CHAPTER 94: SHE'S GONE

KAIDEN’S POV

Malalim na ang gabi at tanging ako na lamang ang naiwan sa sacred room. Ngunit kahit ilang oras na ang lumipas matapos kong masaksihan kung paanong naglaho ang babaeng mahal ko ay hindi ko pa rin magawang tumayo mula sa pagkakaupo ko sa sahig. Hindi rin maubos-ubos ang luha ko kahit kanina pa ako iyak nang iyak.

Dahil nga mag-isa na lang ako sa silid at tanging iyak at pagsinghot ko lang ang maririnig ay hindi ko maiwasang mas lalong maramdaman ang pagkawala ng babaeng mahal ko. At tuwing sinasampal ako ng katotohanang wala na siya ay hindi ko mapigilan ang magalit sa sarili ko at manghinayang dahil kung dumating lang sana ako ng mas maaga‚ sana napigilan ko pa siya. Sana kasama ko pa siya hanggang ngayon. Sana kayakap ko pa siya. Sana nakikita ko pa ang ngiti sa kaniyang mga labi. Sana...

Walang katapusang sana ang ngayon ay nasa isip ko. At habang iniisip ko ang mga sana na hindi na mangyayari pa dahil wala na ang mahal ko ay hindi ko maiwasang balikan ang mga nangyari sa nagdaang ilang oras.

Pupunta na dapat ako sa sacred room dahil sa pagkakaalam ko ay doon gagawin ni Thea ang ritwal at ngayon na niya iyon gagawin. Pero panay ang harang sa akin nina Kaleb at Athena. Ngunit marahil ay iniisip nilang hindi ko nahahalata ang ginagawa nilang pagharang at pag-abala sa ‘kin. Ngunit nagkakamali sila. Alam ko kung anong ginagawa nila. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit nila ito ginagawa.

Alam kong sinasadya nina Kaleb at Athena na pigilan akong pumunta sa pagdadausan ng ritwal ngunit wala akong ideya kung bakit. Hindi ko alam kung bakit parang ayaw nila akong pumunta sa sacred room para masaksihan ang ritwal na gagawin ni Thea. Pero tuwing nag-iisip naman ako ng maaaring dahilan kung bakit nila ako pinipigilan ay isang bagay lang ang pumapasok sa isip ko... May itinatago kaya sila sa ‘kin? May bagay ba silang ayaw sabihin o ipakita sa ‘kin?

Ilang ulit ko pang pinagtabuyan sina Kaleb at Athena habang hindi ko pinahahalata sa kanila ang pagkainis ko sa ginagawa nilang pagpigil sa ‘kin. Ngunit nang hindi na ako makapagtimpi ay humugot ako ng malalim na hininga saka binigyan ko sila ng malamig na tingin.

“I really have to go. So please‚ stop what you were doing to stop me from going to the sacred room‚” inis nang pakiusap ko dahil kanina pa talaga ako nagtitimpi sa mga kalokohang pinaggagagawa ng dalawa.

Hindi talaga pwede‚ cold prince. Kaya pwede bang makinig ka na lang sa amin?” mariing tugon ni Kaleb at idinipa pa niya ang mga braso niya sa harap ko para muli na naman akong harangin.

Muli na lamang akong napahugot ng malalim na hininga nang maramdaman ko ang pagtindi ng inis ko na sinabayan na rin ng kagustuhan kong gawing yelo sina Kaleb at Athena para lamang tumigil na sila.

Then tell me. Why am I not allowed to watch the ritual?” malamig kong tanong habang malamig pa rin akong nakatingin kina Kaleb at Athena.

Bigla namang nagkatinginan sina Kaleb at Athena. At nang magkatinginan sila ay nakita ko kung paano sila nagturuan sa pamamagitan lamang ng kanilang mga mata at paggalaw ng kanilang ulo. Tila ba gusto nilang ang isa sa kanila ang sumagot sa tanong ko sa halip na magkusa sila. At matapos ang ilang minuto nilang pagtuturuan ay biglang nagliwanag ang mukha ni Athena na para bang may bigla siyang naalala saka siya may dinukot na kung ano sa bulsa ng suot niyang jacket.

Sinundan ko ng tingin ang bawat kilos ni Athena kaya agad kong napansin na isang cellphone ang dinukot niya sa bulsa ng suot niyang jacket. Ngunit saka ko lamang napagtanto na kay Thea iyon nang iabot niya ito sa akin na nagtataka ko lamang na tiningnan.

Gwyn asked me to give this to you and she wants you to hand this to Kamila. Actually‚ it should be given to you after the ritual. But since you’re acting like this‚ then I have no choice but to give this to you now... It’s very important. So please give this to your sister immediately‚” Athena said in a serious and authoritative voice as if she’s telling me that I should listen to her and do what she asked me to do without any question.

Sa halip na tanggapin ang cellphone na iniaabot ni Athena ay walang imik ko lamang itong tinitigan habang napapaisip ako sa sinabi niya. Para kasing may mali. Si Athena na nga ang may sabi na dapat ay ibibigay niya sa akin ang cellphone na ipinaabot ni Thea kay Kamila pagkatapos pa ng ritwal. Pero noong hindi na nila ako mapigilang pumunta sa pinagdarausan ng ritwal ay napilitan na siyang ibigay ito sa akin ngayon para lang hindi ako matuloy sa pagpunta ko sa sacred room. Pero ano bang laman ng cellphone ni Thea at bakit may nakatakdang oras pa kung kailan dapat ito ibigay kay Kamila? Saka kanina ko pa napapansin ang kakaibang ikinikilos nina Kaleb at Athena. At maging si Thea ay kakaiba rin ang kinilos kanina. At malakas ang pakiramdam ko na may itinatago sila sa ‘kin. Ngunit kung anuman ‘yon ay wala akong ideya. Pero aalamin ko kung anuman ang itinatago nila sa ‘kin. Ngunit sa ngayon ay kailangan ko munang iabot kay Kamila ang cellphone ni Thea upang wala ng dahilan pa sina Athena at Kaleb para pigilan ako na panoorin ang ritwal sa pagbabalik ko.

Matapos kong makabuo ng desisyon sa kung anong gagawin ko sa ngayon ay dali-dali kong tinanggap ang cellphone na iniaabot ni Athena saka agad na akong nagpaalam sa kanila bago ako lumabas ng palasyo. At nang makalabas ako ng palasyo ay agad akong nag-teleport patungo sa aming kaharian at agad kong hinanap si Kamila na madali ko lang namang nahanap dahil nakakulong lamang siya sa kaniyang silid at mag-isang naglalaro.

Kuya!” masayang tawag sa akin ni Kamila nang pumasok ako ng kaniyang silid at sinalubong pa niya ako ng mahigpit na yakap na agad ko namang tinugon.

Tumagal lamang nang ilang segundo ang yakapan namin ni Kamila dahil agad siyang kumalas sa yakap at nakangiti siyang nag-angat ng tingin.

Kuya‚ kasama mo ba si Ate Thea? Nasaan siya?” excited na tanong ni Kamila na mukhang miss na miss na ang kaniyang Ate Thea.

Nasa Ardor Kingdom pa rin siya. Pero may ipinabibigay siya sa ‘yo‚” nakangiting sagot ko saka ko iniabot kay Kamila ang cellphone na kanina ko pa hawak sa aking kanang kamay.

Agad namang tinanggap ni Kamila ang cellphone ni Thea na iniaabot ko sa kaniya. At nang makuha na niya ang cellphone ay dali-dali siyang sumampa sa kama niya at sinimulan niyang kalikutin ang cellphone ni Thea habang nakangiti siyang nakadapa sa kama.

Magpapaalam na ako‚ Mil. Kailangan ko pang balikan si Thea. Magpakabait ka habang wala ako‚” paalam ko kay Kamila bago ko siya tinalikuran.

Matapos kong talikuran si Kamila ay agad na akong naglakad palapit sa pinto na madali ko lang namang narating. Ngunit hindi ko na ito nagawa pang hawakan man lang nang matigilan ako nang marinig ko ang boses ni Thea mula sa aking likuran kung nasaan si Kamila.

Dala ng kuryusidad ko sa kung saan galing ang boses ni Thea na narinig ko ay dali-dali akong lumapit kay Kamila at naupo ako sa gilid ng kama sa tabi niya para tingnan kung anong ginagawa niya. At mas lalo pa akong naging tutok sa pinagkakaabalahan ni Kamila nang makita kong pinanonood niya ang isang video sa cellphone ni Thea na si Thea ang laman.

Ilang ulit pang nagsalita si Thea sa video na para bang kinakausap niya ang sarili niya kung okay na ang anggulo ng video bago siya nagsimulang kausapin si Kamila na para bang kaharap niya ito.

“Hi‚ baby girl! Na-miss mo ba ako? Pagpasensyahan mo na si ate ha‚ hindi na kita nadalaw magmula noong huling punta ko riyan sa palasyo ninyo para kunin ang mga gamit ko. Saka mas habaan mo pa sana ang pasensya mo‚ baby girl‚ dahil mukhang ma-di-disappoint na naman kita. Mukha kasing hindi ko na matutupad ang pangako ko sa ‘yong babawi ako. Pero sana maintindihan mo‚ baby girl. Kailangan ko na kasing magpaalam sa ‘yo. Pupunta na ako sa malayong lugar at hindi mo na ako muling makikita pa. Pakisabi na rin kina Ayesha at Almira na salamat sa lahat ng tulong nila sa ‘kin...” panimula ni Thea at marami pa siyang sinabing mensahe para kina Prinsesa Ayesha at Reyna Almira na hindi ko na gaanong napakinggan pa dahil nakatutok lamang ako sa mukha niyang may ngiti ngang nakapinta ngunit bakas naman ang lungkot sa kaniyang mga mata.

“Baby girl‚ maraming salamat nga pala dahil ipinaramdam mo sa ‘kin kung gaano kasaya ang magkaroon ng isang nakababatang kapatid na ubod ng kulit at cute na parang isang buhay na manika. Magpakabait ka‚ babygirl‚ ah. Huwag na huwag mong bibigyan ng sakit ng ulo ang kuya mong ubod ng sungit na daig pa ang menopause. Mahal na mahal ko ‘yon e. Saka palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita...

Hanggang dito na lang ‘tong speech ko. Haha! Sige na‚ baby girl‚ kailangan ko nang magpaalam. Ngunit bago ko tapusin ang video na ito‚ gusto ko sanang humingi ng tawad sa ‘yo... Patawarin mo sana ako sa gagawin ko. Pakisabi na lang din sa kuya mo na humihingi ako sa kaniya ng tawad dahil inilihim ko sa kaniya ang tungkol sa pag-aalay ko ng sarili kong buhay sa ritwal. Mahal na mahal ko kayo at gagawin ko ito para sa inyo at sa lahat ng umaasa sa ‘kin. Paalam...

Matapos kong marinig at mapanood ang huling mensahe ni Thea ay marahas akong napatayo saka dali-dali akong bumalik ng Ardor Kingdom. At nang marating ko ang aking destinasyon ay agad akong tumakbo patungo sa sacred room kung saan nagaganap ang ritwal para pigilan si Thea sa tangka niyang pagbubuwis ng sarili niyang buhay. Ngunit ganoon na lamang ang panlulumo ko nang ang maabutan kong eksena sa pagdating ko sa sacred room ay ang unti-unting paglalaho ng babaeng mahal ko. Ngunit sa halip na panoorin lamang siyang mawala ay tinangka ko pa siyang lapitan upang pigilan. Pero dahil sa lintik na barrier na naghihiwalay sa aming dalawa ay ni hindi ko man lang siya nahawakan bago siya maglaho sa aking paningin.

Nang mawala si Thea ay kasabay niyang naglaho ang barrier na kanina ay pumipigil sa akin. Ngunit dahil wala na naman ang babaeng mahal ko na kanina ay gusto kong abutin ay nanlulumo na lamang akong napaupo sa sahig kasabay ng pag-uunahan sa pagtulo ng mga luha ko.

Oo‚ ilang oras na nga magmula nang matapos ang ritwal na siya ring tumapos sa buhay ng babaeng mahal ko. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang wala na siya. Hindi magawang tanggapin ng sistema ko na wala na ang babaeng mahal ko dahil ibinuwis niya ang kaniyang sariling buhay para sa lahat.

Masakit. Masakit na mas pinili ni Thea na mamatay para sa lahat kaysa ang mabuhay para sa akin at sa iba pang nagmamahal sa kaniya. Pero kahit gaano man kasakit ang pagkawala niya ay kailangan kong tanggapin ang naging pasya niya. May tungkulin siya sa sanlibutan at may ginintuan siyang puso kaya nauunawan kong mas matimbang sa kaniya ang kaligtasan at kalayaan ng lahat kaysa sa kaniyang sariling buhay. Ngunit hindi ko pa rin talaga maiwasang magtampo kay Thea dahil nagawa niyang ilihim sa akin ang tungkol dito. Hindi ko tuloy nagawang magpaalam man lang sa kaniya. Ngunit kahit ano pang pagtatampo ko ay hindi ko na maibabalik pa ang oras. At kahit na durog na durog ang puso ko sa mga nangyari ay kailangan kong tibayan ang loob ko para hindi mauwi sa wala ang pagsasakripisyo ni Thea.

Isinakripisyo ni Thea ang kaniyang sarili para sa kapayapaan ng aming mundo at hindi ko sasayangin ang pagsasakripisyo niyang ‘yon. Pangangalagaan ko ang Fantasia sa ngalan niya. Sa paraang ito ko na lamang maipapakita at maipaparamdam ang pagmamahal ko sa kaniya ngayong wala na siya—ang mahalin at pangalagaan lahat ng mahalaga sa kaniya at isa na rito ang Fantasia.

Oo nga’t wala na si Thea sa mundong ito at kailanman ay hindi na kami muli pang magkakasama. Ngunit mananatili pa rin siyang buhay sa puso ko at kailanman ay hindi siya mapapalitan nino man. Siya lamang ang tanging babaeng una at huli kong mamahalin‚ wala ng iba...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top