Chapter 23

Samantha's Point of View

I slowly opened my eyes as I heard some birds chirping. Am I dead? When I complety opened my eyes, I saw that I am in an unknown island. I am still wearing the same shirt when the storm happened so I knew that I am still alive.

I immediately find my bag as I stored my emergency needs there. Luckily it's beside me so I am relieved that I didn't lost it. Kinapa ko mula dito ang spare kong salamin dahil hindi ko makita ng maayos ang paligid, buti na lang at hindi ito nabasag sa gitna ng bagyo. Wala na ang inflatable boat na nagdala sa amin sa islang to. Maging ang babaeng kasama ko ay hindi ko na din makita.

Ang alam ko may kasama talaga akong napadpad dito sa isla kagabi kaya bakit wala akong mahagilap?

...

Pagkatalon ko sa rumaragsang alon ay halos mahirapan akong huminga. Hanggang sa makakita ako ng palutang lutang na inflatable boat kaya kahit na hirap akong makagalaw ay sinubukan ko pa ding lumangoy papalapit dito.

Kumapit agad ako ng mahigpit sa handle nang makasampa ako sa bangka. Mabuti na din lang at hindi ito nagkabutas sa lakas ng ulan at ng alon.

"Tulong!" Napalingon ako kung saan nanggagaling ang boses, akala ko ay ako na lang ang naiwan dito, mukhang may iba pa kaya lumingon ako sa paligid para hanapin kung saan ang eksaktong kinaroroonan ng babaeng humihingi ng tulong.

Malalaki ang mga alon kaya nahirapan akong makita ang kinaroroonan niya, idagdag mo pang naanod ng alon ang salamin ko kaya nanlalabo na ang paningin ko. Hindi nagtagal ay may namataan akong kulay kahel na lumulutang di kalayuan.

Hirap man at naaanod ng alon, sinubukan kong ipangsagwan ang kamay ko para makalapit sa bagay na lumulutang na sa tingin ko'y isang life vest. Itinali ko na din sa paa ko ang bag na dala-dala ko para hindi ito mapunta kung saan.

Agad kong inabot ang kamay ng babae bago pa ito makainom ng maraming tubig at malunod. Nagsisimula nang dumilim kaya hindi ko na din makita ang mukha ng babae kaya agad ko na siyang tinulungang sumampa sa inflatable boat.

"Maraming salamat." Humihikbi nitong saad nang makasampa siya sa bangka. Hindi ko na masyadong makita ang mukha ng babae dahil malabo ang mga mata ko at nagsisimula na ding dumilim.

Pamilyar sa akin ang boses niya pero hindi ko na lang pinansin. Sabay pa kaming napasigaw nang biglang kumulog ng malakas may kidlat pa itong kasama na lalo naming ikinatakot.

Napakapit kami nang mahigpit saka sabay na sumigaw dahil sa galit na galit na mga alon. Hindi namin alam kung kailan titigil ang biglaang bagyo na ito kaya hindi kami bumitaw.

Hanggang sa may matanaw akong isang isla sa di kalayuan. Ito na, malapit na kaming maligtas. Kailangan lang naming makarating sa islang yon.

"May natatanaw akong isla. Kailangan nating makarating don bago pa tayo kainin ng mga alon." Sigaw ko dahil malalakas pa din ang pagkulog.

Ipinangsagwan namin ang kamay para makarating doon. Mabagal ang pag-usad namin pero hindi kami tumigil para sa aming kaligtasan na kahit nakakaramdam na ako ng pagkangawit ay nagtuloy pa din kami.

Konti nalang, malapit na hanggang sa ang mismong alon na mismo ang tumulak sa amin papalapit sa isla. Nang makarating kami roon ay hinayaan ko na lamang na bumagsak ang katawan ko sa sobrang pagod.

...

Sinubukan kong libutun ang paligid pero hindi ko talaga makita ang babaeng kasama ko kagabi. Binitbit ko ang bag na nasa tabi ko para libutin ang isla. Saan na ba napunta yon? Kaming dalawa na nga lang ang magkasama iiwan pa ako.

Hindi nagtagal ay nahanap ko din siya sa wakas kaya nakahinga ako ng maluwag at kung mamalasin ka nga naman. Sa lahat ng taong pwedeng makasama siya pa? Kaya pala pamilyar ang boses niya kagabi, hindi ko lang pinansin dahil nakatuon ang atensyon ko sa kaligtasan ko.

Ang malala pa, nakita ko siyang kumakain ng de lata kaya taranta kong binuksan ang bag ko para tignan kung naroon pa ang mga dala kong pagkain and voila, ubos lahat.

"What the hell Dorothy? I just saved your life last night and yet you dared to eat all my food? Kahit man lang sana nagtira ka diba?"

Galit na sermon ko dito pero tiningnan lang ako nito saka nagtuloy sa pagkain. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi ang manggigil, gusto kong manakit pero hindi naman mababago non na inubos na niya lahat ng pagkaing dala ko.

Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana iniwan ko na lang siya sa gitna ng dagat at hinayaan siyang lamunin ng alon kaso ano namang klase akong tao kapag ginawa ko yon?

Dahil sa inis ko ay iniwan ko na lang siya sa may pampang. Mabuti na lang at tumigil na ang malakas na bagyo kaya kahit papaano wala nang ibang hassle bukod sa nagnakaw sa akin ng pagkain.

Bakit pa nga ba ako magtatakang ganon ang inasal niya? Malamang sarili niya ang iisipin niya pero kahit man lang sana inacknowledge niya na niligtas ko siya diba? Kahit man lang sana nagtira siya ng kahit na isa o dalawa.

Isipin mo, limang de lata yon tapos kinain niyang lahat. Daig pa niya yung mga pulubing nagugutom sa kalye. We don't even know when we're going to leave this place kahit kasi ang salitang 'tipid' wala sa bokabularyo niya. Palibhasa walang ibang alam kung hindi ang gumastos nang gumastos.

Kinuha ko ang waterproof pouch sa bag ko kung nasaan ang dala kong powerbank at phone. Mabuti na lamang at hindi ko pa ito nagagamit kahit na noong nasa barko pa kami kaya puno pa ang baterya nito.

Nagbabaka-sakali ako na kahit papaano'y may signal sa kung saang isla man kami naroon para makatawag ako ng rescue dahil hindi ko na masikmura na kasama ko si Dorothy na walang ibang ginawa kundi pahirapan ako.

Sa kasamaang palad ay walang signal. Hindi naman sa hindi ako aware na wala pero hindi naman masamang magbaka-sakali. Mukhang wala nanaman akong choice kundi magtiis.

Habang naglalakad ay narinig ko ang malakas na pagtunog ng sikmura ko. Gosh! Now I'm hungry if not for Dorothy's greed I could've eaten something right now, I shouldn't have to look for my own food.

I saw a banana tree on the way so I quickly climbed up to get some ripe bananas. I might also store some for an extra. I almost fell down but luckily, I tightened my grip on time. Finally, I was able to eat.

"Nice move little monkey." I heard Dorothy say. I shouldn't be climbing right now if she's left me some food to eat or better yet if she didn't steal all of my food.

"At least I am not a petty little thief." I left her with her mouth open. I expected that she won't be following me anymore as she felt guilty for what she did but she has some guts to follow me all the way here. I guess she's scared on her own or she doesn't feel shame at all.

It should be enough for my breakfast. All I have to do is to find a river nearby to catch some fish. My feet are already hurting but I didn't stop until I find a stream.

"Where are we even going. I am already tired." I rolled my eyes as I heard Dorothy complain for the nth time.

"If you'll just complain, why do you even followed me all the way here? If you want to survive, just shut up!" I scolded her as I walked quickly to leave her behind. I didn't even bothered to feel bad at her as she kept on making my day worse.

She knew that we're stucked in an island but all she do is to pester me through the day.

"Well because I thought you're smart so I followed you. I thought that you could find a way to get us out of here but it turned out that you're just as useless as I thought."

I gasped out of disbelief to what she just said. Is she seriously saying that right now? I'm really regretting that I saved her from the storm. Gosh, she doesn't know how to stop.

"Wow! If you're that useful then you shouldn't be following me around. You should have found your way home on your own."

She has some guts to say that I am useless but she's the one who's following me around. What a nuissance.

I just looked around to see what's in this island. I might find something to eat for later. I can't just eat bananas all the time.

While I was looking around, I realized that the island is not bad at all. It doesn't look like a creepy jungle where wild animals live in. I was caught up by the scenery that I didn't realize that I already found a stream.

At last, I can drink water now. I am so thirsty that I went down the stream to drink. I even heard Dorothy being disgusted but I didn't mind her. If she wants to quench her thirst she should do the same.

Naghanda na din ako ng mga gamit para sa panghuhuli ng mga isda. It would be tough because of the running water but I will gladly accept the challenge.

Bago man ako sa panghuhuli ng isda sa isang batis, nagawa ko pa ding makahuli ng pitong isda na higit pa sa inasahan ko. Ayos na nga sana ang dalawa pero mukhang ayos lang din palang inubusan ako ng de latang sardinas.

Ngayon naniniwala na ako na kapag may nawala sa'yo may mas magandang bagay ang darating. Dahil wala akong mapaglalagyan, inalis ko lahat ng mga laman ng bag ko saka ko doon inilagay ang mga nahuli kong isda.

"Ew it smells fishy. What are going to do with those?" Napairap na lamang ako sa kaartehan ng babaeng to dahil parang walang alam sa buhay.

"Ano pa? Edi kakainin." Sagot ko na lamang para matahimik na pero ang bruha hindi pa nakuntento sa pagiging engot at mas lumala pa.

"Raw?" Wala na, malala na to. Napahinga na lamang ako ng malalim dahil sa tanong niya. Balak ba niyang ubusin ang pasensya ko sa kabobohan niya?

Nang sumapit ang gabi ay nakapag-ipon na din ako ng kahoy para sa camp fire nang maluto na din ang mga nahuling isda.

"Hindi mo ba ako hahatian?" Tanong nito nang maluto ang mga isda, umaasang bibigyan ko siya pero umiling lamang ako saka ko siya tinawanan.

Bahala siya diyan.











Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top