Chapter 19
Hindi ako makatulog kakaisip sa naging usapan namin kanina ni Tita Clementine. Hindi ko alam kung maiinis ako sa kaniya o ano.
"Maybe there's particular relation to us both. Siguro nga may ginawa ako sa kaniya pero mas maganda kung iisipin mo ding meron siyang nagawang hindi maganda sa akin kaya ganoon na lamang ang takot niya. Either way, you will find the answer soon as it will automatically be revealed."
Posible nga kaya? Posible kayang hindi siya ang problema? Posible nga kayang nababalisa si Mommy tuwing nakikita niya si Tita Clementine dahil may nagawa siyang kasalanan?
Hindi ko maiwasang mainis sa sarili ko. Oo nga't nakuha ko ang pagkakataong makapagtanong pero wala naman akong natanggap na malinaw na sagot. Pakiramdam ko nga'y mas lalo pang gumulo.
Kinabukasan, matamlay akong pumasok sa university dahil sa sobrang puyat ko kagabi. Kahit na pinilit kong matulog, hindi umubra kaya nagbasa na lang ako ng nobela hanggang sa mag-umaga. Nakatulog naman ako pero mga isa't kalahating oras lang.
"Nakita mo ba yung kumakalat na video sa website ng university? Grabe nakakahiya siya ano?"
Hindi ko alam kung nagbubulungan ba sila o sinasadya talaga nilang iparinig sa sanlibutan yung pinag-uusapan nila? Ang lalakas ng mga boses eh.
Biglang may notification na nag pop-up sa phone ko kaya binuksan ko ito para tingnan. Bumungad sa akin ang isang footage na kuha sa part nung inauguration ko bilang isang tagapagmana.
Kitang kita doon kung paano ako sinampal ni Dorothy habang gumegewang itong lumalapit sa akin. Lasing na lasing si Dorothy dito at mahahalata mong wala na siyang kontrol sa kaniyang sarili.
'Ito ba ang tinutukoy nilang kumakalat na video around university?'
Hindi ako sigurado kung ako ba yung tinutukoy nilang nakakahiya sa pagiging baduy ko o si Dorothy na lasing na lasing.
Pagpasok ko ng classroom, natigil silang lahat nang makita ako saka sila nagtawanan. Ano pa nga bang aasahan ko?
"O Dorothy, ayan na yung sinampal mo. Di ka na nahiya." biglang kantyaw ng isa sa mga kaklase namin. Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinasabi niya o nagpapaka-sarkastiko lang siya.
Hindi ko na lamang siya pinansin dahil inaantok talaga ako. Wala akong ganang makipagtalo pa sa kanila.
Himala na nga lang at mukhang hindi na rin sila pinatulan pa ni Dorothy, nahihiya din siguro dahil sa inasal niya sa party kahapon, isa din kasi tong obsessed sa tinatawag niyang class. Hindi kaya ganon din ang kay Dad, may dahilan kaya may nagawa siyang hindi niya naman sinasadya?
Mas okay na din yung pagiging baduy ko that night kesa naman napakaganda nga ng ayos pero gumegewang naman sa kalasingan.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa desk ko. Nagising na lang ako na tinatapik ako ng isa sa mga kaklase ko.
"Ms. Ang himbing ng tulog mo ah. Hindi ka na nahiya sa classmate mong nagrereport sa harap. Stand up!"
Sermon sa akin ng professor na hindi ko mamukhaan, siguro kasi dahil ngayon ko lang siya nakita. Napansin kong hindi si Mr. Willow ang prof namin. Is he on leave? Sana nagpasabi man lang siya nung friday para di ako nag e-expect ng special treatment ngayon.
Nasanay na kasi ako sa mga exisiting professor dito na binibigyan ako ng special treatment kaya minsan kung inaantok ako, lumalakas yung loob kong matulog sa klase kasi alam kong hindi nila ako papagalitan.
It's been a while since a professor treats a student as how they supposed to be treated. Like what our professor is doing now, treating me according to the way that I behave.
"Since you are sleeping in the middle of the class, I am expecting that you already knew something about our topic today."
She said while smiling at me meaningfully as if she's planning to embarass me and that she's certain that I will embarass myself today.
"What's your name miss?" She suddenly asked so I introduced myself without mentioning my family name as I don't want to scare her away.
"Okay Ms. Samantha. Can you define Deixis, give the types of deixis and define the types as well? If you do, then I'll let you get back to sleep as it seems that you really need it right now. But if you failed to do what I asked, you have to stand until we finish the discussion."
She said sarcastically while removing the powerpoint presentation that is flashed on the screen earlier, she must be thinking that I don't read my books beforehand. Or maybe it just didn't occur to her that I am a nerd so I fixed my glasses before answering.
"Deixis refers to words and phrases, that cannot be fully understood without additional contextual information. There are three types of deixis in our module. First is the Person deixis which localizes an entity in relation to the position of the speaker and/or hearer. Next is Spatial deixis which localises both the speech participants and the narrated participants in space. And lastly, the Temporal deixis which is another category of deictic expressions. Now Prof, may I take my sleep?"
The students in class can't help but to chuckle when they saw the look on our Professor's face. She's as red as a tomato and she seems she can't find a word to say so I took her silence as a yes and get back to my sleep.
"Roasted." Dinig ko pang sabi ng katabi ko saka humagikgik kaya napailing na lamang ako.
Sa pangalawang pagkakataon, naalimpungatan akong muli dahil nag-ring na ang bell. Napansin ko naman na agad na lumapit sa akin si Martha para ayain akong magmeryenda.
Iniisip ko nga kung deserve kong magmeryenda ngayon gayong wala naman akong ibang ginawa kundi ang matulog.
"Iba ka talaga, inaantok ka na't lahat, nakakasagot ka pa din sa recitation." Papuri niya sa akin na tinawanan ko lang. Seryoso ba siya? Pareho lang naman kaming matalino sa klase.
"Parang hindi ka naman nag aadvance reading." Pambubuyo ko sa kaniya na tinawanan lang rin niya.
"Nag aadvance reading ako pero iba kasi yung sa'yo, binabara mo yung professor kaninang nag-recite ka. Ano pa nga bang bago diba?"
Saad niya saka tumawa kaya tumawa na lang din ako sa mga sinasabi niya. Habang abala kami sa pag-ubos ng mga pagkain namin, bigla na lang may nagsidatingan na grupo ng mga lalaki at dumiretso kay Martha.
"Hi Miss, pwede ko bang makuha ang number mo?" Saad ng unang lalaking naunang makalapit kay Martha na kumikindat pa saka nito iniabot kay Martha ang cellphone niya.
Napaawang ang labi ko nang makita ko ang inasal ng lalaki habang si Martha naman ay hindi alam ang gagawin kaya tinitigan lamang niya ang phone na hawak ng lalaki.
Maya-maya pa ay unti-unti na ding nagsisunod ang mga lalaking nasa likod nito para kunin din ang phone number ni Martha at tanungin ang pangalan nito. Kesyo bakit ngayon lang daw nila ito nakita at kung ano pa kaya nagkagulo na.
Napansin kong hindi na kumportable si Martha sa mga nangyayari kaya hinila ko na ito palabas ng cafeteria. Hindi na namin inalintana ang naiwan naming pagkain dahil mukha namang hindi na din namin mauubos yon dahil sa kaguluhang nangyari kanina.
Hingal na hingal kaming tumigil nang masigurado naming wala nang nakasunod na mga lalaki kay Martha. Nagkatinginan pa kami saka nagtawanan dahil sa nangyari. Sa bilis kasi ng takbo namin, naabutan namin lahat ng mga nagsasanay sa track and field kanina.
Dahil break time naman ngayon, siguradong walang tao sa classroom kaya doon na lang namin napagpasyahang dumiretso.
"Someone is getting popular." Pambubuyo ko kay Martha nang mabawi namin ang hininga namin na siyang inilingan lamang niya.
"Alam mo napansin ko lang, simula nang umattend ka sa party mas lalo kang gumaganda. Nagulat nga ako nung gabing yon kasi ang daming lalaking gustong makipagsayaw sa'yo."
Natahimik naman siya nang marinig ang sinabi ko, napansin ko ding namumula ang pisngi niya kaya lalo ko pa siyang inasar.
"Sabihin mo nga sa akin. May pinagpapagandahan ka ba? Meron ka bang hindi sinasabi sa akin?" Pang-aasar ko pa habang itinataas baba ko ang kilay ko.
Mas lalo lang siya namula kaya umakto akong parang isang OA na kaibigan na napapatakip pa sa bunganga sa gulat.
"So meron nga?" Tanong ko ulit saka ko siya kiniliti sa tagiliran pero tinawanan lamang niya ako habang umiiwas siya sa pangingiliti ko.
"S-sandali nga. Ikaw nga ata diyan ang may hindi sinasabi sa akin eh. Nakita kita nung gabing kayakap mo si Bailey. Anong meron ha?"
Sa pagkakataong ito ako naman ang natahimik dahil hindi ko inasahan na nakita pala niya yung eksenang yon. Hindi ako nakapagsalita agad kaya nginitian ako nito nang nakakaloko kaya bago pa man niya mabigyan ng meaning ang lahat ng yon inunahan ko na siya.
"May nangyari kasi noong gabing yon, nagkataon lang na siya ang nandoon kaya siya ang nagpatahan sa akin pero wala naman 'yong malisya."
Depensa ko pero mukhang hindi pa rin siya kumbinsido. Tinanong ko na lamang siya kung anong mga pinag-usapan kanina habang nagklaklase para maiwasan ang topic dahil kanina pa niya ako kinukulit.
"Oo nga pala muntik ko nang makalimutan. May island hopping tayo sa susunod na araw. Tatlong araw din yon, kaya isipin mo na kung ano ang mga dadalhin mo. Extra curricular activity yon kaya required siya. Kailangan mo ding makuha ang signature ng parents mo." Paliwanag niya saka ibinigay ang permission slip na dapat ipapirma sa magulang.
"Sa isang araw na agad? Bakit parang biglaan naman?" Tanong ko pero nagkibit balikat lamang ito. Hindi ko alam kung kakayanin ko nang lapitan sina Mom at Dad dahil sa nangyayari sa kanila, apektado din kasi ako, pero mabuti na din siguro yon para kahit papaano makalayo ako sa bahay para makapag-isip kahit saglit lang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top