CHAPTER 33: GIRL POWER

ATHENA’S POV

Nakarating kami ni Gwyn sa Hidden Palace nang hindi ko namamalayan dahil hindi pa rin maproseso ng utak ko ang ginawa niya kanina. Hanggang ngayon ay isang malaking katanungan pa rin sa akin kung paano niya nagawa ‘yon. Sa pagkakaalala ko ay wala pa siya sa tamang edad kaya napakaimposible talagang kaya na niyang palabasin ang kapangyarihan niya tulad ng ginawa niya kanina. Mas lalo lang tuloy akong naniniwala na maaaring totoo nga ang hinala ko. Pero hindi pa rin ito sapat. Kailangan ko pa rin ng matibay na katibayan dahil ang pagkatao at buhay ng kaibigan ko ang nakasalalay rito kaya hindi ako maaaring magkamali at magpadalos-dalos.

“Jane‚” malambing na tawag sa akin ni Gwyn na pumukaw sa atensyon ko at nagpalingon sa akin sa direksyon niya.

Kaagd kong napansin sa mga kilos ni Gwyn na parang may gusto siyang sabihin pero nag-aalangan siya kaya naman ay ako na ang nagtanong para hindi na siya mag-alangan pa.

“What is it‚ Gwyn?” tanong ko sa malambing na boses.

Nang mapansin kong medyo nagtatalo pa rin ang isip ni Gwyn kung sasabihin ba niya ang gusto niyang sabihin o hindi ay naisip kong bigyan siya ng oras na mag-isip at magpasya. Kaya naman ay naglakad na lamang ako patungong kitchen habang hinihintay ko ang magiging pasya niya.

Ang kitchen sa Hidden Palace ay hindi na katulad ng dati. Binago ko kasi ang disenyo nito nang maka-recover ako sa nangyari sa ‘kin at nang matanggap ko na kung sino talaga ako.

Habang patungo ako ng kitchen ay tahimik lang namang nakasunod sa akin si Gwyn. Nang malapit na kami sa kitchen ay doon lamang niya binasag ang katahimikang bumabalot sa amin.

“May naaalala ka na ba sa nakaraan mo kahit kaunti?” may himig ng pag-aalangang tanong ni Gwyn.

Awtomatiko naman akong napatigil sa paglalakad dahil sa tanong ni Gwyn at matamlay ko siyang tiningnan. Pero agad din akong ngumiti nang pilit nang makita ko ang lungkot sa mga mata niya. Kailangan kasing may isa sa amin ang manatiling kontrolado ang emosyon niya para maiwasan namin ang anumang dramahan na maaaring mangyari.

Hindi kami pwedeng magpadala sa emosyon namin. Kailangan naming magpakatatag para na rin sa ikabubuti namin at ng mga nasa paligid namin. Bilang isang charmer kasi‚ ang labis na emosyon ang siyang kahinaan namin dahil kapag nagpadala kami sa emosyon namin ay maaaring ito ang ikapahamak namin at maaari din kaming makapagdala ng kapahamakan o kasawian sa iba.

“Ikinalulungkot ko‚ Gwyn‚ pero wala talaga akong maalala ni katiting. Kahit anong pagpipilit ang gawin ko ay ayaw pa ring bumalik ng alaala ko. Ginawa na rin nina ina at ama ang lahat ng maaaring paraan. Humingi na sila ng tulong sa isang gabay na kayang makakita ng nakaraan para alamin ang dahilan ng pagkawala ng memorya ko pero wala silang makitang kahit ano sa nakaraan ko na siyang ipinagtataka namin‚” mahabang tugon ko na ikinabagsak ng balikat ni Gwyn.

“Parehas lang pala tayo. Sinubukan na rin nina nommy’t daddy ang lahat ng medications na posibleng makatulong sa ‘kin pero walang kahit isa man sa kanila ang gumana. Narinig ko rin minsan na sinabi ng isa sa mga naging doctor ko na napaka-rare daw ng kaso ko dahil wala naman daw akong damage sa ulo o utak kaya imposible raw na magka-amnesia ako. Tinanong ko na noon sina daddy tungkol dito pero ipinagpipilitan nilang nabagok daw ang ulo ko na maaaring sanhi ng pagkawala ng memorya ko‚” salaysay rin ni Gwyn sa mga ginawa nilang paraan para matulungan siyang maibalik ang memorya niya saka bigla na lamang siya napahilot sa sentido niya.

“Sa totoo lang ay naguguluhan ako. Hindi ko alam kung sino at alin ang paniniwalaan ko. Hindi kasi nagtutugma ang sinabi ng doctor sa sinabi nina daddy. Pero isa lang ang tiyak ko. May inililihim sa ‘kin sina daddy. Kaya lang ay gustuhin ko mang alamin kung ano ‘yon ay huli na. Wala na sila kaya hindi ko na malalaman pa kung ano ang nalalaman nila na pilit nilang itinatago sa ‘kin‚” pagtatapat sa akin ni Gwyn at bigla na lamang tumulo ang mga luha niya sa huli niyang sinabi.

Agad kong niyakap si Gwyn bago pa man magtuloy-tuloy ang pagtulo ng mga luha niya. Tulad ni Gwyn ay nasasaktan din ako kapag naaalala kong wala na sina tita at tito. Pero doble ang sakit na nararamdaman niya kung ikukumpara sa ‘kin. Ako kasi‚ kahit papaano ay nababawasan ang sakit na nararamdaman ko at nalalabanan ko ang lungkot at pangungulila ko sa kanila at sa mga kinilala kong magulang dahil nariyan pa ang mga tunay kong magulang at ipinaparamdam nila sa akin na hindi ako nag-iisa. Sa kaso ni Gwyn ay wala siyang makapitan at makunan ng lakas dahil maging ang tunay niyang pagkatao ay malaking katanungan pa rin sa kaniya.

“I understand how you feel‚ Gwyn. Pareho lang tayong uhaw sa katotohanan. And we feel incomplete because of the fact that we can’t remember our past. But you have to be strong. We have to be strong. Kailangan nating magpakatatag dahil marami pa tayong pagdadaanan at sabay nating haharapin kung anuman ‘yon. We have each other’s back. Always remember that‚” pang-aalo ko kay Gwyn habang marahan kong hinahagod ang likod niya.

Buong akala ko ay tuluyan nang hahagulhol ng iyak si Gwyn para ilabas lahat ng naipon na sakit sa loob-loob niya kaya ganoon na lamang ang gulat ko nang kabaliktaran ang nangyari. Bigla na lamang siyang tumigil sa pag-iyak at bahagya siyang humiwalay sa ‘kin na labis kong ipinagtaka.

“Ano ba ‘yan! Masyado na tayong madrama. Ngayon na nga lang tayo nagkasama ulit‚ puro pa kadramahan ang pinagsasabi ko‚” natatawang sabi ni Gwyn habang pinupunasan niya ang kaniyang pisngi gamit lamang ang mga kamay niya.

Mapait na lamang akong napangiti dahil sa inasal ni Gwyn. Mukhang ayaw niya lang na makita ko siyang umiiyak kaya pilit niyang pinapasigla ang tono ng boses niya. Tsk! Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Siya pa rin ang Gwyn na nakilala ko. Siya pa rin ang Gwyn na ayaw na ayaw na ipakita ang kahinaan niya sa mga taong mahalaga sa kaniya. At bilang kaibigan niya ay naging role ko nang alisin ang lungkot niya. Kaya naman ay agad akong nag-isip ng paraan kung paano ko siya mapapasaya na hindi naman ako nahirapang isipin dahil agad na may pumasok na ideya sa isip ko.

“Wait. I have an idea!” bulalas ko nang may bigla akong maisip na bagay na makakapag-alis ng lungkot ni Gwyn.

“What is it?” kunot-noong tanong ni Gwyn na walang kaide-ideya sa kung anong tinutukoy ko sa sinabi ko at kung bakit bigla ko itong nasambit.

“Malalaman mo rin‚” nakangisi kong sagot at pabiro ko pang kinindatan si Gwyn.

Hindi ko na hinintay pang magsalita si Gwyn o muli siyang magtanong sa kung anong ibig kong sabihin sa sinabi ko. Basta ko na lamang siyang hinila papuntang kusina. Nang makarating kami sa kusina ay agad akong lumapit sa refrigerator habang hila-hila ko pa rin si Gwyn. Ang refrigerator na sadya ko ay nanggaling pa sa mundo ng mga tao na pinapagana namin gamit ang kapangyarihan ni Kaiden.

Nang nasa harap na kami ng refrigerator ay doon ko lang binitiwan si Gwyn at hinayaan ko siyang tumayo sa gilid nito. Malakas kong binuksan ang refrigerator dala ng excitement at nagmamadali kong kinuha sa loob nito ang lahat ng sangkap na kailangan ko na mabilis kong inililipat sa mesa malapit sa ‘kin.

Nang matapos na ako sa paglilipat ng mga sangkap mula sa refrigerator patungo sa mesa ay muli kong ibinaling ang tingin ko kay Gwyn na tahimik lang na nakatingin sa mga sangkap na nasa mesa habang kunot na kunot ang noo niya. Ilang segundo rin niyang pinagmasdan ang mga ito bago ko nakitang umaliwalas at sumigla ang mukha niya‚ senyales na alam na niya kung para saan ang mga sangkap na nasa mesa.

“Are we going to bake?” masiglang tanong ni Gwyn na abot-tainga na ang ngiti.

“Uh-huh!” nakangiting tugon ko na mas lalong ikinalapad ng ngiti ni Gwyn.

“Yey! I’m so excited!” masayang sigaw ni Gwyn na nagtatatalon na sa tuwa.

Hindi ko na napigilan pa ang mapangiti at mahinang matawa habang pinagmamasdan ko si Gwyn. Noon pa man ay mababaw na talaga ang kaligayahan niya. That’s why I admire her. Hindi kasi siya materialistic na tao. Hindi mo na kailangan pang gumastos para lang mapasaya siya. Kahit nga bigyan mo lang siya ng letter ay sapat na sa kaniya.

Nang tumigil na si Gwyn sa katatalon niya ay agad na naming sinimulang ayusin at ihanda ang mga kakailanganin namin sa pagbe-bake. Mula pagkabata ay hilig na namin ni Gwyn ang pagluluto at pagbe-bake kaya naman ay naging bonding na namin ito. Ito rin ang madalas naming ginagawa kapag gusto naming makalimot o gusto naming magpalipas ng oras.

Nang matiyak namin ni Gwyn na kumpleto na ang mga sangkap maging ang mga kagamitang kakailanganin namin ay agad na naming sinimulan ang paggawa ng cookies. Isinunod na rin namin ang paggawa ng orange juice para may kapares ang cookies na hinanda namin.

Hindi naman na kami inabot ng isang oras lalo pa’t pareho kaming sanay na sa ginagawa namin kung kaya madali lamang kaming natapos sa paggawa ng cookies at orange juice.

“Ta-da! Foods are ready!” masiglang sigaw ni Gwyn na nagpalingon sa akin sa direksyon niya.

Muntik naman na akong matawa nang makita ko ang hawak ni Gwyn. Halos umapaw na sa hawak niyang malaking bowl ang cookies na ginawa namin dahil sa dami nito.

Hindi na lamang ako nagkomento lalo pa’t bakas sa mukha ni Gwyn ang labis na tuwa. Inihanda ko na lamang din ang juice na ginawa namin at isinalin ko na ito sa mga baso. Nang malagyan ko na ng juice ang apat na basong hinanda ko ay agad ko itong inilagay sa food tray at maingat ko itong binuhat saka ko binalingan ng tingin si Gwyn.

“Tara na. They will be here any minute from now‚” yaya ko kay Gwyn na tinugon lamang niya ng isang matamis at malapad na ngiti bago siya naunang maglakad paalis ng kitchen.

Agad na rin naman akong sumunod kay Gwyn at sabay naming tinahak ang daan patungong sala.

Nang marating namin ang sala ay maingat naming inilapag sa mesa ang mga dala namin. Pagkalapag ko ng dala kong food tray ay agad akong lumapit sa telebisyon at binuhay ko ito. Pinili ko ang channel kung saan lahat ng pelikula ay puro K-drama na siyang kinahuhumalingan namin ni Gwyn simula pa pagkabata.

Maraming kasangkapan sa Hidden Palace ang katulad na katulad sa mundo ng mga tao dahil ito ang paraan nina Kaleb at Kaiden para hindi ko maramdaman ang malaking pagbabago sa buhay ko at para na rin hindi ako mahirapang mag-adjust sa bago kong mundo. Kaya nga malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil kahit papaano ay nakakalimutan ko ang lungkot at pangungulilang nararamdaman ko dahil pakiramdam ko ay kasama ko pa rin sina mommy at nasa mundo pa rin ako ng mga tao. Pero hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung paano nina Kaiden napapagana ang telebisyon at iba pang kagamitan sa Hidden Palace na nagmula pa sa mundo ng mga tao dahil wala naman kaming source of electricity sa Fantasia. Pero marahil ay ginamitan nila ito ng kapangyarihan nila o humingi sila ng tulong sa isang charmer na maaaring dahilan kung bakit nagagawang gumana ng mga kagamitang ito.

Nang mailipat ko na ang channel ay muli kong ibinalik ang tingin ko kay Gwyn. Nakita ko siyang komportable nang nakaupo sa carpet kung kaya lumapit na rin ako sa carpet at tumabi ako sa kaniya ng upo.

Nang maayos na akong makaupo sa carpet ay sakto namang nagsimula na ang palabas. Nagkataon pang ito ang palabas na gustong-gusto naming panoorin noon na hindi namin napanood dahil hindi kami pinayagan nina mommy at tita dahil masama raw sa amin ang magpuyat. Kaya naman ay napatili na lamang kami ni Gwyn dahil sa pinaghalong excitement at kilig.

“O... M... G! Kyaahhh!” malakas naming tili ni Gwyn at hindi na namin alintana pa kahit mawalan kami ng boses o maputulan kami ng ugat sa lakas ng tili namin.

“Oh my! It’s Hwarang!” kinikilig na sigaw ni Gwyn habang niyuyugyog niya ang magkabilang balikat ko sa sobrang kilig.

Muntik ko naman nang mabitiwan ang hawak kong remote dahil sa ginagawang pagyugyog sa akin ni Gwyn. Kaya minabuti ko na lamang na ilapag ito sa sofa sa tabi ko bago ko pa ito tuluyang mabitiwan.

Nang magsawa na si Gwyn sa pagyugyog sa ‘kin ay ang throw pillow naman ang pinagbalingan niya. Mahigpit niya itong niyakap na para bang gigil na gigil siya rito.

“It’s a dream come true‚” natutuwang sabi ni Gwyn habang mahigpit niyang yakap ang throw pillow.

Napailing-iling na lamang ako sa pinaggagawa ni Gwyn at hindi na ako umimik pa. Nang makaramdam ako ng pagkauhaw ay agad kong kinuha ang dalawang baso ng juice na nasa mesa at iniabot ko kay Gwyn ang isa habang sa akin naman ang isa. Sunod ko namang kinuha ang bowl na naglalaman cookies at inilapag ko ito sa sahig sa mismong harapan namin para malaya kaming makakuha rito ng cookies habang nanonood.

Nang maayos na kaming makapuwesto ni Gwyn at nang maihanda na rin namin ang snacks namin ay hindi na kami muli pang nag-usap. Tahimik na lamang kaming nanood. Ngunit makalipas lamang ang ilang sandali ay agad ding nabasag ang katahimikang namamayani sa amin dahil sa mga tawa ni Gwyn. Maya’t maya rin siyang sumisigaw at tumitili sa kilig at bigla-bigla na lang din niya akong niyuyugyog na dahilan kung bakit nagkandatapon-tapon na ang juice na iniinom ko samantalang halos maubos naman na ang laman ng basong hawak niya.

Sa kabila ng hilong nararamdaman ko dahil sa ilang ulit na pagyugyog sa akin ni Gwyn ay hindi ko pa rin mapigilan ang mahinang matawa at mapailing-iling dahil sa inaasal niya. Sa halip din na pigilan siya sa kalikutan niya o pagsabihan siya ay hinayaan ko na lamang siya at pinili ko na lang na kumuha ng cookie at ituon ang atensyon ko sa pagkain.

Yes‚ I admit that I also love K-drama as much as she do. But I do know how to control my emotions that’s why I’m not yet doing something that a princess should not do. Pero ang hindi ko lang talaga mapigilan ay ang matawa at mapangiti sa pinaggagagawa ni Gwyn na sobrang na-miss ko.

“You should warn your cousin‚ Kaleb‚” someone said from a distance which caught my attention.

Agad ko namang nakilala kung sino ang nagsalita nang marinig ko ang naging tugon ni Kaleb.

“Oh come on‚ cold prince. Huwag mong sabihing natatakot kang maagawan ka niya‚” nanunuksong tugon ni Kaleb na tiyak kong nakangisi na naman.

Hindi ko na kailangan pang makita ang mukha ni Kaleb para lang malaman ko kung nakangisi ba siya‚ nakatawa‚ nakaismid o nakasimangot. Boses pa lang niya ay alam ko na agad kung anong ekspresyon ng mukha niya. Hindi naman kasi ‘yon marunong magtago ng emosyon niya lalo na pagdating sa ‘kin. Saka kapag ganitong inaasar niya si Kaiden ay laging nakangisi ang baliw na ‘yon. Iyon lang naman kasi ang alam niyang gawin sa buhay—ang pagtripan ang masungit na si Kaiden.

“Shut the f*ck up‚ Kaleb! Just do it!” galit na bulyaw ni Kaiden kay Kaleb na rinig na rinig ko mula sa sala kahit pa ramdam kong may kalayuan pa sila sa amin.

Si Gwyn naman ay hindi ko masabi kung naririnig din ba niya ang sigawan ng dalawa o hindi. Parang wala naman kasi siyang naririnig dahil tutok na tutok siya sa panonood. Pero kahit naman marinig niya ang usapan ng dalawa ay hindi pa rin niya malalaman na siya ang pinag-uusapan ng dalawa dahil isa siyang manhid at slow pagdating sa pag-ibig. Ni hindi nga niya malalaman na attracted ka sa kaniya kung hindi mo pa sasabihin. At kung sabihin mo man‚ malabo ring paniwalaan niya ito dahil sa nakikita ko ay mukhang wala siyang interes sa bagay na ‘yon.

“I can’t do that‚” tugon ni Kaleb na bigla na lamang sumeryoso.

“Then I have to stop him on my own. You leave me no choice‚” may himig ng paghingi ng tawad na wika ni Kaiden na nakakuha ng interes ko.

Hmmm... Someone is threatened and desperate to get rid of his rival.

“Just make sure that you won’t harm him‚ Kaiden. You know how much I treasure my family‚” may himig ng pagbabantang tugon ni Kaleb na nagpangiti sa akin.

Isa sa mga hinahangaan ko kay Kaleb ay ang labis na pagpapahalaga niya sa pamilya. Lahat kaya niyang gawin at kahit sino ay handa niyang banggain maprotektahan lang niya ang pamilya niya.

Hindi ko na narinig pa na sumagot si Kaiden sa sinabi ni Kaleb. Naramdaman ko na lamang ang presensya nila sa likuran namin.

“We prepared something for snack. Grab some if you want‚” alok ko kina Kaleb nang hindi ko man lang inaalis ang tingin ko sa telebisyon.

“It tastes good‚” komento ni Kaleb na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala at ngayon ay ngumunguya na ng cookie.

Si Kaiden naman ay pumunta sa harapan namin at balak yatang kumuha ng cookies. Pero bago pa man lumapat ang kamay niya sa bowl na naglalaman ng cookies ay sininghalan na siya ni Gwyn na nagpatigil sa kaniya.

“Hey! Huwag ka ngang humarang diyan! Wala akong makita!” reklamo ni Gwyn saka mabilis niyang kinuha ang bowl na naglalaman ng cookies at basta na lamang niya itong ibinigay kay Kaiden. “O ayan‚ sa ‘yo na ‘yan! Umalis ka lang sa harapan namin!”

“Tss! What’s with that movie?” walang ganang tanong ni Kaiden at tamad niyang ibinagsak ang sarili niya sa sofa na nasa kanan ni Gwyn habang hawak niya sa kanang kamay niya ang bowl na naglalaman ng cookies.

Si Kaleb naman ay umalis na sa pagkakaupo niya sa tabi ko. Lumipat siya sa sofa na nasa kaliwa ko at komportable siyang naupo rito matapos niyang kumuha ng isang baso ng juice sa center table.

Tahimik na ininom ni Kaleb ang laman ng basong hawak niya at ganoon din naman si Kaiden. Pero nang magtagal ay nagsimula na silang mag-ingay lalo na noong mag-agawan sila sa cookies. Ngunit hindi na namin pinansin pa ni Gwyn ang kaingayan nilang dalawa. Mas pinili na lamang namin ni Gwyn na ituon ang atensyon namin sa panonood lalo pa’t pareho na kaming hindi alam kung anong gagawin sa sobrang kilig dahil nasa kalagitnaan na kami ng pelikula.

“Kyah! I love you Su Ho and Hansung!” nagwawalang sigaw ni Gwyn.

“Be mine‚ Ban Ryu!” malakas ding sigaw ko dahil sa sobrang kilig.

“Tss! Hindi naman hamak na mas gwapo ako diyan‚” mahanging bulong ni Kaleb na ikinataas ng isang kilay ko at ikinalingon ko sa direksyon niya.

“Nakatulog ka ba nang maayos‚ Kal? O baka gusto mong sapakin kita para magising ka at nang hindi ka na managinip nang gising?” nang-aasar kong tanong kay Kaleb.

Sasagot pa sana si Kaleb sa sinabi ko ngunit hindi na niya nagawang magsalita nang marinig naming magsalita si Kaiden.

“Tss! Magkakagusto na nga lang‚ sa bakla pa‚” naiiling na sambit ni Kaiden na nagpalingon sa akin sa direksyon niya.

Sisinghalan ko na sana si Kaiden dahil sa sinabi niya pero agad na umurong ang dila ko nang makita kong tumama sa mukha niya ang throw pillow na kanina lamang ay yakap-yakap ni Gwyn.

“How dare you! They’re not gays! Saka sinasabi mo lang ‘yan dahil naiinggit ka sa kanila dahil mas gwapo sila sa ‘yo! Kinakain ka na ng insecurities mo!” galit na sigaw ni Gwyn na nanggagalaiti na sa galit.

Hindi naman na ako nagulat pa sa inasal ni Gwyn dahil noon pa man ay ayaw na ayaw na talaga niyang tinatawag na bakla ang Korean idols namin.

“Who told you? I have nothing to be insecure with! I already have everything!” mayabang na depensa ni Kaiden.

Lihim na lamang akong natawa sa inasal ni Kaiden. Mukhang lumalabas na ang kayabangan niya sa katawan na pinakatatago niya.

“Oh my gosh! Biglang lumakas ang hangin! May bagyo yata!” kunwaring natatarantang sabi ni Gwyn na kumapit pa sa sofa at umarteng tinatangay siya ng hangin.

Nakagat ko na lamang ang ibabang labi ko upang pigilan ang sarili kong matawa. Mahirap na at baka ako pa ang pagbuntunan ng dalawa kapag pinagtawanan ko sila.

“Hindi ako nagyayabang! I’m just stating the obvious!” giit ni Kaiden na nag-uumapaw na ang kayabangan sa katawan.

“Obvious your face!” Inirapan lang ni Gwyn si Kaiden at muli na niyang ibinalik ang tingin niya sa telebisyon.

“Darn it! Sinong naglipat ng channel?!” galit na sigaw ni Gwyn na umagaw sa atensyon ko.

Agad ko namang ibinaling ang tingin ko sa telebisyon at muntik na rin akong mapasigaw sa inis nang makita kong nasa ibang channel na nga ito. Action na ang pelikula at isa lang ang alam kong salarin lalo pa’t siya lang naman ang may pagkakataon kanina na maglipat ng channel habang nagtatalo sina Gwyn at Kaiden.

Ibinaling ko ang tingin ko kay Kaleb at matalim ko siyang tiningnan. Mas lalo namang nagliyab ang galit ko na nagsisimula pa lang mamuo sa loob-loob ko nang makita ko ang posisyon niya. Nasa may ulunan na niya ang dalawang braso niya at nakaunan siya sa sandalan ng sofa habang ang paa niya naman ay nakapatong sa center table. Sa ayos niya ay mukhang enjoy na enjoy pa siya sa ginawa niya.

“Hand me the remote!” pagalit kong utos kay Kaleb habang nakalahad na sa harapan niya ang nakabukas kong kamay.

Sa halip na magkumahog si Kaleb na ibigay sa akin ang remote ay sumipol-sipol lamang siya at hindi niya ako pinansin na para bang hindi niya narinig ang sigaw ko.

“Ibigay mo sa akin ang remote kung ayaw mong sapilitan ko itong kunin!” may pagbabantang utos ko kay Kaleb na hindi na naman niya pinansin.

Sa inis ko ay padabog akong tumayo mula sa pagkakaupo ko at marahas kong hinila si Kaleb patayo. Ngunit sa halip na mabawasan ang inis ko ay mas lalo lamang itong sumidhi nang hindi ko makita sa sofa ang hinahanap ko. Ni hindi ko rin ito nakita o nakapa man lang nang kapkapin ko ang bulsa ng suot na trouser ni Kaleb. Pero agad din akong napangisi nang may pumasok na ideya sa isip ko sa kung nasaan na ang remote.

“Gwyn!” pagkuha ko sa atensyon ni Gwyn at nang lumingon siya sa ‘kin ay pasimple kong itinuro ang nakahigang si Kaiden para iparating sa kaniya na si Kaiden ang may hawak ng remote.

Agad namang nakuha ni Gwyn ang ibig kong iparating kaya dali-dali siyang lumapit sa kinaroroonan ni Kaiden at basta na lamang niyang inihulog sa sofa si Kaiden nang wala man lang siyang sinasabing kahit ano.

“F*ck! What’s wrong with you?” pasigaw na tanong ni Kaiden kay Gwyn.

Hindi man lamang pinansin ni Gwyn ang ginawang pagsigaw ni Kaiden. Nakatuon kasi siya sa paghahanap ng remote sa sofa. Ngunit nang hindi niya ito matagpuan ay doon lamang niya pinansin ang presensya ni Kaiden. Lumapit siya rito at sinimulan niyang kapkapan sa Kaiden na para bang may ninakaw itong mahalagang gamit.

“Hey! What are you doing?” puno ng pagtatakang tanong ni Kaiden at pilit siyang lumayo kay Gwyn para hindi siya nito makapkapan. Iyon nga lang ay ayaw talagang paawat ni Gwyn kaya balewala rin ang ilang ulit niyang pagtangkang takasan ang malilikot na kamay ni Gwyn.

“Stay still or I’ll freeze you to death‚” pagbabanta ni Gwyn kay Kaiden sa malamig na boses na kahit ako ay napatigil nang wala sa oras.

“Oh. Here it is‚” nakangising wika ni Gwyn nang sa wakas ay mahanap na niya ang remote na nasa bulsa lang pala ng trouser ni Kaiden.

Dali-daling inilipat ni Gwyn ang channel at muli na siyang naupo sa carpet matapos niyang mailipat ang channel. Ngunit hindi na namin nagawa pang bumalik sa panonod dahil pagkaupo pa lamang ni Gwyn ay agad nang hinablot ni Kaiden ang remote mula sa likuran niya at agad nitong inilipat ng channel.

Marahas na napatayo si Gwyn dahil sa ginawa ni Kaiden at galit niya itong binalingan ng tingin.

“Kaiden‚ ano ba! Ibalik mo sa akin ‘yang remote!” galit na sigaw ni Gwyn kay Kaiden at sinubukan pa niyang agawin ang remote mula kay Kaiden.

Nabigo si Gwyn na maagaw ang remote kay Kaiden sa unang subok niya dahil itinaas ni Kaiden ang kamay niya sa ere na siyang may hawak ng remote. At dahil mas matangkad siya kay Gwyn ay kinailangan pa ni Gwyn na sumampa sa sofa para lamang tagumpay niyang maagaw kay Kaiden ang remote.

Dali-dali namang ibinalik ni Gwyn ang palabas sa channel na pinanonood namin saka ngingisi-ngisi siyang naglakad pabalik sa kaninang kinauupuan niya.

“Such a smart woman‚” naiiling na sambit ko matapos kong masaksihan ang mga pinaggagagawa ni Gwyn para lamang mabawi ang remote.

Nang paupo na si Gwyn sa carpet ay nahuli ko pa si Kaiden na nagtatangka na namang agawin kay Gwyn ang remote. Pero dahil nga ginawa na niya ito kanina ay naging alerto na si Gwyn sa pagkakataong ito‚ dahilan para maitago niya ang remote sa may bantang tiyan niya bago pa man ito mahawakan ni Kaiden. Ngunit tila wala ring balak si Kaiden na magpatalo dahil sa halip na bumalik siya sa sofa ay itinukod pa niya sa sahig ang isang tuhod niya at halos yakapin na niya si Gwyn makuha lang niya ang remote na pilit itinatago ni Gwyn sa bandang tiyan niya.

Patuloy lamang sa pag-aagawan sina Kaiden at Gwyn habang kami ni Kaleb ay nakaawang na ang mga bibig habang nanonood sa kanila. Hindi na namin magawang manood dahil bawat segundo ay inililipat nila ang channel kapag tagumpay nila itong naaagaw mula sa isa’t isa.

Tahimik kong pinanood ang pag-aagawan nina Kaiden sa remote hanggang sa bigla na lamang ihagis ni Kaiden kay Kaleb ang remote nang ma-corner siya ni Gwyn. At bilang isang dakilang pasaway rin si Kaleb ay agad niyang inilipat ang channel pagkasalo na pagkasalo niya ng remote.

Dahil nga nakisali na si Kaleb sa agawan ay hindi na ako nag-atubiling makisali na rin. Mabilis kong inagaw kay Kaleb ang remote nang itutok niya ito sa telebisyon para maglipat ng channel at mabilis pa sa alas kuwatro na ibinalik ko sa dati ang channel saka agad akong umatras at itinago ko sa likuran ko ang remote.

“Athena‚ ibalik mo sa ‘kin yan!” sigaw sa akin ni Kaleb habang pilit niyang kinukuha sa ‘kin ang remote.

“Kunin mo kung kaya mo‚” panghahamon ko kay Kaleb.

Nakita ko namang napangisi si Kaleb sa sinabi ko kung kaya agad akong nabahala at naalarma sa kung anumang kalokohan ang naiisip niya. Kaya naman ay dali-dali kong inilagay sa harapan ko ang remote at agad ko siyang tinalikuran para sana tumakas. Ngunit bago pa man ako makatakas ay agad na niya akong nayakap mula sa likuran ko. Pilit niyang inaagaw sa akin ang remote na mas lalo ko pang hinawakan nang mahigpit para hindi niya ito maagaw sa ‘kin.

“Talagang gusto mong pinahihirapan ako ah‚” nakangising wika ni Kaleb habang patuloy pa rin siya sa pakikipag-agawan ng remote.

“Lahat ng bagay ay pinaghihirapan. Keep that in mind‚ Kal‚” seryosong sagot ko habang pilit kong itinutulak si Kaleb palayo gamit ang siko ko.

Halos ibuhos ko na ang lahat ng lakas ko sa bawat pagsiko ko kay Kaleb pero ayaw pa rin niyang matinag. Sa halip ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa ‘kin na para bang wala na siyang balak na bitiwan ako kahit pa makuha na niya ang remote.

Sa inis ko dahil pakiramdam ko ay walang epekto ang ginagawa kong pagsiko kay Kaleb ay mas nilakasan ko pa ang bawat sikong pinakakawalan ko. Todo atras naman siya para iwasan ito at sa bawat atras niya at tangay-tangay niya ako dahil sa higpit ng yakap niya sa ‘kin.

Paulit-ulit lamang ang naging eksena sa pagitan namin ni Kaleb. Sisikuhin ko siya at aatras naman siya tangay ako. Ganoon lamang ang ginawa namin hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagbagsak namin sa sofa habang yakap-yakap pa rin niya ako.

Dahil sa pagkakabagsak namin sa sofa ay hindi sinasadyang lumuwag ang hawak ko sa remote na agad namang sinamantala ni Kaleb kung kaya malaya niyang naagaw sa akin ang remote. Ngunit nang balak na sana niya itong ipasa kay Kaiden ay bigla na lamang siyang nanigas sa hindi ko malamang dahilan.

“Anong nangyayari? Bakit hindi ako makagalaw?” takang tanong ni Kaleb nang hindi niya maigalaw ang kanang kamay niya na siyang may hawak ng remote at kasalukuyang nakataas.

“Jane‚ get the remote and change the channel‚” malamig na utos sa akin ni Gwyn na kumuha sa atensyon ko.

Kahit na naguguluhan ako sa nangyayari ay sinunod ko pa rin ang utos ni Gwyn. Dali-dali kong kinuha kay Kaleb ang remote at agad kong inilipat ang channel. Nang mailipat ko na ang channel ay umayos na ako ng upo sa sofa dahil may space pa naman ito kahit pa nakahiga rito si Kaleb.

Nang makaupo na ako sa may bandang paanan ni Kaleb ay nagtataka kong tiningnan si Gwyn at halos manlaki ang mata ko nang makita kong hindi na rin gumagalaw si Kaiden habang nakaupo sa dulo ng sofa samantalang si Gwyn naman ay nakaunan sa kabilang dulo ng sofa at ang dalawa niyang paa ay nakadantay sa hita ni Kaiden habang seryoso siyang nanonood.

“You’re the one who did this to them?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Gwyn nang mapagtagpi-tagpi ko ang mga pangyayari.

“I already warned them. They leave me no choice‚” kibit-balikat na tugon ni Gwyn na para bang hindi big deal ang ginawa niya.

“Don’t mind them‚ Jane. Let’s just enjoy the movie‚” Gwyn said dismissively as if I can really enjoy the movie knowing that she freezed Kaiden and Kaleb just so we can freakin’ watch.

“Stop this silly act of yours‚ Thea‚” maawtoridad na sabi ni Kaiden na bakas na sa mukha at boses ang labis na panggigigil na gumanti sa nangyari sa kaniya.

“Keep your mouth shut or I’ll also freeze your tongue and crush it into pieces‚” iritang sagot ni Gwyn na ikinaawang ng bibig ko.

Ganito na ba kalakas ang kapangyarihan niya‚ to the point na kaya na niyang gawin ang banta niya? But she’s just 17! Wala pa siya sa tamang edad para mapalabas at magamit niya nang buo ang kapangyarihan niya.

Dahil marahil sa banta ni Gwyn ay hindi ko na narinig pa na magsalita si Kaiden at maging si Kaleb ay hindi na rin nag-ingay pa. Pero batid kong nagpipigil lamang sila lalo pa’t pareho silang gumagalaw na ang panga sa labis na pagngitngit.

Mukhang may gulong mangyayari sa oras na makawala ang dalawa mula sa pagkaka-freeze nila. Ngunit hindi ko ito dapat iniintindi dahil malabo namang makawala sila sa kapangyarihan ni Gwyn. Ang dapat kong gawin ngayon ay i-enjoy ang pelikulang pinanonood namin at hayaan ang dalawang baliw na magdusa dahil sa sarili nilang kagagawan.

Hindi ko na nga pinansin pa ang dalawang estatwa at itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa pinanonood namin hanggang sa matapos na ito nang walang ingay na ginagawa ang dalawa habang kami ni Gwyn ay panay ang tili at sigaw.

“We’re done. The TV is now all yours‚ guys‚” may halong pang-aasar na wika ni Gwyn na mas ikinainit ng ulo ng dalawa.

Nakangising tumayo si Gwyn mula sa pagkakahiga niya at nagsimula na siyang maglakad palayo.

“Jane‚ let’s go. Let them enjoy the movie‚” yaya sa akin ni Gwyn nang medyo makalayo na siya sa amin at manatili lamang ako sa kinauupuan ko.

Napailing-iling na lamang ako sa kalokohang pinaggagagawa ni Gwyn at sa tono ng boses niya na halatang nang-aasar. At talagang pinagtitripan niya ang dalawa dahil hanggang ngayon ay naka-freeze pa rin sila kahit pa tapos na naman kaming manood.

Tinapunan ko muna ng nang-aasar na tingin ang dalawang estatwa bago ako lumapit kay Gwyn. Nang makalapit ako kay Gwyn ay mabilis ko siyang inakbayan.

“I had so much fun‚ Gwyn‚” nakangising bulong ko kay Gwyn.

“Be ready‚ Jane‚” wika ni Gwyn habang hindi pa rin mabura-bura ang ngisi niya na ikinakunot ng noo ko.

“Be ready for what?” naguguluhang tanong ko.

“Be ready to run‚” nakangising sagot ni Gwyn na hindi ko malinaw na naintindihan.

“What do you mean?” kunot-noong tanong ko.

“You two! You’ll pay for this!” malakas na sigaw ni Kaiden.

“I’m going to punish you both!” sigaw rin ni Kaleb.

Agad akong napalingon sa likuran namin nang marinig ko ang sigaw ng dalawa at halos lumuwa ang mata ko nang makita kong malaya na silang nakakagalaw at kasalukuyan na silang naglalakad palapit sa ‘min.

“Let’s go!” sigaw ni Gwyn saka tumatawa niya akong hinila at hawak-kamay kaming tumakbo papuntang second floor kung nasaan ang kwarto naming dalawa.

“Get back in here!” sigaw ni Kaiden habang kasalukuyan na rin silang tumatakbo para habulin kami.

Mas lalo naman naming binilisan ni Gwyn ang pagtakbo namin dahil sa pagsunod ng dalawa kung kaya madali lamang naming narating ang silid namin na agad naming ikinandado ang pinto pagkapasok na pagkapasok namin.

“What will we do now?” tanong ni Gwyn habang habol niya ang hininga niya.

“Open this f*ckin’ door!” galit na galit na sigaw ni Kaiden at halos masira na ang pinto sa lakas ng katok at hampas nila ni Kaleb dito.

“Mukhang sumabog na ang bulkan. Haha!” tumatawang sambit ni Gwyn na halatang natutuwa pa sa nangyayari kahit alam naman niyang patay kami sa dalawang nasa labas ng silid kapag nahuli nila kami.

“Get out in here! Don’t wait for us to open this godd*mn door!” galit na utos sa amin ni Kaiden habang marahas na nilang hinihila ang doorknob upang sapilitang buksan ang pinto.

“Ayaw talaga ninyong lumabas ah! Then we’ll enter this room whether you like it or not!” nawawalan na ng pasensyang sigaw ni Kaleb.

Agad naman ako naalerto nang marinig ko ang sinabi ni Kaleb na sinundan pa ng ilang ulit nilang pagsipa sa pinto‚ dahilan para unti-unti na itong bumigay.

“Darn it! Mabubuksan na nila ang pinto! Ano nang gagawin natin?” nagpapanic nang tanong ni Gwyn habang nakatutok ang tingin niya sa pinto na pwede nang masira anumang oras.

“Close your eyes‚” natataranta na ring utos ko kay Gwyn at agad kong hinawakan ang kanang kamay niya para malaya kong magawa ang binabalak ko anumang oras ko naisin.

“What? My gosh‚ Franzel Jane! Mabubuksan na nila ang pinto tapos papipikitin mo pa ako! Do something!” natatarantang sigaw ni Gwyn kasabay ng paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.

“Just close your eyes‚” mariing utos ko kay Gwyn.

Kunot-noo lamang akong tiningnan ni Gwyn sa halip na sundin niya ang sinabi ko. Kaya naman ay muli kong binalingan ng tingin ang pinto upang alamin kung ano na ang lagay nito. Ganoon na lamang ang pagkataranta ko nang makita kong isang tulak na lang ay masisira na ito kaya dali-dali kong hinarap si Gwyn at hinawakan ko ang magkabilang balikat niya para hindi siya luminga sa ibang direksyon.

“Ngayon na!” pasigaw nang utos ko kay Gwyn dala ng pagkataranta ko.

Agad namang napapikit nang mariin si Gwyn at kasabay nito ay ang pagkabaklas ng pinto sa pintuan‚ hudyat na nasira na ito at matutumba na ito anumang oras. Pero bago pa man ito matumba ay ginamit ko na ang kakayahan kong mag-teleport kaya huli na sila. Wala na silang aabutan pa kahit anino namin ni Gwyn.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top