CHAPTER 34: MESH KINGDOM
ATHENA’S POV
Nang makarating kami sa aming destinasyon ay agad ko nang binitiwan ang kamay ni Gwyn. Kasunod nito’y napabuntong-hininga na lamang ako dahil sa wakas ay malayo na kami kina Kaleb. Tatayo na rin sana ako mula sa pagkakaupo ko sa kama ngunit bigla kong napagtantong wala pa akong naririnig na kahit anumang ingay mula kay Gwyn. Kaya naman ay salubong ang kilay ko siyang binalingan ng tingin.
Muntik naman na akong matawa nang makita ko ang ayos ni Gwyn pagkalingon ko sa direksyon niya. Nakapikit pa rin siya nang mariin at tila ba pinaghahandaan niya ang anumang magiging ganti ng dalawang prinsipe ng kayabangan.
“You can now open your eyes‚ Gwyn‚” pigil ang tawang sabi ko matapos kong pagmasdan ng ilang minuto ang hindi maipintang mukha ni Gwyn.
Dahan-dahan namang nagmulat ng mata si Gwyn na para bang pinaghahandaan niya ang anumang bubungad sa kaniya pagmulat niya. Nang magawa na niyang magdilat ay agad niyang inilibot ang paningin niya sa kabuuan ng kwarto ko.
“Where are we?” kunot-noong tanong niya nang matapos niyang suyurin ng tingin ang silid na kinaroroonan namin.
“My room‚” tipid kong sagot at basta ko na lamang ibinagsak ang sarili ko sa kama.
“What do you mean?” naguguluhang tanong ni Gwyn.
“Nasa palasyo tayo. Sa Mesh Kingdom‚” agad kong tugon para maging malinaw kay Gwyn kung nasaan kami ngayon at kung bakit ko nasabing kasalukuyan kaming nasa silid ko.
Nang hindi ko marinig na magsalita si Gwyn ay agad akong bumangon mula sa pagkakahiga ko at binalingan ko siya ng tingin upang alamin ang dahilan ng pananahimik niya. Muntik naman na akong matawa nang makita kong bahagya nang nakaawang ang bibig niya na para bang may nasabi akong isang nakagigimbal na balita.
“Mas maganda siguro kung magpalit ka na muna ng damit‚ Gwyn. Feel free to use my clothes. Just go to the closet and get anything you want to wear. My bathroom is at the right side and adjacent to it is my walk-in closet‚” suhestiyon ko at binanggit ko na rin kay Gwyn ang kinaroroonan ng banyo at ng walk-in closet ko para hindi na siya mahirapan pang hanapin ito.
Hindi ko na hinintay pa ang tugon ni Gwyn sa sinabi ko. Sa halip kasi na hintayin ang sagot niya ay ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at pagod kong ibinagsak ang sarili ko sa kama.
Habang nakapikit ako at nakahiga sa kama ay naramdaman kong umalis si Gwyn sa pagkakaupo niya sa kama. Pagkaalis niya sa kama ay agad siyang naglakad patungo sa direksiyong sinabi ko.
Habang abala si Gwyn sa pagbibihis ay hindi ko naman mapigilang mapangisi nang may maisip akong kalokohan para mas lalong asarin ang dalawang prinsipe ng kayabangan.
‘Kal‚ Kaiden‚ kayo na ang bahalang maglinis ng kitchen at maghugas ng mga pinagkainan natin. Nakalimutan naming maglinis e‚’ pagkausap ko kina Kaleb at Kaiden gamit lamang ang isip ko.
‘Hey! I’m not your servant to follow your command!’ pikong sagot ni Kaleb na mas lalong ikinalapad ng ngisi ko.
‘Where are you? Where’s Thea? Don’t you dare tell her anything. I know what you’re thinking‚’ mariin at may halong pagbabantang wika ni Kaiden na bakas sa boses ang labis na pagkabahala sa kung anumang maaari kong sabihin kay Gwyn.
‘Somewhere down the road‚’ pang-aasar ko kay Kaiden na mas lalong ikinainit ng ulo niya.
‘F*ck! Just tell me where she is right now! I’m going to get her!’ maawtoridad na sabi ni Kaiden na hindi na maitago pa ang pagkataranta sa kung anong gagawin niya lalo pa’t ni hindi niya alam ang kinaroroonan namin.
‘You really think I will tell you? Huh! Sorry but I won’t. She’ll be staying here with me for the whole night. We’ll be having our girl bonding and boys are strictly prohibited. But don’t worry‚ isang gabi lang naman kayong hindi magkikita‚ lover boy‚’ mapang-asar kong tugon habang pigil ko ang matawa dahil na-i-imagine ko na ang hindi maipintang mukha ni Kaiden.
‘Haha! Our cold prince turned into a lover boy‚’ tumatawang sambit ni Kaleb.
‘Shut the f*ck up‚ Kaleb! And also you‚ Athena! Make sure to keep your mouth sealed‚’ inis na singhal sa amin ni Kaiden na halatang pikon na.
‘Aye aye‚ captain‚’ nangingiting tugon ko habang hindi pa rin mawala-wala ang ngising nakapinta sa labi ko.
Hindi nawala ang ngisi ko kahit pa noong putulin ko na ang koneksyon naming tatlo. Nabura lamang ito nang maramdaman kong may kumatok sa pinto ng aking silid.
Dali-dali akong bumangon mula sa pagkakahiga ko at agad kong sinabihan ang kung sinumang kumatok na maaari na siyang pumasok ng silid. Hindi naman na ako nagdalawang-sabi pa dahil agad na iniluwa ng pinto ang isa sa mga tagapagsilbi ng palasyo.
“Paumanhin po kung nagambala ko ang inyong pamamahinga ngunit pinapatawag na po kayo ng mahal na reyna. Nakahanda na raw po ang hapunan ninyo‚” imporma sa akin ng kararating lang na tagapagsilbi ng palasyo na kasalukuyang nakayuko sa harapan ko.
“Pakisabi na bababa na ako‚” walang emosyong tugon ko.
Agad din namang nagpaalam ang tagapagsilbi na inutusan nina ina at nagmamadali na itong lumabas ng silid. Pagkaalis ng tagapagsilbi ay agad na akong kumilos para magpalit ng damit-pantulog.
“Sinong kausap mo?” tanong ni Gwyn na nagpalingon sa akin sa direksyon niya.
Kasalukuyan nang nakatayo si Gwyn sa tapat ng pinto ng banyo. Nakasuot siya ng isang azure sleeveless silk nightie na hanggang tuhod ang haba.
“One of our servants. Kailangan na raw nating bumaba. Dinner is ready‚” tugon ko.
“Okay‚” tipid na sagot ni Gwyn saka agad na rin siyang lumapit sa ‘kin.
Sabay na kaming bumaba ni Gwyn. Kasalukuyan kasi kaming nasa ikatlong palapag ng palasyo habang nasa unang palapag naman ang dining hall kung kaya kailangan pa naming bumaba para lamang marating ang dining hall.
Nang makababa na kami ay agad akong dumiretso sa dining hall habang tahimik namang nakasunod sa akin si Gwyn habang palinga-linga siya sa paligid.
“Anak‚ nariyan ka na pala. Halika at saluhan mo kami ng iyong ama‚” masayang salubong sa akin ni ina na nakangiting naghihintay sa hapag-kainan kasama si ama na nakatalikod sa amin.
Agad naman akong lumapit kina ina at isa-isa ko silang ginawaran ng halik sa kanilang pisngi nang makalapit ako sa kanila.
“Kumusta ang araw mo?” masayang tanong ni ama at iminuwestra pa niya ang kamay niya sa upuang katapat ni ina upang anyayahan akong maupo na at sabayan na silang kumain.
“Maayos naman po‚ ama‚” nakangiting tugon ko bago ko binalingan ng tingin si Gwyn na nag-aalangan pa yatang lumapit sa amin dahil kanina pa siya tahimik na nakatayo sa likuran ni ama.
“Gwyn‚ come here‚” pag-anyaya ko kay Gwyn at nakangiti kong inilahad sa kaniya ang kanang kamay ko.
Nag-aalangan namang tinanggap ni Gwyn ang kamay kong nakalahad at walang imik siyang lumapit sa amin habang umusog naman ako pagilid nang sa gayon ay sina Gwyn at ina ang magtapat sa upuan at para malapit lamang ang distansya nina ama at Gwyn.
“Si Gwyn po pala‚” pagpapakilala ko kay Gwyn kina ina.
“Magandang gabi po. Ikinagagalak ko po kayong makilala‚ mahal na hari‚ mahal na reyna‚” nahihiyang pagbati ni Gwyn kina ina at bahagya pa siyang yumuko para magbigay-galang kina ina.
Nakangiti namang binati pabalik nina ama at ina si Gwyn kung kaya kahit papaano ay nabawasan ang pagkailang ni Gwyn at tipid na lamang din siyang napangiti kina ina.
“Athena‚ anak‚ siya ba ‘yong palagi mong kinukuwento sa ‘min?” tanong ni ina sa malumanay na boses habang bakas na sa mukha niya ang labis na tuwa dahil sa wakas ay nakilala na niya si Gwyn na palagi kong bukambibig simula nang makabalik ako.
Tumango na lamang ako kay ina bilang sagot sa tanong niya bago ako naupo sa upuang nasa tabi ni Gwyn habang inokupa naman ni Gwyn ang upuang katapat ni ina.
Nang maayos na kaming makaupong lahat ay nagsimula na kaming kumain.
Sa kalagitnaan ng aming hapunan ay hindi namin naiwasang mag-usap-usap kaya naman ay hindi naging tahimik ang aming hapunan.
“Ikaw pala ang palaging bukambibig nitong prinsesa namin‚” pagbubukas ni ina ng usapan saka bigla na lamang gumuhit ang malungkot na ngiti sa labi niya matapos niyang pagmasdan ng ilang segundo ang mukha ni Gwyn.
“Hindi na ako magtataka kung bakit napakalapit ng loob ng anak ko sa ‘yo‚” dagdag pa ni ina habang nasa mukha pa rin ni Gwyn ang tingin niya na para bang sinusuri niya ang bawat anggulo ng mukha ni Gwyn habang si ama naman ay tahimik lang na kumakain.
“A-Ano pong ibig ninyong sabihin?” naguguluhang tanong ni Gwyn.
“Bukod sa napakabait mo ay kamukhang-kamukha mo rin ang matalik niyang kaibigan na kasabay niyang lumaki. Kung buhay lang sana ngayon si Kiana ay malamang na magkasing-edad lang kayo‚” nakangiting tugon ni ina ngunit bigla na lamang lumungkot ang mukha at boses niya sa huling sinabi niya.
“Ikinalulungkot ko po ang nangyari sa kaniya‚ mahal na reyna. Pero alam ko po na kung saanman siya naroroon ngayon ay masaya siyang makitang ligtas at nasa maayos na kalagayan ang inyong anak na si Jane—I mean Athena‚” maagap na tugon ni Gwyn.
Hindi naman na ako nagulat pa sa naging tugon ni Gwyn sa sinabi ni ina dahil noon pa man ay alam na alam na talaga niya kung paano pagagaanin ang sitwasyon o kung paano pasisiglahin ang usapan.
“Naku! Gwyn‚ hija‚ huwag mo na akong tawaging mahal na reyna. Masyado ka namang pormal. Tita Aurora na lang. Saka Tito Isaiah na lang din ang itawag mo sa aking mahal na asawa‚” natatawang wika ni ina.
Maging ako man ay hindi ko maiwasang matawa sa pagiging masyadong pormal ni Gwyn. Pero hindi ko rin naman siya masisisi kung magpapakapormal siya lalo na’t hari at reyna ang mga kaharap niya.
“Siya nga pala. Huling bagay na lang‚ hija‚” pahabol pa ni ina nang tila may maalala siyang bagay na hindi pa niya nasasabi.
“Ano po ‘yon‚ ma—tita?” kinakabahang tanong ni Gwyn.
Maingat na hinawakan ni ina ang kanang kamay ni Gwyn na nasa mesa at nakangiti niyang sinalubong ang nagtatanong na mga mata ni Gwyn.
“Naiintindihan kong sanay kang tawagin ang anak ko sa pangalang ginamit niya noong nasa mundo siya ng mga tao kaya hindi mo na kailangang pilitin pa ang sarili mong tawagin siya sa tunay niyang pangalan‚” wika ni ina sa malumanay na boses habang hindi pa rin mabura-bura ang ngiting nakapinta sa labi niya.
Napangiti na lamang din si Gwyn sa sinabi ni ina bago niya hinawakan ang kamay ni ina na nakahawak sa kanang kamay niya gamit ang malaya niyang kamay.
“Marami pong salamat sa pag-intindi‚ tita‚” nakangiting pasasalamat ni Gwyn kay ina.
Matamis na lamang akong napangiti dahil sa palitan ng salita at ngiti nina ina at Gwyn. Pinagmasdan ko pa sila ng ilang segundo bago ko napagpasyang putulin na ang kanilang usapan nang sa gayon ay magawa na naming magpatuloy sa pagkain.
“Hay naku! Ang dadrama ninyo. Kumain na nga lang kayo‚” pagsabad ko saka ibinaling ko kay Gwyn ang tingin ko. “Lalo ka na‚ Gwyn. Halos hindi mo na nagalaw ‘yang pagkain mo o. Sige ka‚ baka pumayat ka at magutom ‘yang mga anaconda mo sa tiyan‚” pabirong dagdag ko.
Natawa na lamang sina ina at Gwyn sa sinabi ko at maging si ama na kanina pa palang nakikinig sa usapan ay natawa na lang din.
“Sige na‚ kumain na kayo at nang maaga kayong makapagpahinga‚” wika ni ama na may ngiti pa ring nakapinta sa kaniyang labi.
Bumalik na nga kaming lahat sa pagkain at hindi na kami muli pang nag-usap-usap hanggang sa matapos na kaming kumain.
“Akyat na po kami sa taas‚ ina‚ ama‚” paalam ko kina ina nang matapos na kaming kumain ni Gwyn saka agad na rin akong tumayo para lapitan sina ina at ama.
Una kong nilapitan si ama. Ginawaran ko siya ng magaang halik sa kaliwang pisngi niya bago ako lumapit kay ina na ginawaran ko rin ng halik sa kaniyang kaliwang pisngi. Pagkatapos ay nagpaalam pa muna si Gwyn kina ina bago kami umakyat sa silid ko.
Pagpasok namin ni Gwyn sa aking silid ay agad akong lumapit sa mesang nasa tabi ng kama malapit sa dressing table at kumuha ako rito ng isang fantasy book na maaari naming basahin ni Gwyn.
Noong nasa mundo pa kami ng mga tao ay nakasanayan na namin ni Gwyn na magbasa ng fantasy book bago kami matulog. Kaya naman ay nadala ko ang hilig kong ito hanggang sa pagbabalik ko sa aming kaharian‚ dahilan para humiling ako kina ina ng maraming fantasy books na maaari kong basahin gabi-gabi. Sa katunayan ay puno ng fantasy books at iba pang uri ng aklat ang malaking bookshelf na nasa kwarto. Ang bookshelf na ito ay mataas pa sa ‘kin dahil halos umabot na sa kisame ang dulo nito. Halos katabi lang ito ng dressing table kung kaya madali lang para sa akin ang kumuha rito ng aklat. Ngunit dahil may ilang aklat din naman akong nilalagay sa bedside table ay minabuti kong doon na lamang kumuha ng aklat na babasahin sa halip na lumapit pa ako sa bookshelf at pahirapan ang sarili ko sa pagpili ng aklat.
Nang mahawakan ko na ang librong napili kong basahin ay agad na rin akong lumapit sa kama kung saan kasalukuyan nang nakadapa si Gwyn at nakangiting naghihintay na makalapit ako.
Agad na rin akong dumapa sa kama at tumabi ako kay Gwyn matapos kong mailapag ang librong bitbit ko sa ibabaw ng kama sa may mismong ulunan ni Gwyn.
Pagkadapa ko ay hindi na kami nakapag-usap pa ni Gwyn dahil binuklat na niya ang librong nasa harapan namin kung kaya sinimulan na rin namin itong basahin nang tahimik.
“Jane?” biglang pagtawag sa akin ni Gwyn sa kalagitnaan ng aming pagbabasa.
“Hmm?” tanging tugon ko at hindi ko na inabala pa ang sarili kong lingunin si Gwyn dahil ayokong alisin ang tingin ko sa librong binabasa ko.
“Anong pakiramdam na maging isang prinsesa?” tanong ni Gwyn na awtomatikong nagpalingon sa akin sa direksyon niya.
“Ba’t mo naman natanong ‘yan?” kunot-noong tanong ko kay Gwyn na tutok na tutok pa rin sa librong binabasa namin.
“Wala lang. Naisip ko lang‚” kibit-balikat na tugon ni Gwyn saka bahagya siyang kumilos at umayos ng higa.
Nang maayos nang makahiga si Gwyn ay itinututok niya ang tingin niya sa kisame.
“So ano ngang feeling na maging prinsesa?” pag-uulit ni Gwyn sa tanong niya.
Ginaya ko na muna ang posisyon ni Gwyn para maging komportable ako bago ko binigyang-kasagutan ang tanong niya.
“Hmm... Masaya naman kasi nakukuha ko lahat ng gusto ko. Pero syempre mas masaya pa rin ‘yong normal lang na buhay tulad ng dati. Lahat nagagawa natin tulad ng pagsa-shopping‚ paglalaro‚ pamamasyal‚ pagba-bonding‚ pagluluto‚ pagbabasa at kung ano-ano pa. Hindi tulad ngayon na limitado na lang ang mga pwede kong gawin dahil maraming mga mata ang nakatingin sa ‘kin at kailangan kong maging maingat sa mga kilos ko dahil isang pagkakamali ko lang ay mag-iiba na ang tingin sa akin ng lahat‚” mahabang tugon ko habang binabalikan ko ang mga masasaya naming araw sa mundo ng mga tao.
“Sabagay. Kung ako rin naman ang masusunod ay mas gusto ko pa rin ‘yong buhay natin dati. Simple lang at walang mga magic-magic‚” pagsang-ayon ni Gwyn sa sinabi ko na ikinangiti ko nang mapait.
“Kung pwede lang sanang ibalik ang nakaraan. Kung pwede lang sanang ibalik ang oras at panahon na lumipas ay babalikan at babalikan ko ‘yong araw na normal pa ang buhay natin at wala pa tayong alam sa mga mahika. Edi sana buhay pa rin sina mommy‚ daddy‚ tita at tito hanggang ngayon‚” malungkot kong sambit saka bigla na lamang akong napahinto sa pagsasalita nang may maalala ako. “Teka. Speaking of tita and tito‚ bakit nga pala kayo sinugod sa mansion? May alam ka ba sa maaaring dahilan ng pagsugod ng Darkinians sa inyo? Gwyn‚ may nabanggit ba silang kahit ano tungkol sa prinse—” Hindi ko na naituloy pa ang sinasabi ko nang sa paglingon ko sa tabi ko ay mukha ng natutulog na si Gwyn ang bumungad sa ‘kin.
Natawa na lamang ako sa reyalisasyong kanina pa pala ako nakikipag-usap sa tulog. Kung may nakakita o nakarinig sa akin kanina ay malamang na pinagtawanan na rin ako at pinagbintangang nababaliw na. Tsk! Ito naman kasing si Gwyn. Hindi man lang humilik para malaman kong tulog na pala siya.
Napailing-iling na lamang ako sa naisip ko bago ko muling itinuon ang atensyon ko kay Gwyn. Makalipas ang ilang minuto ay namalayan ko na lamang na tinititigan ko na pala ang maamong mukha ni Gwyn. Ngunit sa halip na mag-iwas ako ng tingin ay mas lalo ko pang tinitigan ang mukha ni Gwyn at nakangiti kong hinaplos ang pisngi niya.
“I miss you so much‚ Gwyn. I’m glad that you’re now here with me. Akala ko hindi na tayo muling magkikita but you’re now here in front of me sleeping like an angel. Well‚ anghel ka naman talaga para sa ‘kin. Napakabuti mong kaibigan‚ kapamilya at kapatid. Ikaw rin ang naging tagapagligtas ko mula pa noon. Hindi mo hinayaang may mang-api sa ‘kin na kahit sino. Palagi na nga lang ikaw ang nagtatanggol sa ‘kin magmula pa noong mga bata tayo. Kaya panahon na siguro para bumawi ako. Ngayon ay ako naman ang magtatanggol at poprotekta sa ‘yo. Totoo man o hindi ang hinala ko ay poprotektahan kita sa abot ng aking makakaya. Handa akong isakripisyo ang sarili ko para sa kaligtasan mo. Mark my word‚” mahabang saad ko habang marahan kong hinahaplos ang pisngi ni Gwyn.
Patuloy lamang ako sa pagtitig kay Gwyn at paghaplos sa pisngi niya hanggang sa maramdaman kong unti-unti nang bumibigat ang talukap ng mga mata ko. Ngunit sa halip na tumigil ako sa ginagawa kong paghaplos kay Gwyn ay mas lalo lamang naging marahan ang bawat haplos ko hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng antok.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top