CHAPTER 4: A TRUCE

ALTHEA’S POV

Tatlong araw na ang nakakalipas magmula noong una akong pumasok ng unibersidad at sa tatlong araw na iyon ay halos dukutin ko na ang mata ng weirdong lalaking katabi ko sa upuan dahil sa tatlong araw na ito ay wala siyang palya sa pagsunod at pagtitig sa akin saanman ako magpunta. Mapa-library o hardin man ay parati siyang nandoon at palaging nakatitig sa akin.

Hindi naman ako artista at hindi rin naman ako sikat para i-stalk niya. Sadyang sabog lang talaga siguro siya kaya pati katulad ko na manang‚ nerd at walang kaalam-alam sa uso ay pinapatos niya. Hindi ko na nga lang pinapansin ang mga titig niya at ang pagbuntot-buntot niya sa ‘kin kahit madalas ay nakakapang-init na ng ulo. Kung makabuntot kasi siya ay daig niya pa ang aso.

Minsan naman kapag naiinis na talaga ako ay sinasalubong ko ang titig niya at tuwing ginagawa ko ‘yon ay agad siyang nag-iiwas ng tingin at nagkukunwaring nakatingin sa ibang direksyon. Tsk! Akala niya ba hindi ko napapansin ang mga titig niya at ang pagsunod-sunod niya sa ‘kin? Sorry na lang siya dahil alam ko lahat ng pinaggagagawa niyang kaadikan. Para ano pa’t matalas ang pakiramdam ko kung hindi ko rin naman magagamit?

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit sa paraan ng pagtititig niya sa akin ay para bang matagal na niya akong kilala. Ang mas weird pa roon ay ‘yon din ang pakiramdam ko sa kaniya. Ngunit ang tanong‚ kilala ko ba talaga siya? Pero paano?

Wait! Hindi kaya bahagi siya ng nakaraan ko na hindi ko na maalala? Pero ano ko siya? Kaibigan? Dating kaklase? Kakilala? O baka naman adik siya sa kanto tapos hinablot niya ang bag ko kaya siya nakulong tapos kaya wagas siya makatitig sa ‘kin kasi balak niyang maghiganti sa ‘kin dahil sa pagkakakulong niya?

Haist! Erase. Erase. Erase. Ano ba ‘tong pinag-iisip ko? Kanina adik‚ sunod naman ay tambay sa kanto at ngayon‚ snatcher. Argh! Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Totoo nga ang sabi nila. Maraming nababaliw sa sobrang katalinuhan dahil kung ano-anong kabaliwan ang pumapasok sa mga isipan nila.

Kasi naman. Kung may gusto siyang sabihin‚ sabihin niya. Kung may gusto siyang gawin‚ gawin niya. Hindi ‘yong puro lang siya titig. Kung ano-ano tuloy iniisip ko. Katulad na lang ngayon. Kanina pa kami rito sa coffee shop na malapit sa school. Habang ako ay busy sa pag-research ng mga logo na maaari naming maging gabay sa paggawa ng sarili naming logo para sa aming business plan ay panay naman ang titig ng kaharap ko na kanina pa walang ginagawa.

Sa dinami-rami naman kasi ng pwede kong maging ka-partner‚ bakit siya pa? Hindi na nga siya nakatutulong‚ inaabala niya pa ako sa ginagawa ko. Paano naman kaya ako makakapagpokus sa ginagawa ko kung may mga matang nakatitig sa ‘kin?

Iyan ang tunay na abala. Wala nga siyang ginagawa pero dahil naman sa kaniya kaya wala akong nagagawa.

“Can you get your eyes off of me?” mataray kong sabi sa kaniya.

Sa kabila ng pagtataray ko at pagkakahuli niya sa akto ng pagtitig sa akin ay nagpatay-malisya lang siya na mas lalong nagpakulo ng dugo ko.

“What do you mean?” painosente niyang tanong.

Kapag ako talaga napuno rito sa lalaking ‘to‚ dudukutin ko ng kutsara ‘yong mata niya tapos gagawin kong kwek-kwek.

“Wala. Ang sabi ko‚ mabuti pa gamitin mo ‘yang laptop mo‚ mister‚ at ikaw na ang gumawa ng logo. Wala ka namang ginagawa‚ hindi ba?” sarkastikong tugon ko.

“Okay‚” tanging sagot niya at sinimulan na nga niyang kalikutin ang laptop na dala niya na kanina pang nakasara magmula nang dumating kami sa coffee shop.

I wonder kung ginagawa nga niya ang iniutos ko. Baka naman nakikipag-chat lang siya kung kani-kanino. Tsk. Bahala na siya riyan.

Sa halip na bantayan pa ang bawat kilos ng kaharap ko ay minabuti ko na lamang na muling ibaling ang atensyon ko sa laptop na nasa harapan ko. I created a new tab and I searched for some guidelines in making a business plan. I can only depend on myself. Hindi naman kasi maaasahan itong ka-partner ko. Deadline na pa naman sa Lunes.

Tae naman. Mukhang makakakuha pa ako ng mababang grado dahil minalas ako sa partner. Kapag ako talaga hindi nakapagpasa nito‚ bubulagin at lulumpuhin ko ‘tong lalaking ito. Binigyan nga ng task‚ nakakanakaw-tingin pa rin.

Ano ba? May dumi ba ako sa mukha? O baka naman sadyang duling lang siya?

Argh! Mababaliw na ako. Ano bang pwedeng gawin para tumigil na ‘tong lalaking ‘to? Hindi na ako makapag-isip nang maayos. Wala pa kaming nagagawa na logo o concept man lang. Business name nga wala pa kami. Pero ano namang ibi-business namin‚ e wala pa naman kaming product?

Argh! Hindi ko na talaga alam!

Napasabunot na lang ako sa sarili ko saka malalim na napabuntong-hininga bago ko binalingan ng tingin ang kaharap ko.

“Excuse me‚ mister‚” tawag ko sa kaniya para makuha ang atensyon niya dahil nagpapanggap siyang abala sa laptop niya.

“It’s Kaiden‚ Miss Gutierrez‚” pagtatama niya.

“Whatever your name is‚ it doesn’t matter.” Inikutan ko siya ng mata bago ako muling nagpatuloy sa pagsasalita. “Are you finish with your task?” nakangiti kong tanong sa kaniya. Iyong ngiting halos mapunit na ang bibig ko dahil sa sobrang pagpipilit ko huwag lang tuluyang mag-init ang ulo ko dahil baka mapatay ko ang kaharap ko nang wala sa oras.

Galing talagang umarte. Kung umasta siya ay para bang hindi siya nakatitig kani-kanina lang.

“What is the product by the way?” seryosong tanong niya.

“That’s our biggest problem‚ mister—oh! I mean‚ Kaiden.” Nginitian ko siya ng may halong pang-aasar para asarin siya pero wala itong epekto sa kaniya.

“Not anymore‚” cool na cool niyang sagot habang nasa batok niya ang kaniyang dalawang kamay at komportableng nakasandal sa kaniyang upuan.

“And what does that mean‚ mister?” nakataas ang kilay kong tanong.

Sa halip na sumagot ay iniabot niya sa akin ang laptop niya na nag-aalangan ko namang tinanggap.

“See for yourself‚” utos niya sa akin na kaagad ko namang sinunod.

Ibinaling ko ang aking tingin sa screen ng laptop niya gaya ng utos niya. Halos lumuwa ang mata ko nang bumungad sa akin ang ginawa niyang logo. It’s a flower made of different eyeglasses that has different styles with attractive colors that can capture anyone’s attention. At the bottom of it‚ there was something written on it. Eye Fashion? Hmm... sounds good.

In fairness‚ may silbi naman pala itong lalaking ito. Pero sa dami ba naman ng product‚ bakit eyeglasses pa? May problema ba itong lalaking ‘to sa salamin ko?

“It’s nice. Hindi ko alam na may talent ka pala rito‚” puri ko sa kaniya.

“Hindi riyan nagtatapos ‘yan. Come on‚ scroll it down‚” nagmamalaking tugon niya.

Sinunod ko naman ang sinabi niya at halos pumalakpak na ang tainga ko sa nakikita ko.

“Protect your eyes‚ observe your fashion. You’re beautiful in your own way. See for yourself‚” basa ko sa nakasulat sa screen ng laptop niya.

Kamuntikan naman na akong matawa nang mabasa ko ang huling linya. Favorite line niya ba ‘yon? E parang kanina lang sinabihan niya rin ako no’n tapos ngayon ay nasali na sa tagline. Adik ba talaga itong lalaking ‘to o ano?

Ipinagpatuloy ko pa ang pagbabasa ko sa ginawa niya habang siya naman ay tahimik lang na umiinom ng caramel macchiato na inorder niya.

“We are now in the modern age and most of us are suffering because of a blurred vision due to excessive use of gadgets. But only some of us came up with the idea of using or wearing eyeglasses because it lessen their fashion sense. But not anymore. With the help of Eye Fashion‚ you can now protect your eyes without ruining your fashion‚” pagpapatuloy ko sa pagbabasa.

Kaunting push na lang siguro ay pwede na itong ginawa niya. Bakla yata ‘to e. Fashion? So girly. But anyway‚ I like his idea. Napapanahon at lahat makaka-relate.

Patuloy lang ang pag-scroll down ko at halos ingudngod ko na ang mukha ko sa laptop niya para lamang siguraduhing totoo ang nakikita ko at hindi ako namamalikmata.

He’s already finished for Pete’s sake! Editing na lang ang kulang. But wait. Ang bilis naman yata niyang matapos ‘to?

“Did you do it?” paniniguro ko habang nagdududa kong pinagmamasdan ang emosyon sa kaniyang mukha.

“What do you think?” nakataas ang kilay niyang tanong na may himig ng pagyayabang.

Ang husay! Saktong-sakto ang sagot niya sa tanong ko. Oo o hindi lang naman ang kailangan kong sagot. Bakit ibinalik niya pa sa akin ang tanong? E kung ipukpok ko kaya sa ulo niya ang laptop niya at nang matauhan siya?

“Ba’t parang ang bilis naman yata?” nagdududa pa ring tanong ko para itago ang inis ko.

“Hindi ako mabilis. Masyado lang malayo ang narating ng isip mo kaya hindi mo namalayan ang oras‚” pagdadahilan niya pa.

Aba! E kung sapakin ko kaya siya? Dinamay niya pa ako. Magpapalusot na nga lang siya e. Ang sabihin niya‚ copypaste lang ang lahat ng nakasulat sa laptop niya.

Pero wala naman siguro siyang ginawang milagro‚ hindi ba? O baka naman talagang totoo ‘yong sinabi niyang kanina pa ako lutang? Ay ewan! Bahala siya. Ang mahalaga ay may ipapasa na kami sa Lunes. Kaunting editing na lang.

“So‚ what’s next?” mayamaya ay tanong niya nang mawalan ako ng imik.

Awtomatikong tumaas ang kanang kilay ko dahil sa tanong niya. Hindi pa talaga siya nakuntento. Gusto pa ng more activities.

“It’s almost done. I just need to edit this one and then it’s ready to be submitted‚” pormal na sagot ko.

Dinukot ko sa bag ko ang flash drive at isinaksak ito sa laptop niya. I copied the file to my flash drive. Nang makopya ko na ang file ay agad ko ring ibinalik sa kaniya ang laptop niya.

“Thanks‚” pasasalamat ko pagkaabot ko sa kaniya ng laptop niya.

“You’re welcome‚” tugon niya na may kasama pang tipid na ngiti.

“Geh. I have to go‚” paalam ko sa kaniya saka ko sinimulang iligpit ang mga gamit ko na nagkalat sa mesa.

“Bye‚” muling paalam ko nang maayos ko na ang mga gamit ko. Aalis na sana ako nang bigla siyang magsalita.

“Wait‚” pigil niya sa akin.

Nagtataka ko naman siyang binalingan ng tingin. “Yes?”

Nakataas na ang dalawa kong kilay sa kaniya habang siya naman ay parang natatae na ewan.

“Nothing‚” sagot niya kasabay ng kaniyang pagkibit-balikat.

Weird. Para siyang may gustong sabihin na hindi niya masabi. Tsk. Bahala na nga siya riyan.

Tinalikuran ko siya at naglakad na ako patungong pinto ng coffee shop. Saktong nasa harap na ako ng pinto nang bigla akong mapatigil dahil sa bigla niyang pagsigaw.

“Take care!” malakas niyang sigaw.

“Ayon naman pala. Hindi niya pa masabi‚” naiiling na sambit ko sa aking sarili.

Muli ko siyang nilingon at binigyan ko siya ng isang napakatamis na ngiti. I even waved my hand on him before leaving the place.

Hindi naman pala siya suplado o kung ano pa man. Sadyang may pagka-cold at pagkamisteryoso lang talaga siya. Pero ayos naman pala siyang kasama. Ang ayaw ko lang naman sa kaniya ay ‘yong pamatay niyang mga titig. Siguro ayusin niya lang ‘yong problema niya sa mata niya‚ magkakasundo na kami.

Nang makasakay ako sa kotse kong nakaparada sa parking lot ng coffee shop ay wala sa sariling napabuntong-hininga ako. Ang sarap pala talaga sa pakiramdam na may katulong ka sa paggawa ng isang bagay dahil mas napapadali ito katulad na lang noong nandito pa siya. Kung sana nandito lang siya. Kung sana magkasama pa rin kami hanggang ngayon.

✨✨✨

A/N: Sa mga nakabasa na po ng story na ito dati‚ isiningit ko lang po ang chapter na ito at wala po ito before. Kayo na pong bahalang mag-adjust. Thank you💜

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top