CHAPTER 80: THE MARK

ALTHEA’S POV

Kinabukasan ay tinanghali na ako ng gising dahil sa labis na pagod at panghihina. Kaya naman ay hindi ko na nagawa pang mag-unat ng kamay. Agad akong pabalikwas ng bangon at natataranta akong tumakbo palapit sa pinto ng aking silid para bumaba para sa aming pagpupulong. Ngunit nang hahawakan ko na sana ang hawakan ng pinto para hilahin ito pabukas ay bigla akong natigilan nang bigla kong mapagtantong may kakaiba sa repleksyon ko sa malaking salamin malapit sa pinto nang madaanan ko ito.

Hindi ako maaaring magkamali sa nahagip ng paningin ko. Parang... Parang may napansin akong kakaiba kanina sa repleksyon ko. Parang... may nagbago...

‘May kakaiba nga ba sa repleksyon mo o namalikmata ka lang dahil kagisising mo lang?’ tanong ng isang maliit na boses sa isip ko na nagpaisip sa ‘kin. Ngunit sa halip na sagutin o kontrahin ko pa ang boses na iyon sa isip ko ay pinili ko na lamang na dahan-dahang maglakad paatras para balikan ang malaking salaming nadaanan ko kanina na nasa pagitan ng pinto at dressing table.

Habang panay ang atras ko para balikan ang salaming nadaanan ko ay unti-unti kong naramdaman ang biglang pagkabog nang malakas ng dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan. Kaya naman ay kinailangan ko pang pumikit at huminga nang malalim para kalmahin ang puso kong ayaw paawat sa pagkabog na para bang nakikipagkarerahan ito.

Nanatili lamang akong nakapikit kahit na noong tumigil na ako sa tapat ng salaming sadya ko. Ngunit kahit na narating ko na ang sadya ko ay hindi pa rin ako kaagad dumilat. Nagpakawala pa muna ako ng malalim na buntong-hininga bago ko dahan-dahang iminulat ang mga mata ko.

Nang sandaling imulat ko ang mga mata ko at matuon ang tingin ko sa sarili kong repleksyon sa salamin ay agad na namilog ang mga mata ko kasabay ng pag-awang ng bibig ko.

‘Totoo ba itong nakikita ko? O nananaginip pa rin ako hanggang ngayon?’ naitanong ko na lamang sa aking sarili habang halos lumuwa na ang mata ko dahil sa bumungad sa akin pagkamulat ko.

Habang nagtatalo pa rin ang isip ko kung totoo ba ang nakikita ko o ito’y panaginip lang ay nanatili lamang akong nakatitig sa repleksyon ko sa salamin na halos hindi ko na makilala dahil sa naging pagbabago nito. Ang dati kasing kulay abo kong mga mata ay biglang naging kulay ginto at ganoon din ang buhok ko. Ang nakakamangha pa ay kumikinang pa ang mga ito kaya sobrang nakakaakit itong pagmasdan.

“Ang ganda‚” wala sa sariling sambit ko habang hindi pa rin maalis-alis ang tingin ko sa repleksyon ko sa salamin.

Habang namamangha ko pa ring pinagmamasdan ang repleksyon ko sa salamin ay may bigla akong napagtanto. Ngayong sumapit na ang kaarawan ko at lumitaw na ang tunay na kulay ng mata at buhok ko ay naging malinaw na sa akin kung bakit sagana sa ginto ang aming mundo. Gold symbolizes power. At ito ngayon ang kulay ng mata at buhok ko dahil sa halo-halo kong kapangyarihan at kakayahan.

Matapos kong mapagtanto ang sinisimbolo ng ginto na siya ngayong kulay ng mata at buhok ko ay bigla na lamang sumagi sa aking isipan ang naging paghaharap namin ng mga diyos at diyosa kung saan ay sumabog ang inihandog nila sa aking regalo na sinundan ng biglang pagkirot at pagliwanag ng batok ko. At dahil dito ay biglang nabuhay sa dugo ko ang kagustuhang alamin kung ano ang bagay na nagliwanag sa batok ko. Kaya naman ay dali-dali akong lumapit sa salamin at nang makalapit ako rito ay agad akong tumalikod at maingat kong hinawi ang kulay ginto kong buhok na nakalugay na gayong naiwan ko itong nakapusod kagabi.

Nang sandaling mahawi ko ang buhok ko ay agad na tumambad sa salaming nasa aking likuran ang isang nagliliwanag na marka sa aking batok. Isa itong gintong espada na napapalamutian ng mga bulaklak.

Wait... Gintong espada na napapalamutian ng mga bulaklak?Bakit parang pamilyar? Bakit parang nabasa‚ nakita o narinig ko na ito? Pero saan at kailan?

Dahil sa reyalisasyong pamilyar sa akin ang nagliliwanag na markang nasa batok ko ay agad akong napaisip sa kung saan at kailan ko ito maaaring nakita‚ nabasa o narinig. At hindi naman ako nahirapang alalahanin iyon dahil agad na nanariwa sa aking isipan ang mga nakita at nabasa ko sa gintong aklat nang minsang pumunta ako ng library.

‘Ang itinakda ay magtataglay ng isang simbolo o marka na siyang patunay na siya nga ang hinirang ng mga diyos at diyosa. Ang marka o simbolong ito ay isang gintong espada na napapalamutian ng mga bulaklak. Ang gintong espada ay simbolo ng kaniyang kapangyarihan at katapangan samantalang ang mga bulaklak na nakapulupot dito ay simbolo ng kaniyang busilak na kalooban na humahalimuyak tulad ng isang bulaklak. Ang simbolong ito ay matatagpuan sa batok ng prinsesang may ginintuang puso.’

Tama! Ang markang nasa batok ko ay ang simbolo ng itinakda! Hindi ako maaaring magkamali. Naaalala ko pa ang nakita ko sa pabalat ng gintong aklat at parehong-pareho iyon sa markang nasa batok ko. At isa lang ang ibig sabihin nito... Walang duda na ako nga ang itinakda at ngayong sumapit na ang kaarawan ko ay buo na ang kapangyarihan ko.

“Wait... Speaking of my birthday‚ may pagpupulong pa nga pala kami para mamayang gabi! Lagot!” bulalas ko at kakaripas na sana ako ng takbo palabas ng silid ngunit bigla kong naalala ang kulay ng mata at buhok ko at pati na rin ang marka sa batok ko. Kaya naman sa halip na dumiretso ako sa pinto ay itinali ko muna ang buhok ko into a low wrapped ponytail. Pagkatapos ay pinulot ko sa sahig ang cloak na sinuot ko kagabi at nagmamadali ko itong isinuot saka ko itinakip sa ulo hanggang sa mata ko ang talukbong nito upang pansamantalang itago ang mata at buhok ko.

Nang maayos ko nang maitago ang mata at buhok ko sa pamamagitan ng talukbong ng suot kong cloak ay nagmamadali na akong tumakbo patungong meeting hall na madali ko lamang narating gamit ang super speed ko.

Pagbukas ko pa lang ng pinto ng meeting hall ay agad ko nang naramdaman ang mga pares ng mata na nakatitig sa akin. Ngunit sa halip na salubungin ko ang mga titig nila ay nakayuko akong naglakad palapit sa mahabang mesa kung saan nakaupo na lahat ng kasama ko.

Ramdam na ramdam ko ang mga titig ng mga kasama ko hanggang sa makalapit ako ng mesa. Ngunit pinili ko na lamang na hindi ito pansinin at dire-diretso lang akong naupo sa nag-iisang upuan sa pinakadulo ng mesa na nakalaan sa ‘kin. At nang makaupo ako ay doon lamang ako nagsalita.

“Bago natin pag-usapan ang tungkol sa mga magiging hakbang natin mamaya ay may gusto akong ipakita sa inyo‚” nakayuko pa ring saad ko na nakaagaw ng atensyon ng lahat ng kasama ko sa mesa.

“Ano ‘yon?” nagtatakang tanong ng mga kasama ko.

Sa halip na sagutin ang tanong ng mga kasama ko ay walang imik kong inalis ang pagkakatakip ng talukbong ng cloak sa mukha ko saka ako nag-angat ng tingin upang tingnan lahat ng kasama ko sa silid.

Sa pag-angat ko ng tingin ay mga nanlalaking mata at mga nakaawang na bibig ng mga kasama ko ang sumalubong sa akin na hindi ko na ikinagulat pa dahil iyon din naman ang naging reaksyon ko kanina. At dahil inaasahan ko na ang naging reaksyon nila ay hinayaan ko lang silang pagmasdan ako nang ilang segundo para maproseso ng mga isip nila ang natutunghayan nilang ayos ko bago ako sadyang umubo para kunin ang atensyon nila. At mukhang gumana naman ang ginawa kong pag-ubo dahil agad silang natauhan at mabilis silang umayos ng upo.

“Alam kong ganiyan ang magiging reaksyon ninyong lahat. Kaya ipinakita ko na ito sa inyo ngayon pa lang para hindi na kayo mabigla pa mamaya at para hindi kayo mawala sa pokus‚” seryosong saad ko matapos kong tapunan ng tingin ang lahat ng kasama ko sa pagpupulong.

“Thea‚ totoo ba talaga ‘yan?” may pagdududang tanong ni Flor na titig na titig na sa buhok ko.

Awtomatiko namang tumaas ang isang kilay ko dahil sa tanong ni Flor at sa paraan ng pagkakasabi niya nito.

“Sa tingin mo‚ Flor? Subukan mo kaya akong sabunutan at nang malaman mo. Kaya nga lang ay huwag kang umasang hindi kita gagantihan‚” pambabara ko kay Flor na ikinangiwi niya.

“Sabi ko nga‚ tatahimik na lang ako‚” pabulong na wika ni Flor saka agad na siyang umayos ng upo at pinili na lamang niyang ituon ang tingin niya sa kaniyang harapan para iwasan ang mga mata kong sa kaniya na nakatuon.

Matapos mag-iwas ni Flor ng tingin ay agad akong napatuwid ng upo at ibinaling ko ang tingin ko sa aking harapan para makita ko ang lahat ng kilos ng mga kasama ko.

“Ngayon ay pag-usapan na natin ang plano‚” seryoso kong sabi at humugot pa ako ng malalim na hininga para ihanda ang sarili ko sa seryosong usapin. Ngunit hindi ko na nagawa pang simulan ang aming pagpupulong nang may isa na namang magsalita mula sa kaliwang panig ng mesa.

“Sandali! May gusto lang akong makita‚” pagsingit ni Ali na nakaagaw ng atensyon ko at nagpalingon sa akin sa kaniyang direksyon.

“Ano ‘yon?” salubong ang kilay kong tanong dahil sa kawalan ko ng ideya sa kung anong tinutukoy ni Ali sa sinabi niya.

“Ang simbolo ng itinakda sa batok mo na lalabas sa mismong kaarawan mo. Gusto ko itong makita‚” seryosong tugon ni Ali na ikinangisi ko.

Kahit na si Ali lang ang nagsalita ay bakas pa rin sa mukha ng mga kasama ko na maging sila ay nananabik na ring makita ang simbolo ng itinakda. Kaya naman ay hindi na ako nagsayang pa ng oras. Mabilis kong hinubad ang suot kong cloak na basta ko na lamang ipinatong sa mesa saka ako umikot patalikod at hinawi ko ang buhok ko kasabay ng bahagya kong pagyuko para ibalandra sa kanilang lahat ang marka sa batok ko.

“Totoo nga! Nagliliwanag pa siya!” tuwang-tuwang bulalas ni Luna na parang batang nakakita ng magic trick sa birthday party niya.

Hinayaan ko pa munang pagmasdan ng mga kasama ko nang ilang segundo ang marka sa batok ko bago ako umayos ng upo.

“So‚ balik na tayo sa plano‚” maawtoridad at mariin kong sabi para wala nang sumingit pa nang sa gayon ay matapos na kami sa lalong madaling panahon.

Ayoko mang maging istrikto at gustuhin ko mang makipagkulitan sa mga kaibigan ko ay hindi maaari dahil kailangan na naming pag-usapan ang tungkol sa plano namin para mamaya dahil wala ng panahon. Ngayong umaga lang kami maaaring mag-usap patungkol dito dahil mamayang hapon ay maghahanda na kaming lahat para sa pagdiriwang.

Nang makita kong umayos na ng upo ang lahat at lahat sila ay nakatutok na ang atensyon sa ‘kin at sa anumang sasabihin ko ay agad kong binalingan ng tingin si Vera.

“Handa na ba ang lahat‚ Vera?” puno ng awtoridad na tanong ko kay Vera para alamin kung ayos na ba ang lahat para sa event mamaya.

“Everything is settled‚” Vera answered with assurance in her voice.

Matapos sagutin ni Vera ang tanong ko ay agad kong inilipat ang tingin ko sa magkatabing sina Luca at Nikolai.

“How about the knights?” pagbaling ko kina Luca at Nikolai na siyang naka-assign sa mga kawal.

“Nakahanda na silang lahat‚” Luca and Nikolai answered in unison.

Tinanguan ko na lamang sina Luca at Nikolai bilang tugon saka ko muling itinuon ang tingin ko sa harapan.

“Kayo‚ handa na ba kayo?” seryosong tanong sa kanilang lahat.

“Handang-handa na!” they all answered in chorus which made me sigh in relief.

Mabuti naman at handa na ang lahat. Dahil ako? I was born ready!

“That’s good to hear‚” I just commented before I turned my gaze at ate. “Ate‚ you’ll be the emcee. Is it okay with you?” pagbaling ko kay ate na kanina pa nakangiti habang titig na titig sa akin.

“Ayos lang sa akin‚ Kiana‚” malambing na tugon ni ate na hindi mabura-bura ang ngiting nakapinta sa kaniyang mga labi.

Matamis ko na lamang na nginitian si ate bilang tanda ng pasasalamat ko bago ko muling itinuon ang tingin ko sa harapan kasabay ng pagpatong ko sa mesa ng magkahawak kong kamay.

“So‚ ganito ang plano‚” panimula ko at humugot pa muna ako ng malalim na hininga bago ko iniliko ang tingin ko sa Trio.

“Trio‚ kayo ang bahala sa royalties ng bawat kaharian. Huwag ninyong aalisin ang tingin ninyo sa kanila. At sa oras na magkagulo na sa pagitan namin at ng impostor ay pagsama-samahin ninyo sila sa iisang silid kasama si ate‚” pagkausap ko sa Trio saka agad ko ring ibinaling ang tingin ko kay ate para siya naman ang bigyan ng tungkulin. “Ate‚ ikaw na ang bahala sa royalties sa oras na maihatid na kayo ng Trio sa silid na nakalaan sa inyo‚” pagpasa ko kay ate ng tungkulin na pangalagaan ang royalties ng bawat kaharian.

“Huwag ka nang mag-alala sa kanila‚ mahal kong pamangkin. Ako na ang bahala sa kanila‚” nakangiting sagot ni ate na nagpangiti rin sa akin bago ko ibinaling ang atensyon ko kay Luna para siya naman ang bigyan ng tungkulin.

“Luna‚ dahil ikaw ay may pambihirang bilis ay ikaw na ang magbantay sa pagdating ng mga kalaban mula sa pinakamataas na palapag nitong palasyo. At sa oras na makita mo na sila ay magmadali kang bumaba upang ako’y sabihan‚” pagbibigay ko kay Luna ng magiging papel niya mamaya saka agad ko ring ibinaling ang tingin ko sa katabi niyang sina Flor at Yael bago pa man siya makasagot.

“Flor at Yael‚ kayo ang inaatasan kong magbantay sa impostor. Sa oras pa lamang ng kaniyang pagdating ay huwag na ninyo siyang lulubayan ng tingin. At kung maaari ay manatili kayo sa tabi niya o kahit malapit lang sa kaniya para kapag ibinunyag ko na ang tunay kong pagkatao sa harap ng lahat ay mabilis ninyo siyang mapigilang lumaban o tumakas‚” mahigpit na bilin ko kina Flor at Yael bago ko inilipat ang tingin ko sa katapat nilang sina Luca at Nikolai.

“Luca at Nikolai‚ kayo ang bahala sa mga kawal. Siguraduhin ninyong handa sila anumang oras at higpitan ninyo ang pagbabantay sa loob at labas ng banquet hall at maging sa paligid ng palasyo‚” mariing utos ko sa magpinsan bago ko nilingon sina mommy at daddy na magkatabing nakaupo sa gawing kaliwa ko.

“Mommy‚ daddy‚ kayo na po ang bahala sa mga magulang ng lahat ng narito. Tiyakin po ninyong hindi sila lalabas ng palasyo para hindi sila madamay sa gulo‚” magalang ngunit maawtoridad na bilin ko kina mommy at daddy saka ko nakangiting ibinaling ang tingin ko kay Ali na katabi ni daddy.

“Ali‚ you will be my escort‚” nakangiting wika ko kay Ali na tinugon din niya ng matamis na ngiti.

Matapos kong isa-isahin ang mga dapat gawin at tandaan ng mga kasama ko ay muli akong sumeryoso at muli kong ibinaling ang tingin ko sa aking harapan.

“Malinaw na ba ang lahat? Wala na ba kayong mga katanungan?” seryoso kong tanong sa lahat upang masagot ko kung anuman ang mga tanong nila at para mas maipaliwanag ko pa sa kanila ang plano kung hindi nila ito naunawaan nang maayos.

“Malinaw na sa amin ang lahat. Malinaw pa sa sikat ng araw‚” seryosong tugon ni Nikolai na sinang-ayunan naman ng lahat ng nakapalibot sa mesa kung kaya tipid na lamang akong napangiti dahil sa wakas ay tapos na ang pagpupulong.

“Kung gayon ay maghanda na kayo. Tiyakin ninyong angkop ang panloob ninyong kasuotan para sa magaganap na labanan‚” wika ko saka agad na akong tumayo at maingat kong isinampay sa kanang braso ko ang cloak na kanina ay hinubad ko.

“Sige na‚ maaari na kayong magpunta sa inyong mga silid upang maihanda na ninyo ang inyong mga susuutin mamaya. Kailangan ko na ring maghanda. Magkita-kita na lang tayo sa banquet hall sa mismong pagdiriwang. Mauuna na ako sa inyo‚” pagtatapos ko ng pagpupulong at nagmamadali na akong nagtungo ng aking silid upang maghanda para sa isang malawakang labanan na magdidikta sa buhay at kapalaran ng lahat ng nilalang sa mundo.

✨✨✨

A/N: Sorry sa super duper late update. Hope you understand🤗

Anyway‚ thank you for your patience😊 At sorry sa typographical and grammatical errors. Hindi talaga ‘yan maiiwasan😅

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top