CHAPTER 5: CONFIRMATION
KAIDEN’S POV
It’s been a week since I entered Eminent University. And in my one week here‚ I just kept on observing and following that girl named Atlhea from school to her house just to make sure that she’ll be safe and at the same time‚ to discover what makes her mysterious and different from others. That’s why I’m now here at the school cafeteria to keep an eye on her.
“Can I?” agad kong tanong sa kaniya nang makalapit ako sa kaniya bitbit ang food tray kung saan nakalagay ang pagkaing inorder ko.
Nilapitan ko siya sa halip na pagmasdan lang siya mula sa malayo gaya ng lagi kong ginagawa dahil wala ng bakanteng upuan. The cafeteria is now filled with bunch of people because it is the break time of all the senior high school students.
Tinapunan niya lang ako ng malamig at bagot na tingin bago niya muling ipinagpatuloy ang pagkain niya.
“Silence means yes‚ I guess.” I just smiled at her even though she’s not even looking at me.
Inokupa ko ang upuang katapat niya at sinimulan ko nang kainin ang pagkaing inorder ko. Habang pareho kaming abala sa pagkain ay panay ang sulyap ko sa kaniya. Halos minu-minuto ko siyang tinatapunan ng tingin. Hindi ko alam pero parang naging hobby ko na ang titigan ang maamo niyang mukha. She’s like a vitamin to me. Magmula noon hanggang ngayon ay nagagawa pa rin niya akong bigyan ng kakaibang sigla. Wala pa ring nagbago kahit na ilang taon kaming hindi nagkita at nagkasama.
Sa isang linggong pagsubaybay at pagbabantay ko sa kaniya ay marami na akong natuklasang bagay tungkol sa kaniya. Tulad na lang ng mayaman pala siya at anak siya ng pinakakilalang mag-asawa sa lungsod na ito. She is a loner because she has no friend and I don’t know the reason why because I want to respect her privacy in this case. She’s a bookworm‚ cold‚ snob and she only talks when needed and when she wants to. But she completely become a different person when she’s at home. Last but not the least‚ she’s beautiful. Wait. Let me rephrase that. She’s gorgeous but no one ever noticed it because she’s hiding her gorgeous face behind her nerdy glasses and messy hair.
“Kung nakakapatay lang ‘yang tingin‚ or should I say‚ titig mo ay malamang kanina pa ako nangingisay rito‚” walang emosyon niyang sabi saka siya umalis ng cafeteria bitbit na naman ang sandamakmak niyang libro na palagi niyang dala.
Agad ko siyang hinabol at nang malapitan ko siya ay hinawakan ko siya sa kaniyang pupulsuhan para pigilan siyang umalis.
Kailangan ko na siyang maisama pabalik ng Fantasia. Habang nagtatagal ako rito ay palapit din nang palapit ang pinakakinatatakutang katapusan ng lahat. Kailangan ko nang magmadali bago pa ako maubusan ng oras. Kinabukasan ng buong Fantasia ang nakasalalay rito kaya hindi ako maaaring mabigo.
“What?!” pasigaw niyang tanong na ikinagulat ko.
Ito ang unang beses na narinig ko siyang sumigaw. Usually‚ she’s just silently reading her books in the corner and most of the times‚ she’s in the garden. And when we did our business plan before‚ we didn’t talk that much and we’re both busy to have any argument because of the given task as I said.
“Can we talk?” tanong ko nang makabawi ako mula sa pagkagulat.
Binigyan niya ako ng nanunuyang tingin kasabay ng pag-angat ng sulok ng labi niya.
“What do you think we’re doing? Hindi pa ba tayo nag-uusap?” mataray niyang sagot.
Mukhang wrong timing ang paglapit ko sa kaniya. Pero nandito na ako. Wala ng atrasan ‘to.
She’s really different. She’s not the usual nerd who is weak and quiet. I guess she’s just acting to be one but deep inside her‚ she’s a strong woman confined in the body of a fragile girl.
“What I mean is... can we talk in private?” I asked her again.
Sa pagkakataong ito ay pinagtaasan na niya ako ng kilay. Sinubukan kong basahin ang ekspresyon ng mukha niya pero bigo ako. Hindi ko matukoy kung galit ba siya o ano. Hindi ko rin malaman kung anong tumatakbo sa isipan niya.
Binawi niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko bago niya ako matamang tiningnan sa mata.
“Sorry but I don’t have much time to talk to you. Marami pa akong kailangang gawin at marami na akong iniisip. Huwag ka nang dumagdag pa‚” irita niyang sagot.
Now‚ I know. She’s not in the mood because she’s busy and she has a lot in mind. But what I’m about to say is very important and it can’t wait.
“Don’t worry‚ it won’t take long‚” I assured her. “Just give me five minutes of your time. I just really need to talk to you.”
Halos magmakaawa na ako sa harapan niya pumayag lang siya. I hope it will work.
“Okay‚ fine‚” walang gana niyang sagot bago siya naglakad paalis.
Agad ko siyang sinundan kung saanman siya pupunta. Nang nasa hardin na kami sa paborito niyang tambayan ay tumigil siya at umupo sa lilim ng isang puno.
“So‚ what is this all about?” bagot niyang tanong pagkaupong-pagkaupo ko sa harapan niya.
“Hindi mo ba talaga ako naaalala?” agaran kong tanong sa kaniya.
Gusto ko lang malaman mula sa kaniya mismo kung siya nga ba talaga ang matagal ko nang hinahanap para matapos na ito at makabalik na ako sa amin kasama siya. Ngunit makuha ko man o hindi ang sagot na kailangan ko sa kaniya‚ isasama ko pa rin siya sa mundo namin dahil sigurado na ako sa hinala ko. She’s the one that I’ve been looking for.
“Of course not! Paano naman kita maaalala‚ e ni hindi nga kita kilala! Use your mind‚ will you?” she hissed at me.
Laking gulat ko nang bigla na lang siyang sumigaw. Pero alam kong dahil lang ‘yon sa gulat at naiintindihan ko siya. Pero hindi niya ba talaga ako naaalala? Kaya ba kung ituring niya ako ay para akong isang estranghero magmula nang dumating ako rito?
Isipin ko pa lang na nakalimutan na niya ang mahigit anim na taong pinagsamahan namin ay labis-labis na sakit na ang nararamdaman ko. Maging ang puso ba niya hindi ako maalala? Pero anong nangyari? Bakit wala siyang maalalang kahit na ano? May nangyari ba sa kaniya noong araw na mawala siya? O baka may ginawa sa kaniya ang babaeng nagdala sa kaniya rito sa mundong ito?
Kailangan kong malaman ang sagot sa mga katanungan ko dahil ito lamang ang tanging susi upang malaman niya ang tunay niyang pagkatao.
“Do you believe in magic?” I randomly asked.
Hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng puwede kong sabihin ay iyon pa ang lumabas sa bibig ko. Epic fail.
“What? Ang tanda-tanda mo na‚ naniniwala ka pa rin sa magic?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Tsk! Enough of this crazy nonsense. You’re just wasting my time.” Tumayo siya mula sa kaniyang pagkakaupo at nagsimula nang maglakad paalis.
Agad ko siyang hinabol dahil tanging ito lang ang pagkakataon ko para kausapin siya. Kaunting oras na lang ang natitira. Kaunting oras na lang ang mayroon ako. We need to go back to the Magical World as soon as possible. But I need to convince her first. Hindi ko siya pupuwedeng pilitin dahil baka ito pa ang maging dahilan upang lumabas nang wala sa oras ang kapangyarihan niya.
Mas binilisan ko pa ang takbo ko para maabutan ko siya. Nang makalapit na ako sa kaniya ay iniharang ko ang sarili ko sa daraanan niya upang hindi siya makaalis.
“Now‚ what?” irita niyang tanong.
“Last question‚” seryosong sabi ko sa himig na nangangakong hindi ko na siya kukulitin pagkatapos nito.
Sa itsura niya ay mukhang wala na siyang balak makinig pa kaya wala na akong oras pa na magpaligoy-ligoy. I need to confirm something with her.
She rolled her eyes before giving me an answer. “Okay‚ fine. Go on‚” napipilitan niyang sagot.
This is it! It’s now or never.
“Hindi ka ba nagtataka na wala kang naaalala sa kabataan mo? Hindi mo man lang ba naisipang alamin kung anong mayroon sa nakaraan mo na hindi mo maalala?” tanong ko sa kaniya nang diretso ang tingin ko sa mga mata niya.
As I stared at her‚ I saw sadness and confusion in her eyes. But in just a blink‚ it turned back to its usual expression—emotionless.
“It’s none of your business‚” she said dismissively.
Now‚ it’s confirmed. Tunay ngang nakalimot siya at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya naaalala ang nakaraan niya. Mas lalong kailangan ko na siyang isama pauwi para ipaalala sa kaniya ang lahat ng tungkol sa nakaraan niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top