ALTHEA’S POV
Kinaumagahan ay maaga akong gumising para masimulan na namin ang pagsasanay ng aking water charm which is sa tingin ko naman ay hindi na ako mahihirapan dahil nakagawa na naman ako dati ng tubig sa pamamagitan ng pagtunaw ng ice na likha ng ice charm ko gamit ang fire charm ko. Pero aminin ko man o hindi‚ alam ko namang challenge pa rin ito para sa ‘kin dahil iba pa rin ang tunay na tubig kumpara sa tubig na nagmula sa yelo.
Maaga pa lamang ay nagtungo na kami ni Kaleb sa isang ilog kasama si Ali. Ewan ko nga kung bakit kasama pa si Ali. Halos atakihin na nga ako sa puso sa isang baliw pa lang‚ dinagdagan pa ng isa. Baka mapasugod ako nito sa mental nang wala sa oras. Haist! Sana lang talaga ay huwag sumpungin ng kabaliwan ang dalawang kasama ko. Mahal ko pa buhay ko.
“Anong tinatanga mo riyan? Umpisahan mo na ang pagsasanay‚” seryoso at puno ng awtoridad na sikmat sa akin ni Kaleb na pumukaw ng atensyon ko.
Lihim na lamang akong napangiwi dahil sa pagiging seryoso at bossy ni Kaleb. Parang gusto ko yatang bawiin ang hiling ko kani-kanina lang. Parang mas gusto ko na lang yatang sumpungin ng kabaliwan si Kaleb kaysa maging ganito siya kaseryoso. Nakakatakot e.
“Bago ang lahat ay lumusong ka muna sa ilog at subukan mong huminga sa ilalim nito. Isa ito sa mga kakayahan natin bilang isang water charmer at ito ang kailangang una mong matutunan‚” seryosong utos sa akin ni Kaleb na ikinabilog ng mga mata ko.
Seryoso ba si Kaleb sa pinapagawa niya sa ‘kin? E daig ko pa ang sirena niyan e. Saan ka ba nakakita ng taong nakakahinga sa ilalim ng tubig nang walang oxygen?
“Ano pang hinihintay mo? Lumusong ka na sa tubig at nang marami pa akong maituro sa ‘yo‚” pag-uulit ni Kaleb sa gusto niyang ipagawa sa ‘kin.
“Teka lang. May tanong lang ako‚” may pagmamadaling wika ko bago pa maisipan ni Kaleb na kaladkarin ako palapit ng ilog dahil sa katigasan ng ulo ko.
Sa halip na sumagot ay umarko lamang ang kilay ni Kaleb at pinanatili niya ang tingin niya sa ‘kin na para bang pinag-aaralan niya ang ekspresyon ng mukha ko. Ngunit makalipas lamang ang ilang segundo ay bumalik na sa pagiging seryoso si Kaleb at binigyan niya ako ng nagbabantang tingin na para bang binabalaan niya ako na huwag akong gagawa o magtatanong ng kahit anong kalokohan.
“Pwede ba akong magkaroon ng buntot ng isang sirena? Noong nag-training kasi kami ni Jane ay nagawa kong magkaroon ng pakpak na gaya sa isang fairy‚” puno ng kuryusidad kong tanong kasabay ng pagningning ng mga mata ko.
Hindi ko na naitago pa ang pagkapanabik kong marinig ang sagot ni Kaleb sa tanong ko dahil noon pa man ay nangarap na talaga ako na maging isang sirena kahit isang araw lang para maranasan kong huminga sa ilalim ng tubig at para makaya kong maabot ang pinakamalalim na parte ng ilog o dagat.
“Bilang isa kang makapangyarihang charmer ay hindi malabong magawa mo iyon sa takdang panahon. Pero sa ngayon ay gawin mo muna kung anong pinagagawa ko sa ‘yo‚” tila siguradong-siguradong tugon ni Kaleb na para bang ngayon pa lang ay nakikinita na niyang magagawa ko ngang magkaroon ng buntot ng isang sirena.
Dahil sa kasiguraduhang mababakas sa boses ni Kaleb ay mas lalo pang tumindi ang excitement na nararamdaman ko‚ dahilan para excited akong tumakbo patungo sa ilog. At nang marating ko ang ilog na sadya ko ay mabilis akong lumusong dito para gawin ang pinagagawa sa akin ni Kaleb.
Dahil sa excitement na nararamdaman ko ay hindi ko na naisip pa ang maaaring mangyari kung sakaling mabigo akong magawa ang pinagagawa ni Kaleb. Kaya naman ay agad akong lumangoy patungo sa pinakamalalim na parte ng ilog nang hindi nag-iisip. Ngunit bago pa man ako makarating sa pinakamalalim na parte ng ilog ay bigla ko nang naalalang wala nga pala akong sapat na hangin sa katawan. Kaya naman ay pumaitaas muna ako para kumuha ng sapat na hangin.
Nang makakuha na ako ng sapat na hangin ay doon na ako tuluyang lumangoy patungo sa malalim na parte ng ilog at noong nasa pinakailalim na ako ay pinilit kong mag-Indian seat sa sahig. At nang matagumpay ko itong magawa ay marahan kong ipinikit ang mga mata ko at nag-concentrate ako nang maigi upang subukang gawin ang pinagagawa ni Kaleb.
Sinubukan kong huminga sa ilalim ng tubig katulad ng utos ni Kaleb pero pumasok lang sa ilong ko ang tubig. Ngunit sa kabila nito ay hindi ako tumigil sa pagsubok hanggang sa tuluyan na akong makahinga sa ilalim ng tubig matapos ang makailang ulit kong pagpapabalik-balik sa ibabaw ng tubig para lamang kumuha ng hangin.
Dahil sa nagagawa ko na ngang makahinga sa ilalim ng tubig ay excited akong nagmulat ng mata. Sa pagmulat ko ay may nakita akong isang napakagandang babaeng lumalangoy papunta sa direksyon ko. Napakalawak ng kaniyang ngiti na umabot na sa puntong labas na lahat ng ngipin niya. At dahil dito ay agad kong naisip na baka nakakahinga rin siya sa ilalim ng tubig. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang makitaan siya ng buntot nang tumigil siya sa harapan ko na ikinabilog ng mga mata ko.
“I-Isa kang si-sirena?” nauutal kong tanong saka wala sa sariling nagbaba ako ng tingin para pasadahan ng tingin ang kaharap ko.
Ang babaeng nasa harapan ko ay nakasuot lamang ng isa berdeng brassiere na napapalamutian ng mga makikinang na perlas. Bumagay naman ito sa buntot at mata niyang kulay berde rin.
Matagal ko pang pinagmasdan ang buntot ng kaharap ko dahil hindi pa rin ako makapaniwalang totoo ang mga sirena kahit na nasa mundo ako kung saan lahat ay posible. Lumaki kasi ako sa paniniwalang isa lamang silang alamat. Ngunit ngayong kaharap ko na ang isa sa kanila ay unti-unti na ring tinatanggap ng isip ko ang katotohanang totoo nga ang sirena at hindi sila basta isang alamat lang.
Nang tuluyan nang matanggap ng isip ko ang katotohanan patungkol sa existence ng mga sirena ay doon lamang ako nag-angat ng tingin.
Sa pag-angat ko ng tingin ay agad na napako ang tingin ko sa kaharap ko na bahagyang tumango bilang tugon sa tanong ko habang hindi pa rin mawala-wala ang ngiting nakapinta sa labi niya.
“Ako nga pala si Aryana. Ikinagagalak kitang makilala‚ babaeng itinakda‚” puno ng paggalang na pagpapakilala ng kaharap ko at bahagya pa siyang yumuko na para bang isang kagalang-galang na nilalang ang kaharap niya.
Hindi ko naman maiwasan ang magsalubong ang kilay ko sa itinawag sa akin ni Aryana at sa paraan ng pakikipag-usap niya sa ‘kin. At dahil sa pagkalito ay hindi ko na nagawa pang sumagot o magpakilala man lang.
“Alam kong naguguluhan ka sa lahat ng nangyayari at marami kang mga tanong na nais mong hanapan ng sagot. At ikinalulungkot kong wala akong maitutulong sa bagay na ‘yan‚” Aryana said in an apologetic voice as her smile faded. Ngunit ilang segundo lamang ay muli ring sumilay ang masayang ngiti sa labi niya. “Pero isang bagay lang ang magagawa ko para mapagaan ang iyong dinadala‚” pahabol na wika ni Aryana bago pa man tuluyang magdikit ang kilay ko.
Itatanong ko sana kay Aryana kung anong ibig niyang sabihin sa huling sinabi niya ngunit hindi ko na nagawa pang magtanong nang ibukas niya ang kanang kamay niya kung saan may bigla na lamang lumabas na bula na may puting liwanag sa loob.
“Tanggapin mo‚” utos sa akin ni Aryana kasabay ng paglahad niya ng nakabukas niyang kamay kung saan nakalutang ang isang bulang may kakaibang liwanag sa loob nito.
Kahit na nag-aalangan ako at kinakabahan sa kung anumang maaaring mangyari sa oras na tinanggap ko ang bulang iniaabot sa akin ni Aryana ay tinanggap ko pa rin ito. Dahan-dahan kong ipinantay ang kaliwang kamay ko sa kamay ni Aryana na nakalahad saka ko ito nag-aalangang ibinukas.
Nang sandaling maibukas ko ang kamay ko ay kusa na lamang lumipat dito ang bulang kanina lamang ay nakalutang sa kamay ni Aryana. At makalipas lamang ang ilang segundo ay bigla na lamang itong naglaho na para bang hinigop ito ng kamay ko.
“Ngayon ay mangyayari ang bagay na matagal mo nang pinapangarap‚” nakangiting wika ni Aryana.
Kunot-noo kong tiningnan si Aryana dahil sa sinabi niya habang siya naman ay malapad ang ngiting nakatingin din sa ‘kin. At dahil nakatuon ang tingin ko kay Aryana ay nakita ko kung paanong unti-unting bumaba ang tingin niya sa paa ko at maging ang paglawak ng ngiti niya ay hindi rin nakaligtas sa paningin ko.
Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan ni Aryana para alamin kung anong tinitingnan niya sa may paanan ko. At nang sandaling mapako ang tingin ko sa bagay na tinitingnan niya ay bigla na lamang namilog ang mga mata ko sa gulat. Sa halip kasi na paa ang makita ko ay isang napakakintab na kulay gintong buntot ang ngayon ay nakikita ko. At hindi pa rito nagtatapos ang nakagugulat at nakamamanghang transformation ko. Maging ang suot kong pang-itaas ay napalitan din. Isa na kasing kulay gintong brassiere ang ngayon ay suot-suot ko na katulad ng buntot ko ay makinang din. Ang kaibahan lang nito sa buntot ko ay napapalamutian ito ng ilang perlas at pinong kristal na mas lalong nagpakinang dito.
Matapos kong pasadahan ng tingin ang sarili ko ay muli kong ibinalik ang tingin ko sa buntot ko at matagal ko itong pinagmasdan para lamang makumbinsi ang sarili ko na hindi ito ilusyon o imahinasyon lang.
“Ang ganda!” manghang-manghang sambit ko nang magawa ko nang makumbinsi ang sarili ko na totoong may buntot na ako ng isang sirena.
Nang tumagal pa ang pagtitig ko sa buntot ko ay bigla na lamang nabuhay sa dugo ko ang excitement na masubukan ito. Kaya naman ay hindi ko na napigilan pa ang sarili kong magpaikot-ikot sa paglangoy para mas ma-feel ko ang pagiging sirena.
Nang magsawa na ako sa pagpapaikot-ikot ko sa ilalim ng dagat ay naisipan kong pumaitaas na. At dahil sa labis na tuwa at excitement na nararamdaman ko ay hindi ko na nagawa pang magpaalam kay Aryana.
Habang paangat ako nang paangat ay unti-unti ko na ring naririnig ang boses nina Ali at Kaleb.
“Thea‚ umahon ka na! Hindi nakakatuwa ‘tong ginagawa mo!” malakas na sigaw ni Ali na mababakas na ang pag-aalala at pangamba sa boses dala marahil ng matagal kong pananatili sa ilalim ng tubig.
“Thea‚ ano ba! Kapag hindi ka pa umahon diyan‚ iiwan ka talaga namin!” pananakot naman sa akin ni Kaleb na ramdam ko rin ang pangamba kahit pa pilit niyang pinagmumukhang galit ang tono ng boses niya.
“Isa!” pagbibilang ni Kaleb‚ dahilan para mas bilisan ko pa ang paglangoy ko paitaas. “Dalawa!”
“Tatlo‚” pagtutuloy ko sa pagbibilang ni Kaleb nang tuluyan na akong pumaitaas.
Agad namang nabaling sa direksyon ko ang tingin nina Ali at Kaleb dahil sa pagsasalita ko. At nang mabaling sa akin ang tingin nila ay doon ko mas nakita ang pag-aalala nila. Bakas na bakas kasi sa mukha nila ang labis na pangamba. Ngunit agad din naman silang nakahinga nang maluwag at umaliwalas ang mga mukha nila nang magtagpo ang aming mga tingin.
“Halika na! Kailangan na nating magpatuloy sa pagsasanay!” maawtoridad na wika ni Kaleb at tinalikuran na nila ako ni Ali bago pa man ako makasagot o makaahon sa tubig. Nasa tubig pa rin kasi ako hanggang ngayon at tanging ang bandang balikat‚ leeg at ulo ko lang ang hindi nakalubog sa tubig.
Dahil sa sinabi ni Kaleb ay mabilis akong lumangoy patungo sa mababaw na parte ng ilog at nagmamadali akong naupo sa batong nasa gilid ng ilog habang nakalubog pa rin sa tubig ang dulong parte ng buntot ko. At nang makaayos na ako ng upo sa malaking bato ay doon ko lamang napagtantong hindi ko pala magagawang tumayo at lumakad para lapitan sina Kaleb dahil wala akong mga paa.
“Thea‚ ano ba!” tila inis na sigaw ni Kaleb saka bigla na lamang siyang humarap sa ‘kin. “Sinabi nang—” Bigla na lamang nanlaki ang mga mata ni Kaleb at hindi na niya nagawa pang ituloy ang sinasabi niya nang mapako ang tingin niya sa buntot kong mas lalo pang kumintab dahil sa liwanag na nagmumula sa sinag ng araw.
Kunot-noo namang napaharap sa direksyon ko si Ali dahil marahil sa biglang pagkaputol ng sinasabi ni Kaleb. At katulad ni Kaleb ay namilog din ang mga mata niya sa gulat nang makita niya ang buntot ko.
Ilang minuto ring natulala sina Kaleb at Ali pagkakita nila sa buntot ko bago sila wala sa sariling naglakad palapit sa ‘kin. Kusa namang umangat ang isang kilay ko dahil sa itsura nila.
“The right time has come‚” nakangising wika ko saka masaya kong ginagalaw-galaw ang dulo ng buntot ko na nakalubog sa tubig.
“To-Totoo ba ‘yan?” hindi makapaniwalang tanong ni Ali nang makalapit sila ni Kaleb sa mismong kinaroroonan ko.
“Ay naku‚ hindi! Props lang ‘yan!” pabalang kong tugon at hindi ko na napigilan pa ang mapaikot ang mata ko dahil sa tanong ni Ali. “Tss! Ano pa ba sa tingin mo? Malamang totoo ‘yan!” mataray kong dagdag.
Tila natauhan naman si Ali sa lakas ng boses ko at sa sarkasmong mababakas sa boses ko dahil hindi na siya mukhang lutang noong maglakad siya patungo sa gilid ko at nang maupo siya sa tabi ng batong kinauupuan ko.
Nang makaupo si Ali sa gilid ng bato na kinauupuan ay mabilis niyang iniangat ang kanang kamay niya at tinangka niyang hawakan ang buntot ko. Ngunit bago pa man niya ilapit ang kamay niya sa buntot ko ay pinigilan ko na siya kaya hindi na niya nagawa pang ituloy ang tangka niyang hawakan ang buntot ko.
“Hep! Hep! No free touch‚” pigil ko kay Ali na hindi ko na kinailangan pang ulitin dahil nakinig naman agad si Ali at agad na rin siyang tumayo at siya na mismo ang pumukaw sa atensyon ng tulalang si Kaleb sa pamamagitan ng pagtapik sa balikat nito.
‘Isipin mo lang kung gusto mong maging tao o sirena at ito’y magaganap‚’ sambit ng isang boses mula sa hindi ko matukoy na direksyon na sa hinuha ko ay boses ni Aryana.
Walang pag-aalangan kong sinunod ang ang sinabi ni Aryana at sa isang iglap nga lang ay bumalik na ang mga paa ko at maging ang suot ko ay bumalik na rin sa dati. Kaya naman ay muli na kaming nagpatuloy sa aming pagsasanay kung saan ay dapit-hapon na noong matapos kami.
Matapos ang aming pagsasanay ay agad kaming bumalik ng palasyo kung saan ay sinalubong kami ni Tita Makayla para lamang kumustahin ang araw namin at para pakiusapan ako na sa palasyo na nila magpalipas ng gabi. Ngunit hindi ko na nagawa pang pagbigyan si Tita Makayla sa pakiusap niya. Mas pinili ko na lamang na bumalik ng Sapience Kingdom at doon na magpahinga dahil kaya ko na namang mag-teleport lalo na’t na-familiarize ko na naman ang daan pabalik.
Pagkarating ko ng Sapience Kingdom ay masaya akong sinalubong ni Sara. Ngunit dala ng pagod ko ay hindi ko na siya nabati at nakiusap na lamang ako sa kaniya na siya na ang magsabi kina Tita Selena na nakabalik na ako ngunit hindi na ako haharap pa sa kanila dahil maaga akong matutulog. At nang makaalis si Sara para gawin ang pakiusap ko ay dumiretso na ako sa aking silid at agad na akong natulog para ipahinga ang katawan ko.
✨✨✨
A/N: Kumusta naman po ang update ko? Hope you like it🤗
Pasensya na po pala kung palaging pumipikit si Thea para lang makapag-concentrate. Bago pa lang kasi siya sa pag-ma-magic kaya medyo nahihirapan pa siyang mag-concentrate kapag nakadilat siya lalo na’t marami siyang iniisip. Hope you understand🤗
PS: Basahin po ninyo sana ang story na ito hanggang dulo para mas maintindihan ninyo ang flow ng story. Sabi nga nila‚ kapag inumpisahan mo‚ tapusin mo. Hindi iyong hindi pa nga kayo tapos ng nauna mong karelasyon‚ naghanap ka na kaagad ng iba✌😂✌️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top