Chapter 20

Hindi ko alam kung paano ko kakausapin ang parents ko para mapapirmahan ko itong kanina ko pa hawak na slip, naihanda ko na ang mga kakailanganin kong gamit kanina pero hanggang ngayon wala pa din akong lakas ng loob para lapitan sila.

Hanggang ngayon kasi ay wala pa din silang maayos na pag-uusap dahil laging umiiwas si Mom kay Dad. Kung pwede nga lang na isa sa mga katulong na lang ang pumirma, kanina ko pa sana ginawa.

Dahil wala naman akong choice, nilakasan ko na lang ang loob kong harapin si Mom, mas komportable kasi akong kaharap siya ngayon. Hindi ko lang sigurado kung hanggang ngayon gusto pa din niya maging mapag-isa.

"Mom? Can I talk to you with something?" Panimula ko, hanggang ngayon ay matamlay pa din si mama kaya hindi ako sigurado kung tama bang siya pa ang nilapitan ko.

"Yes anak. What is it?" Ibinigay ko na lamang sa kaniya ang permission slip nang hindi na nagsasalita dahil sa awkward na atmosphere, nandoon na rin naman na ang mga kailangang detalye sa magaganap na island hopping.

Wala na din naman nang naging problema dahil pinirmahan na din naman ni Mom 'yon nang mabasa niya ang mga nakasulat sa permission slip. Palabas na ako ng kwarto niya nang tawagin niya ako.

"Anak, I just want to say sorry. I really am. Alam kong apektado ka sa sitwasyon ngayon namin ng Dad mo. I promise, kapag nagkaroon ako ng lakas ng loob, kakausapin ko siya ng maayos."

I just smiled at Mom to show her my support and hugged her afterwards. I'm glad that she's starting to feel okay. At least she doesn't avoid anyone anymore because honestly I am afraid seeing her alone.

Napadaan din ako sa kwarto ni Dad pero wala siyang ibang ginawa kundi magpakalunod sa trabaho niya. He started to be like that when Mom refused to talk to him. I just hope that he didn't gave up yet.

Saktong pagbalik ko ng kwarto ang siyang pag-ring ng cellphone ko kaya dinampot ko ito para tingnan kung sino ang tumatawag.

'Incoming call, Tita Clementine'

"I have something to tell you but you need to compose yourself. Someone saw your Dad at a cafe earlier, she's meeting with a girl. Hindi ko alam kung siya ba yung nasa likod ng lipstick stain sa polo ng Daddy mo o business meeting lang. Kaso kasi kung ibabase ko sa pananamit ng babae, hindi papasok sa isip mo na business meeting lang ang sadya nila. Wait I'll send you a picture."

She said before hanging up.

Napahigpit ang hawak ko sa phone ko dahil sa narinig. Nanatili akong tahimik dahil sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko, halos mablangko na ang isip ko at kulang na lang ay mawala sa sarili.

Natauhan lang ako nang tawagin ni Tita Clementine ang pangalan ko. Paano na si Mommy kung totoo ngang may kabit si Dad? Hindi pa naman daw sigurado si Tita Clementine pero kinakabahan pa din ako sa mga posibilidad.

"Ituloy niyo lang po ang pagbabantay sa kaniya hanggang sa malaman natin kung ano ang hinahanap nating sagot."

Sariling problema ng pamilya namin to pero tinutulungan ako ni Tita Clementine, hindi ko na nga alam kung tama bang may hinahayaan akong labas sa pamilya namin para makialam.

Wala din naman kasi akong kakayahang gawin itong mag-isa dahil hindi pa naman ganap ang mga responsibilidad ko. May responsibilidad ako sa sarili, may responsibilidad ako bilang anak, may responsibilidad din ako bilang mag-aaral.

Wala pa doon ang permanente kaya kahit na gusto kong ituon ang atensyon ko sa isang bagay, hindi pwede dahil mapapabayaan ko naman ang iba ko pang responsibilidad.

The next day, I am summoned to the faculty room, my classmates even thought that I am such a troublemaker for a nerd. No one knows the reason why I'm being summoned but there they go again with their stupid conclusions.

"You asked for me Sir?" I ask as I saw Mr. Martin who's the one who asked me to come. As far as I remember, he is a varsity coach I just don't remember what sport he specializes.

"Yes, please sit." I am not also sure why he had to ask for me when we don't have a business together but I quietly waited for he has to say.

"I just want to ask if you are interested in running. There is a tryout for it next week."

I slightly tilted my head as I am not sure why he is asking me if I am interested in running. First, I am a nerd which obviosuly made me a study freak. Second, I am not into sports, and lastly, I don't really get why is he asking about this kind of stuff.

"Oh you must be thinking why I am asking you this. Well, I saw you yesterday ran on the race track, and you surpassed the speed of all of the runners there. I'm just wondering—"

I think I already knew where's this going to so I cut him off. I knew that it was rude but I am not really into sports. I'd rather read wattpad books than wasting my energy running on a track.

"I am sorry Sir but I am not interested so if you don't mind, I'll excuse myself. Thank you."

Magsasalita pa sana siya pero tumayo na ako at umalis. Seryoso ba siya? Ako? Gagawin niyang varsity player ng track and field? Bukod sa ayaw ko sa sports, wala akong time para doon dahil madami pa akong prinoproblemang dapat resolbahan.

Agad akong sinalubong ni Martha pagbalik ko ng classroom para tanungin kung bakit ako pinatawag so ikwinento ko sa kaniya kung ano ang pinag-usapan namin sa faculty room.

"Seryoso? Nirerecruit ka sa track and field? O bakit hindi ka pumayag?" Napabuntong hininga na lamang ako saka ko sinabi sa kaniyang may mga mas importante pa akong asikasuhin lalo na at hinirang na akong tagapagmana ng mga Marquez.

"Sayang naman. Ang bilis mo pa namang tumakbo. Lagpasan mo ba naman mga runner sa track and field. Ako yung hinahabol kahapon pero ikaw pa yung nangangaripaspas sa pagtakbo."

Natawa kaming pareho nang maalala ko ang nangyari kahapon. Pinagtitinginan na din kami ng mga kaklase namin pero wala kaming pakialam, ganiyan naman na talaga sila since day one.

Third Person's Point of View

Some time earlier, a girl approached Dorothy sitting alone while eating her snack. She's so busy eating that she didn't even realized that someone is approaching.

"Look who's here. The daughter of a second-ranked Las Decas is eating alone." Maarteng puna nito kay Dorothy saka ito tumawa. Dorothy stopped to look at the girl straight to the eye.

For a second-ranked Las Decas, it should already be enough to threaten a third-ranked member but Crissa Fitz, the daughter of third-ranked Las Decas didn't even flinch.

"If I was afraid of your looks before, well not anymore. I heard that your family got the bad side of the ace, which means it will not take long before our family overpower you and take your place."

Dorothy is taken aback from Crissa's words as she doesn't heard any of it. She thought that maybe Crissa is just messing with her but she knew Crissa ever since they were young and she knew that Crissa never crack a joke.

"What? You don't know yet?" Crissa asked Dorothy playfully as she laughed at her face while Dorothy just stood there finding it hard to accept what she just heard.

"Now you are afraid to lose your place at this university. Why? Are you afraid that I might get back at you for throwing me and the rest of the Las Decas heirs to the charity section?"

Dorothy stepped back as Crissa brought it up. She remained silent as Crissa's statement is true. She really did that awful thing to them as she is the one who leads the university that time since the first-ranked heiress is not yet around.

Tatlong taon na ang nakakalipas magmula nung mangyari ang insidenteng iyon. At sa panahong iyon, si Dorothy ang tipo ng taong hindi mo gugustuhing makasalubong dahil sa pagiging malupit nito.

Lahat ng estudyante sa Palladium University ay inaalila niya mayaman man sila o mahirap. Wala siyang pinapalampas na kahit sino kaya lahat ng estudyante ay iniiwasan siya o di naman ay kinakampihan siya para di madawit sa gulo.

Kahit nga ang kapwa niya tagapagmana ng Las Decas ay hindi niya pinalagpas. Inuutus-utusan, sinasaktan, at binabastos kailanman niya gusto. Ipinatapon nga nito ang mga ito sa charity section kung saan doon pinag-aaral ang mga walang kakayahang gumastos sa Palladium.

Pero hindi tulad ng mga scholar na nasa star section, mga estudyanteng mahirap turuan ang mga naroon kaya ang karamihan sa kanila ay repeater ng ilang taon.

Dahil lamang sa simpleng pagkakamali na hindi naman sinasadya ni Crissa na gawin kaya siya nagalit, idinamay niya pa ang iba na wala namang kasalanan. Ganun siya kababaw at ganoon siya kalupit. Natigil lang nang dumating si Samantha.

"Hindi ko makakalimutan ang ginawa mo. Dahil lang sa natapunan kita ng juice nang hindi naman sinasadya, pinahirapan mo ako sa paraang ikatutuwa mo. Pero huwag kang mag-alala, hindi naman ako kasing-sama mo eh. Basta ba susunod ka sa gusto ko. Sooner or later mawawala na din naman na sayo ang titulo mo."

Walang magawa si Dorothy kundi ang ikuyom ang kaniyang kamao, mukhang wala naman na ding laban ito kay Crissa. Ayaw naman niyang magkamali sa pagkakataong ito sa harap ni Crissa dahil tulad niya ay masama din itong magalit. Nagkataon lang na mas mataas ang ranggo ni Dorothy kaysa kay Crissa.

Galit man siya sa mga nangyayari sa kaniya, wala naman siyang magawa. Gustong gusto niyang sumbatan at saktan si Crissa pero alam niyang kapag ginawa niya yon mas lalo lang siyang mapapasama.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top