CHAPTER 77: FACE OFF

ALTHEA’S POV

Maagang nagsimula ang araw naming lahat lalo na ako dahil kinailangan ko nang ipadala ang invitation cards sa lahat ng imbitado. At gaya ng napag-usapan ay lahat ng sinabi kong kailangang dumalo sa pagdiriwang ay kasama sa mga imbitado. Yeah‚ we have already proceeded to the next step. And with this step‚ we are hundred percent sure that the enemies will fall into our trap especially the fake debutant.

Speaking of the fake debutant‚ hindi lang basta invitation ang ipinadala ko sa kaniya. May kasama itong liham na nagsasabing kailangan niyang pumunta dahil para sa kaniya ang pagdiriwang. At syempre‚ may signature ito ng sender which is si ate. May mga kadramahan ding pinaglalagay si ate sa liham. Kesyo na-miss niya na raw ito at ang pagdiriwang daw na magaganap ay tanda ng kaniyang malugod na pagtanggap dito and etcetera.

Ngayon pa lang ay nasisigurado ko nang pumapalakpak na ang tainga ng impostor ko dahil sagot din namin ang gown na susuutin niya para wala talaga siyang rason na humindi. Tsk! Sayang lang ang gown niya dahil matatalbugan ko rin naman ‘yon. As if naman magpapatalo ako‚ e para nga sa akin ang pagdiriwang na magaganap. Ano siya‚ shunga? Pero kung tutuusin ay wala naman talagang magaganap na party. Sa halip kasi na party ay digmaan ang magaganap. Digmaan na titiyakin kong tatapos sa mga kalaban.

Dahil nga maagang nagsimula ang mga araw namin at naging abala rin kaming lahat ay tanging kami lang ni Ali ang sabay na pumasok ng akademya. Pero nagkasundo naman kaming lahat na sabay-sabay kaming kakain sa canteen pagsapit ng break time. Kaya naman ay kasalukuyan kaming naglalakad nina Ali‚ Luca at Nikolai patungong canteen habang nauna naman na sa amin doon sina Yael‚ Luna at Flor para hindi kami maunahan sa malaking mesa na siya ring inokupa namin kahapon. Sina Vera naman ay tahimik lang na nakasunod sa amin.

‘Bakit ba kayo sunod nang sunod?’ iritang tanong ko sa Trio gamit ang mind link naming pito habang diretso lang ang tingin ko sa daan.

‘Gusto lang namin masigurong hindi ka sasaktan ng impostor mo‚’ tugon ni Ember na ikinaikot ng mga mata ko.

‘Iyon nga ba ang dahilan o gusto lang ninyo siyang pagtripan?’ sarkastikong tanong ko dahil alam ko namang isa sa mga dahilan kung bakit hindi nila ako nilulubayan ay dahil gigil na gigil silang pagtripan ang impostor ko.

‘Pwede rin‚’ pigil ang tawang sagot ni Vera na ikinapikit ko nang mariin nang ilang segundo.

‘Hindi mo naman kami masisisi. E sa nakakatuwa siyang pagtripan. Daig niya pa ang mangangain ng buhay‚’ natutuwa pang gatong ni Penelope sa sinabi ni Vera.

“Mga baliw talaga‚” naiiling na lang na sambit ko sa halip na makipagsagutan pa ako sa Trio.

“Hayaan mo na sila. Huwag mo na lang pansinin‚” bulong sa akin ni Ali na sinadya pang lumapit sa akin para hindi marinig ng Trio ang sinabi niya.

“Oo nga naman‚ Thea. Ikaw rin‚ baka masiraan ka ng bait‚” natatawang biro sa akin ni Luca na nasa kabilang gilid ni Ali.

“Naku! Nagsalita ang takas sa mental‚” pang-aasar ni Nikolai sa pinsan niya na naging dahilan para mabaling sa kaniya ang atensyon ni Luca. At dahil nasa kanan ko si Nikolai habang nasa kabilang dulo naman si Luca ay kinailangan pa ni Luca na maglakad patungo sa aming harapan para magkaharap sila ni Nikolai. At dahil sa ginawa niya ay awtomatikong napahinto kami sa aming paglalakad at ganoon din sina Vera na laging may isa hanggang dalawang metro ang layo sa amin.

“Insan‚ ano? Suntukan na lang tayo?” maangas na tanong ni Luca kay Nikolai habang nasa may bandang dibdib na niya ang mga nakakuyom niyang kamao na para bang handa siyang makipagsuntukan anumang oras.

“As if naman kaya niya‚” natatawang pang-aasar ko kay Luca na nagpalingon sa kaniya sa aking direksyon.

“Aba’t hinahamon ako ng prinsesa natin o. Baka gusto mo pustahan pa tayo?” panghahamon ni Luca na ikinailing-iling ko na lang.

“Pustahan mo mukha mo!” natatawang tugon ko kay Luca saka pasimple kong hinawakan sa braso sina Ali at Nikolai. “Halina nga kayo. Hayaan na ninyo ‘yang baliw na ‘yan diyan‚” yaya ko kina Ali at Nikolai at bago pa man maintindihan ni Luca ang sinabi ko ay agad na akong nag-teleport patungong canteen kasama sina Ali at Nikolai habang naiwan naman sa hallway ang madaldal na si Luca.

Nang makarating kami ng canteen ay agad kaming lumapit sa mahabang mesang kinaroroonan nina Yael. Agad namang napalingon sa aming direksyon sina Yael‚ Luna at Flor nang mapansin nila ang aming paglapit.

“Thea‚ nandito na pala kayo‚” masayang salubong sa amin ni Flor ngunit agad ding napalitan ng nagtatakang ekspresyon ang ngiting nakapinta sa mga labi niya nang mapagmasdan niya kami isa-isa. “Teka‚ nasaan si Luca?” nagtatakang tanong ni Flor at hinanap pa niya sa aming likuran ang baliw na si Luca.

“Nandoon sa hallway‚ nag-mo-monologue‚” pigil ang tawang sagot ko.

Naunawaan naman agad ni Flor ang sinabi ko kung kaya hindi na siya muli pang nagtanong. Inalok na lamang niya kaming maupo sa upuang katapat nila na siya rin namang ginawa namin. Inokupa ko ang upuang katapat ni Flor habang inokupa naman ni Ali ang upuang katapat ni Luna at sina Nikolai at Yael naman ang magkatapat.

Ang mesang kinaroroonan namin ay kasya ang sampung katao. Ngunit dahil pito lang naman kami at wala pa si Luca ay bakante ang apat na upuan sa magkakabilang dulo ng mesa.

Saktong pag-upo namin ay ang siya namang pagtayo nina Yael at Flor na nagboluntaryong sila na ang oorder at tatawagin na lamang daw nila sina Nikolai at Ali kapag naka-order na sila. Kaya naman ay isa-isa na naming ibinigay ang order namin at umorder na lang din kami ng para kay Luca na wala pa rin hanggang ngayon.

Nang makaalis sina Yael at Flor ay agad kaming nagkumustahan ni Luna na nauwi sa kuwentuhan habang sina Ali at Nikolai naman na nasa magkabilang gilid ko ay nasa aking likuran ang atensyon at tahimik na inaabangan ang pagdating ng baliw na si Luca.

“Sa wakas‚ dumating na rin ang baliw kong pinsan‚” nangingiting wika ni Nikolai na nakaagaw ng aming atensyon at nagpalingon sa amin sa direksyong kaniyang tinititigan.

Sa paglingon ko sa direksyong tinitingnan ni Nikolai ay agad na napako ang tingin ko kay Luca na hindi na maipinta ang mukha habang pigil ang tawang nakasunod sa kaniya ang Trio.

“Oh‚ insan? Ba’t ngayon ka lang?” agad na salubong ni Nikolai kay Luca nang makalapit sa mesa namin si Luca na bagsak ang mga balikat at hindi maipinta ang mukha.

“Ikaw kaya iwan sa hallway‚” pabalang na tugon ni Luca na halatang pikon na.

Habang abala sa pag-aasaran ang magpinsan ay napansin ko ang pasimpleng pagtawa ng Trio bago inokupa nina Vera at Penelope ang mesang nasa aking likuran samantalang dumiretso naman si Ember sa counter para umorder. Sakto namang dumating na sina Yael at Flor na may tig-iisang dalang food tray. At nang tumayo si Ali para sana tumulong sa paghahain ng mga pagkaing dala nina Flor ay hindi nila hinayaan si Ali na tumulong. Sa halip ay niyaya na lamang ni Yael si Ali paalis upang balikan sa counter ang iba pang food tray na naglalaman ng mga order namin. At dahil nga kami na lang lima ang naiwan sa mesa at abala pang mag-asaran ang magpinsan ay kami na lamang ni Luna ang tumulong kay Flor sa paghahain ng mga pagkaing nakapatong sa food tray.

“Ikaw naman kasi‚ insan‚ ang daldal mo. Ayan tuloy‚ binigyan ka ng space ni Thea para makapag-monologue ka‚” natatawang pang-aasar ni Nikolai sa pinsan niya na mukhang wala yatang balak na tantanan ang kawawang si Luca na pabagsak na naupo sa upuang katabi ng upuan ni Ali.

“Sige‚ insan‚ asarin mo pa ako at nang isubo ko sa ‘yo nang buo ‘tong mangkok at nang tumahimik ka‚” napipikon nang sabi ni Luca na itinaas pa ang isa sa mga mangkok na nakahain sa mesa.

Napailing-iling na lamang ako sa ginawa ni Luca sa halip na sawayin pa siya. Tsk! Kaya siya palaging napagtitripan e. Masyado kasing pikon.

“Oo na‚ tatahimik na. Masyado kang high blood‚” natatawang pagsuko ni Nikolai.

Hindi na namin napigilan pa nina Luna at Flor ang matawa dahil sa pagsuko ni Nikolai na hindi namin inaasahan. At iyon ang naabutan nina Yael at Ali na may kani-kaniyang bitbit na food tray. Ngunit sa halip na magtanong ay tahimik na lamang nilang inilapag sa mesa ang mga dala nila at hinayaan na nilang sina Luna at Flor ang maghain nito habang nagkani-kaniya naman na sila ng upo para sana kumain na. Ngunit hindi na namin nagawa pang magalaw man lang ang mga pagkaing nakahain sa aming harapan nang may marinig kaming magsalita na nakaagaw ng aming atensyon.

“Huwag na lang kaya tayo rito kumain? Nawalan na kasi ako ng gana matapos kong makita ang impostor diyan sa tabi‚” maarteng wika ni Miss Carbon Copy na kadarating lang kasama sina Jane‚ Kaleb at Kaiden at kasalukuyang naglalakad palapit sa mesang nasa likuran nina Flor.

Matapos magsalita ni Miss Carbon Copy ay agad kong naramdaman ang tangkang pagtayo nina Vera at Penelope.

‘It’s okay‚ Vera and Penelope. I can manage‚’ pigil ko kina Vera bago pa man sila gumawa ng eksena na tiyak kong sisira sa mga plano namin.

Matapos kong masigurong hindi na makikisali pa sina Vera sa kung anumang gulong maaaring mamagitan sa amin ni Miss Carbon Copy ay agad akong napangisi habang diretso pa rin ang tingin ko sa harapan ko.

“Guys‚ may narinig ba kayong bumanggit ng salitang impostor?” painosenteng tanong ko sa mga kasama ko.

“Narinig mo rin pala ‘yon‚ Thea? Akala ko ako lang ang nakarinig e‚” pagsakay naman ni Luna sa sinabi ko na mukhang nakuha agad ang gusto kong mangyari.

“Grabe! Hiyang-hiya naman ako. Pangit siguro siya kaya nagnanakaw ng mukha ng iba‚” maarteng wika ni Flor na nakisakay na rin sa amin ni Luna.

“Ikaw naman kasi‚ Thea. Ang ganda mo masyado. Marami tuloy ang nagkakainteres sa mukha mong mala-diyosa‚” pakikisali rin ni Luca na umakto pang bakla na ikinahagalpak namin ng tawa.

“Ikew nemen. De nemen mesyede‚” pabebeng sagot ko kay Luca at mahina ko pa siyang pinalo sa braso niya para mas asarin pa si Miss Carbon Copy na kasalukuyan nang nasa mesa na nasa likuran ni Flor at masama nang nakatingin sa akin.

“Bwah! Ew! Nakakasuka. Akala mo naman kung sinong maganda. E peke naman ‘yong mukha niya‚” ganti ni Miss Carbon Copy at umakto pa siyang nasusuka habang diring-diri siyang nakatingin sa direksyon ko.

Sa halip na mapikon ay natawa na lamang ako sa sinabi at inasal ni Miss Carbon Copy. Nakakatawa lang kasi na trying hard siyang gumanti‚ e hindi nga siya sinusuportahan ng mga kasama niya.

“Oh. Did I hear it again? Did she just call herself a fake? Oh‚ I pity her‚” maarteng sabi ko at umarte pa akong naiiyak kahit na sa loob-loob ko ay gustong-gusto ko nang tumawa.

“Kung anong ikinapeke ng mukha niya ay ang siya ring ikinapeke ng ugali niya‚” paggatong pa ni Flor sa sinabi ko na diniinan bawat salitang binitiwan niya para mas lalong asarin ang sentro ng aming usapan na nasa likuran lamang niya.

“Pangit nga kasi kaya inaangkin ng isa riyan ang mukha ng kaibigan natin‚” pagpaparinig din ni Luna sa impostor na ikinangisi ko.

“Gaano ba kapangit? Mas pangit pa ba sa pinakapangit na bruha?” natatawang tanong ko na mukhang hindi na natiis pa ni Miss Carbon Copy dahil bigla na lamang siyang marahas na napatayo na lumikha ng ingay at nakaagaw ng atensyon ng lahat ng nasa canteen.

“Hayop kang babae ka! Kanina pa ako nanggigigil sa ‘yo!” nanggagalaiting sigaw ni Miss Carbon Copy at basta na lamang niya akong sinugod sa mesa namin. Ngunit bago pa man siya makalapit sa akin ay naharang na siya nina Luca at Ali na pareho nang nakatayo upang protektahan ako.

Sa kabila ng pagharang nina Ali at Luca kay Miss Carbon Copy ay panay pa rin ang pagpumiglas nito. Panay rin ang sigaw nito habang pilit nito akong inaabot. Kaya naman ay hindi na ako nagulat pa nang lumapit na rin sa mesa namin si Kaiden para pilit na ilayo sa amin ang kasama niyang impostor. Ngunit kahit siya ay hindi rin ito makontrol. Si Kaleb naman ay hindi siya magawang saklolohan dahil naiwan ito sa mesa nila kasama si Jane na hawak-hawak na nito sa magkabilang braso habang pareho na silang nakatayo.

Kahit na nagkakagulo na sa mesa namin at nasa amin na ang atensyon ng lahat ay nanatili pa rin akong kalmado. Hinayaan ko rin munang magsisisigaw pa nang ilang segundo ang impostor ko na hawak na ni Kaiden sa magkabilang braso bago ako tumayo at saka ko ito nakangising hinarap habang nasa pagitan pa rin namin sina Ali at Luca na parehong nakaalerto.

“Oh? Ba’t umuusok na ang ilong mo? Masakit bang marinig ang katotohanan‚ Kiana?” nakangising tanong ko at sadya pa akong tumigil nang ilang segundo at nagkunwari akong may naalala ako bigla. “Oh‚ I forgot. Hindi mo pa nga pala napapatunayang ikaw nga ang prinsesa. So‚ anong gusto mong itawag ko sa ‘yo? Bruha? Impakta? Higad? Linta? Mangkukulam? Oh‚ wait. What if impostor na lang kaya?” nanunuya kong tanong sa bruhang impostor at mas lalo pa akong napangisi nang makita ko ang biglang pagsiklab ng galit niya.

“Hayop ka talagang babae ka!” galit na sigaw ng bruha at tinangka pa niya akong sugurin ulit ngunit agad siyang napigilan ni Kaiden at agad din namang iniharang nina Ali at Luca ang mga braso nila sa harapan ko.

“Kung ako‚ hayop. E ikaw‚ anong tawag mo sa sarili mo? Impostor?” nanunuyang tanong ko sa bruha habang hindi na mabura-bura ang ngiting nakapinta sa mga labi ko.

“Ako ang totoong Kiana at ikaw ang impostor!” galit na bulyaw sa akin ng bruha habang pilit siyang nagtatangkang lumapit sa akin.

“Edi patunayan mo‚” nakangising panghahamon ko sa bruha at pinagtaasan ko pa siya ng kilay para mas lalo siyang galitin.

“Teka‚ saan ka nga ba nakatira ngayon? Ang balita ko‚ walang nakakaalam ng tirahan mo. Ano ka‚ pulubi?” muling pang-aasar ko sa bruha nang mawalan siya ng imik matapos ko siyang hamunin at binigyan ko pa siya ng nanghahamak na tingin.

Agad namang nanlisik ang mga mata ng bruha matapos ko siyang bigyan ng nanghahamak na tingin.

“Hindi ako pulubi! Sa palasyo na ako titira pagsapit ng kaarawan ko kaya humanda ka! Pagbabayarin kita sa mga pinaggagagawa mo!” galit na pagbabanta sa akin ng bruha na mas lalo kong ikinangisi.

‘Tama‚ ganiyan nga. Magalit ka. Magyabang ka at pumunta ka sa kaarawan ko para ihulog ang sarili mo sa bitag. Tsk! Ang pagiging ambisyosa mo ang magpapahamak sa ‘yo‚’ isip-isip ko bago ako nanunuyang tumawa para paglaruan at galitin lalo ang bruha.

“Tsk! Matatakot na ba ako?” nang-aasar kong tanong pero bigla rin akong umaktong naguguluhan. “Oh‚ wait. Wala pa naman akong ginagawa ah. Kaya anong babayaran ko? Saka wala naman akong maalalang may utang ako sa ‘yo‚” kunwaring naguguluhang dagdag ko at bago pa man makasagot ang bruha ay agad ko nang ibinaling ang tingin ko kina Luca at Ali.

“Luca‚ Ali‚ pabayaan na ninyo ‘yang babaeng ‘yan. Masyado lang ‘yang papansin. Saka nagsasayang lang tayo rito ng oras‚” pagbaling ko kina Luca at Ali saka ko nilingon sina Yael‚ Luna at Flor na tahimik lamang na nanonood magmula pa kanina.

“Let’s go‚” yaya ko sa mga kasama ko na halos sabay-sabay na tumayo nang wala ng tanong-tanong pa.

Nang makatayo sina Luna at Flor ay nakita ko kung paano nila inirapan ang bruhang hawak-hawak pa rin ni Kaiden. Ngunit sa halip na pagsabihan pa sila o kung anuman ay nagsimula na lamang akong maglakad palayo na sinundan din naman ng anim kong kasama. Ngunit hindi pa man kami tuluyang nakakalayo ay naramdaman ko na ang akmang pagsugod sa akin ng bruha na bigla ring napatigil dahil marahil sa kagagawan ni Vera. At upang alamin kung tama ang hinala ko ay agad akong tumigil at lumingon ako sa direksyon ni Vera na ngayon ay nakangisi na habang komportable pa rin siyang nakaupo.

Dahil sa ngising nakapinta sa mga labi ni Vera ay agad kong nakumpirma ang hinala ko. Kinontrol nga niya ang bruha katulad ng ginawa niya sa akin noon. Ngunit wala namang makakaalam na siya ang may gawa no’n dahil ang alam ng lahat ay kaya ko rin itong gawin.

‘Sige na‚ umalis na kayo‚’ pagkausap sa akin ni Vera gamit ang mind link naming pito ngunit nakatuon pa rin ang tingin niya sa bruhang naestatwa na sa kaniyang kinatatayuan.

‘Thanks‚’ tipid kong tugon kay Vera bago kami tuluyang umalis ng canteen para lumipat sa Mystical Park para doon magpalipas ng oras.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top