Chapter 16

Samantha's Point of View

Dumating na nga ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang hirangin akong tagapagmana ng mga Marquez. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba dahil unang beses lamang itong mangyayari kaya natatakot akong magkamali.

"Would I be fine Mom?" Hindi ko alam kung bakit ko iyon natanong. Nasa akin naman kung paano ko idadala ang gabing ito. Siguro ay kailangan ko lang ng assurance para mapakalma ang sarili ko.

"Why shouldn't you be? You got all the beauty and you learned all you need to learn. You'll be fine."

Hinawakan ni Mommy ng mahigpit ang kamay ko na siya namang nagpakalma sa akin. Sigurado akong madami nang bisita sa baba at ilang oras na lang ay magpapakita na ako sa mga tao.

"Ma'am the guests are all here, we're starting in a few minutes." Bumalik ang kaba ko dahil sa anunsiyong iyon pero hindi ko na lang ipinahalata kay Mommy dahil matatagalan nanaman siya sa pagpapakalma sa akin.

"I have to go, I'll meet you outside. Don't be nervous." Sinubukan kong ikalma ang sarili ko pero mas lalo lamang nanlamig ang mga kamay ko at nangatog ang mga tuhod ko.

Parang gusto kong takbuhan ang event na ito pero maisip ko pa lang na madidisappoint ko ang pamilya ko, naisip kong hindi ito magandang option para mawala ang kaba ko.

"Good evening ladies and gentlemen may I have your attention please." Natigil ang malakas na musika at natahimik ang mga taong kanina'y nagsasaya nang magsalita si Dad.

"In accordance of the ruling system of Palladium City, an ace must have an heir or heiress to present to secure the future of the People. It is stated that if an ace failed to comply, he will no longer be a member of Las Decas and lose his power to come back even if he's the wealthiest family in the City. From this night onwards, I will bestow half of the family's wealth to my daughter."

What? Half of the wealth? Paano na si Lilia? If I will take those wealth with me, Lilia will only get a small share of the family's asets. The worst thing is, I can't share it with her as long as I am not the official holder of that asset as I am just an heiress and not the ace of the city.

"I am proud to officially announce my daughter, Samantha Marquez as the heiress of Marquez family." Nagpakawala ng masigabong palakpakan ang mga bisita sa labas, sumabay pa ito sa lakas ng tibok ng puso ko.

Halos wala akong marinig at bahagya akong natigil sa kinatatayuan ko. Lumipas na ang ilang minuto pero hindi ko pa rin nagagawang kumilos. Sinubukan kong tumayo pero nangangatog ang mga paa ko dahilan para ma-out of balance ako kaya bumalik ako sa pagkakaupo.

Nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko pa ba ang paglabas suot ang high heels na suot ko ngayon o isusuot ko ang flat sandals na itinabi ko in case na may mangyaring ganito. Sa huli napagpasyahan kong tanggalin ang high heels na suot ko para palitan ng flat sandals. I can't risk put my family in shame dahil lang sa katangahan ko.

Unti-unting humina ang palakpakan marahil ay hinihintay na akong lumabas. Kasabay ng paghina nito ang pagkalma ko, huminga ako nang malalim bago lumabas at magpakita sa maraming tao.

Bumungad sa akin ang malalawak na ngiti ng mga bisita kaya kahit papaano ay nawala ang takot kong makita sila. Muli silang nagpalakpakan pero hindi tulad kanina, mas may kumpyansa na akong kumilos.

Hindi ko alam kung ako lang ba o pilit na ngiti lamang ang nakikita ko sa labi ni Dad. Iwinaksi ko na lang ang aking naiisip bago ko siya lapitan. Marahil ay ayaw lamang nitong magpakita ng mga emosyon niya sa maraming tao.

Inalok nito ang braso niya na siya namang kinapitan ko saka kami sabay na bumaba ng hagdan. Dahil hindi ko na suot ang heels, hindi na naging hadlang iyon para matakot akong mawalan ng balanse at hindi ko na din alintana ang pangangatog ng tuhod ko dahil inaalalayan naman ako ni Dad para bumaba.

Mabuti na nga lang at evening gown na may slit sa gilid ang suot ko. Ang akala ko kasi ay mga ball gown na mahahaba ang ipapasuot sa akin. Siguro kanina pa ako nakabulagta sa sahig at napahiya sa harap ng mga tao kung ganoon ang ipinasuot sa akin

"You look beautiful today Sam. Sayang nga lang at wala dito ang kapatid mo kasama natin."

Naghanda kami agad para sa pagsasayaw ng waltz nang makababa kami. Hindi na ako nakasagot pa sa sinabi niya dahil nagsimula nang tumugtog ang pyesa ng waltz na sasayawin namin.

Hindi naman ako pwedeng magsalita habang nagsasayaw dahil siguradong hindi kami magkakaintindihan. Mamaya na lamang siguro.

Nang matapos kaming magsayaw ni Dad ay may mga nag-alok nang mga bisita para isayaw ako. Wala naman akong magawa dahil isa iyon sa tradisyon ng mga ace ng Las Decas. Daig ko pa mga babaeng nagdedebut.

"I didn't know that you're a great dancer." Bago pa man ako makapagreact, iginiya na ako nito sa pagsayaw. Sino pa ba ang mahilig sumulpot kung saan maliban kay Bailey?

"And I didn't expect you here." Napabitaw siya sa akin at akmang aalis nang hinila ko ang braso nito.

"Huy saan ka pupunta? Joke lang eh, balak mo ba akong ipahiya sa harap ng maraming tao?" Sermon ko dahil mukhang may balak talaga siyang iwan ako sa gitna ng dance floor.

"Akala ko ayaw mo akong nandito eh." Saad niya nang may nagtatampong tono. Konti na lang talaga iisipin ko nang stalker ang isang ito. Madalas kasi kung nasaan ako nandoon din siya.

"Hindi naman sa ayaw kong nandito ka. Nagtataka lang ako kung paano ka nakapasok dito, wala naman akong natatandaang binigyan kita ng invitation card."

Mahigpit ang security ng mansion na tinitirhan namin kaya hindi ko alam kung paano siya nakapasok nang walang kahirap-hirap.

"Hindi lang naman ikaw ang nagbibigay ng mga invitation cards eh. Nakalimutan mo atang singer ako at madami akong fans. May mga connections din naman ako kahit papaano. Ako ang naimbitahan para kumanta mamaya."

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi niya pero may katotohanan naman ang sinabi niya na may mga fans siya dahil marami nga rin naman ang humahanga sa kaniya sa university.

Hindi na lamang ako sumagot dahil hindi ako sigurado sa part na sinabi niyang may connections siya, alam ko naman na ang sikreto niya kaya hahayaan ko na lang siguro, hihintayin ko na lang na siya mismo ang magsabi sa akin.

Nagsimula na ring isayaw ng mga kalalakihang narito ang mga partner nila. Hindi kalayuan ay namataan ko si Martha na masaya ding nakikipagsayaw ng waltz. Wala bang hindi kayang gawin yon?

"Pagod na ako, kanina pa ako nakikipagsayaw sa kung sino-sino."

Hinila ko siya sa gilid kung saan naroon ang mga upuan para magpahinga pero bago pa man kami makarating doon, isang malutong na sampal ang natanggap ko.

Napasinghap ako dahil sa gulat, hindi ko inasahan na hanggang dito ay may mananakit pa sa akin samantalang ang mga tao dito ay hindi man lang napansin kung ano ang nangyayari dahil abala sila sa pagsasayaw.

Iginiya ako ni Bailey papunta sa kaniyang likod para protektahan sa mga susunod pang gagawin ng babaeng nasa harap namin na mukhang ayaw akong tigilan.

Pero hindi, ayokong magtago lang sa likod ni Bailey. Kung gusto akong saktan ni Dorothy, edi sige, ibibigay ko ang gusto niya. Pero nang makalapit ako sa kaniya ay amoy ko ang alak sa kaniya.

"Ikaw. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito." Saad niya habang hirap siyang panatilihin ang balanse niya dahil mukhang napadami na ang inom niya.

Gusto ko siyang patulan pero wala siya sa sarili niya ngayon kaya hinayaan ko siyang dumada. Ayoko namang pumatol sa lasing.

"Bakit ang katulad mo pa ang pinalad na magkaroon ng ganitong klaseng yaman? Nerd ka, baduy ka, walang class. Wala ka ni isang katangian para maipagmalaki kang maging future ace."

Bakit ba napakaimportante sa kaniya ng buhay ko? Bakit ba bothered siya sa katangian ko? Kahit pala ang mga may taglay na kagandahan ay may tinatagong insecurity.

"Ako, maganda ako, may class, mga bagay na wala sa'yo. Pero bakit lagi akong nakukumpara sa'yo? Sa lahat ng ayaw ko ay makumpara ako sa kahit na sino dahil lang mas angat sila sa akin."

Hindi ko alam na ganun pala kalalim ang pinanghuhugutan niya ng galit sa akin. Ramdam ko siya, pero hindi dahilan yon para magalit at manakit siya ng taong hindi naman ginusto ang mga nangyayari sa kaniya.

'Maaari ngang may kinalaman ako sa pagkakakumpara sa'yo dahil sa akin ka ikinukumpara, pero hindi ko naman ginusto na maikumpara ka sa akin.'

Gusto kong sabihin iyan sa kaniya pero hinayaan ko lang siyang magsalita. Maya-maya pa ay may nakapansin sa amin bantay kaya nilapitan kami nito.

Nang makita niyang lasing si Dorothy ay iginiya niya ito palabas. Pipigilan ko sana ang bantay pero natangay na niya ito palayo kaya napabuntong hininga na lamang ako.

"Ayos ka lang ba?" Hindi ko na rin nasagot ang tanong niya dahil inanunsiyo na ang pangalan niya para magperform sa stage.

Dagdag din sa isipin ko ang pagkatao nitong si Bailey, may mga bagay siyang nagagawa na hindi naman kayang gawin ng kahit na sino lang.

Totoo kayang may mga connection siya sa kung sino man? Natigil na lamang ako sa pag-iisip nang magsimula itong kumanta kasabay ng pagsakit ng pisngi kong sinampal ni Dorothy kanina.

Hindi ko alam kung dahil sa pag-iisip ko nang malalim ang dahilan kung bakit di ko ramdam ang sampal niya kanina o masyado lang talagang malakas to the point na namanhid ang pisngi ko.

Bawat araw na lumilipas napapansin ko na lalo lang nadadagdagan ang iisipin ko.




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top