Chapter 12

Naalimpungatan ako nang may malakas na music na tumutugtog sa baba. Parte din ba ito ng preparasyon para sa darating na paghirang sa akin na tagapagmana?

Dahil curious ako, bumangon ako sa kama para sundan kung saan nanggagaling ang malakas na music. Habang papalapit ako ng papalapit sa lugar ay palakas din ng palakas ang musika.

Nang makarating ako roon ay nadatnan kong nagsasayaw sina Mom at Dad ng waltz nakangiti silang nakatingin sa isa't-isa na may puno ng pagmamahal sa kanilang mga mata.

Ngayon ko lang sila nakitang ganito, madalas kasi ay busy sila sa kani-kanilang mga trabaho kaya madalang ko silang magkasama dito sa bahay. Nakakasama ko lang sila tuwing breakfast at dinner.

Hindi sila ganito tuwing kumakain kami kaya wala akong idea na ganito pala sila kalapit sa isa't-isa. Nacucurious tuloy ako kung paano sila noong kabataan nila.

Hindi nagtagal ay napansin nilang nandito ako at pinapanood sila habang nagsasayaw kaya bumaba ako ng hagdan para lumapit sa kanila.

"Goodmorning. Kanina ka pa ba riyan anak?" Tanong ni Mommy sa akin na siyang tinanguan ko lang
"Pasensiya na kung naistorbo namin ang pagtulog mo ha." Paghingi naman ng dispensa ni Dad

"Ay wala po yun. Kung hindi nga po ako nagising, hindi ko po kayo makikitang ganito."

Nagkatinginan naman silang dalawa saka nginitian ang isa't-isa. Samantalang ako naman ay hindi ko maitago ang kilig ko dahil pakiramdam ko ay nanonood ako ng romance movie.

"Ngayon na lang uli kasi kami nagkaroon ng quality time para sa isa't-isa. Minsan nga eh nagsisisi ako na nagpapakalunod ako masyado sa trabaho kahit hindi naman talaga kailangan."

Kwento ni Dad, siguro kasi nakasanayan na niyang nabababad sa trabaho at hindi na niya napapansing nasosobrahan na niya.

"Alam mo kami ng Dad mo noon, hindi naman kami nagsimulang ganito eh. Para kaming aso't pusa noon na kulang na lang eh magpatayan para matahimik ang buhay ng isa't-isa."

Natawa kaming tatlo nang banggitin ni Mommy ang tungkol doon. Kung susumahin, wala akong masyadong alam tungkol kina Mom at Dad, dahil nga wala silang time sa family, hindi na rin sila nakakapagkuwento tungkol sa mga buhay nila.

"Maayos pa ang buhay noong mga kasing edad mo palang kami dahil hindi pa kami dito sa Palladium nakatira. Nagsimula ang pag-iibigan namin ng Dad mo dahil sa sayaw."

Mom continued while I am just silently listening to her. If we're gonna leave Palladium, would our lives be better. Would there be no pressure of being the richest family?

"Sa sayaw po?"

I want to open the topic about leaving the Palladium but I am scared that Dad will react differently so I just focused on what Mom is trying to tell.

"Noong unang sayaw kasi namin, narealize ng Mommy mo na sobrang pogi ko kaya nahulog agad siya sa akin."

Singit ni Dad habang humahagikgik siya para asarin si Mommy, habang si Mommy naman ay pinapalo palo siya dahil gumagawa nanaman daw ng kwento si Dad.

"Hoy feeling ka, baka maniwala yang anak natin. Nahulog ako sa'yo that time kasi magaling ka sa waltz. Yun lang, anong gwapo? Ang totoy mo kaya."

Humagalapak na ako sa tawa nang banggitin ni Mommy na totoy si Dad nung kabataan nila kaya sinugod ako ni Papa para kilitiin.

Nakawala ako sa pagkakahawak niya kaya si Mommy naman ang hinabol niya. Naghabulan kami sa napakalawak na bulwagan hanggang sa mapagod kami.

Pati mga napapadaang mga kasambahay ay napapangiti sa pinaggagagawa namin nang ganito kaaga.

Ngayon lang din siguro nasaksihan ang ganitong set-up ng pamilya namin. Magulo pero masaya hindi tulad noong mga nakaraan na magulo dahil sa mga away.

Tumatawa kaming sumalampak sa sahig nang napagod kami sa kakahabol sa isa't isa. Hingal na hingal kaming nakatingin sa kisame.

"Speaking of, isa sa mga highlight ng inauguration mo ang pagsasayaw ng waltz kasama ako, and as a gentleman who's a charming dancer and who charmed your mother by dancing, ako ang magtuturo sa'yo"

Natawa kaming pareho ni Mommy sa inaasal ngayon ni Dad. Hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako na para bang nananginip lang.

Siguro kung ganito lang lagi si Dad walang mga araw na nasayang at lagi kaming nagba-bonding. Tumayo kaming lahat sa pagkakahiga sa sahig dahil nakahanda na raw ang pagkain.

...

"Tita Clementine? What are you doing here?" I was surprised when I saw Tita Clementine in the living room. She smiled at me as she already knew that I am the heiress of the Marquez.

"You knew each other?" Dad asked happily as he realize that introducing me won't be a bother anymore since we already met just a few days ago. It turns out that Dad and Tita Clementine were childhood friends but Tita Clementine left the country since her family's business is finally rising.

"Wow now I know why she's here. She came for a visit." I said which they both disagree. That's when they told me that I need to act like a lady in my inauguration ceremony and she will be the who will guide me.

I don't like where's this going but if it means that I'll be with Tita Clementine all day, then I will gladly be her student for etiquettes and proper way to be a lady.

"Come to think of it, you and Ree look the same. Konting konti na lang papasa na kayong kambal."

Napasinghap ako nang marealize kong tama si Dad. That's why I she looks familiar. She really resemble my Mom

"By any chance, you two are not related are you?" Dagdag pa ni Dad.
"Maybe we are? But I'm sure it's just a coincidence right Mrs. Marquez?" Tita Clementine asked. We waited for Mom to answer but she remained silent.

"Mom are you alright? You look pale." I immediately went to her side as I saw her being pale. She's sweating and her hands are trembling as if she saw a ghost.

"I am a bit unwell but I can manage, can you take me to my room?"

Nagpaalam na muna ako kila Tita Clementine at kay Dad para ihatid si Mommy sa kwarto niya. Naramdaman ko ang panlalamig ng kamay ni Mommy kaya mas lalo akong nag-alala sa kaniya.

"Liliban na lang muna kaya ako sa klase Mom para mabantayan kita. I'm sure Dad will be busy later on."

Presinta ko pero tinanggihan lamang ako nito dahil baka daw mapag-iwanan ako sa klase. Marami naman daw kaming kasamang mga kasambahay kaya may mag-aalaga sa kaniya.

Ayoko mang umalis pero hindi siya magpapahinga hangga't hindi ako pumapasok sa university kaya wala na akong choice kundi ang pumasok na.

...

"Bakit tulala ka diyan?" Napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni Bailey kaya sinamaan ko ito nang tingin. Lagi na lang siyang sumusulpot sa tabi ko nang walang pasabi.

Gusto ko pa sana siyang bungangaan pero may inaabot na siyang chocolate ice cream sa harap ko kaya pinalagpas ko na lang.

"Nag-aalala kasi ako kay Mommy, bigla na lang siyang namutla at nanghina."

Sagot ko sa tanong ni Bailey habang binubuksan ko ang binigay niyang ice cream. Hanggang ngayon ay nagi-guilty pa din ako na iniwan ko si Mommy kasama ang mga katulong.

Mainit ang panahon ngayon kaya nandito kami sa Garden kung saan nakatayo ang malaking puno ng talisay sa dulo. Naglalaglagan pa ang malalaking dahon nito kaya sinusubukan kong huwag malaglagan ang ice cream na kinakain ko.

"Kung nag-aalala ka, bakit hindi ka lumiban sa klase para bantayan siya?"

Napairap na lamang ako sa tanong niya. Tingin niya ba hindi ko naisip yon?

"Yun din ang balak ko pero pinilit ako ni Mommy na pumasok kasi baka daw maleft out ako sa klase. Wala naman na akong ibang choice kundi sundin siya, kung mag-aalala ako sa kaniya dahil may sakit siya, mag-aalala din siya sa pag-aaral ko."

Natawa na lamang ako nang makita ko siyang ngumingiwi habang sapo ang pisngi niya. Kinagat ba naman kasi ang pagkalamig-lamig na ice cream, sinong di mangingilo?

"Ikaw? Hindi ka ba pinipigilan ng Mama mo kapag gusto mo siyang bantayan tuwing may sakit siya?"

Tanong ko pabalik sa kaniya pero mas lalo lang akong natawa nang makita siyang ngayon ay pinupukpok ang ulo niya dahil nalunok niya yung ice cream na kinagat niya.

"Umayos ka nga, magdahan-dahan ka kasi sa pagkain, wala namang aagaw niyan sa'yo eh."

Natatawa ko paring sabi sa kaniya dahil nagmumukha na siyang ewan. Nang maayos niya ang sarili niya ay tinitigan ako nito sa mga mata.

"Ikaw lang yung binabantayan ko."

Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin kaya nanahimik na lamang ako. Sabog na ba to?

"Ha?"

Ang nasabi ko nalang dahil hindi na siya nagsalita.

"Ikaw lang ka'ko ang binabantayan ko, wala lang. Wala akong magawa sa buhay kaya sumusunod-sunod na lang ako sa'yo."

Naweirdohan ako sa isinagot niya kaya nilayasan ko na lang siya at napagdesisyonang bumalik sa classroom.

"Hoy, hintay!"

Sigaw pa niya pero tumakbo na ako papalayo. Habang siya maman ay binilisan nanaman ang pagkain ng ice cream kaya hindi na niya malaman kung ano ba ang una niya hahawakan, yung pisngi niyang nangingilo o yung ulo niyang nananakit. Natawa na lamang ako sa nakikita ko.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top