CHAPTER 6: HER PAIN
ALTHEA’S POV
I am inside my room‚ reading some books. I’m just wearing a pink pajama and a white trendy strips top since I don’t have any plan tonight.
Habang mag-isa ako sa aking silid ay hindi ko maiwasang alalahanin ang naging pagtrato ko kay Kaiden kanina. Naaawa ako sa kaniya at nakokonsensya rin ako sa ginawa ko dahil siya ang napagbuntunan ko ng lahat ng sama ng loob ko. Pero hindi ko rin naman ginusto ‘yon. Masyado lang talagang maraming gumugulo sa isipan ko at tuwing nakikita ko siya o tuwing malapit siya sa ‘kin ay nakakaramdam ako ng ibang pakiramdam sa kaniya—pakiramdam ng pangungulila. I don’t know why I am feeling this way. Kaya hangga’t maaari ay gusto kong layuan siya dahil mas lalo lang nagiging magulo ang isipan ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan kung bakit pakiramdam ko ay matagal ko na siyang kilala.
Mabuti na lang at na-re-relax ako tuwing nagbabasa ako ng libro. Kahit papaano ay nawawala kahit sandali ang mga gumugulo sa isipan ko kaya napapayapa ako.
Hinihintay ko na lamang na tawagin ako ni nanny dahil hindi pa sila tapos maghanda ng hapunan. Saka wala pa sina mommy at daddy. Nasa trabaho pa si daddy habang si mommy naman ay may ka-meeting na kliyente at mamaya pa ang uwi niya.
Nang matapos akong magbasa ng libro ay naisipan kong i-check ang tablet ko. Matagal-tagal ko na rin itong hindi nagagamit. Nang buksan ko ito ay hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng aking mga luha dahil sa wallpaper. It’s me with the most special person in my life that I treasure the most.
Lumuluha kong hinaplos ang litrato na nasa screen ng tablet at inalala ang araw na nawala na lang siyang bigla kasabay ng pagkawala ng dating Thea na masayahin at laging may nakahandang ngiti sa lahat. Ngunit hindi nagtagal ang aking pagpapakalunod sa alaala ng kahapon dahil naputol ang pag-alala ko sa nakaraan nang makarinig ako ng marahang pagkatok sa pinto.
Mabilis kong pinatay ang tablet na hawak ko at muli ko itong ibinalik sa side table. Dali-dali ko ring pinunasan ang mga luha ko gamit lamang ang mga kamay ko.
Nang matiyak kong wala ng bakas ng luha ang aking mukha ay maingat kong inabot ang librong binabasa ko kanina at muli ko itong binuksan. Mabilis akong dumapa sa kama at nagkunwari akong nagbabasa habang nakayuko upang hindi mapansin ng kung sinumang nasa labas ang mugto kong mga mata.
“Pasok!” sigaw ko sa kumatok mula sa labas ng aking silid.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto pero wala akong narinig o naramdaman na mga yabag na pumasok ng kwarto kung kaya salubong ang kilay na napaangat ako ng tingin.
“Thea‚ anak‚ kakain na. Nasa baba na ang mommy at daddy mo. Hinihintay ka na nila‚” pagbibigay-alam sa akin ni Nanny Gina.
Nakaawang lamang ang pinto at nakasilip doon si Nanny Gina. Si Nanny Gina ay yaya ko na mula pa noong bata ako. She’s like a mother to me. Siya ang pumupuno sa pagkukulang nina mommy lalo na kapag may business trip sila na umaabot ng ilang araw.
“Sige po‚ nanny. Susunod po ako. Ayusin ko lang po itong mga gamit ko‚” nakangiting sagot ko kay nanny dahil sinadya kong ikalat kanina ang mga libro sa ibabaw ng kama ko para makapaghilamos pa ako bago bumaba. Hindi pwedeng malaman nina mommy na galing ako sa pag-iyak. Ayokong mag-alala sila sa ‘kin.
Agad namang lumapit sa akin si Nanny Gina habang may tipid na ngiti sa kaniyang mga labi.
“Ako na ang bahala riyan. Bumaba ka na. Kanina ka pa hinihintay ng mommy at daddy mo sa baba‚” pagprisinta ni nanny at bahagya niyang ginulo ang aking buhok.
“Sige po‚ nanny‚” pagpayag ko na lang bago ako tumayo.
Ginawaran ko ng halik si Nanny Gina sa kaniyang kanang pisngi at akmang aalis na ako nang bigla siyang magsalita.
“Maghilamos ka muna‚ anak. Mugto pa ang mga mata mo o‚” wika ni nanny at tipid na ngumiti habang nasa mga mata ko na ang kaniyang tingin.
This is why I am really close to her. Alam niya ang lahat ng tungkol sa akin at palagi niyang pinagagaan ang loob ko.
“Aye‚ aye‚ captain‚” nangingiting tugon ko na may kasama pang pagsaludo.
Pigil ko ang tawa ko habang nakasaludo pa rin ako sa harapan ni nanny na panay na ang tawa dahil sa kakulitan ko.
Matapos kong makapagpaalam kay Nanny Gina ay naghilamos na muna ako bago ako nagtungo sa dinning area kung saan naabutan ko sina mommy at daddy na abala sa pag-uusap. May mga nakahanda nang pagkain sa mahabang mesa at mukhang ako na lang talaga ang hinihintay nila kung kaya agad na rin akong lumapit sa kanila.
“Good evening‚ mom. Good evening‚ dad‚” masiglang bati ko sa kanila at ginawaran sila ng halik sa kanilang pisngi.
“Good evening too‚ our princess‚” masiglang bati pabalik sa akin nina mommy at daddy.
Agad na akong naupo sa upuang nakalaan para sa akin katapat ni mommy matapos naming magbatian. Nang makaupo ako ay hinayaan muna naming balutin kami ng ilang sandaling katahimikan bago ni daddy pinangunahan ang pagdarasal bilang pasasalamat sa pagkaing nakahain sa aming harapan.
“Eat this‚ princess. This is good for your health‚” malambing na wika ni mommy matapos naming magdasal na ang tinutukoy ay ang gulay na nakahain sa hapag-kainan.
Hindi na ako nagprotesta pa at hinayaan ko na lang sina mommy na lagyan ng iba’t ibang klase ng gulay ang plato ko. Ayaw na ayaw kasi nila na kumakain ako ng unhealthy foods kaya ang nakahain ngayon ay puro gulay.
“Thank you‚ mom‚ dad‚” masayang tugon ko.
“Anything for you‚ our princess‚” nakangiti ring sagot ni mommy bago siya nagsimulang kumain kaya kumain na rin ako at ganoon din si daddy.
“Princess‚ your nanny has prepared something special for our dessert‚” nakangiting sabi ni daddy sa kalagitnaan ng aming hapunan.
Bigla namang pumalakpak ang tainga ko dahil sa narinig ko. Kapag sinabi kasi ni daddy na espesyal ay talagang espesyal ‘yon dahil mataas ang standards ni daddy sa lahat ng bagay.
“What is it‚ dad?” excited kong tanong.
“Ano sa tingin mo‚ princess?” dad teased me.
Napanguso na lamang ako dahil sa sagot ni daddy na kailangan din ng sagot. “Dad‚ naman e. I can’t read your mind. Can’t you just tell me? Please?” paglalambing ko kay daddy na may kasama pang pagpapa-cute. Hindi pa ako nakuntento at talagang ngumuso pa ako sa kaniyang harapan at pinagdikit ko ang dalawang palad ko upang magpaawa.
“Ang cute-cute talaga ng prinsesa namin lalo na kapag naaasar. Kaya gustong-gusto ni daddy na inaasar ka e. Lumalabas pagkaisip-bata mo‚” tumatawang sabi ni daddy habang kinukurot ang magkabilaan kong pisngi.
“Dad‚ naman e. It hurts. Kawawa naman ang precious pisngi ko. Napagtripan mo na naman‚” nakanguso kong sabi nang bitiwan na ni daddy ang pisngi kong pinanggigilan niya.
Marahan lamang na natawa si daddy dahil sa pagmamaktol ko.
“Isip-bata ka pa rin talaga‚ anak. O siya‚ bilisan mo nang kumain diyan at nang makain mo na ang hinanda nina Yaya Gina na eggless truffle cake at leche flan‚” wika ni daddy bago siya nagpatuloy sa pagkain.
“Really? Yey! Excuse me‚ dad.” Dali-dali akong tumayo at kakaripas na sana ako ng takbo papuntang kusina nang magsalita si daddy.
“Where are you going‚ princess?” nagtatakang tanong ni daddy na ngayon ay kunot na kunot ang noong nakatingin sa direksyon ko.
Bilang sagot sa tanong ni daddy ay ngumiti ako nang sobrang lapad na halos umabot na hanggang tainga.
“At the kitchen. I’ll get some dessert‚” sagot ko habang hindi pa rin mapuknat-puknat ang ngiti ko.
Natawa na lamang si daddy sa inasal ko at ganoon din si mommy na kanina pang tahimik na nakikinig sa usapan namin ni daddy habang tahimik siyang kumakain.
“Kapag talaga favorite food mo ang pinag-uusapan ay bigla ka na lang bumabalik sa pagkabata. Eat your dinner first and then after that‚ you can have the dessert‚” wika ni daddy sa kalagitnaan ng kaniyang pagtawa.
Napaupo na lamang ako sa upuan ko nang nakanguso at parang bata na naagawan ng lollipop dahil sa sinabi ni daddy.
“Okay‚” kunwari ay malungkot kong sagot.
Bumalik na lang ako sa pagkain ko at ganoon din naman si daddy. Tahimik kaming bumalik sa pagkain at tanging tunog lamang ng kutsara’t tinidor ang maririnig. Walang gustong bumasag ng katahimikang bumabalot sa amin dahil hindi namin ugaling magdadadaldal habang nasa kalagitnaan ng pagkain. Pero minsan ay hindi maiiwasang magkabiruan at magkatuwaan tulad na lang kanina.
Nagulat na lamang ako nang biglang magsalita si mommy kaya nabasag ang katahimikang bumabalot sa amin. Kapag ganitong magsasalita sila habang kumakain‚ it’s either may problema o may importanteng bagay kaming dapat pag-usapan na hindi na pwedeng ipagpabukas pa.
“Princess‚” mahinang pagtawag sa akin ni mommy.
Agad akong napaangat ng tingin dahil sa pagtawag sa akin ni mommy. Mabuti na lang pala at patapos na akong kumain. Mukha kasing seryoso ang pag-uusapan namin.
“What is it‚ mom?” agad kong tanong kay mommy nang magtama ang aming paningin.
Habang magkatitigan kami ni mommy ay tahimik lang naman si daddy sa kaniyang upuan habang patuloy na kumakain. Pero natitiyak kong nakikinig siya sa kung ano mang pag-uusapan namin ni mommy.
“How’s your day in school?” seryosong tanong ni mommy.
Peke akong ngumiti kay mommy bago ako sumagot. “It’s fine‚” tipid kong sagot.
“I heard from one of our staff there that you kept on isolating yourself from the other students. Is it true?” mom asked in a worried voice.
Tumango na lamang ako bilang sagot at agad akong nagbaba ng tingin para hindi makita ni mommy ang lungkot sa mga mata ko.
“Why? Is it because of h—”
“Mom‚ please... Can we just talk about it some other time? I’m not in the mood‚” malungkot kong sagot.
Bigla namang nag-alala si mommy dahil alam kong alam niya na anumang oras ay pwede na akong bumalik sa dating ako matapos akong iwan ng taong tinutukoy niya kapag pinagpatuloy pa namin ang usapan. Ang dating ako na walang kabuhay-buhay at hindi makausap.
Ayokong pinag-uusapan siya dahil pinapaalala lang nila sa akin na hindi ko na siya kasama at mas lalo lamang akong nangungulila sa kaniya. Dati-rati kasi ay halos hindi kami mapaghiwalay kaya marinig ko lang ang pangalan niya ay parang dinudurog na ang puso ko dahil ipinamumukha lamang nila sa akin na wala na siya at kailanman ay hindi na kami muli pang magkikita.
“Princess‚ it’s been two months since that incident happened. It’s time for you to move on‚” seryosong sabi ni daddy na bigla na lang sumingit sa usapan namin ni mommy.
May namumuo nang luha sa mga mata ko at anumang oras ay maaari na itong tumulo sa oras na ipagpatuloy pa namin ang usapang ito. Pinipigilan ko lang ang mga luha kong tuluyang bumuhos dahil ayokong umiyak sa harapan ng mga magulang ko. Tuwing umiiyak kasi ako ay sila ang mas apektado. Dobleng lungkot ang dulot nito sa kanila.
“Dad‚ please... I don’t want to talk about it‚” mahinang sagot ko kay daddy sa nagmamakaawang boses.
“Anak‚ ano ba? Matagal na siyang wala. Ni wala na nga tayong balita sa kaniya. Kaya pwede ba‚ anak‚ ayusin mo ‘yang sarili mo. Hindi pwedeng habambuhay mong ikukulong ang sarili mo sa nakaraan. Subukan mong magsimula ulit. Subukan mong bigyang-laya ‘yang sarili mo. Huwag mong piliing mabuhay sa multo ng nakaraan. Sa tingin mo ba magugustuhan niyang makitang ganiyan ka kung nandito—”
Hindi na naituloy pa ni daddy ang kaniyang sermon nang pigilan siya ni mommy at ngayon ay sinusubukan na siya nitong pakalmahin.
“Hubby‚ tama na. Hayaan mo na lang ang anak mo. Alam mo namang hindi ito madali para sa kaniya lalo na’t magkasama na sila mula pagkabata‚” pagkausap ni mommy kay daddy habang pilit niyang pinapakalma si daddy na anumang oras ay pwede nang sumabog.
Alam kong noon pa ito kinikimkim ni daddy at matagal na niya akong gustong pagsabihan dahil sa ginagawa ko sa sarili ko. Pero wala akong magagawa dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na wala na siya dahil umaasa pa rin akong babalik siya at muli kaming magkakasama.
Rinig ko ang pagbuntong-hininga ni daddy kaya agad akong nag-angat ng tingin dahil mukhang kalmado naman na siya. Nang tuluyan nang kumalma si daddy ay bumaling sa akin si mommy.
“Princess‚ you may now go upstairs if you want. I think you need some rest. Padadalhan ka na lang namin kay Yaya Gina ng dessert sa kwarto mo‚” masuyong saad ni mommy saka tipid siyang ngumiti upang iparating sa akin na ayos lang ang lahat.
Tumango na lamang ako bilang sagot at agad na rin akong umakyat ng kwarto ko at doon ko na inilabas ang mga luha kong kanina pang nagbabadya. Dumapa ako sa kama at isiniksik ko ang mukha ko sa unan at doon ako umiyak nang umiyak.
Wala akong ginawa kundi ang umiyak nang umiyak. Halos isang oras din ang itinagal ng pag-iyak ko bago ko napagpasyahang kunin ang tablet ko. Pinunasan ko muna ang pisngi kong basang-basa na dahil sa kaiiyak ko gamit ang kumot ko bago ko kinuha ang tablet ko na nasa side table.
Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng tablet ay hindi ko na napigilan pa ang muling pagtulo ng mga luha ko dahil sa larawang bumungad sa akin.
“I know you don’t want to see me in this state but I can’t help it. You left me without a word and I don’t even know the reason why you left. I hope we can still be together. I really miss you‚ Jane. Kahit kailan ay hindi ako titigil na umasang babalik ka. Hihintayin kita‚” pagkausap ko sa wallpaper ng tablet ko na para bang totoong tao ang aking kausap bago ako nakatulog habang hawak-hawak ko pa rin ang tablet ko na siyang naging saksi sa bawat pag-iyak ko dala ng pangungulila ko sa aking matalik na kaibigan na parang kapatid ko na rin.
✨✨✨
A/N: Sorry sa mga pa-suspense. Sinumpong kasi ng kabaliwan si author.
But anyway‚ ayan kilala na ninyo kung sino ang tinutukoy ng ating bida na taong mahalaga sa kaniya na tini-treasure niya. Kung naku-curious kayo at gusto ninyong malaman ang nangyari kay Jane‚ then just keep on reading.
Hope you like it❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top