CHAPTER 41: HER ULTIMATE GOAL
ALTHEA’S POV
Dalawang araw na ang nakalilipas magmula nang magkagulo kami sa opisina ni Sir Ahmir at sa loob ng dalawang araw na nakalipas ay nasa palasyo lang ako. Pinagbawalan kasi ako ni Kaiden at maging ng hari at reyna na pumasok sa akademya. Kailangan ko raw kasi ng sapat na pahinga para tuluyang bumalik ang lakas ko. Ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit sa loob ng nakalipas na dalawang araw ay kung ano-ano nang pag-eensayo ang ginawa namin ni Kaiden tuwing pag-uwi niya galing akademya. Nakakapagtaka kasi na ayaw nila akong papasukin sa klase ko dahil kailangan ko raw ng pahinga pero pinag-eensayo nila ako. Nasaan ang pahinga ro’n?
Hindi naman sa ayaw kong mag-ensayo. Nagtataka lang talaga ako kung para saan ang pag-eensayong ginagawa namin. Wala naman akong alam na laban na kahaharapin ko at wala rin naman akong balak na makisangkot sa kahit anong gulo. Well‚ maliban na lang kung may makita akong inaapi.
“Lady Althea?” tawag sa akin ng isang boses mula sa labas ng silid na inookupa ko na nakaagaw ng atensyon ko at nagpalingon sa akin sa direksyon ng pinto.
“Tuloy ka‚” pagkausap ko sa kung sinumang nasa labas saka dali-dali akong umayos ng pagkakasandal ko sa headboard.
Agad namang iniluwa ng pinto ang isa sa mga tagapagsilbi ng palasyo na dali-dali pang yumuko upang magbigay-galang.
“Dumating na po ang mahal na prinsipe at pinatatawag niya po kayo sa labas ng palasyo para mag-ensayo‚” imporma sa akin ng tagapagsilbi habang nakayuko pa rin ito.
“Susunod ako. Magbibihis lang ako saglit‚” tugon ko at tipid kong nginitian ang tagapagsilbi ng palasyo kahit pa hindi naman ito nakatingin sa ‘kin.
Agad naman nang nagpaalam ang tagapagsilbi ng palasyong inutusan ni Kaiden kaya kumilos na rin ako para magbihis.
Isang four pockets army green jogger‚ itim na fitted sando na pinili kong i-tuck in at itim na combat shoes ang pinili kong suutin para madali akong makakilos. Itinali ko rin into a ponytail ang buhok ko para hindi ito makaabala mamaya sa ensayo namin ni Kaiden.
Pagkatali ko sa buhok ko ay hindi ko na inabala pa ang sarili kong humarap sa salamin para tingnan ang ayos ko. Agad na akong dumiretso sa malawak na bahagi ng palasyo na tanging mga puno at damuhan lang ang makikita. Napapalibutan ng mga puno ang buong paligid ngunit malalaki ang pagitan ng bawat isa na tila ba inilagay lamang ito roon para may masilungan ang sinumang pupunta sa bahaging iyon ng palasyo.
Alam ko na ang itsura ng lugar na pupuntahan ko dahil doon din naman kami nag-ensayo ni Kaiden nitong mga nakaraang araw. At dahil nga hindi naman ito ang unang beses ko roon ay madali ko lamang narating ang lugar na sadya ko.
Agad na hinanap ng paningin ko si Kaiden nang marating ko ang destinasyon ko. Hindi naman ako nahirapang hanapin siya dahil nakasandal lamang siya sa isang puno habang nakapamulsa at nakatingalang naghihintay sa pagdating ko.
All black ang suot ni Kaiden mula sa damit hanggang sa sapatos: isang itim na muscle shirt‚ itim na jogger at itim na combat shoes.
Ilang minuto ko pang pinagmasdan si Kaiden mula sa malayo bago ako tuluyang lumapit sa kaniya. Agad naman niyang napansin ang presensya ko kung kaya agad siyang nag-angat ng tingin at sinalubong niya ang tingin ko. Ngunit hindi pumirmi sa mukha ko ang tingin niya. Pinasadahan pa niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa na ikinasalubong ng kilay ko.
“Nice outfit‚” komento ni Kaiden nang matapos na siyang suriin ang ayos ko.
I rolled my eyes at him. “Thanks‚” sarkastikong tugon ko.
Ayoko mang maging sarkastiko ay hindi ko talaga mapigilan ang sagutin siya nang puno ng sarkasmo. Paano ba naman kasi ay pinuri nga niya ang suot ko pero hindi ko naman ramdam na sincere siya rito dahil ni hindi man lang siya ngumiti kahit tipid. Para lang siyang robot na naka-program nang puriin ang damit ng sinumang makakaharap at makakausap niya.
“Ano na namang pakulo mo ngayon‚ kamahalan?” mayamaya’y tanong ko nang mapansin kong tila walang balak si Kaiden na ipaalam sa akin kung anong gagawin namin sa araw na ito.
Nakapamulsa siyang naglakad palapit sa ‘kin bago niya sinagot ang tanong ko.
“I’m going to teach you how to use your fire and ice charms‚” seryosong tugon niya.
Agad namang umarko ang isang kilay ko sa narinig ko. Kung ang paggamit lang ng fire and ice charms ang ituturo niya sa ‘kin‚ paano naman iyong air‚ earth at water charms ko?
“I know what you’re thinking and yes‚ I will only teach you how to use your fire and ice charms since those are the only charms that I possess aside from—oh. If you’re concern about your other charms‚ Athena and Kaleb will be the one to help you with that matter. And regarding your battle skills‚ the council recommended Ali to be your trainer since he’s the head of the knights of the Fray Kingdom‚” mahabang paliwanag ni Kaiden na tinanguan ko na lang dahil wala akong mahagilap na sagot sa haba ng sinabi niya.
Isa pang dahilan kung bakit wala akong naiusal na salita ni isa ay dahil nagulat din ako sa haba ng sinabi ni Kaiden. Parang ito yata ang unang beses na nagsalita siya ng mahaba. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka end of the world na o baka nasapian siya ng isang mabuting espiritu.
“Ano pang tinutunganga mo riyan? Simulan na natin ang ensayo‚” singhal sa akin ni Kaiden na pumukaw sa atensyon ko.
Dali-dali akong napaayos ng tayo at gaya ng sabi ni Kaiden ay sinimulan na namin ang aming ensayo.
Maraming itinuro sa akin si Kaiden na mga technique sa pakikipaglaban gamit ang fire and ice charms ko. Tinuruan niya rin ako kung paanong pagsamahin ang fire and ice charms ko para makagawa ako ng isang tubig na pwede kong gawing nakakapaso o nakakanginig sa lamig. Bukod dito ay ibinahagi rin sa akin ni Kaiden ang iba pang gamit ng charms ko na pupuwede kong magamit kapag may emergency. Halimbawa na lang kapag may nalason. Maaari ko raw sunugin ang lason na nasa loob ng katawan ng isang nilalang bago pa man ito kumalat o i-freeze ito at gawing yelo para mapigilan ang pagkalat nito.
Dahil sa dami ng itinuro sa akin ni Kaiden ay inabot na kami ng dapit-hapon sa pag-eensayo. Kaya naman ay sobrang napagod ako at ramdam ko na rin ang tila pagkaubos ng lakas ko. Pero worth it naman ang pagod at effort naming pareho dahil nagagawa ko nang kontrolin ang kapangyarihan ko at hindi na ito kusang lumalabas kapag nakakaramdam ako ng matinding emosyon. Pinasabak kasi ako kanina ni Kaiden sa isang pagsusulit kung saan ay kinailangan niya akong inisin at galitin para daw makita niya kung magagawa ko bang pigilan ang kusang paglabas ng kapangyarihan ko dala ng matinding emosyon. At hindi ko naman siya nabigo dahil hindi na kusa pang lumabas ang kapangyarihan ko at nagawa ko ring pahupain ang galit at inis ko bago pa ako tuluyang lamunin nito. Ngunit hindi naging madali sa akin ang pagsubok ni Kaiden dahil noong mga unang subok kong pagtagumpayan ito ay makailang ulit din akong nagpadala sa galit ko at huli na nang mapagtanto ko ang ginawa kong pagpapaulan sa kaniya ng atake. Mabuti na nga lang at lahat ng atake ko ay naiwasan niya kung kaya wala siyang natamo ni galos. Handa rin naman siya sa anumang atake ko kaya madali lamang niyang naiwasan at nalabanan lahat ng atake ko sa kaniya.
Dahil nga tapos na ang pagsasanay namin ni Kaiden ay sabay na kaming pumasok ng palasyo. Ngunit agad din kaming naghiwalay ng landas dahil nasa magkaibang direksyon ang aming mga silid.
Nang makarating ako sa silid na inookupa ko ay dire-diretso akong pumasok sa banyo para maligo. Pakiramdam ko kasi ay nanlalagkit na ako dahil sa pawis. Saka kailangan ko rin talagang maligo at mag-ayos ng sarili dahil mukha na akong basahan sa suot ko. Paano ba naman kasi ay may ilang butas na ang damit ko mula sa apoy na nanggaling mismo sa kapangyarihan ko at basang-basa na rin ako dahil sa ilang ulit na paggamit ni Kaiden sa kapangyarihan niya upang labanan ang apoy ko at para patayin ang apoy sa damit ko bago pa ito kumalat.
Madali lang naman akong natapos na maligo dahil hindi na rin ako nagbabad pa lalo’t maggagabi na at malamig na rin. Kaya agad na rin akong lumabas ng banyo at nagbihis ng pantulog saka ko ibinagsak ang sarili ko sa malambot na kama.
Paglapat ng likod ko sa malambot na kama ay napatitig na lamang ako sa kisame at habang nakatitig ako rito ay kusa na lamang nanariwa sa isipan ko ang naging usapan namin ni Tita Aurora at ang hiling niya sa ‘kin. Kaya naman ay mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga ko at nagmamadali akong pumunta ng throne room.
Pagkarating ko sa throne room ay agad-agad akong lumapit kina Tita Selena at Tito Rohan at nakayuko akong tumigil sa harapan nila.
“Magandang hapon po‚ Tita Selena‚ Tito Rohan‚” nakayukong pagbati ko kina Tita Selena at Tito Rohan.
Aaminin kong nagtatalo ang loob ko kung yuyuko ba ako o hindi sa harapan nina Tita Selena at Tito Rohan. Pakiramdam ko kasi ay hindi ko naman na kailangan pang yumuko sa kanilang harapan. Pero tuwing naaalala ko ang katayuan nila at ang katotohanang sampid lang ako sa kaharian nila ay napapayuko na lamang din ako. Saka hari at reyna pa rin naman sila ng isang kaharian kahit pa hindi nila ako itinuturing na iba sa kanila kaya kailangan ko pa ring magbigay-galang at wala pa rin akong karapatang tingnan sila nang diretso sa mga mata.
“Anong maipaglilingkod namin sa isang napakagandang dilag na nasa aming harapan?” malambing na tanong ni Tita Selena na nahihimigan kong nakangiti pa habang nakatingin sa direksyon ko.
Humugot muna ako ng isang malalim na hininga upang humugot ng lakas saka ako nag-angat ng tingin para sana sabihin ang pakay ko. Ngunit bago ko pa man maibuka ang bibig ko ay nagsalita na si Tito Rohan.
“Ganiyan nga‚ hija. Huwag kang yuyuko at huwag mong itatago ang napakaganda mong mukha. Ang isang tulad mo ay hindi dapat na yumuyuko kahit na kanino dahil kung tutuusin ay kami dapat ang yumuko sa tulad mong pinagpala‚” mahabang wika ni Tito Rohan na nagpakunot ng noo ko.
Hindi ko malinaw na naunawaan ang huling sinabi ni Tito Rohan. Hindi ko alam kung may malalim ba itong kahulugan o ano. Kaya naisipan kong tanungin siya tungkol dito. Ngunit hindi ko na naituloy pa ang balak kong pagtatanong nang bigla kong maalala ang sadya ko. Kaya naman sa halip na tumugon ako sa sinabi ni Tito Rohan ay nag-aalangan ko na lamang siyang nginitian bago ko ibinaling kay Tita Selena ang tingin ko.
“Maaari ko po ba kayong makausap‚ Tita Selena?” nag-aalangan kong tanong kay Tita Selena nang sandaling magtagpo ang aming tingin.
Sa halip na sagutin ang tanong ko ay matamis lamang akong nginitian ni Tita Selena. Pagkatapos ay ibinaling niya kay Tito Rohan ang tingin niya.
Hinalikan ni Tita Selena sa pisngi si Tito Rohan at may ibinulong pa siya rito saka siya bumaba ng trono at pumunta sa harapan ko.
“Doon tayo mag-usap sa aming silid‚” nakangiting wika ni Tita Selena saka siya tumabi ng tayo sa ‘kin at maingat akong hinawakan sa baywang.
Nang sandaling lumapat ang kamay ni Tita Selena sa baywang ko ay agad niya akong iginiya patungo sa kanilang silid at wala na akong nagawa pa kundi tahimik na magpatianod.
Dinala ako ni Tita Selena sa harap ng isang napakagarang pinto na napapalamutian ng iba’t ibang uri ng naggagandahang hiyas na nagliliwanag sa sobrang kinang.
“Tayo na sa loob‚” yaya sa akin ni Tita Selena at kasabay nito ay kusa na lamang bumukas ang pintong kanina ko pa pinagmamasdan.
Sa pagbukas ng pinto ay isang napakalinis‚ napakagara‚ napakaganda‚ napakalawak at napakaayos na kwarto ang bumungad sa amin na hindi na nakakagulat pa dahil hari’t reyna naman ang nagmamay-ari ng silid na nasa aming harapan. Ngunit nang pumasok kami sa loob ng silid ay doon na ako nagulat sa tumambad sa ‘kin. Napakaraming nagliliwanag na alitaptap ang nasa ceiling na nagmistulang mga bituin sa kalangitan. Bukod dito ay may mga nagliliwanag ding makukulay na paruparo ang palipad-lipad sa mga halamang nasa magkabilang gilid ng malaking bintanang gawa sa salamin na nasa kaliwang bahagi ng malaking kama. Maging ang dalawang halamang nasa magkabilang gilid ng three-seater na couch na nasa mini-sala sa may bandang paanan ng malaking kama ay mayroon ding mga makukulay at nagliliwanag na paruparo. Ang couch na ito ay nakadikit na ang likurang bahagi sa pader at nakaharap sa kama. Sa magkabilang gilid naman nito ay mayroon ding dalawang couch ngunit pang-isang katao lamang ang mga iyon at sa gitna ng tatlong couch ay naroon ang isang square na mesa na gawa sa matibay na uri ng salamin. At sa magkabilang bahagi ng mini-sala ay may dalawang pinto na nakapuwesto sa bawat dulo o kanto.
Kung igagala mo rin ang tingin mo sa paligid ay mapapansin mo ang napakaraming painting na nakadikit sa pader na tila ba isang art gallery ang napasukan namin at hindi isang silid-tulugan. Sa magkabilang gilid naman ng kama ay may dalawang mesa na may mga drawer at may tig-iisang upuan. Ang nasa kaliwa ay isang dressing table na may nakapatong pang mga jewelry box at isang bilog na salamin at sa tabi nito sa kaliwa ay may isang malaking oval-shaped na salaming may gold linings. Isang study table naman ang nasa kabilang bahagi ng kama na may mga nakapatong pang napakaraming aklat at ilang mga papel.
Nang matapos na akong suyurin ng tingin ang buong silid ay doon ko lamang napansing wala na pala sa tabi ko si Tita Selena. Kaya naman muli kong iginala ang tingin ko sa paligid upang hanapin siya. Hindi naman ako nahirapang hanapin siya dahil agad na napako ang tingin ko sa mini-sala kung saan ay komportableng nakaupo si Tita Selena sa mahabang couch habang nakikipaglaro sa mga paruparong palipad-lipad sa halamang nasa kaliwang bahagi ng couch.
Tila naramdaman naman ni Tita Selena ang mga titig ko kaya agad siyang napatingin sa direksyon ko. At nang magtagpo ang aming tingin ay umayos muna siya ng upo bago niya ako inanyayahang lumapit sa kaniya at tumabi sa kaniya ng upo na agad ko namang pinaunlakan.
“Sige na‚ hija. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Makikinig ako‚” nakangiting wika ni Tita Selena nang makaupo na ako sa tabi niya at magkaharap kami.
Dahil sa ngiting ibinibigay sa akin ni Tita Selena ay tila bulang nawala ang kabang nararamdaman ko sa loob-loob ko. Kaya naman ay walang pag-aalangan kong inilahad ang pakay ko.
“Tita‚ nais ko po sanang hingin ang permiso ninyo patungkol sa bagay na nais kong gawin‚” diretsahan kong pagpapahayag sa pakay ko.
“Ano ‘yon‚ Thea? Sige na‚ sabihin mo na. Huwag ka nang mahiya. Hindi ka na naman iba sa ‘kin‚” nakangiting pag-uudyok sa akin ni Tita Selena na ihayag ko kung anumang tinutukoy ko sa sinabi ko at naramdaman ko na lamang ang malalambot at magagaan niyang mga kamay na nakahawak sa magkabila kong kamay.
“Hihingin ko po sana ang permiso ninyo. Balak ko po kasing doon na tumira sa Mesh Kingdom kasama si Jane‚” diretsahan kong paglalahad sa bagay na nais kong ihingi ng permiso kay Tita Selena.
Hindi naman kasi ako pupuwedeng basta na lang magdesisyon at lisanin na ang Sapience Kingdom nang hindi hinihingi ang permiso nina Tita Selena at Tito Rohan. Sila pa rin naman ang reyna at hari ng kahariang tinutuluyan ko at hindi magandang tingnan kung basta na lang akong aalis nang hindi ko hinihingi ang pahintulot nila dahil para ko na rin silang binastos.
Tahimik kong hinintay ang sagot ni Tita Selena sa sinabi ko nang hindi ko inaalis ang tingin ko sa kaniya. At dahil nga nakapako pa rin sa kaniya ang tingin ko ay hindi nakalusot sa ‘kin ang biglang pagbabago ng ekpresyon ng mukha niya matapos niyang marinig ang sinabi ko. Bigla na lamang nabura ang ngiting palaging nakapinta sa labi niya at nabahiran ng lungkot at pag-aalala ang kaniyang mga mata.
Dali-dali naman akong humagilap ng salitang pupuwede kong sabihin para hindi masamain ni Tita Selena ang sinabi ko at para hindi tuluyang kumalat ang lungkot sa sistema niya.
“Tita‚ huwag po kayong mag-alala dahil pupunta pa rin naman po ako rito sa palasyo para dumalaw‚” agad kong pahayag bago pa isipin ni Tita Selena na pinuputol ko na ang anumang koneksyon ko sa kanila.
Sa kabila ng sinabi ko ay hindi pa rin nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Tita Selena. Malungkot pa siyang bumuntong-hininga at malungkot niyang hinawakan ang kanang pisngi ko habang diretso pa rin siyang nakatingin sa mga mata ko.
“Kailangan mo ba talagang umalis?” malungkot na tanong ni Tita Selena.
Hindi ko naman ang maiwasan ang mataranta at mapaisip ng pupuwede kong sabihin para alisin ang lungkot na nababakas ko sa mukha at boses ni Tita Selena.
“Kung hindi po ninyo nagustuhan ang sinabi ko at ayaw ninyong pagbigyan ang hiling ko‚ ayos lang po sa ‘kin. Naiintindihan ko po. Maaari naman po akong dumalaw na lang kina Jane‚” maagap kong wika upang subukang labanan ang pagkalat ng lungkot sa sistema ni Tita Selena.
Sunod-sunod ang naging pag-iling ni Tita Selena matapos kong magsalita na tila ba pinaparating niya sa ‘king mali ang interpretasyon ko sa tanong niya.
“Hindi naman sa ayaw ko. Inaalala ko lang si Kamila at ang mararamdaman niya‚” pagtatama ni Tita Selena sa mali kong interpretasyon sa sinabi niya.
“Kahit naman kasi maikling panahon pa lang ang inilalagi mo rito sa kaharian ay sobrang malapit na ang loob sa ‘yo ng anak kong si Kamila. Noon ngang hindi ka nakauwi rito dahil sa pagdala sa ‘yo ni Athena sa kanilang kaharian ay magdamag na umiyak si Kamila at panay ang hanap niya sa ‘yo. Hindi rin siya kumain nang maayos at maging sa pagtulog ay tinatawag niya ang pangalan mo. Isipin mo‚ isang araw ka lang nawala no’n pero ganoon na ang naging epekto kay Kamila. E ano pa kaya kung hindi ka na rito titira?” mahabang pahayag ni Tita Selena sa dahilan kung bakit hindi niya agad nabigyan ng positibong tugon ang sinabi ko.
Hindi ko naman maiwasan ang biglang makaramdam ng guilt sa mga sinabi ni Tita Selena. Ako pala ang dahilan kung bakit mugto ang mga mata ni Kamila noong pag-uwi ko matapos kong matulog kina Jane tapos ni hindi ko man lang siya inisip bago ako nagdesisyong pagbigyan ang hiling ni Tita Aurora.
“Saka kung ako rin naman ang tatanungin mo ay mas gusto kong nandito ka sa palasyo dahil magaan ang loob namin sa ‘yong mag-asawa at masaya kaming makitang unti-unti nang nagbabago ang tahimik naming panganay dahil sa ‘yo. Magmula kasi nang bumalik siya rito kasama ka ay tila natututo na siyang makisama sa iba at madalas ko rin siyang makitang ngumingiti nang mag-isa kagaya ng kung paano siyang ngumiti mga sampung taon na ang nakakaraan. Sa nakikita ko rin ay tila tanging ikaw lang ang nakakapagpasaya sa kaniya. Kaya hangga’t maaari ay ayaw ko sanang malayo ka sa anak ko‚” dagdag pa ni Tita Selena na hindi magawang tanggapin ng sistema ko.
Hindi ko alam kung mata-touch ba ako sa sinabi ni Tita Selena o mapapakunot-noo. Ang hirap naman kasing paniwalaan na ang isang napakasungit at napaka-cold na prinsipe ng mga yelo ay nagbabago dahil sa ‘kin. E daig pa nga ako no’n kung magtaray at magsungit. Kaya napakaimposible talaga ng sinabi ni Tita Selena. Saka si Kaiden‚ ngingiting mag-isa? Hindi ba’t suntok sa buwan ‘yon? Paano naman ‘yon ngingiti mag-isa kung ni hindi nga siya marunong ngumiti sa harapan ng iba o kahit sa harap ng pamilya niya?
Pero aaminin kong may parte rin sa akin ang gustong paniwalaan ang sinabi ni Tita Selena. May kung ano sa loob ko na hinihiling na sana nga totoo ang mga narinig ko. Pero sa halip na alamin ko pa kung ano itong nasa loob ko na nag-uudyok sa aking paniwalaan ang isang imposibleng bagay ay pinili ko na lamang na huwag nang pansinin pa ang sinabi ni Tita Selena patungkol kay Kaiden. Mas pinagtuunan ko na lamang ang sinabi niya tungkol kay Kamila.
“Naiintidihan ko po kayo‚ tita. Kaya naman ay hindi ko na po itutuloy ang balak ko. Pero gusto ko pa rin po sanang hingin ang permiso ninyo para magawa ko pa ring dumalaw at matulog kina Jane paminsan-minsan‚” wika ko matapos kong mapag-isipan ang mga sinabi ni Tita Selena at ang pangako ko kay Tita Aurora.
Sa pagsasaalang-alang ko sa pangako ko kay Tita Aurora at sa mararamdaman ni Kamila kapag tinupad ko ang pangako ko kay Tita Aurora ay napagtanto kong hindi ko naman kailangang mamili sa dalawa. Pupuwede ko pa rin namang tuparin ang pangako ko kay Tita Aurora nang hindi ko sinasaktan ang loob ni Kamila at pupuwede ko rin namang piliing manatili sa Sapience Kingdom para kay Kamila nang hindi napapako ang pangako ko kay Tita Aurora. Ang sabi ko lang naman kasi kay Tita Aurora ay dadalaw-dalaw ako sa Mesh Kingdom at titingnan ko kung papayag sina Tito Rohan at Tita Selena na sa Mesh Kingdom na ako tumira. Hindi naman ako nangakong sa Mesh Kingdom na ako titira.
“Hindi mo na kailangan pang hingin ang permiso ko sa bagay na ‘yan. Hindi ko naman maiaalis sa ‘yo ang kagustuhan mong makasama ang kaibigan mo kaya pwedeng-pwede kang dumalaw sa kanila kailan mo man naisin. Iyon nga lang ay kailangan mo pang ipaliwanag at ipaintindi kay Kamila ang sitwasyon para hindi ka niya hanapin at para hindi siya magtampo‚” nakangiti nang wika ni Tita Selena na tila ba bigla siyang nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan matapos niyang marinig ang naging desisyon ko.
Maging ako ay hindi ko na rin naiwasan pa ang mapangiti dahil sa maayos na takbo ng usapan namin ni Tita Selena.
“Maraming salamat po‚” nakangiting pasasalamat ko kay Tita Selena at hindi ko na napigilan pa ang sarili kong yakapin siya sa sobrang tuwa ko na agad din naman niyang tinugon ng mahigpit na yakap.
Hindi naman na nagtagal pa ang yakapan namin ni Tita Selena dahil agad ko ring pinutol ang aming yakapan nang biglang sumagi sa isipan ko si Kamila.
“Sige po‚ magpapaalam na po ako. Pupuntahan ko lang po muna si Kamila sa kwarto niya‚” nakangiting paalam ko kay Tita Selena at dali-dali na akong tumayo.
Pagkatayo ko ay agad ko na sanang lilisanin ang silid ngunit hindi ko na nagawa pang ihakbang ang paa ko nang bigla ring tumayo si Tita Selena na para bang balak niya akong sabayan sa pag-alis ko.
“Samahan na kita‚” nakangiting alok ni Tita Selena na agad ko namang pinaunlakan. Kaya naman ay magkasama kaming nagtungo sa kwarto ni Kamila kung saan ay naabutan namin si Kamila na baliktad na nakadapa sa kama at abala sa pagbabasa ng aklat.
“Kamila‚ anak?” malambing na tawag ni Tita Selena kay Kamila na nagpalingon kay Kamila sa direksyon namin.
Agad namang umaliwalas at sumigla ang mukha ni Kamila kasabay ng pagguhit ng masayang ngiti sa labi niya nang matuon ang tingin niya sa ‘min.
“Ate! Ina!” masayang sigaw ni Kamila at dali-dali siyang bumangon at bumaba ng kama saka patakbo siyang lumapit sa ‘min.
Nang makalapit sa amin si Kamila ay nagulat na lamang ako nang bigla niya kaming yakapin nang sobrang higpit na para bang ilang taon kaming hindi nagkita. Una niya akong niyakap bago si Tita Selena na naiintindihan ko naman dahil naging abala ako sa pag-eensayo nitong mga nakaraang araw kaya madalang na lang kaming mag-usap.
“Itong batang ito talaga. Daig pa ang hindi tayo nakita ng isang taon‚” natatawang sambit ni Tita Selena habang nakayakap pa rin sa kaniya si Kamila.
Agad din namang humiwalay si Kamila kay Tita Selena at nakangiti siyang nag-angat ng tingin dito.
“Ina‚ pasyal tayo kasama si Ate Thea!” masiglang yaya ni Kamila kay Tita Selena.
Napangiti na lang din naman si Tita Selena kay Kamila. “Sige‚ anak. Pero magpapaalam muna ako sa ama mo para hindi niya tayo hanapin‚” nakangiting pagpayag ni Tita Selena‚ dahilan upang magtatatalon sa tuwa si Kamila.
Matamis na lamang din akong napangiti sa eksenang nasaksihan at nasasaksihan ko. Nakakatuwang makita na sa kabila ng mabigat na responsibilidad ni Tita Selena bilang reyna ng kanilang kaharian ay nagagawa pa rin niyang maglaan ng oras sa mga anak niya.
Bago si Tita Selena umalis para magpaalam kay Tito Rohan ay ibinilin niya sa akin si Kamila na bigla na lang akong hinila papunta sa harapan ng dressing table at walang sabi-sabi akong pinapuwesto sa likod ng upuang nasa tapat nito habang naupo naman siya roon.
“Ate‚ ayusan mo ako tapos ayusan din kita pagkatapos‚” tuwang-tuwang sabi ni Kamila na nakatingin na sa sarili niyang repleksyon sa maliit na salaming nasa harapan niya.
Nakangiti na lamang akong napailing-iling dahil sa pinaggagagawa ni Kamila bago ko sinimulang ayusin ang buhok niya.
I tied Kamila’s hair into a double dutch braids and it only took 10-15 minutes of our time.
“Yey! Ang ganda! Kamukha na kita!” tuwang-tuwang sigaw ni Kamila na masayang pinagmamasdan ang sarili niyang repleksyon sa salamin habang nilalaro niya ang bawat dulo ng nakatali niyang buhok.
Nang makuntento na si Kamila sa ilang segundo niyang pagsipat sa ayos niya ay nagmamadali siyang pumunta sa likuran ko at basta na lamang niya akong itinulak-tulak paupo sa upuan kung saan siya nakaupo kanina.
Magtatanong pa sana ako kung anong tumatakbo sa isipan ni Kamila ngunit hindi ko na naibuka pa ang bibig ko dahil nasagot din naman ang tanong ko nang simulan na ni Kamila na kalikutin ang buhok ko.
Madali lang namang natapos si Kamila sa kung anumang ginagawa niya sa buhok ko dahil minadali lang naman niya itong gawin na para bang pinag-eensayuhan lamang niya ang buhok ko para matuto siyang mag-ayos ng buhok.
“Ta-da! Kambal na tayo!” masayang sambit ni Kamila matapos niyang kalikutin ang buhok ko at idinikit niya pa ang mukha niya sa mukha ko para tingnan sa salamin ang ayos namin.
Ang kasalukuyang ayos ng buhok ko ay katulad lang din ng ayos ng buhok ni Kamila. Pero dahil bata pa nga siya ay medyo magulo ang pagkakatali niya sa buhok ko.
“Thea‚ Mil‚ tara na!” sigaw ni Tita Selena mula sa direksyon ng pinto na nakaagaw ng atensyon namin ni Kamila.
Sa paglingon ko sa direksyon ng pinto ay bumungad sa akin ang nakangiting si Tita Selena na nakasuot ng isang puting floral dress na abot hanggang tuhod at isang flat shoes na kulay krema.
Sa unang tingin ay aakalain mong isa lamang ordinaryong babae si Tita Selena at hindi isang reyna na niyuyukuan ng lahat. Sa ayos niya kasi ay hindi na siya mapagkakamalan pang reyna. Saka idagdag pa ang awra niya na tila nanghihikayat na lapitan mo siya at kaibiganin. Sa tindig pa lang niya ay masasabi mo nang hindi siya iyong tipo na mag-aalangan kang lapitan at kausapin‚ bagay na mas lalong nagpapataas ng respeto at paghanga ko kay Tita Selena.
“Halina kayo. Tama na ‘yang pag-aayos ninyo. Naghihintay na sa labas ng palasyo ang karwaheng sasakyan natin‚” yaya sa amin ni Tita Selena.
Agad naman na akong tumayo at nagsimula na rin akong maglakad palapit kay Tita Selena. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalapit kay Tita Selena ay natigil na ako sa paglalakad ko dahil sa pagdaan sa gilid ko ng tumatakbong si Kamila na patungo sa dikresyon ni Tita Selena. At nang makalapit si Kamila kay Tita Selena ay bigla na lamang niyang hinila si Tita Selena papunta sa harap ng dressing table at basta na lamang niya itong pinaupo sa upuang kanina ay inupuan ko at sinimulan na niyang ayusin ang buhok nito.
“Dapat pare-pareho tayo ng buhok para masaya‚” nakangiting wika ni Kamila habang abala na siyang kalikutin ang nakalugay na buhok ni Tita Selena na kulay puti at may highlights na asul sa dulo na bumagay sa asul niyang mga mata.
Napatitig na lamang ako kina Tita Selena st Kamila at hindi ko na nagawa pang kumilos sa kinatatayuan ko. At habang pinanonood ko silang mag-ina ay bigla na lamang akong binalot ng lungkot nang bigla kong maalala sina mommy’t daddy.
Aaminin kong nitong mga nakaraang araw ay nakalimutan ko sina mommy’t daddy. Marami kasi ang nangyari at naging abala rin ako sa pag-eensayo. Ngunit ngayong naalala ko ulit sila ay tila tumindi ang pangungulila at lungkot na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay parang nanariwa sa akin ang sakit ng pagkawala nila na para bang kahapon lang nangyari ang lahat. Hindi ko rin maiwasang mangarap na sana ay dumating ang araw na makasama ko ulit sila at mayakap katulad ng dati. Pero alam kong imposible na ‘yong mangyari. Kaya nga hindi ko rin mapigilan ang panghinaan ng loob. Pero tuwing naaalala ko kung paano sila walang awang pinatay ay biglang tumitibay ang loob ko at iyon ay dahil sa hangarin kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nila. Ngunit aaminin ko ring hindi lang iyon ang dahilan kung bakit nananatili pa rin ako matatag sa kabila ng lahat. May isa pang dahilan at iyon ay ang kagustuhan kong alamin ang tungkol sa tunay kong katauhan.
Hanggang ngayon ay misteryo pa rin para sa ‘kin ang tungkol sa tunay kong pagkatao kaya naman ay maraming tanong ang gumugulo sa ‘kin at pilit kong hinahanapan ng sagot ang lahat ng ito. Pero wala akong sama ng loob kina mommy kahit pa naglihim at nagsinungaling sila sa ‘kin. Sa katunayan ay malaki nga ang pasasalamat ko sa kanila dahil sa pagmamahal at pag-aaruga nila sa ‘kin. Nagpapasalamat din ako na itinuring nila akong tunay na anak kahit na may posibilidad na hindi sila ang totoo kong mga magulang. Sayang lang at maaga silang nawala. Ni hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanila at ni hindi ko man lang nasabi sa kanila kung gaano ko sila kamahal. At lahat ng iyon ay dahil sa hayop na Darkinians na ‘yon. Kaya naman ay hindi ako titigil sa paghahanap sa kanila. Hahanapin ko sila kasabay ng pagtuklas ko sa tunay kong pagkatao. At sa oras na mahanap ko sila ay wala nang makakapigil pa sa paghihiganti ko. Ako na mismo ang sisingil at magpaparusa sa kanila para mabigyan ko ng hustisya ang pagkamatay nina mommy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top