CHAPTER 48: HER MISADVENTURES
ALTHEA’S POV
Saglit lang ang naging pahinga ko dahil may agad na pumanhik sa silid na isang tagapagsilbi para ipaalam sa akin na magsisimula na ang pagsasanay namin ni Kaleb.
Hindi naman na ako nagulat pa na malamang maaga kaming magsisimula dahil dalawang charm ko ang sasanayin namin ni Kaleb at hindi biro ‘yon. Kaya paniguradong aabutin pa kami hanggang bukas at hindi magiging sapat ang dalawang araw kung hindi agad kami magsisimula sa pagsasanay.
Sinabihan ko na lang ang tagapagsilbi na susunod na lang ako pagkatapos kong magbihis para hindi na ito maghintay pa at para hindi maantala ang kung anumang gawain niya sa palasyo dahil lang sa paghihintay sa ‘kin. Hindi naman na ito nagpumilit pang manatili sa silid. Agad na rin itong nagpaalam at umalis kaya agad na rin akong kumilos upang magpalit ng damit.
Madali lang naman akong natapos sa pagpapalit at pagtali ng buhok ko kung kaya hindi na rin ako nagtagal pa sa silid. Agad na akong lumabas ng silid at dumiretso ako sa labas ng palasyo na madali ko namang natunton dahil natandaan ko naman ang dinaanan namin kanina patungo sa silid na inookupa ko.
Pagkalabas ko ng palasyo ay may sumalubong sa aking kawal na naghatid sa akin patungo sa hardin kung saan tahimik na nag-aabang si Kaleb sa pagdating ko.
“Handa ka na ba?” agad na tanong sa akin ni Kaleb nang tumigil ako sa harap niya.
Bahagya akong tumango bilang tugon sa tanong ni Kaleb. At dahil sa naging tugon kong ito ay hindi na nagsayang pa ng oras si Kaleb. Agad na niya akong niyaya patungo sa magubat na parte ng kanilang kahiran kung saan kami magsasanay.
“Magsisimula tayo sa pagpapagalaw ng mga halaman sa paligid at sunod nito ay ang pagpapalabas o pag-summon ng mga halaman gamit lamang ang kapangyarihan mo‚” wika ni Kaleb sa seryosong boses‚ malayong-malayo sa playful personality niya.
Hindi na hinintay pa ni Kaleb ang tugon o reaksyon ko sa sinabi niya. Mabilis niyang itinapat ang kanang kamay niya sa punong nasa harapan namin na may napakaraming baging na nakalaylay.
Makalipas ang ilang segundo ay bigla na lamang naglabas ng kakaibang liwanag ang kamay ni Kaleb na nakatapat sa puno at kasunod nito’y tila may sariling isip na gumalaw ang mga baging. Maging ang malaking puno na pinagkakabitan ng mga ito ay nagawa niyang pagalawin na para bang sumasayaw ito sa saliw ng musika na siyang labis kong ikinamangha at ikinatuwa.
“Ngayon‚ ikaw naman‚” pagbaling sa akin ni Kaleb matapos niyang pagalawin ang mga baging na ikinagulat ko.
Nang makabawi ako mula sa pagkabigla ko ay malalim akong napabuntong-hininga para palakasin ang loob ko. Aaminin kong sa kabila ng mga pambihirang bagay na nagawa ko ay hindi pa rin ako confident na kaya ko ngang gawin lahat. Sino ba naman kasi ako? Isa lang naman akong mortal—okay... Scratch that. Hindi pa nga pala ako sigurado sa bagay na ‘yan. I still have a long way to go before I can assure that.
Nang makaipon na ako ng sapat na lakas ng loob na subukan ang isang bagay na hindi ko pa kailanman nagagawa ay dahan-dahan kong itinaas ang kanang kamay ko at nag-aalangan ko itong itinapat sa puno kasabay ng marahan kong pagpikit para mas magawa kong makapag-concentrate.
Habang nakapikit ako ay pinilit kong huwag mag-isip ng kahit ano at pinilit kong ituon ang buo kong atensyon sa pakikiramdam sa paligid. Ilang saglit nga lang ay may naramdaman na akong kakaibang enerhiya sa loob-loob ko. At sa pag-asang senyales ito na nagtagumpay ako ay marahan kong iminulat ang mga mata ko.
Sa pagmulat ko ay agad na sumilay ang ngiti sa labi ko nang makita kong nagliliwanag na ang kamay ko tulad ng kung paanong nagliwanag ang kamay ni Kaleb kanina. At para tiyaking nagtagumpay nga ako ay sinubukan kong ikumpas ang kamay ko para mapagalaw ang mga baging at ganoon na lamang ang tuwa ko nang magawa ko nga itong pagalawin nang walang kahirap-hirap. Ngunit agad ding nawala na parang bula ang tuwa kong iyon nang bigla akong mawalan ng kontrol sa mga baging‚ dahilan para hindi ko na ito mapagalaw pa.
Dahil nga nabigo ako sa unang pagsubok sa akin ni Kaleb ay pinaulit-ulit niyang gawin sa ‘kin ito hanggang sa magawa ko na ito nang matagumpay.
“Magaling! Ngayon naman ay subukan mong lagyan ng bulaklak ang mga baging na ‘yan‚” puno ng awtoridad na utos sa akin ni Kaleb na awtomatikong nagpalingon sa akin sa direksyon niya nang may nanlalaking mga mata.
“What? Seryoso ka ba?” gulat kong tanong.
“Mukha ba akong nagbibiro?” seryosong tugon ni Kaleb na may kasama pang pagtaas ng kilay kaya agad kong napagtantong seryoso nga siya sa sinabi niya.
“Seryoso ka nga‚” nasambit ko na lamang bago ako muling humarap sa punong pinagkakabitan ng mga baging na gusto ni Kaleb na lagyan ko ng mga bulaklak.
Kahit pa may parte pa rin sa akin na nag-aalangang gawin ang utos ni Kaleb ay ginawa ko pa rin ito. Muli akong pumikit at dahan-dahan kong itinapat ang kamay ko sa mga baging na nakasabit sa punong nasa aming harapan.
Ilang minuto lamang matapos kong pumikit at matapos kong itapat ang kamay ko sa mga baging ay may naramdaman na akong kuryenteng dumaloy mula sa katawan ko patungo sa kamay kong nakataas. Kaya naman ay dali-dali akong nagmulat sa pag-aakalang nagtagumpay ako. Ngunit ganoon na lamang ang gulat at takot ko nang makita kong halos mapuno na ng mga naglalakihang ahas ang mga baging na dapat ay lalagyan ko ng bulaklak.
“Ahh! Ahas!” takot na takot at gulat kong sigaw saka mabilis akong nagtago sa likuran ni Kaleb sa takot kong biglang tumalon patungo sa direksyon ko ang mga ahas na ako mismo ang nagpalabas.
Mabilis namang itinapat ni Kaleb ang kamay niya sa mga ahas na nakapulupot sa mga baging at sa isang iglap lang ay nawala na ang mga ito kaya agad akong nakahinga nang maluwag. Ngunit hindi ko na nagawa pang magpasalamat sa biglang pagkawala ng mga ahas nang umalingawngaw sa gubat ang malakas na tawa ni Kaleb.
Dahil sa ginawang pagtawa ni Kaleb ay bigla na lamang nabuhay ang inis sa loob-loob ko na hindi ko na nagawa pang pahupain o pigilan dahil agad na akong lumipat sa harapan ni Kaleb at matalim ko siyang tiningnan. Ngunit sa halip na tumahimik siya at itikom niya ang bibig niya dahil sa matalim na tinging ibinigay ko sa kaniya ay mas lalo pang lumakas ang tawa niya na mas lalong ikinakulo ng dugo ko at naging dahilan para kusang kumilos ang kaliwang kamay ko patungo sa kanang bahagi ng ulo niya.
“Aray! Bakit ka ba nambabatok?” inosenteng tanong ni Kaleb na sa wakas ay tumigil na sa katatawa niya at ngayon ay nakatingin na sa ‘kin habang himas-himas ang ulo niyang binatukan ko.
Sasagot na sana ako sa tanong ni Kaleb ngunit hindi ko na nagawa pang ibuka man lang ang bibig ko nang bigla na namang humagalpak ng tawa si Kaleb na para bang nasiraan na siya ng bait.
Sa paglipas ng mga oras ay mas lalo pang lumakas ang tawa ni Kaleb kaya naman ay hindi ko na napigilan pa ang tuluyang pagsabog ko sa inis‚ dahilan para gigil na gigil kong pingutin ang kanang tainga ni Kaleb.
“At talagang nagagawa mo pang tumawa? E halos mamatay na nga ako sa nerbiyos!” pasigaw kong sabi at mas idiniin ko pa ang pagpingot sa tainga ni Kaleb.
“Sabi ko naman kasi sa ‘yo‚ bulaklak ang i-summon mo‚ hindi ahas‚” tumatawang tugon ni Kaleb.
Sa inis ko dahil sa nakuha kong sagot mula kay Kaleb ay mas lalo ko pang diniinan ang pagkakapingot ko sa tainga niya na bahagya nang namumula.
“A-Aray!” daing ni Kaleb ngunit sa halip na maawa ako sa kaniya ay mas lalo ko pang pinanggigilan ang namumula niyang tainga.
Binitiwan ko lang ang namumulang tainga ni Kaleb nang mapuno na ako saka padabog akong naglakad paalis para iwan siya sa gubat.
“Oy‚ teka lang! Saan ka pupunta?” sigaw ni Kaleb mula sa likuran ko.
Sa halip na huminto ako sa paglalakad dahil sa ginawang pagsigaw ni Kaleb ay mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad ko.
“Sa mental! Ano‚ sama ka?” puno ng sarkasmong tugon ko habang patuloy pa rin ako sa paglalakad pabalik ng palasyo.
“Teka!” pigil sa akin ni Kaleb saka naramdaman ko na lamang ang paghawak niya sa kaliwang braso ko.
Magpupumiglas pa sana ako mula sa pagkakahawak sa akin ni Kaleb ngunit hindi ko na nagawa pang magpumiglas nang puwersahan niya akong pinaharap sa kaniya.
“Hindi pa tayo tapos sa pagsasanay‚” pagpapaalala sa akin ni Kaleb na para bang sapat na iyong dahilan para kalimutan ko ang inis ko sa kaniya at piliin kong manatili sa gubat.
“Magsanay ka mag-isa mo!” pabalang kong tugon saka marahas kong binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Kaleb bago ako nagpatuloy sa paglalakad.
Buong akala ko ay hindi na ako susundan pa ni Kaleb at hahayaan niya na akong umalis. Ngunit laking gulat ko nang bigla na lang siyang sumulpot sa harapan ko.
“Thea‚ sorry na oh...” paghingi niya ng tawad na inikutan ko lang ng mata.
“Sige‚ ganito na lang. Hindi na kita pagtatawanan. Tapos kapag nagawa mo na ang pinapagawa ko‚ tuturuan naman kitang buhayin ang isang patay na halaman at tuturuan din kita kung paanong magpatubo ng halamang gusto mo‚” pakikipag-negotiate ni Kaleb na nakakuha ng interes ko.
Hindi ko itatangging pabor na pabor sa ‘kin ang offer ni Kaleb na reward sa oras na magawa ko ang pinapagawa niya. Mula pa kasi noon ay hilig ko na ang gardening kaya malaki ang maitutulong nito sa ‘kin. Kaya naman ay hindi na ako nag-inarte pa. Hindi ko na rin hinintay na ulitin pa ni Kaleb ang sinabi niya. Mabilis akong pumihit paharap sa pinanggalingan namin ni Kaleb at malalaki ang hakbang na bumalik ako sa harapan ng puno na siyang gusto ni Kaleb na lagyan ko ng bulaklak.
Muli akong sumubok na lagyan ng bulaklak ang mga baging na nakalaylay sa punong nasa harapan ko. Ngunit katulad kanina ay muli lamang akong nabigo sa pangalawa‚ pangatlo‚ pang-apat at panglimang subok ko hanggang sa hindi ko na mabilang kung nakailang subok na ako. Ngunit sa kabutihang palad ay nagawa ko rin naman nang maayos ang pinapagawa sa akin ni Kaleb matapos ang ilang attempt ko. At dahil sa tagumpay kong ito ay hindi ko na napigilan pa ang mapangiti.
Nakakagaan pala talaga sa pakiramdam kapag lahat ng paghihirap mo ay nagbunga ng maganda. As in literal na nagbunga ng maganda. Napuno kasi ng mga naggagandahang bulaklak ang mga baging na nakalaylay sa punong nasa harapan ko na siyang nagpaganda rito. Ngunit hindi ko na nagawa pang pagmasdan nang matagal ang naging bunga ng paghihirap ko dahil may bago na namang itinuro sa ‘kin si Kaleb. Itinuro niya sa ‘kin kung paanong mag-summon ng isang buhay na halaman na madali ko lang namang nagawa dahil minsan na akong nakapag-summon ng mga bagay-bagay. Ang kaibahan nga lang ay may buhay ang halamang pina-summon niya sa ‘kin kaya kinailangan ko ng sapat na konsentrasyon.
Marami pang itinuro sa ‘kin si Kaleb at hindi niya rin pinalampas ang pagtupad sa pangako niya. At sa lahat ng itinuro niya sa ‘kin‚ doon ako pinakanahirapan sa parteng kailangan kong bumuhay ng isang halamang matagal nang nalanta at namatay. Pero sa tulong ni Kaleb ay nagawa ko naman ito nang maayos. Ang pinakanagpasaya naman sa ‘kin ay ang parte na tinuruan niya ako kung paanong kausapin ang mga hayop gamit lamang ang isip. Pero syempre hindi naman maiiwasang pumalpak ako sa mga unang attempt ko kaya ayon‚ halos malagutan na ng hininga si Kaleb katatawa nang habulin ako ng isang leon nang tangkain ko itong hawakan nang hindi ko pa ito ganap na nakakausap at napapaamo. Sarap ngang ipalapa sa leon ng mokong na ‘yon e. Sa halip na tulungan ako ay pinagtawanan pa ako ng baliw na ‘yon. Mabuti na lang talaga at nagawa ko ring paamuhin ang hayop na leon na ‘yon bago pa man ako nito lapain.
Haist! Nag-iinit pa rin talaga ang ulo ko kapag naaalala ko ang pagkaripas ko ng takbo para lang maisalba ang buhay ko. Daig ko pa ang nakipaghabulan kay Kamatayan. At mukhang naiwan pa yata sa gubat ang kaluluwa ko. Pasalamat lang talaga ang leon na ‘yon at vegetarian ako. Kung hindi... naku! Baka na-lechon siya nang wala sa oras.
“Oh? Thea‚ hija. Bakit ganiyan ang ayos mo? Daig mo pa ang tumakbo nang pagkalayo-layo‚” nag-aalalang bungad sa akin ng ina ni Kaleb na si Tita Makayla nang bumalik kami ng palasyo matapos ang buwis-buhay naming pagsasanay.
Hindi ko na naiwasan pa ang muling pagkabuhay ng inis ko nang maalala ko na naman ang pakikipaghabulan ko sa leon. Ngunit gustuhin ko mang sabihin kay Tita Makayla ang pasakit na naranasan ko sa kamay ng baliw niyang anak ay hindi ko pa rin magawa kaya napilitan akong magsinungaling.
“Ahh... N-Napagod lang po ako sa pagsasanay‚” pagsisinungaling ko para hindi ko na kailangan pang ikuwento ang hindi magandang karanasan ko sa araw na ito dahil sa anak niyang prinsipe. Prinsipe ng mga baliw.
“Kung gano’n ay mabuti pang kumain na tayo nang makapagpahinga ka pagkatapos. Paniguradong nagutom ka sa pagsasanay ninyo‚” may pag-aalalang wika ni Tita Makayla na agad ko namang sinang-ayunan dahil gutom na talaga ako.
Katulad ng sabi ni Tita Makayla ay kumain na nga kami ng hapunan kasama sina Kaleb at Tito Korbin.
Naging tahimik ang hapunan namin dahil walang ni isa man sa mga kasalo ko ang nagtangkang magbukas ng usapan. Wala rin sana akong balak na magbukas ng usapan ngunit bigla kong napagtantong hindi ko na nga pala ulit nakita si Ali matapos niya akong ihatid sa loob ng palasyo kaya hindi ko na napigilan pa ang magtanong.
“Ahm... Tita‚ nasaan po pala si Ali? Hindi ko po kasi siya nakita simula kaninang pagkagising ko‚” pagbasag ko sa katahimikang bumabalot sa ‘min.
Sa pagkakaalam ko ay magpinsan sina Kaleb at Ali kaya nagtataka lang ako kung bakit hindi ko napapansin si Ali sa palasyo. Saka hindi ba dapat ay kasalo namin siya sa pagkain?
“Umuwi na siya sa kanila. Hindi na niya nagawa pang magpaalam sa ‘yo dahil ayaw ka niyang abalahin ang pagsasanay ninyo ni Kaleb‚” mahabang tugon ni tita na ikinasalubong ng kilay ko.
“Ang ibig po ba ninyong sabihin ay hindi siya rito nakatira?” nag-aalangang tanong ko para tiyaking tama nga ang interpretasyon ko sa sinabi ni Tita Makayla.
“Ganoon na nga. Mas pinili kasi ng ina niyang si Wendy na bumukod noong mamatay ang kapatid kong si Gael‚ ang ama ni Ali. Nahirapan kasi silang tanggapin ang pagkawala ng kapatid ko at hindi makakatulong para sa kanila kung mananatili pa sila rito dahil bawat sulok ng palasyong ito ay ipanapaalala ang masasayang araw na pinagsaluhan nila‚” malungkot na sagot ni Tita Makayla.
Kasabay ng biglang paglungkot ng tono ng boses ni Tita Makayla ay ang siya ring paghugot ng malalim na hininga nina Kaleb at Tito Korbin‚ inidikasyon na mabigat sa loob nila na maalala ang pagkawala ng ama ni Ali. Kaya naman ay hindi na ako nagtanong pa dahil nakikita ko naman base sa ekspresyon ng mga mukha nila na ayaw nilang pag-usapan ang bagay na ito dahil bumabalik lang ang sakit at hirap na dinanas nila noong mawalan sila ng isang mahal sa buhay‚ bagay na alam na alam ko at nauunawaan ko dahil nawalan na rin ako ng mahal sa buhay. Ang masaklap pa ay hindi lang isang mahal sa buhay ang nawala sa ‘kin kundi dalawa at sabay pa silang nawala. Pero kahit na gano’n ay mas gugustuhin ko pa ring paulit-ulit na maalala ang nangyari kina mommy’t daddy dahil ito ang magpapatatag sa ‘kin at ito ang magiging motibasyon ko para mas paghusayan ko pa ang pagsasanay ko para magawa kong mapagbayad ang mga nasa likod ng pagkawala nila.
That’s how desperate I am to avenge their death. I’m willing to torture myself emotionally and mentally just to get the justice that my parents deserve.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top