CHAPTER 79: THE DEITIES' GIFT

ALTHEA’S POV

Pagsapit ng Linggo ay patuloy pa rin ang lahat sa walang kapagurang pag-eensayo. Maging ang Trio ay puspusan din sa paghahanda kaya naman ay hindi na nakakagulat pa na nakahanda na lahat ng susuutin namin para bukas.

Ang susuutin naming mga babae bukas ay ballgown at sa loob nito ay isang fitted racer back sando at leggings para madali kaming makakilos kapag nagkagulo na. At sa ilalim ng ballgown na susuutin namin ay ang aming combat shoes na hindi na mapapansin pa ng mga dadalo dahil sa gown namin na tiniyak naming tatakpan ang mga susuutin naming sapatos. About the boys‚ they’ll gonna wear a formal trouser and a tuxedo suit in different colors to be paired with a tie-up shoes. And underneath their tuxedos will be a long-sleeved collared white shirt and beneath it will be their black fitted sandos with round neck while underneath their trousers will be their black leggings for flexibility. But unlike us‚ they can’t wear a combat shoes because it might give the enemies an idea that we are preparing for a war.

Nakahanda na ang lahat at lahat ay nagpapahinga na maliban sa akin na may naiwan pang task na ngayong gabi ko gagawin kung kailan tahimik na ang paligid at natutulog na ang lahat. At dahil nga natutulog na ang lahat maliban sa mga kawal ng palasyo na nagbabantay sa palibot nito ay tahimik akong nagpalit ng itim na leggings‚ itim na fitted na sando at itim na combat shoes.

Matapos kong magpalit ng damit ay ipinusod ko pa muna ang mahaba kong buhok bago ko isinuot ang itim kong cloak na kanina pa nakalapag sa kama. Pagkatapos ay agad na akong nag-teleport patungong Sapience Kingdom nang hindi ipinapaalam sa mga kasamahan ko sa palasyo na ngayon ko gagawin ang plano kong lagyan ng barrier ang bawat bahay at kaharian.

Madali ko lang namang narating ang Sapience Kingdom at madali ko lang din itong nalagyan barrier na pipigil sa kalabang makapasok ng palasyo. At dahil nga madali ko lang namang nagawa ang sadya ko ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis na akong nagtungo sa dalawa pang kahariang natitira—ang Mesh Kingdom at Fray Kingdom. At nang malagyan ko na ng barrier ang tatlong kaharian nang walang nakakapansin sa ‘kin ay sinunod ko naman ang buong akademya bago ko pinuntahan isa-isa ang bawat bahay ng mga charmer upang hindi sila madamay sa anumang kaguluhang magaganap.

Marami-rami ang bahay na kinailangan kong lagyan ng barrier kung kaya inabot ako nang ilang oras sa paglalagay ng barrier sa lahat ng bahay. At dahil nga maraming mga bahay ang nilagyan ko ng barrier bukod pa sa mga kaharian at sa akademya tapos idagdag pang panay ang teleport ko para magpalipat-lipat ng lokasyon ay nanghihina akong bumalik ng silid ko sa palasyo. At dahil sa labis na panghihina ay hindi ko na nagawa pang magpalit ng damit matapos kong hubarin ang suot kong cloak na basta ko na lamang inihagis kung saan dahil agad na akong nakatulog nang sandaling ibagsak ko ang sarili ko sa malambot na kama.

Nang sandaling makatulog ako ay hindi na ako nagulat pa nang pagmulat ko ay nasa Kingdom of Athens na ako. Ayon kasi kay Ate Mira ay ito ang paraan ng mga diyos at diyosa para kausapin ako—ang dalawin ako sa aking panaginip. Nasa magkaibang mundo kasi kami at hindi sila basta-bastang makakababa ng mundong ginagalawan namin unless isuko nila ang pagiging diyos o diyosa nila o piliin nilang mamuhay kapiling namin at maging isang diwata like what Mirathea did in order to take good care of me and to guide me.

“Maligayang pagbabalik‚ aming hinirang‚” nagagalak na bati sa akin ng mga diyos at diyosa saka isa-isa silang nagpakilala.

“Binabati ka namin dahil sa wakas ay nagbalik na ang iyong alaala‚” pagbati sa akin ng goddess of wisdom matapos nilang magpakilalang lahat.

“Marami pong salamat‚” tipid kong sagot at tipid din akong ngumiti.

“Ngayong nagbalik na ang iyong alaala ay siguro naman ay kilala mo na kung sino ka talaga at kung anong tungkulin ang iyong gagampanan‚” seryosong wika ng goddess of life and death na bigla kong ikinatahimik.

Oo‚ alam ko na kung sino talaga ako at kung anong papel ko sa mundo. Alam ko nang iniluwal ako sa mundong ito para wakasan ang kasamaan. Isinilang ako upang magbigay ng pag-asa sa lahat at handa akong gawin ang lahat kahit ang pagbubuwis ng sarili kong buhay‚ matiyak ko lang ang mapayapa at maayos na mundo para sa mga mahal ko sa buhay. At kung magkatotoo nga na aabot sa puntong kailangan kong magbuwis ng buhay ay walang pag-aatubili ko itong gagawin magampanan ko lamang ang tungkulin ko sa sanlibutan at nakangiti pa akong mamamaalam kapag nagkataon.

“Alam kong hindi ito magiging madali para sa ‘yo kaya hindi ka namin hahayaang mag-isa sa laban mong ito. Narito lamang kami at tawagin mo lamang kami kapag kailangan mo ang aming tulong at kami ay darating upang ika’y tulungan sa abot ng aming makakaya‚” seryosong saad ng god of war na ikinangiti ko‚ hindi dahil sa sinabi nila kundi dahil sa reyalisasyong hindi naman talaga ako nag-iisa noon pa man.

“Hindi ako nag-iisa. Kasama ko ang pamilya at mga kaibigan ko‚” nakangiting wika ko.

Kahit naman hindi mag-alok ng tulong ang god of war ay alam ko na sa sarili ko na hindi ako mag-iisa sa laban ko dahil kahit kailan naman ay hindi ipinaramdam sa akin ng pamilya at mga kaibigan ko na nag-iisa ako. At dahil sa kanila kaya hindi ako sumuko at kaya patuloy akong lumalaban kahit pa tila nangangapa kami sa dilim dahil wala kaming ideya kung sino ang kalaban at sino ang kakampi.

“Tama ka. Hindi ka nag-iisa dahil kakampi mo ang lahat ng nilalang sa mundong ito‚” pagsang-ayon ng goddess of beauty sa sinabi ko na nagpakunot ng noo ko.

“Anong ibig ninyong sabihin?” naguguluhang tanong ko habang halos magdikit na ang kilay ko dahil sa sinabi ng goddess of beauty na hindi ko malinaw na naintindihan.

Paanong lahat ng nilalang sa mundong ito ay kakampi ko? E ni hindi ko nga kilala ang karamihan sa naninirahan sa Fantasia.

“Lahat ng nilalang sa Fantasia ay handa kang tulungan mula sa mga charmer‚ sirena‚ mga hayop‚ centaurs‚ dwende‚ fairy‚ diwata‚ mga diyos at diyosa at marami pang iba. Isang tawag mo lamang sa kanila ay handa silang makipaglaban sa ngalan ng kapayapaan at kabutihan‚” mahabang wika ng goddess of love na ikinaawang ng bibig ko.

Seriously? As in lahat sila? Kung gayon ay malakas ang laban namin sa digmaan at mas malaki ang chance na manalo kami sa laban! Ngunit tama bang idamay ko pa sila para lamang matiyak ang aming tagumpay? At kakayanin ba ng konsensya ko kapag may nangyari sa kanilang masama? Oo nga’t lahat sila ay handang magbuwis ng buhay para sa kapakanan ng lahat ngunit hindi yata kakayanin ng konsensya ko na idamay sila sa gulo lalo na’t namumuhay sila nang mapayapa sa kani-kanila nilang kaharian.

“Nagagalak akong marinig na marami palang nilalang ang handang magbuwis ng buhay para sa nakararami. Ngunit...” may bahid ng tuwa kong saad ngunit agad din akong naging seryoso nang maisip ko ang posibilidad na baka hindi na sila makabalik pa sa kanilang tirahan‚ pamilya o kaharian kapag umanib sila sa amin sa digmaan.

“Anong problema?” nagtatakang tanong ng god of wealth.

Agad kong ibinaling ang tingin ko sa god of wealth upang sagutin ang tanong niya.

“Hindi maaatim ng konsensya ko na idamay sila sa gulong ito. Hindi ko kakayanin kung maraming buhay ang ibubuwis. Kung ako nga lang ang masusunod ay gusto ko itong harapin nang mag-isa upang wala nang madamay na mga inosente. Pero napakaimposibleng magawa ko ito na ako lang dahil ang pagkakaisa ang pinakamabisang sandata sa anumang laban‚” mahabang saad ko na mukhang naunawaan naman ng mga diyos at diyosa dahil agad na sumilay ang masayang ngiti sa kanilang mga labi habang nasa akin pa rin ang kanilang buong atensyon.

“Labis mo kaming pinahahanga sa iyong taglay na kabutihan at sa pagmamahal mo sa iyong nasasakupan. Tunay ngang hindi kami nagkamali sa pagpili sa ‘yo‚” masayang wika ng god of love na nakangiti nang nakatingin sa direksyon ko.

“Hindi ka pa man ipinagbubuntis ng iyong ina ay alam na naming ang iyong mga magulang ang pinagpala na magkaroon ng anak na bukod-tangi sa lahat dahil sa dalisay nilang puso‚” wika naman ng god of nature na nakangiti na ring nakatitig sa akin.

“Ahm... M-May tanong lang ako‚” nag-aalangan kong sambit at bahagya ko pang itinaas ang kanang kamay ko para kunin ang atensyon ng mga kaharap ko na pare-parehong nakaupo sa kani-kanilang trono.

“Ano ‘yon?” magkapanabay na tanong nilang sampu na naging hudyat upang walang pag-aalangan kong itanong ang tanong na kahapon pa bumabagabag sa ‘kin.

“Bakit wala akong kakayahang i-nullify ang kapangyarihan ng isang charmer?” puno ng pagtatakang tanong ko na ikinangisi nang makahulugan ng mga kaharap ko na para bang may nasabi akong nakakatuwang bagay.

“Malalaman mo rin sa takdang panahon‚” mahinhing sagot ng goddess of water na ikinadismaya ko.

“Ayan na naman tayo sa takdang panahon e!” reklamo ko na tinawanan lamang ng mga kaharap ko.

“Patawad ngunit hindi namin pwedeng ipagkaloob sa ‘yo ang kasagutang nais mo dahil labag ito sa aming batas. Ang tungkulin lamang namin ay panoorin‚ gabayan‚ basbasan at pangalagaan ang mga nilalang na nabubuhay sa mundo. Hindi kami maaaring makialam sa kanilang mga buhay dahil ito ay tungkulin na ng mga diwata na naninirahan sa inyong mundo‚” mahabang sagot ng god of fire na ikinasimangot ko at ikinabagsak ng balikat ko.

May ganoon palang batas na sinusunod ang mga diyos at diyosa? Kung ganoon ay ito kaya ang dahilan kung bakit noong unang punta ko sa kaharian nila ay wala man lang silang sinagot ni isa sa mga tanong ko? At ito rin kaya ang dahilan kung bakit puro na lang sila takdang panahon? Tsk! Kung hindi naman nila mabibigay ang sagot na gusto ko‚ e ano pang ginagawa ko rito?

“E kailan ko pa malalaman ang sagot sa tanong ko? Kapag patay na ako? Hello? Kaarawan ko na kaya bukas at maaari akong mamatay sa laban‚” may bahid na ng pagkairita kong sabi at hindi ko na alintana pa kahit na diyos at diyosa ang mga kaharap ko.

“Kaya ka nga nandito‚” nakangising wika ng goddess of air na ikinasalubong ng kilay ko.

“Anong ibig ninyong sabihin?” naguguluhang tanong ko.

“Kaya ka namin dinala rito ay para batiin ka sa iyong nalalapit na kaarawan‚” sabay-sabay na sagot ng mga kaharap ko na dinaig pa ang choir.

“Iyon ba ‘yon? E nasaan na ang regalo ko?” biro ko sa mga kaharap ko at nakangiti ko pang inilahad ang kamay ko para mas lalo silang biruin.

“Narito ang handog namin sa ‘yo‚” sabay-sabay na namang saad ng mga kaharap ko saka sabay-sabay rin nilang ibinuka ang kanilang kanang kamay na naglabas ng isang bolang may taglay na gintong liwanag na lumipad sa ere at tumigil sa mismong harapan ko saka ito nagsama-sama sa ere hanggang sa maging napakalaki na nito.

Ang malaking bolang nasa harapan ko na nilikha ng pinagsama-samang bola na lumabas sa mga kamay ng mga diyos at diyosa ay patuloy ang paglobo at sa sobrang laki nito ay para na itong sasabog anumang oras. Ngunit kahit na sobrang laki na nito ay hindi pa rin ito roon tumigil. Palaki pa rin ito nang palaki at sa sobrang laki nito ay tuluyan na nga itong sumabog makalipas ang ilang segundo. At halos lumuwa ang mga mata ko nang gintong pixie dust ang iluwa nito na diretso ang tama sa akin.

Dahil sa hindi inaasahang pagsabog ng bolang nasa harapan ko kanina-kanina lang ay hindi ko na nagawa pang iwasan ang mga pixie dust na inilabas nito. Kaya naman ay napuno ng pixie dust ang katawan ko na tinangka kong alisin ngunit ayaw nitong maalis na para bang nakadikit na ito sa balat ko. At habang abala ako sa pagpagpag ng mga pixie dust na dumikit sa balat ko ay bigla na lamang akong may naramdamang kirot.

“Ahhh!” malakas kong daing nang may maramdaman akong kung anong kirot sa batok ko at nakangiwi ko pang hinimas ang batok ko para mawala ang kirot na nararamdaman ko.

Nang mawala na ang kirot na nararamdaman ko sa batok ko ay agad kong ibinaba ang kamay kong ginamit ko panghimas dito kanina saka ko sinubukang tingnan ang batok ko upang alamin ang dahilan ng pagkirot nito. At halos lumuwa ang mata ko nang may makita akong gintong liwanag na nagmumula sa batok ko na unti-unting kumalat sa iba pang parte ng katawan ko hanggang sa tuluyan nang balutin ng gintong liwanag ang buo kong katawan. Ngunit hindi lang ito basta liwanag. Nakakasilaw ang liwanag nito at pakiramdam ko ay unti-unti akong tinatangay ng liwanag sa mahimbing na pagkakatulog. Ngunit bago pa ako tuluyang mawalan ng malay ay naramdaman ko pa ang pag-angat ng katawan ko sa ere na hindi ko na natukoy pa kung anong dahilan.

✨✨✨

Q: Ano na kayang nangyari kay Thea/Kiana? Ano kaya ang ipinagkaloob sa kaniya ng Deities?🤔 Saka ano kaya ang nasa batok niya na nagliliwanag?

ALAMIN...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top