CHAPTER 37: PISSED OFF!

ATHENA’S POV

Katatapos lang ng klase namin at isa-isa nang naglalabasan ng training room ang mga kaklase namin habang kami nina Kaleb at Kaiden ay nanatili lamang sa kinauupuan naming couch sa may gilid ng pinto kung saan ay kasalukuyan nila akong pinagigitnaan.

“What did you tell her?” malamig na tanong ni Kaiden na nagpalingon sa akin sa direksyon niya.

Noong una ay puno pa ng kaguluhan ang mukha ko dahil sa biglaang tanong ni Kaiden na hindi ko malinaw na naintindihan. Ngunit nang mapagtanto ko kung anong tinutukoy niya ay napangisi na lamang ako.

“Don’t worry‚ wala akong sinabi kay Gwyn‚” nakangising tugon ko.

“Siguraduhin mo lang‚” mariing wika ni Kaiden na alam kong may kaakibat na isang babala para sa akin.

Napailing-iling na lamang ako sa naging reaksyon ni Kaiden. Mas lalo lang siyang napaghahalataan sa inaasal niya. Hindi naman siya magiging ganiyan ka-tense kung wala siyang tinatago.

“Ano bang pinag-uusapan ninyo?” salubong ang kilay na tanong ni Kaleb na kasalukuyan nang nakapangalumbaba habang palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Kaiden.

“None of your business‚” magkapanabay naming tugon ni Kaiden at pareho pa naming inirapan si Kaleb para ipakitang labas siya sa usapan namin.

“Sige lang. Ganiyan naman kayo. Gustong-gusto ninyong pinagmumukha akong tanga‚” madramang sabi ni Kaleb na akala mo naman ay inaapi namin siya.

“Kal‚ anong nakain mo?” sarkastikong tanong ko kay Kaleb habang pinipigilan ko ang sarili kong matawa sa kadramahan niya.

“None of your business‚” mataray na sagot ni Kaleb at pilit pa niyang ginaya ang tono ng boses namin kanina‚ dahilan upang tuluyan na akong humagalpak ng tawa.

“Nalipasan ka ba ng gutom‚ Kal? O baka naman hindi ka nakainom ng gamot?” natatawang tanong ko kay Kaleb.

Sa halip na sumagot ay inirapan lamang ako ni Kaleb. Ngunit sa halip na patuloy ko pa siyang asarin ay pinili ko na lamang na itigil na ang pang-aasar ko sa kaniya dahil wala rin namang patutunguhan ang usapan namin kung patuloy kong papatulan ang kabaliwan niya.

“Tama na nga ‘yang drama mo. Mabuti pa ay puntahan na natin si Gwyn at nang makakain na tayo. Malamang ay kanina pa naghihintay sa atin ‘yon‚” yaya ko sa kanila para matapos na ang walang kakuwenta-kuwenta naming asaran ni Kaleb.

Tututol pa sana si Kaleb sa sinabi ko ngunit wala na siyang nagawa kundi ang sumama sa ‘min nang basta ko na lamang siyang hilahin habang si Kaiden naman ay nauna nang lumabas ng silid.

Pagkalabas namin ng training room ay nagtuloy-tuloy na rin kami patungong main door para lumabas ng gusali. Pagkalabas ng gusali ay bigla na lamang akong napatigil sa paglalakad nang mapansin ko ang biglang paghinto ni Kaiden na para bang may kung ano siyang narinig o naramdamang kakaiba.

“What’s wrong?” salubong ang kilay kong tanong kay Kaiden habang hawak ko pa rin si Kaleb sa kaliwang braso niya.

“Thea is in danger‚” tipid na tugon ni Kaiden kasabay ng pagguhit ng nag-aalalang ekspresyon sa mukha niya.

Hindi ko naman maiwasan ang magsalubong ang kilay ko sa narinig ko sa halip na makaramdam ako ng pag-aalala. Hindi ko kasi alam kung anong magiging reaskyon ko lalo na’t hindi ko naman masabi kung totoo ang sinabi ni Kaiden dahil sa aming dalawa ay ako itong kayang makakita ng nilalang gaano man ito kalayo‚ hindi siya.

“Paano mo nalaman? Gabay na ba ang trip mo ngayon?” pabirong tanong ni Kaleb.

“I gave her a bracelet which serves as a tracker and our connection as well‚” seryosong sagot ni Kaiden.

Dahil sa sagot ni Kaiden ay agad kong napagtantong nagsasabi siya ng totoo. At kasabay ng reyalisasyon kong ito ay ang pagkalat ng takot sa sistema ko para sa lagay ni Gwyn.

“Kung gano’n ay puntahan na natin siya‚” agad kong yaya kina Kaleb at Kaiden saka mabilis kong hinawakan ang kanang kamay ni Kaiden para sana hilahin na sila ni Kaleb paalis. Ngunit nang hahakbang na sana ako paalis ay bigla na lamang akong pinigilan ni Kaiden sa hindi ko malamang dahilan.

“Anong problema? Bakit mo ako pinigilang umalis? Akala ko ba nasa panganib si Gwyn?” sunod-sunod kong tanong kay Kaiden saka muli kong tinangkang hilahin siya ngunit hindi siya natinag sa kinatatayuan niya.

“May isa tayong problema‚” mahinang tugon ni Kaiden na mukhang nag-aalangan pang sabihin ang problemang tinutukoy niya.

“Ano?!” hindi ko na napigilan pang sigaw dahil sa biglang pagkalat ng inis ko dahil sa pagsasayang ni Kaiden ng oras gayong alam naman niyang nasa panganib si Gwyn.

Habang hinihintay ko ang sagot ni Kaiden ay pinili kong bitiwan na muna ang kamay nila ni Kaleb bago ko pa ito madurog dala ng inis ko.

“Hindi ko siya mahanap‚” nanlulumong pag-amin ni Kaiden.

Napabuga na lamang ako ng hangin sa naging sagot ni Kaiden. Iyon lang naman pala ang pinoproblema niya. Tapos kung umasta siya ay parang katapusan na ng mundo. Tsk!

“Iyon lang naman pala e. Just leave it to me‚” agad kong wika para hindi na mamroblema pa si Kaiden.

Hindi ko na hinintay pang sumagot o sumang-ayon si Kaiden sa sinabi ko. Marahan ko nang ipinikit ang mga mata ko at sinubukan kong hanapin kung nasaan si Gwyn gamit ang kakayahan kong makakita mula sa malayo.

Ilang segundo lang ay nagawa ko nang mahanap ang kinaroroonan ni Gwyn kaya agad na rin akong nagmulat.

“Nahanap ko na siya. Tara na‚” yaya ko kina Kaleb at Kaiden.

Hindi ko na hinayaan pang makapagsalita ang isa man kina Kaleb at Kaiden. Basta ko na lamang silang hinila papunta sa lugar kung saan ko nakita si Gwyn na nakalutang sa ere habang tila may inaabot siya.

Agad naman kaming nakarating sa lugar kung saan ko nakita si Gwyn kanina pero hindi na namin siya naabutan. Ang tanging naabutan lang namin ay ang magulong paligid na malayong-malayo sa dating ayos nito. Ang dating damuhang tinatapakan ng mga estudyante ay naging yelo at may malalaki rin itong bitak. May mga maliliit ding siga ng apoy‚ mga matutulis na bato‚ mga dahon at mga sanga ng puno ang nagkalat sa paligid.

Hindi ko na napigilan pa ang pagkalat ng takot sa sistema ko dahil sa ayos ng paligid. Kaya dali-dali kong iginala ang tingin ko sa paligid upang humanap ng anumang clue sa kung anong nangyari sa paligid at kung nasaan si Gwyn.

Sa paghahanap ko ng clue sa paligid ay hindi ko maiwasang mas sumidhi ang takot na nararamdaman ko lalo’t nakita ko ang Trio na pare-parehong sugatan at mga walang malay. Nasa magkakaiba silang direksyon at malalayo ang distansya nila sa isa’t isa. Pare-pareho ring magulo ang buhok nila na para bang dinaanan sila ng ipo-ipo. Ngunit kung ipagkukumpara silang tatlo ay mas buhaghag ang buhok nina Ember at Penelope kumpara kay Vera.

“Anong nangyari dito?” naguguluhang tanong ni Kaleb habang iginagala pa rin niya ang tingin niya sa paligid.

“I-I don’t know‚” nahihirapan kong sagot dala ng pag-aalala ko saka ko binalingan si Kaiden upang tanungin siya. “Kaiden‚ may—” Hindi ko na naituloy pa ang sana’y sasabihin ko nang makita kong wala na si Kaiden sa tabi ko. Kasalukuyan na siyang naglalakad patungo sa direksyon ni Penelope na nasa right side namin.

Habang sinusundan ko ng tingin si Kaiden at pinapanood ko ang bawat kilos niya ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagyuko niya upang pulutin ang isang bagay malapit kay Penelope. Pagkapulot niya sa bagay na sadya niya ay agad din siyang lumapit sa amin‚ dahilan upang makita ko sa malapitan ang bagay na hawak niya sa kanang kamay niya na walang iba kundi isang bracelet na nagliliwanag.

“Iyan ba ang bracelet na tinutukoy mo?” tanong ko habang hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa bracelet na hawak ni Kaiden.

Walang imik na tumango si Kaiden upang sagutin ang tanong ko. Muli ko pa sana siyang tatanungin ngunit hindi ko na nagawa pang ibuka ang bibig ko nang makarinig kami ng mahinang pagdaing.

“A-Aray...” mahinang daing ng isang boses na tila nanggagaling sa isang babaeng wala ng lakas.

Sabay-sabay naman kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses at halos maningkit ang mata ko sa galit nang makita kong may malay na ang tumatayong lider ng Trio na sa hinuha ko ay siyang dahilan kung bakit hindi namin mahanap si Gwyn at kung bakit magulo ang paligid.

Nang mapansin kong naglalakad na si Kaiden patungo sa direksyon ni Vera ay agad na rin akong kumilos upang sundan siya. Mabilis naman kaming nakalapit sa kinaroroonan ni Vera.

Kasalukuyan nang nakaupo si Vera sa damuhang naging yelo habang hawak ang ulo niyang panay ang dugo.

Hindi ko naman maiwasan ang makaramdam ng awa sa lagay ni Vera. Ngunit sa kabila nito ay mas nangibabaw pa rin sa akin ang pagkamuhi ko sa kaniya kaya marahas ko siyang hinawakan sa kwelyo ng damit niya gamit ang dalawa kong kamay at sapilitan ko siyang itinayo para magpantay kami.

“Nasaan si Gwyn?!” pasigaw kong tanong kay Vera habang hawak ko pa rin ang kwelyo ng damit niya.

Wala na akong pakialam kahit na mabingi si Vera sa sigaw ko o kahit pa mahirapan siyang huminga dahil sa unti-unting paghigpit ng hawak ko sa kwelyo ng damit niya. Ang tanging mahalaga lang sa akin ngayon ay ang mahanap si Gwyn at matiyak ko ang kaligtasan niya.

“Na...Nasa Healing Room...” nahihirapang sagot ni Vera.

Mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak ko sa kwelyo ng damit ni Vera dahil sa sagot na natanggap ko mula sa kaniya na nagpaliyab ng galit ko.

“F*ck!” malutong na mura ni Kaiden at naramdaman ko na lamang ang marahas niyang pagkilos sa tabi ko.

Nang lingunin ko si Kaiden sa kaninang kinatatayuan niya ay hindi ko na nakita pa ni anino niya. Malamang ay nauna na siyang pumunta ng Healing Room para kumustahin ang lagay ni Gwyn.

Gusto ko sanang sundan si Kaiden para alamin ang lagay ni Gwyn ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil may kailangan pa akong gawin. May impakta pa akong tuturuan ng leksyon.

Dahil sa nabuo kong pasya ay muli kong ibinalik ang tingin ko kay Vera at nang sandaling matuon ang tingin ko sa mga mata niya ay naramdaman ko na lamang ang pag-iinit ng mata ko‚ senyales na kulay pula na ang mga ito dahil sa labis na galit. Ngunit hindi ko na ito pinansin pa lalo’t may kailangan pa akong singilin.

“Bakit siya nasa Healing Room? Anong ginawa ninyo sa kaniya?” malamig kong tanong kay Vera habang halos patayin ko na siya gamit lamang ang tingin.

“Athena‚ tama na. Itigil mo na ‘to‚” pag-awat sa akin ni Kaleb habang pilit niyang inaalis ang kamay ko mula sa pagkakahawak nito sa kwelyo ng damit ni Vera.

Sa halip na sundin ko si Kaleb at pakawalan ko si Vera gaya ng nais niya ay inis kong tinabig ang kamay niya.

“Magsalita ka! Anong ginawa ninyo kay Gwyn?!” puno ng galit na sigaw ko dahil sa pananahimik ni Vera.

Kasabay ng pagsigaw ko ay malakas na umihip ang hangin na may kasama pang maliliit na butil ng yelo. Kung titingnan ay para nang umuulan sa kinaroroonan namin. Ngunit sa halip na tubig-ulan ay yelo ang pumapatak sa kinaroroonan namin.

“Wa...Wala ka...kaming ginawa sa kaniya... Bi...Bigla na lang siyang na...nawalan ng malay. Hi...Hindi niya nakayang ko...kontrolin ang ka...kapangyarihan niya...” nahihirapang saad ni Vera na halos hindi na makahinga dahil sa higpit ng pagkakahawak ko sa kwelyo ng damit niya.

Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kwelyo ni Vera dahil sa sagot na nakuha ko.

“Sinong niloko mo?! Hindi kusang lalabas ang kapangyarihan niya kung wala kayong ginawa!” nanggagalaiting sigaw ko kay Vera dahil sa pagsisinungaling niya.

“Athena‚ itigil mo na ‘to! Hindi mo ba nakikita? Nilalamon ka na ng galit mo!” muling pag-awat sa akin ni Kaleb at tinangka pa niyang hawakan ako pero tinabig ko na ang kamay niya bago pa man niya ako mahawakan.

“Huwag kang makialam dito‚ Kaleb‚ kung ayaw mong sa ‘yo ko ibunton ang galit ko!” sigaw ko rin kay Kaleb dahil sa pakikialam niya.

“Ackkk! Hi...Hindi... ako... ma...makahinga...” nahihirapang sambit ni Vera na halos hindi ko na marinig dahil sa hina ng boses niya.

“Ito ang tatandaan mo! Sa oras na may mangyaring masama sa kaibigan ko‚ magtago ka na sa pinanggalingan mo dahil hindi kita tatantanan hangga’t hindi kita napapatay!” banta ko kay Vera bago ko siya marahas na binitiwan.

Dahil sa marahas kong pagbitiw sa kwelyo ng damit ni Vera ay napadapa siya sa yelong tinatapakan namin at sunod-sunod ang naging pag-ubo niya. Habol niya rin ang kaniyang hininga dahil halos sakalin ko na siya kanina.

Napairap na lang ako sa ayos ni Vera saka agad ko na ring hinawakan sa kamay si Kaleb at basta na lamang akong nag-teleport patungo sa harap ng pinto ng Healing Room tangay-tangay si Kaleb.

✨✨✨

A/N: Ayan na‚ natikman na ninyo ang bagsik ng kapangyarihan ni Jane/Athena. Kayo kasi e‚ ginalit ninyo siya😂

Q: Ano na kayang lagay ni Thea?

Well‚ all your questions will be answered by the next chapter. So what are you waiting for? Vote na para makapag-move na kayo sa next chapter🙆🏻‍♀

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top