ang nangyari sa kaniyang ina kaya balak sana nitong ilihim na lang muna dahil iyon din panigurado ang gustong mangyari ng kaniyang asawa.
Kung gaano man kasaya ang mga Marquez dahil nalaman nilang ligtas ang kanilang tagapagmana, doble non ang nararamdamang saya ng mga Evans nang malaman nilang ligtas ang anak nila.
Pero agad ding nawala ang ngiti ng mga ito nang makarinig sila ng masamang balita. Nanganganib ang posisyon nila sa Las Decas. Walang sino mang miyembro ang hindi malulugmok kapag ang nakasanayan nilang posisyon ay mawawala na sa kanila.
Mabuti pa sana kung aangat sila pero ang bumaba ng kahit na isang posisyon pa, hindi iyon magiging katanggap-tanggap, hindi iyon kakayanin ng pride nila dahil mababawasan ang mga kaya nilang gawin.
Samantala, wala kang maririnig kundi ang mga nagbabagsakang mga gamit at hiyaw ni Crissa dahil nalaman nitong nakaligtas ang mga taong tinuturing niyang kaaway.
"Señorita, tama na po. Ako po ang malalagot kapag nakita ng Daddy niyo ang kaguluhan na ito." Takot na sabi ng kasambahay habang sinusubukan pigilan si Crissa.
Madalas kasi ay wala naman sa bahay ang mga magulang niya kaya si Crissa lang ang may kontrol sa tinitirhan nilang pamilya.
"And? Why is that my concern? Wala akong pakialam kahit mawalan ka pa ng trabaho!" Sigaw nitong muli saka nanaman nagbato ng panibagong bagay.
Magulo na para bang sinalanta ng bagyo ang sala ng mansyon nila na kahit na sinong magulang ang makakita ay kagagalitan ang sino mang may gawa pero sa mundo nila, mas uso ang mga napagbintangan kaysa sa kung sino ang tunay na gumawa kaya ganoon na lamang ang takot ng katulong sa mga pinaggagagawa nito.
Wala na din namang magiging saysay ang pagtakas nito dahil kapag nagkataong mahanap siya, mas mabigat ang parusang ihahain sa kaniya.
"Kung hindi lang din naman sila mawawala sa landas ko. Pwes ako mismo ang magpapabagsak sa kanila." Saad nito at padabog na nagmartsang nagtungo sa kaniyang kwarto.
Inip na inip na siya, kating kati nang maagaw ang posisyon ng pamilya ni Dorothy. Inis niyang kinuha ang phone niya para tawagan ang Daddy niya pero bumungad na ang caller ID nito sa kaniyang screen bago pa man siya makatawag.
"Hello Dad? Kumusta na po ba ang—" Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin dahil narinig na niya ang sagot.
"It was a success. After the papers being processed, we'll be officially the second ranked member of Las Decas." Ang kaninang kunot-noong si Crissa, ngayo'y napapapalakpak na sa tuwa.
"Talaga Dad? Does that mean that I will no longer have to endure the disgusting charity section?" She asked excitedly. She's been waiting for this day to come and it finally did.
"Wait, what?!" Gulat na tanong ng kaniyang ama dahil wala itong kaalam-alam sa nangyari sa kaniyang anak dahil walang naikukuwento ito sa mga masamang nangyayari.
Noon kasi ay mas mababa ang ranggo ni Crissa kaysa kay Dorothy kaya hindi nito magawang lumaban sa panggigipit sa kaniya ni Dorothy. Ngayong bumaliktad na ang lahat, wala nang dahilan pa para matakot siya dito.
"It's a long story Dad but to cut it short, I was mistreated by Dorothy inside the university along with the other heirs. Imagine what I've gone through."
Saad nito gamit ang paawa nitong boses. Maririnig naman sa kabilang linya ang malalim na paghinga ng Daddy ni Crissa, isang senyales na magsisimula na itong magalit.
Nagagalit ito dahil wala man siyang kaalam-alam na naaapi na ang kaniyang anak. Bukod sa kayamanan, parte ang mga anak sa pinakamahalaga sa buhay ng isang miyembro ng Las Decas dahil hindi sila aangat nang walang tagapagmana.
Kaya ganoon na lamang kung magalit ito dahil pakiramdam niya ay naaapakan at nababastos na din ang pagkatao niya dahil sa sinasapit ng kaniyang anak.
"Hayaan mo anak, pag nasa atin na ang titulo ng pagiging ikalawang miyembro ng Las Decas, ikaw naman ang gagawa ng mga bagay na ginawa niya sa'yo. Siya naman ang luluhod para magmakaawa, siya naman ang makakatikim ng pagpapahirap na minsan niyang ginawa sa'yo."
Habang naririnig ni Crissa ang mga binabanggit ng kaniyamg ama ay lalo lamang lumalawak ang mga ngiti nito dahil mas lalo lang nadadagdagan ang mga ideya ni Crissa para pahirapan ng husto si Dorothy.
Masayang-masaya na bumaba si Crissa para maghanap ng makakain. Kung kanina ay wala itong ganang kumain, ngayon ay parang nagkaroon ng himala para gawin ang mga bagay na kanina'y hindi niya gustong gawin.
Nadatnan niyang malinis na ang lugar na pinagdiskitahan niya, samantalang ang katulong na naglinis non ay tahimik na nililigpit sa isang sako ang mga nagkabasag-basag at nagkasira-sirang gamit.
"Huwag ka na ngang magmukmok diyan. Sasabihin ko kay Daddy na ako ang sumira sa lahat ng mga yan kaya wag mo nang problemahing baka matanggal ka."
Pasupladang saad ni Crissa habang ang katulong ay nagulat ng bahagya sa inasal ng dalaga. Hindi kasi nito akalain na biglang magbabago ng ganoon kabilis ang mood nito.
Nagpasalamat pa ito pero nilayasan na siya ni Crissa. Ganunpaman, malaki ang pasasalamat niya dahil malaking siyudad ang Palladium walang ibang nakakaalam ng hirap sa paghahanap ng trabaho kundi ang mga nasa ibaba, mga kapos palad.
'Good signals kept on coming to my way. Soon, you will be in the palm of my hand.'
Kalat na kalat na ang balita tungkol sa barkong lumubog, may mga taong nalungkot sa sinapit ng mga biktima dahil sa malakas na bagyo pero may mga tao din na ikinatutuwa pa ang mga nangyayari.
Habang nababawasan kasi ang bilang ng mga tagapagmana ng mga posibleng makaakyat papunta sa pagiging miyembro ng Las Decas, nadadagdagan naman ang mga chansa ng mga nasa mas mababang posisyon para makaangat.
Ganun kasama ang sistema ng siyudad ng Palladium, hahamakin nila ang lahat makuha lang ang gusto nila. Nakakabuti man o nakakasama ang magiging resulta ng kilos nila, basta makaangat sila, wala silang pakialam.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top