CHAPTER 87: LOVE CONFESSION
ALTHEA’S POV
Nagsasanay na ang lahat tulad ng napag-usapan habang ako ay naghahanda na sa aking silid para sa pag-alis namin nina Ali at Kaizer patungo sa iba’t ibang nilalang na maaari naming maging kapanalig.
Yes‚ kasama namin ni Kaizer si Ali. Parang kuya ko na naman siya kaya wala ng kaso kung magsama-sama kaming tatlo. Saka isa pa‚ gusto ko ring maging close sina Kaizer at Ali kaya pareho ko silang isasama. Pero actually‚ sina Luca at Nikolai dapat ang kasama ko dahil silang dalawa ang pinagkakatiwalaan nina ina sa pagbabantay sa ‘kin mula pa pagkabata. Ayaw kasi akong payagan nina ina na umalis nang mag-isa kaya dapat kasama sila. Kaya lang ay abala sila sa pagsasanay kay Luna na wala pang gaanong alam sa pakikipaglaban without her super speed‚ kay Yael na kailangan pa ng sapat na training para makapag-summon siya ng maraming hayop nang sabay-sabay at kay Flor na rin na hindi pa napag-aaralan ang iba pang mga teknik na nabasa namin noon. Pero siguro ay moral support na lang ang magiging ambag nila kina Yael at Flor dahil hindi naman nila magagawang sanayin ang mga ito sa pagpapalakas ng kapangyarihan nila dahil hindi naman sila earth charmer o animal summoner. O pwede ring sila ang susukat sa lakas nina Yael para mas makita nila kung kailangan pa nila ng improvement.
Ang Trio ay nagsasanay rin ng kani-kanila nilang kapangyarihan at kung paano nila mapapagsama-sama ang kapangyarihan nilang tatlo para mas mapalakas pa ang puwersa nila.
Sina mommy at daddy ang nag-suggest kay Ali dahil nakilala na nila ito noong pumunta kami sa mundo ng mga tao para sunduin sila. At syempre‚ ako ang nag-suggest kay Kaizer. Ayaw ngang pumayag nina ina noong una dahil baka raw makasama pa kapag may ibang nakakita na magkasama kaming dalawa. Pero ipinaintindi ko naman sa kanila na wala silang dapat ipag-alala dahil napatunayan na ni Kaizer na likas siyang mabuti at napasailalim lamang siya sa kasamaan kaya hindi totoo ang sumpang sinasabi nila. Saka subukan lang nilang saktan si Kaizer at ako ang makakalaban nila. Pero kung tutuusin ay hindi naman na namin kailangan pang alalahanin si Kaizer dahil kaya naman niyang protektahan ang sarili niya. Ang cool kaya ng kapangyarihan niya. Walang laban sa kaniya ang kahit sino maliban sa ‘kin.
Isang itim na lace-up boots‚ itim na skinny jeans at kulay gintong ribbed sando ang suot ko na ni-tuck in ko sa suot kong jeans at pinatungan ko ng itim na leather jacket. Ang buhok ko naman ay ipinusod ko para hindi ito maging abala.
Magmula nang sumapit ang ikalabing-walong kaarawan ko ay nahilig na ako sa kulay ginto. Kung bakit? Hindi ko rin alam.
Sinipat ko pa muna ang ayos ko sa harap ng malaking salamin malapit sa pinto ng aking silid bago ko napagpasyahang lumabas na ng silid para hanapin ang dalawa kong instant bodyguard. Ngunit hindi ko na nagawa pa ang plano kong hanapin sina Kaizer at Ali nang makasalubong ko si Kaiden sa hallway at harangin niya ako.
“Can we talk?” walang emosyong tanong ni Kaiden na ikinabigla ko dahil magmula nang may magpanggap na ako ay ito ang unang beses na lumapit siya sa akin at kinausap niya ako.
“Sure‚” tipid kong sagot nang makabawi ako mula sa pagkabigla.
Agad akong tinalikuran ni Kaiden at nagsimula na siyang maglakad paalis. Ako naman ay tahimik na lamang siyang sinundan kung saan man niya balak pumunta.
Sa pagsunod ko kay Kaiden ay napadpad kami sa balkonahe na nasa gilid na bahagi ng palasyo kung saan tanaw mula sa aming kinatatayuan ang malawak na kagubatan ilang kilometro ang layo mula sa palasyo.
Nang hindi magsalita si Kaiden agad at tahimik lamang niyang ipatong sa dalaydayan ng balkonahe ang magkabila niyang kamay habang malayo ang tingin niya ay nakakrus ang brasong naglakad ako palapit sa tabi niya at seryoso ko siyang tiningnan.
“What is this all about?” tanong ko sa seryosong boses para masabi na niya ang gusto niyang sabihin.
Agad namang napahugot ng malalim na hininga si Kaiden bago niya sinalubong ang tingin ko.
“I know this is not the right time to tell you this‚ especially now that we are in the middle of a war against the darkness but I can’t keep it anymore. I want you to know how I feel just in case anything happens‚” aniya na hindi ko naman maintindihan kung saan patungo dahil sa pagiging maligoy niya.
“What are you talking about? I don’t get it. Just get to the point‚” wika ko para diretsahin na niya ako sa halip na magpa-suspense pa siya.
Katulad kanina ay muling napahugot ng malalim na hininga si Kaiden bago siya magsalita.
“I admit that it was all my idea to keep ourselves away from you in order to get hold of your impostor. And I know that my decision made you suffer and made you feel alone and neglected. And I’m so sorry for that... I’m really sorry if my decision hurts you... I’m sorry for hurting you but I just did what I did because it’s the only way to protect you from her. And you know exactly that I’m willing to do anything just to make sure that you’ll be safe because you’re my life. And... I can’t afford to lose you because I love you... I’ve always loved you‚ Thea‚ ever since we were kids‚” mahabang wika ni Kaiden at namalayan ko na lamang na hawak na niya ang dalawa kong kamay habang diretso siyang nakatingin sa mga mata ko.
Wait‚ what? Mahal niya ako? Tama ba ang pagkakarinig ko o nabingi lang ako?
“W-What did you just say? I didn’t hear you‚ I’m sorry‚” nag-aalangan kong tanong para ulitin ni Kaiden ang sinabi niya.
“I said I love you‚” tugon niya sa malambing na boses habang nangungusap ang mga mata niyang nakatitig sa akin.
“M-Mahal mo ako?” hindi makapaniwalang tanong ko.
Mahal niya ba talaga ako? Kung oo‚ paano? At kailan pa? E ang cold kaya ng trato niya sa ‘kin. Minsan naman ay panay lang ang pang-aasar niya sa ‘kin at palagi pa niya akong pinagtitripan noon. Kaya paanong mahal niya ako? E first impression ko nga sa kaniya ay bato ang puso niya—I mean‚ yelo pala. Kung like lang‚ pwede ko pang tanggapin ‘yon dahil lantaran naman siyang kung magselos. Pero ang sabihin niyang mahal niya ako‚ iyon ang hindi ko mapaniwalaan at maproseso.
“Yes. How about you? Do you feel the same way?” pagbabalik niya sa akin ng tanong habang titig na titig pa rin siya sa mga mata ko.
Bigla akong nawalan ng imik sa tanong ni Kaiden. At dahil sa pananahimik ko ay doon ko lamang napansin ang malakas na pagtibok na puso ko na para bang gusto nitong tumalon palabas. Hindi ko rin maialis ang tingin ko kay Kaiden na para bang tumigil ang paggalaw ng oras at siya lamang ang nakikita ko. At sapat na ang mga ito para malaman ko kung anong sagot ko sa tanong ni Kaiden. Ngunit tama bang pag-usapan namin ito ngayon kung kailan nasa gitna kami ng digmaan kung saan walang lugar ang aminan ng feelings? Pero kung hindi naman ngayon‚ kailan pa? Kapag huli na ang lahat at wala na ako o wala na siya?
Haist! Mukhang tama si Kaiden. Kailangan ngang sabihin na namin sa isa’t isa ang nararamdaman namin para kung anumang mangyari sa amin sa digmaan ay wala kaming pagsisisihan dahil nasabi na namin sa isa’t isa ang nararamdaman namin.
Hindi ako nakatitiyak kung makakaligtas pa ako sa digmaang magaganap lalo na’t ito ang unang beses na makakalaban ko ang isang diyosa. At ang masaklap nito ay posibleng kambal pa ang makalaban ko. Kaya habang maaga pa at humihinga pa ako ay siguro’y kailangan ko na ngang sabihin kay Kaiden ang nararamdaman ko sa kaniya. May karapatan siyang malaman at marinig kung anong sagot ko sa tanong niya.
Matapos kong makabuo ng desisyon makalipas ang mahaba kong pananahimik ay agad akong napahugot ng malalim na hininga upang mag-ipon ng lakas ng loob. At nang sa palagay ko ay kaya ko nang sagutin ang tanong ni Kaiden ay walang pag-aalangan kong ibinuka ang bibig ko upang magsalita. “I—”
“Yana‚ nandiyan ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap. Kailangan na nating umalis.”
Natataranta kong binawi ang kamay ko mula kay Kaiden at napatayo ako nang tuwid nang wala sa oras nang marinig ko ang boses ni Kaizer mula sa bandang gilid ko.
“Teka‚ naistorbo ba namin kayo?” inosenteng tanong ni Ali na kasama ng magaling kong kakambal at ngayon ay palipat-lipat ang tingin sa amin ni Kaiden. Si Kaizer naman ay bigla na lamang napangisi nang mapagtanto niya ang ginawa niya at binigyan pa niya ako ng nanunuksong tingin.
Napaikot na lang ako ng mata dahil sa tinging ipinupukol sa amin nina Ali at Kaizer. Ngunit sa halip na pagsabihan ko pa ang dalawa ay naisip ko na lang na baka tadhana na ang gumagawa ng paraan para pigilan ako sa pagtatapat ko kay Kaiden.
May iba pa naman sigurong pagkakataon para muli kaming makapag-usap ni Kaiden. Pero hindi iyon ngayon dahil may mahalaga pa kaming misyon nina Kaizer at Ali na hindi namin maaaring ipagpaliban.
“I’m sorry‚ Kaiden‚ but I have to go‚” nag-aalangan kong paalam kay Kaiden.
“It’s okay. Take care‚” tanging tugon ni Kaiden at tipid niya akong nginitian na halatang may halong kirot at panghihinayang kaya hindi ko maiwasang makaramdam din ng kirot.
“Geh. Bye‚” tipid kong wika at hindi ko na hinintay pang magsalita si Kaiden dahil mabilis ko nang hinigit ang dalawang epal sa mga braso nila at kinaladkad ko sila paalis.
“Ano bang pinag-uusapan ninyong dalawa kanina? Mukha kasing ang seryoso‚” nakangising tanong sa akin ni Kaizer nang makalayo na kami kay Kaiden.
Dahil sa sinabi ni Kaizer ay mas lalo ko pa silang kinaladkad ni Ali palabas ng palasyo. Tsk! Alam naman pala niyang nag-uusap kami. E bakit pa siya umepal? Tsk! Bitter siguro siya kasi wala siyang love life.
“Wala!” irita kong sagot kay Kaizer habang marahas ko na silang kinakaladkad.
“Umamin na ba si Kaiden?” pang-uusisa ni Kaizer na ikinabilog ng mga mata ko at awtomatikong nagpatigil sa akin.
Paano niya nalaman ang bagay na ‘yon? Wait... Hindi kaya nakinig siya sa usapan namin kanina? Walanjo! Hindi lang pala siya epal. Tsismoso pa ng taon.
“Anong sagot mo?” pagtatanong din ni Ali na mukhang excited na excited pa.
Aba! Ang loko‚ nakisali pa. Naka-move on lang‚ naging loko-loko na. Mga baliw talaga.
Dahil sa pakikitsismis ng dalawa ay marahas kong binitiwan ang mga braso nila at hindi ko na napigilan pa ang nakapamaywang silang harapin.
“Wala! Kasi umepal kayo!” inis kong sagot.
“E ikaw‚ Ali‚ umamin ka na ba?” tanong ng magaling kong kapatid kay Ali na ikinalaglag ng panga ko.
“Teka. Paano mo alam ‘yan? Stalker ka ba‚ Kai? Ini-stalk mo ba ang sarili mong kapatid? Umamin ka nga. Kanina ka pa e. Nakakaduda ka na‚” sunod-sunod kong tanong kay Kaizer dahil sa dami ng nalalaman niya na hindi ko naman maalalang ako ang nagsabi sa kaniya.
“Bata pa lang tayo ay nakikita ko na itong mokong na ito na nakatanaw sa ‘yo mula sa malayo‚” tugon ni Kaizer saka niya ibinaling kay Ali ang tingin niya.
“Ano? Hindi tinanggap ni Yana ang pag-ibig mo‚ ano?” nakangising tanong ni Kaizer kay Ali na halatang nang-aasar lang.
Dahil sa tanong ni Kaizer kay Ali ay dali-dali akong pumuwesto sa pagitan nilang dalawa saka agad kong inakbayan si Ali na nasa kanan ko. Ngunit dahil mas matangkad siya sa ‘kin ay nagmukha akong unggoy na nakalambitin sa puno.
“Huwag ka nga! Okay na kami ni Ali‚ ano. Saka magkaibigan na kami. Ay‚ hindi pala. Kuya ko na siya‚” nagyayabang kong wika bago ko nakangiting binalingan ng tingin si Ali. “Hindi ba, Kuya Ali?” parang batang tanong ko kay Ali habang nakaakbay pa rin ako sa kaniya.
“Uh-huh!” pagsang-ayon ni Ali kaya agad ko na siyang binitiwan.
“Teka nga! Ako ang kuya mo‚ hindi siya. Paano naman ako?” maktol ni Kaizer na mukhang bumalik sa pagkabata.
Awtomatiko namang tumaas ang isang kilay ko dahil sa sinabi ni Kaizer at nakakrus ang braso ko siyang hinarap.
“Kuya? Sabay lang kaya tayong ipinanganak. Oops! Correction... Nauna pala ako sa ‘yo ng five minutes dahil na-traffic ka pa sa sinapupunan ni ina dahil hinintay mo pang umalis iyong nagpaanak sa kaniya bago ka lumabas nang kusa‚” dire-diretsong sabi ko na para bang wala ng bukas.
“Kasalanan ko bang mahiyain ako noong sanggol ako kaya ayaw kong lumabas kapag may ibang charmer?” pagdadahilan ni Kaizer na muntik ko nang ikahalakhak.
“Wow! Hiyang-hiya naman ako sa pagiging mahiyain mo! Pero sabagay‚ sa sobrang pagkamahiyain mo nga hindi ba ay kusa ka na lang lumabas? Hindi mo na hinintay na umiri si ina‚” natatawang pang-aasar ko kay Kaizer.
Alam namin ni Kaizer lahat ng nangyari noong araw ng pagsilang ni ina sa amin dahil nakuwento na ito sa amin ni ina nang makailang ulit.
“Alam mo‚ ang cute-cute mo!” nanggigigil na sabi ni Kaizer at talagang pati magkabilang pisngi ko ay pinagdiskitahan niya at nanggigigil niya itong pinisil.
Malakas ko namang tinampal ang kamay ni Kaizer bago pa mapunit ang pisngi ko kaya binitiwan niya rin naman ako. At kinuha ko ang pagkakataong iyon para magtago sa likuran ni Ali.
“Kuya Ali‚ oh. Inaaway ako ni bunso‚” pagsusumbong ko kay Ali para mas asarin si Kaizer.
“Ikaw kaya ang bunso‚” ganti ni Kaizer‚ dahilan para silipin ko siya habang nakatago pa rin ako sa likuran ni Ali.
“Ikaw kaya!” ganti ko rin saka ko hinila ang laylayan ng damit ni Ali para kunin ang atensyon niya.
“Kuya Ali‚ ipagtanggol mo naman ako oh‚” nakangusong wika ko kay Ali habang hinihila ko ang laylayan ng damit niya.
“Haist! Magkapatid nga kayo‚” naiiling na sambit ni Ali bago siya dumistansya sa ‘kin.
Nang dumistansya sa akin si Ali ay agad siyang pumunta sa bandang harapan namin ni Kaizer at binigyan niya kami ng seryosong tingin.
“Tama na ang asaran ninyo at baka abutin pa tayo ng bukas sa kaaasaran ninyo‚” pag-awat sa amin ni Ali na seryosong-seryoso na.
Dahil sa biglang pagseryoso ni Ali at sa awtoridad na mababakas sa boses niya ay wala na kaming nagawa ng magaling kong kakambal kundi ang sumunod sa kaniya. At nang wala nang magsalita pa sa amin ni Kaizer ay isa-isa ko silang hinawakan sa kamay saka ko sila isinama sa pag-teleport ko patungong Forbidden Forest.
✨✨✨
A/N: Nabitin din ba kayo? Sorry naman. May pagka-bitter kasi si author😅
Bigyan ninyo kasi muna ako ng love life bago ko bigyan ng love life si Thea😉 Or just click the vote button para naman mabawasan ang ka-bitter-an ko😂
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top