Chapter 24
Halos mabingi ako sa lakas ng sigaw ni Dorothy dahil sa nakita niyang helicopter. Pati mga ibong nananahimik sa mga puno ay nagsiliparan dahil sa lakas ng sigaw niya.
"What are you doing? Shout with me so they will hear us!" Kahit kailan talaga walang maisip na matino ang babaeng ito. Paano na lang kaya kung mag-isa tong naiwan sa islang to edi malamang patay na siya bago pa siya mahanap.
"Para saan ba yang ginagawa mo? Alam mo hindi ka nakakatulong, hindi tayo makakaalis dito kung tutunganga ka lang diyan. Tanghaling tapat na pero nagsisindi ka pa din ng camp fire? Sabog ka ba?" Konti na lang, konti na lang talaga at yung bunganga na niya ang sisilaban ko.
"Hindi ka matutulungan niyang pagsigaw mo." Simple kong sabi sa kaniya pero ang loka loka, pinagsisipa ang sineset-up kong apoy.
"Ano bang problema mo?! Yang nag-iisang bagay na siyang magsisilbing signal para maligtas tayo dito sinira mo. Paano tayo ngayon makakaalis dito?" Sigaw ko sa kaniya dahil naubos na ang pasensya ko sa kaniya.
Inayos ko ang mga gamit ko para umalis. Dahil sa sobrang galit ko, ibinato ko sa pagmumukha niya ang natirang huling isda kahapon. Napangisi na lamang ako nang sumapul ito sa pagmumukha niya.
Hindi ko na pinansin ang pagmamaktol niya at nagsimula na lamang maglakad palabas ng isla baka sakaling may makita akong namamangka sa tabing-dagat.
"Ouch!" Napalingon ako para tingnan kung ano nanamang katangahan ang nangyari kay Dorothy. Hawak nito ang kaniyang binti habang namimilipit sa sakit, may dumadausdos na dugo mula rito. Napansin ko agad ang matalim na bagay kung saan niya nakuha ang sugat niya kaya nilapitan ko ito para tulungan siyang magamot ang sugat niya.
Kahit na gusto ko siyang pabayaan, hindi ko naman magawa kasi kahit gaano pa siya kaengot hindi ko din naman siya matitiis kasi konsensya ko naman ang nakataya kapag iniwan ko siya.
"Anong kagagahan nanaman ba kasi ang ginawa mo? Ang laki laki ng mga mata mo, hindi mo makita yang dinadaanan mo." Inis na tanong ko rito habang inilalabas ang emergency kit sa pinaglagyan kong waterproof pouch. Wala itong isinagot kaya tahimik ko na lang ding ginamot ang sugat niya.
Ngayon ay mas lalo kaming bumagal sa paglalakad dahil hindi niya maigalaw ng maayos ang binti niya dahil sa sugat niya. Magdidilim nanaman pero hindi pa din namin makita ang labasan ng isla, idagdag mo pang akay-akay ko tong aanga-angang babaita.
"Can we rest for a bit? I can't really go any further." Pumayag na lang ako kasi nangawit at napagod na din akong akayin siya. Humagalpak na lang ako sa kakatawa nang bigla itong natarantang tumayo nang makakita ng mga alitaptap nagsisimula nang magliwanag.
"Chill, they're just fireflies. They won't hurt you." Sabi ko sa kaniya pero parang ayaw nitong makinig at pilit na binubugaw paalis ang mga alitaptap. Tumigil lang ito nang makita ako nitong prente pa ring nakaupo at napapailing sa ginagawa niya.
"Since it's getting late, eat this and we'll continue to find ways to get out of here tomorrow." Initsa ko ang sobrang saging na nasa bag ko dahil baka mahimatay pa sa gutom, mas lalo pa kaming matagalan dito.
Pero pagsapit ng umaga, wala kaming naging choice kundi ang magtagal dahil inaapoy na ng lagnat si Dorothy. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil wala kaming sapat na kagamitan bukod sa first aid kit.
Nakapagbaon naman ako ng gamot pang-lagnat pero hindi sapat yon para gumaling siya agad. Nabuhayan ako ng loob nang makakita ako ng isang ale na lumilibot sa isla kaya kinapalan ko na ang mukha ko para humingi ng tulong.
"Jusko, anong nangyari at napadpad kayo sa islang to?" Bungad niya nang makalapit ito sa amin, napansin niya din ang kasama kong inaapoy ng lagnat kaya tinawag nito ang anak na lalaki para tulungan kami.
"Buhatin mo na yan at nang maipagamot natin agad. Dahan-dahan lang at baka bumagsak. Jusko, ano bang nangyari sa mga batang ito?"
Alalang saad ng ale habang inaalalayan si Dorothy mula sa pagkakasampa sa likod ng anak niyang lalaki. Sa wakas, nakahanap na kami ng taong tutulong sa amin na makauwi.
"Ale, nasaan ho ba kami? Napadpad na lang ho kasi kami dito mula po nung lumubog po yung barkong sinasakyan namin." Pagpapaliwanag ko rito, napaisip naman siya saglit saka may naalala.
"Barko? Kayo ba yung mga taga Palladium University na dapat ay pupunta sa Talitha Island?" Tanong nito kaya napatango ako bilang sagot. Lumalabas na nasa Talitha island kami ngayon kaya alam niya ang tungkol sa mga estudyanteng dapat ay mag a-island hopping.
Pagkarating namin sa kasulok-sulokan ng isla, bumungad sa amin ang isang malaking resthouse katabi ng isang medical center. Dahil nga mataas ang lagnat ni Dorothy, idinala na namin siya doon para makapagpahinga siya ng maayos.
Samantalang ako naman ay inabutan ng aleng namamahala sa resthouse ng damit na mapagpapalitan dahil sobrang dumi na ng damit na suot ko.
"O nakapagbihis ka na pala, nagluto itong anak kong si Jayson ng tinolang manok, kumain ka na muna. Alam ko, hindi ka pa kumakain dahil sa pag-aalala mo sa kaibigan mo. Mahirap din ang nangyari sa inyo noong araw ng bagyo."
Inabot ko ang pagkain inihahain nila saka nagpasalamat. Gusto kong linawin na hindi kami magkaibigan ni Dorothy pero baka magtunog bastos ako. Ayaw ko namang galitin ang mga taong tumutulong sa akin ngayon.
"May radio communication po ba kayo dito? Sinubukan ko po kasing tumawag sa amin pero wala pong signal yung phone ko." Tanong ko sa kanila, kanina pa daw sila tumawag sa rescue siguro mamaya o bukas darating na sila para sunduin kami.
Pagkatapos kong kumain ay napagdesisyonan kong bisitahin si Dorothy para madalhan na din ito ng pagkain. Hindi ko inaasahang sasamahan ako ni Jayson sa pagpunta doon pero iyon ang nangyari.
"Kumusta naman sa siyudad? Kumusta namang mag-aral sa Palladium University? Alam mo, matagal ko nang gustong mag-aral don pero kasi, walang kasamang magbabantay si Mama sa resthouse kaya online lang ako nakakapag-aral, scholarship pa."
Daldal nito habang papalabas kami ng resthouse, kalalaking tao napakadaldal. Nandito na din lang naman na, pinakisamahan ko na lang bilang pasasalamat na din sa masarap na tinolang manok na niluto niya.
"Kung ako sa'yo makukuntento na lang ako. Hindi mo gugustuhing mag-aral don sinasabi ko sa'yo." Paalala ko sa kaniya habang inaayos ko ang salamin ko.
"Bakit? Dahil mahirap lang ako? Hindi ba uso ang scholarship don?" Curious na tanong nito. Hanggang kailan ko ba dapat sagutin ang mga tanong niya? Parang wala din namang nagiging saysay dahil iniisip din naman niya mga gusto niyang isipin.
"Iba ang takbo ng utak ng mga estudyante don. Magulo." Simple kong paliwanag sa kaniya pero meron pa din siyang nasabi.
"Parang hindi naman, ang ayos mo ngang kausap eh." Napairap na lang ako dahil sa sagot niya, excluding me of course, hindi naman kasi ako sa Palladium lumaki.
"Hanggang dito na lang ako. Pakisabi sa kaibigan mo magpagaling na siya." Paalam nito bago umalis. Ano bang nakita ng mga yon at iniisip nilang kaibigan ko si Dorothy, mukha ba talaga kaming magkaibigan?
Isa pa, hindi naman ako nagrequest na ihatid niya ako sa medical center, siya lang itong basta na lang sumama. Pagpasok ko sa kwarto kung saan naroon si Dorothy, gulat na gulat itong tumingin sa akin habang pinupunasan ang mukha.
"My gosh! Where have you been? I thought you already left me alone." Ayan nanaman siya sa kaartehan niya, kailan ba siya titigil mag-inarte?
"O kumain ka na muna, baka nagugutom ka na." Kinuha ko ang hospital bed table para makakain siya ng maayos.
"What's this?" Agad na tanong niya nang makita niya kung ano ang nakahian. Huwag niya lang sasabihing nandidiri siya dahil isusubsob ko yung pagmumukha niya sa tinola.
"Tinolang manok." Napatingin ako sa malayo dahil sa naging reaksyon niya habang nakatingin siya sa akin na para bang tinatanong niya kung ano ang tinolang manok.
"Ayan puro ka pasosyal. Ang tinolang manok po madam, chicken stew." Mabagal pero mariing bigkas ko, akala ko ay hindi niya kakainin pero mabilis pa sa alas kwatro niyang kinain ang pagkaing hinain ko.
Halos mabulunan pa ito, buti na lang at nagdala na din ako ng tubig kasama ng pagkain niya. Hindi ko naman siya masisisi dahil ginutom ko siya sa gitna ng isla.
"Why are you smiling like that? Did you put some food poisoning in my food?" Taranta niyang tanong habang inilalayo na yung pagkaing halos naubos na niya.
"Did you die after eating all of those parts of the chicken?" I said sarcastically and left the room. Nagtataka ako bakit siya nandon sa star section ng Palladium University sa ganon kababang IQ niya.
Oh, naalala ko nga pala na may connection siya, at kahit na sinong may connection kayang makapasok sa kahit na saang klaseng gusto niyang pasukan. Ganun nga pala ang sistema sa Palladium, kapag parte ka ng Las Decas, kahit gaano pa ka-walang kwenta ang pagkakaroon mo ng utak, makakasurvive ka.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top