CHAPTER 58: THE PLAN
THIRD PERSON’S POV
Kasalukuyang nasa loob ng conference room sa Council Chamber ang lahat ng mga mag-aaral ng ikahuling antas para sa isang mahalagang pagpupulong kasama ang konseho. Napagkasunduan kasi nilang magtipon-tipon sa araw na ito para pag-usapan ang tungkol sa kani-kanilang misyon.
“May nakuha na ba kayong impormasyon tungkol sa babaeng nagpapanggap bilang si Prinsesa Kiana?” agad na tanong ni Sir Ahmir sa magkakaibigang sina Kaiden‚ Athena at Kaleb na magkakatabing nakaupo sa kaniyang kanan.
“Wala pa rin po kaming nakukuhang impormasyon hanggang ngayon‚” nanlulumong sagot ni Athena na napapagitnaan nina Kaiden at Kaleb.
“But with her attempts to get close to us‚ it’s obvious that she’s trying to replace Thea and she’s trying to steal away everything that Thea has‚” pagpapatuloy ni Kaiden sa sinabi ni Athena na nakaagaw ng atensyon ni Sir Ahmir.
“Ang ibig mo bang sabihin ay maaaring may pansarili siyang dahilan kung bakit niya ito ginagawa?” salubong ang kilay na tanong ni Sir Ahmir.
Tipid lamang na tumango si Kaiden bilang sagot sa tanong ni Sir Ahmir.
“Pero sa nakikita namin ay imposibleng magawa niya itong mag-isa dahil mukhang planado ang lahat magmula sa pagsugod ng Darkinians at sa paglitaw ng impostor sa kalagitnaan ng kaguluhan para palabasing siya talaga ang pakay ng mga kaaway. At hindi rin basta-bastang mahika ang ginamit upang magaya niya ang mukha ng prinsesa kaya naniniwala kaming ang mga Darkinian ang nasa likod ng lahat ng ito‚” mahabang pahayag ni Kaleb sa teoryang nabuo nilang magkakaibigan sa pagtatagpi-tagpi nila ng mga pangyayari.
“Kung ganoon ay ipagpatuloy lang ninyo ang pagbabantay sa kaniya dahil maaaring siya ang maging susi upang malaman natin ang kinaroroonan ng mga kaaway‚” pormal na wika ni Sir Ahmir bago siya bumaling sa Trio na magkakatabi ring nakaupo sa mga upuang katapat nina Athena habang may mesang nasa pagitan nilang anim.
“Vera‚ ano na ang balita sa paghahanap ninyo kay Thea?” tanong ni Sir Ahmir kay Vera na siyang napapagitnaan nina Ember at Penelope.
“Hindi pa rin namin siya nahahanap. Ngunit may hinala kaming nasa malapit lamang siya at hindi lamang natin matukoy ang eksaktong kinaroroonan niya dahil hindi natin maramdaman ang kaniyang presensya‚” mahabang tugon ni Vera na para bang siguradong-sigurado talaga siya na nasa malapit lang si Thea.
“Hindi na nakakapagtaka ang bagay na ‘yan lalo na’t hindi ordinaryong charmer ang ating pinag-uusapan dito‚” komento ni Sir Ahmir. “Basta’t ipagpatuloy lang ninyo ang paghahanap sa kaniya at balitaan ninyo agad ako kapag may nakalap kayong impormasyon patungkol sa kinaroroonan niya‚” mahigpit na bilin ni Sir Ahmir sa Trio matapos niyang magpakawala ng malalim na buntong-hininga.
“Masusunod‚” magkapanabay na sagot ng Trio.
Matapos ang Trio ay sunod namang binalingan ng tingin ni Sir Ahmir ang grupo ng mga estudyanteng inutusan niyang hanapin ang kuta ng mga kaaway. Magkahilerang nakaupo ang mga ito sa tabi ng Trio at sa tapat naman nila ay magkahilera ding nakaupo ang iba pang kasabi ng konseho. Ngunit sa dami nila na naroon sa silid ay nakatayo na lamang ang ibang estudyante mula sa ikaapat na antas.
“May nakuha ba kayong impormasyon patungkol sa kuta ng mga kaaway?” seryosong tanong ni Sir Ahmir.
“Nagtanong-tanong na po kami sa mga karatig-bayan pero wala po silang nalalaman‚” nakayukong sagot ni Nikolai na napapabuntong-hininga na dahil sa kaniyang frustration.
Maging si Sir Ahmir ay napabuntong-hininga na rin sa kaniyang narinig.
“Kung ganoon ay tanging ang huwad na prinsesa na lang pala ang natatanging susi para mahanap natin ang kuta ng mga kaaway‚” nanlulumong sambit ni Sir Ahmir saka bigla na lamang siyang natahimik para mag-isip ng magandang plano kung paano nga ba nila mapagtatagumpayan ang kanilang misyon. Ngunit hindi basta-basta pag-iisip lamang ng plano ang ginawa niya. Marami siyang isinaalang-alang na mga bagay dahil alam niya sa sarili niya na hindi sila maaaring magkamali kahit isang beses lang dahil isang pagkakamali lang nila ay maaaring katapusan na ng lahat.
“Ano pong binabalak ninyo‚ Sir Ahmir?” tanong ni Ali nang mapansin niyang tila may malalim na iniisip si Sir Ahmir.
Nagpakawala muna ng malalim na buntong-hininga si Sir Ahmir bago siya nag-angat ng tingin upang salubungin ang mga nagtatanong na tingin ng kaniyang mga kaharap.
“Sa ngayon ay kailangan muna nating ipaalam sa mga kaaway na napaniwala nila tayong ang totoong prinsesa ang kasa-kasama natin nang sa ganoon ay mapanatag ang kalooban nila at iyon ang gagamitin nating pagkakataon upang gumawa tayo ng hakbang‚” mahabang pahayag ni Sir Ahmir sa naisip niyang plano.
“Ano pong gusto ninyong gawin natin?” tanong ni Luca na salubong na ang mga kilay na nakatingin kay Sir Ahmir na siyang namumuno sa pagpupulong.
“Humanda kayo sa isang selebrasyong magaganap. Magkakaroon tayo ng selebrasyon sa mismong araw na nawala ang prinsesa upang ipagdiwang ang pagbabalik ng prinsesa. Sa ganoong paraan ay iisipin ng mga kaaway na umaayon ang lahat sa kanilang plano. At habang isinasagawa ang pagdiriwang dito sa loob ng akademya ay talasan ninyo ang inyong mga mata at pakiramdam. Ang sinumang mapansin ninyong kahina-hinala ay siyasatin ninyo‚” paglalahad ni Sir Ahmir sa planong kaniyang naisip.
“Kung ganoon ay kami na ang bahala nina Vera sa dekorasyon‚” pagprisinta ni Penelope na bakas sa mukha ang pagsang-ayon sa plano ni Sir Ahmir.
“Kami naman ang bahala sa seguridad ng lahat‚” matapang na wika ng ilang charmers na kabilang sa huling antas na itinuturing na magigiting at mga bihasa pagdating sa paggamit ng kanilang mga charm at ability.
“Kami na ang magpapatuloy nina Luca at Nikolai sa paghahanap kay Thea‚” pagprisinta naman ni Ali na hindi na makapaghintay na muling masilayan ang kaibigang si Thea.
“Kami naman ang bahala sa impostor. Babantayan namin ang bawat kilos niya‚” determinadong wika ni Athena.
“Kung ganoon ay magsipaghanda na kayo. Hindi natin alam kung anong binabalak ng mga kalaban kaya mas makabubuti kung handa kayo sa lahat ng oras‚” paalala ni Sir Ahmir sa lahat.
“Makakaalis na kayo. Ipapatawag ko na lamang kayo kapag may mahalaga tayong pag-uusapan‚” mayamaya’y pagtatapos ni Sir Ahmir sa kanilang pagpupulong.
Agad naman nang nagpaalam ang lahat ng nasa silid maliban sa magkaibigang sina Kaiden‚ Athena at Kaleb na mas piniling magpaiwan sa silid.
“Ano pang ginagawa ninyo rito? Hindi pa ba kayo aalis?” nagtatakang tanong ni Sir Ahmir nang mapako ang tingin niya sa magkakaibigan na nanatili pa ring nakaupo kung saan sila nakaupo kanina.
“May isa pa po tayong malaking problema‚” mahinang wika ni Athena habang diretso siyang nakatingin sa nagtatanong na mga mata ni Sir Ahmir.
“Ano ‘yon?” naguguluhang tanong ni Sir Ahmir na salubong na ang mga kilay dahil sa kawalan niya ng ideya sa kung anong tinutukoy ni Athena na malaking problema.
“Kahit na mapatunayan pa nating impostor ang Kiana na kasama natin ngayon‚ wala pa rin tayong sapat na patunay na si Gwyn ang totoong Kiana kaya maaaring ituring lang din nilang isang impostor si Gwyn like the other one‚” diretsahang sagot ni Athena para ihayag ang bagay na kanina pang gumugulo sa kaniya.
“Tama si Athena. Kaya mas makabubuting makahanap na tayo ng kahit na anong bagay na magpapatunay na si Thea nga ang nawawalang prinsesa para na rin maaga pa lamang ay malaman na ni Thea ang tunay niyang pagkatao. Sa ganitong paraan kasi ay magiging handa siya sa anumang mangyayari‚” pagsegunda ni Kaleb sa sinabi ni Athena.
“But the only thing that can prove that is the symbol of being the chosen one which will appear during her 18th birthday. Not unless... Athena regains her memories because she’s capable of proving it‚” pagsingit ni Kaiden sa usapan na nakaagaw ng atensyon ng lahat ng kasama niya sa silid.
“Paano naman ako makakatulong na mapatunayang si Thea nga si Kiana? Dahil ba sa magkasama kaming natagpuan ng mga kinilala naming magulang?” naguguluhang tanong ni Athena na hindi malinaw na naunawaan kung paano siyang nasali sa usaping kanilang tinatalakay.
“Exactly‚” tipid na sagot ni Kaiden na ikinakunot ng noo ni Athena.
“Pero hindi sapat ‘yon para mapatunayan nating si Thea ang nawawalang prinsesa ng Ardor Kingdom. Dahil maaaring sabay nga kaming natagpuan ng mga kinilala naming magulang ngunit hindi sa iisang lugar at hindi natin iyon maiuugnay sa pagkawala ni Kiana almost ten years ago‚” mariing pagkontra ni Athena sa pinupunto ni Kaiden.
“That’s where you’re wrong. That fact alone is enough to prove to everyone that Thea is Kiana because you were with her ten years ago. How did I know? Simply because I saw it with my own two eyes. When Kiana ran away with the palace servant during the war‚ you followed her and so I did. But someone intercepted on my way so I wasn’t able to catch up‚” pagsasalaysay ni Kaiden sa mga nangyari noong digmaan na ikinatahimik ng lahat ng nasa silid.
Lahat ng nasa silid ay natahimik sa kanilang narinig dahil sa gulat. Hindi kasi nila alam na magkasama sina Athena at Kiana nang mawala sila sa kalagitnaan ng digmaan. Ang alam lang nila ay sabay na nawala ang mga ito noong mangyari ang digmaan. Ngayon lang din hindi nila nalaman na sinundan pala ni Kaiden sina Athena at Kiana kung kaya siya nawala nang matagal.
“Ang ibig mo bang sabihin ay noon pa lang ay alam mo nang buhay kami ni Kiana?” hindi makapaniwalang tanong ni Athena nang makabawi siya mula sa kaniyang pagkabigla.
Tipid lamang na tumango si Kaiden bilang sagot sa tanong ni Athena.
“Kung totoo nga ang mga inilahad ni Prinsipe Kaiden ay may ideya na tayo kung paano natin mapapatunayan sa lahat na si Thea ang tunay na prinsesa ng Ardor Kingdom. Ngunit huwag na muna ninyong isipin ang bagay na ‘yan. Mas marami pa tayong dapat na pagtuunan ng pansin sa ngayon‚” pagsingit ni Sir Ahmir sa usapan bago pa malihis ang kanilang atensyon sa ibang bagay na wala sa kanilang plano.
“Sige na‚ makakaalis na kayo. Kailangan na ninyong balikan ang nagpapanggap na Kiana ngayon din para hindi siya magduda at para hindi niya matunugan ang mga plano natin. Saka hangga’t maaari ay huwag na huwag ninyo siyang iiwang mag-isa. Hindi natin alam kung anong binabalak niya at kung saan siya nagpupupunta. Baka siya na ang magdala sa atin sa matagal na nating hinahanap‚” pagtatapos ni Sir Ahmir sa kanilang usapan para magawa na nila ang kani-kanila nilang gawain.
Dahil sa mga sinabi ni Sir Ahmir at sa awtoridad na mababakas sa kaniyang boses ay wala ng nagawa pa ang magkakaibigan kundi ang lumabas ng silid na mabigat ang kanilang mga loob dahil sa kaalamang hindi nila matutulungan sa ngayon ang kaibigan nilang si Thea na alamin ang tunay nitong pagkatao. Wala rin naman silang magawa kundi ang maghintay dahil hindi pa nakakaalala si Athena at halos isang buwan pa bago ang kaarawan ni Kiana. Bukod dito ay kinakailangan din nilang mas pagtuunan ng pansin sa ngayon ang kanilang napagkasunduang plano upang matapos na ang lahat ng ‘to at para magawa na nilang makalapit ulit kay Thea.
✨✨✨
A/N: Sorry po if lame ang update ko. Na-writer’s block po kasi ako. Nakalimutan ko na ang dapat sanang isusulat ko noon dahil ni-edit ko pa lahat ng chapters bago ako muling nagpatuloy😂
Sana maintindihan po ninyo. Pero kung may idea or suggestions naman po kayo‚ feel free to comment it below. I really need those ideas of yours to make this story more interesting☺️ Thank you in advance! 🤗💜
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top