CHAPTER 31: THE STORY BEHIND
ATHENA’S POV
Nagising ako mula sa pagkakahimbing ko dahil sa ingay na naririnig ko sa aking paligid. Ngunit kahit na gising na ako ay mas pinili kong huwag na munang idilat ang mga mata ko dahil sa panghihina na dulot marahil ng walang tigil kong pag-iyak. Ngunit bukod sa panghihinang nararamdaman ko ay mabigat din ang pakiramdam ko at nawalan ako ng gana at sigla dahil sa mga nalaman kong nakagigimbal na balita na nagdulot sa akin ng hindi maipaliwanag na sakit at kalungkutan.
“Ano nang gagawin natin? Magdadalawang oras na silang walang malay! Teka. E kung dalhin na kaya natin sila sa isang healer!” nag-pa-panic na wika ni Kaleb na bakas din sa boses ang labis na pag-aalala.
“Ano ba‚ Kaleb! Kumalma ka nga! Kanina pa ako nahihilo sa ‘yo!” galit na pagsaway ni Kaiden sa nag-pa-panic na si Kaleb.
“Kapag hindi ka pa umayos diyan‚ gagawin talaga kitang barbecue‚” dagdag pa ni Kaiden upang mapasunod niya si Kaleb.
Lihim na lamang akong napangiti dahil sa narinig kong pananakot ni Kaiden kay Kaleb. Kahit kailan talaga ay mahilig magbangayan ang dalawang ‘to. Dinaig pa nila ang aso’t pusa kung magbangayan at mag-asaran.
“Tss!” tanging naging tugon ni Kaleb sa mga sinabi ni Kaiden saka naramdaman ko na lamang ang padabog niyang pag-upo sa bandang kaliwa ko.
“Wala ka ba talagang alam sa nangyayari?” mayamaya’y tanong ni Kaleb na mukhang nagagawa nang kontrolin ang emosyon niya dahil medyo kalmado na siya sa pagkakataong ito. Ngunit bakas pa rin ang pag-aalala at pagkabahala sa kaniyang boses.
Hindi ko naman maiwasan ang magtaka sa narinig kong tanong ni Kaleb kay Kaiden. Dahil dito ay mas minabuti kong magtulug-tulugan na lamang para malaya kong marinig ang usapan nina Kaleb at Kaiden.
“Ano sa tingin mo? Tatahimik lang ba ako rito kung may alam ako?” pabalang na tugon ni Kaiden.
“E malay ko ba kung trip mo lang talagang tumahimik diyan at pagmasdan lang ‘yang si Thea‚” may halong pang-aasar na sagot ni Kaleb.
Buong akala ko’y maririnig ko kaagad ang tugon ng pikong si Kaiden ngunit nagulat na lamang ako nang wala akong marinig mula sa kaniya. Sa halip ay isang bagay ang naramdaman kong tumama sa kamay ko.
“Shut the f*ck up kung ayaw mong maging abo!” pagbabanta ng pikong si Kaiden.
Ngayon ay alam ko na kung ano ang malambot na bagay ang tumama sa ‘kin. Malamang ay isa iyong unan na ibinato ng pikong prinsipe na sa halip na kay Kaleb tumama ay sa akin pa nag-landing.
“Sh*t! Ano ka ba naman‚ Kaiden! Huwag na huwag mong binabato ang babaeng mahal ko kung ayaw mong gawin kitang puno!” sigaw rin pabalik ni Kaleb na ayaw yatang magpatalo sa pataasan ng boses.
Nakagat ko na lamang ang ibabang labi ko upang pigilan ang pagkawala ng tawa ko dahil sa kabaliwan ni Kaleb. Bigla tuloy akong napaisip kung bakit ko nga ba siya minahal gayong siya na yata ang pinakabaliw na lalaking nakilala ko.
Nang magtagal pa ang sigawan nina Kaleb at Kaiden ay napagpasyahan kong idilat na ang mga mata ko dahil baka kung saan pa mapunta ang bangayan ng dalawa.
Sa pagmulat ko ay mukha agad ni Kaleb ang bumungad sa ‘kin.
“Thank God‚ you’re awake!” masayang bulalas ni Kaleb nang sandaling magtagpo ang aming tingin at mapansin niyang gising na ako.
Bago pa man ako makapagsalita ay agad na akong niyakap ni Kaleb‚ dahilan upang hindi ko na maibuka pa ang bibig ko.
“Where’s Gwyn?” agad kong tanong kay Kaleb nang pakawalan niya ako mula sa pagkakayakap niya sa ‘kin saka maingat akong bumangon. Agad naman akong inalalayan ni Kaleb at nang maiupo niya ako ay maingat niya akong pinasandal sa headboard ng kama.
Sa halip na sumagot ay bumalik si Kaleb sa pagkakaupo niya sa upuang nasa tabi ng kama at walang imik niyang ininguso si Gwyn na mahimbing na natutulog sa katabing kama habang nasa kaliwa niya naman si Kaiden at tahimik siyang pinagmamasdan at binabantayan.
Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti sa nakikita ko. Mukhang nahanap na ng best friend ko ang kaniyang man of her dreams. Sana lang talaga ay maging maayos pa rin si Gwyn sa kabila ng lahat ng hindi magandang nangyari sa amin at sa pamilya namin.
Makalipas ang ilang minuto kong pagtitig lamang kay Gwyn ay naisipan kong lapitan na siya upang alamin ang lagay niya. Ngunit hindi ko pa man naiaapak sa sahig ang paa ko ay pinigilan na ako ni Kaleb.
“Stay still. Kailangan mo ng pahinga‚” mariin ngunit malambing na wika ni Kaleb saka inalalayan niya akong bumalik sa pagkakahiga pero sa pagkakataong ito ay ako naman ang pumigil sa kaniya.
“Gusto kong lapitan si Gwyn. So please let me go to her. I badly miss her‚” pakiusap ko kay Kaleb para lamang payagan niya akong lapitan si Gwyn na mukhang gumana naman dahil sa halip na pigilan ako ay inalalayan niya akong tumayo at tinulungan niya pa akong makalapit sa kamang kinahihigaan ni Gwyn.
Nang makalapit kami sa kamang kinahihigaan ni Gwyn ay maingat akong iniupo ni Kaleb sa upuang nasa gilid ng kama na katapat ni Kaiden habang siya naman ay kinuha niya ang kaninang upuan na inuupuan niya at ipinuwesto niya ito sa tabi ko at doon siya naupo.
Nang maayos na kaming makaupo ni Kaleb ay agad kong ibinaling kay Gwyn ang atensyon ko. Sa pagtuon ng paningin ko sa natutulog na si Gwyn ay hindi ko na napigilan pa ang pag-angat ng kamay ko upang marahang haplusin ang kaliwang pisngi ni Gwyn gamit ang kanang kamay ko.
“Hindi pa rin ba siya gumigising?” matamlay at mahinang tanong ko habang marahan kong hinahaplos ang pisngi ni Gwyn.
Ngayong nagkaharap na kaming muli ni Gwyn ay mas lalo lamang akong nakaramdam ng pangungulila sa kaniya at hindi ko rin maiwasang alalahanin ang dating buhay namin. Mahigit dalawang buwan na rin pala noong huli kong makita ang maamong mukha ni Gwyn. Kaya ngayong nagkita na ulit kami ay hindi ko na hahayaan pang muli kaming magkahiwalay.
Kaagad na nawala kay Gwyn ang atensyon ko nang mapagtanto kong wala pa akong nakukuhang sagot mula kina Kaiden kahit pa ilang minuto na ang nakalipas. At upang makuha ang sagot sa tanong ko ay lumingon ako sa direksyon ni Kaiden.
Nang magtagpo ang tingin namin ni Kaiden ay umiling lamang siya sa akin bilang tugon‚ dahilan upang bagsak ang balikat na ibalik ko kay Gwyn ang aking tingin.
“Gwyn‚ wake up‚ please. I miss you so much‚” pagmamakaawa ko kay Gwyn sa pagbabaka sakaling marinig niya ako at ito ang maging daan upang gumising na siya.
Nang wala akong makuhang sagot mula kay Gwyn ay inabala ko na lamang ang aking sarili sa paghaplos sa kaniyang pisngi. At habang hinahaplos ko ang pisngi ni Gwyn ay nahagip ng mata ko si Kaiden na kunot-noong nakatingin sa bawat kilos ko.
“Why do you keep on addressing her in her second name? I don’t remember anyone calling her that way. And how did you even know her?” salubong ang kilay na tanong ni Kaiden na kunot na kunot na rin ang noo.
Dahil sa tanong ni Kaiden ay agad akong napaangat ng tingin.
“Iyon ay dahil mas gusto niyang tinatawag ko siyang Gwyn. Noong paggising pa lang namin matapos ang aksidenteng dahilan daw ng pagkawala ng memorya namin ay sinubukan kong tawagin siya sa first name niya pero ayaw niya akong pansinin o kausapin kaya sinubukan kong tawagin siya sa second name niya. And surprisingly‚ she turned her gaze at me and her tears streamed down her cheeks. And that’s where it all started. That’s how we became friends‚” mahabang tugon ko.
Sa hindi ko malamang dahilan ay namayani ang katahimikan sa amin. Walang sinuman kina Kaleb ang gumawa ng ingay matapos kong magsalita. Nakapangalumbaba lamang si Kaleb sa tabi ko habang si Kaiden naman ay palipat-lipat ang tingin sa amin ni Gwyn na para bang may puzzle siyang binubuo at nasa amin ang susi para mabuo ito.
“Ano bang nangyari? Bakit ba kayo nagkahiwalay?” tanong ni Kaleb matapos ang mahabang katahimikan na siyang umagaw sa aking atensyon.
Lumunok na muna ako bago ko ibinuka ang bibig ko upang sagutin ang tanong ni Kaleb. “I was—”
“Bigla na lang siyang naglaho na parang bula. Noong gabi ng Graduation Ball ay pumunta kami sa mansion nila para sabay-sabay na sana kaming pumunta sa venue. Pero hindi na namin sila nakita pa roon. Ang tanging nakita lang namin ay ang magulong mansion at mga nagkalat na bangkay. The mansion was a total mess. Maraming mga nabasag at nagkalat ang mga gamit sa kung saan. Ngunit sa kabila nito ay sinubukan pa rin namin silang hanapin sa buong mansion pero hindi namin sila nakita. Tanging mga bangkay lang ng mga katulong at ng driver ang natagpuan namin. May nakapagsabi sa aming patay na sina tita’t tito at nawawala ang anak nilang si Jane kaya hindi kami tumigil sa paghahanap kay Jane sa pag-asang buhay pa nga siya. Nag-hire kami ng napakaraming magagaling na private investigators para lamang ipahanap siya pero sa mahigit isang buwan naming paghahanap kay Jane ay wala pa rin kaming kahit anong balitang natatanggap kung ano na bang nangyari sa kaniya‚” mahabang kuwento ni Gwyn sa nangyari almost three months ago habang bakas na sa tono ng boses niya ang lungkot‚ sakit at galit na pilit lamang niyang ikinikubli.
Hindi ko man lamang napansing gising na pala si Gwyn. Kung hindi pa siya nagsalita ay hindi ko pa malalamang nakaupo na pala siya sa ibabaw ng kama at kasalukuyan nang nakasandal sa headboard nito.
“But do you mind if I ask you to tell me what really happened that time‚ Jane? Kung bakit bigla ka na lang nawala?” may pagtatampong tanong ni Gwyn nang magtagpo ang aming tingin.
Dahil nga magkatitigan kami ni Gwyn ay malinaw kong nakikita sa mga mata niya ang halo-halong emosyon. Malinaw kong nakikita sa mga mata niya ang pangungulila‚ pagkauhaw sa katotohanan‚ tampo at sama ng loob. Naiintindihan ko naman kung may sama siya ng loob sa ‘kin dahil may karapatan naman siyang maramdaman ito lalo pa’t bigla na lamang akong nawala at hindi na nagparamdam pa. Pero ano ‘yong sinasabi niyang hindi nila natagpuan ang katawan nina mommy’t daddy? Sa pagkakaalala ko ay naiwan silang walang malay sa mansion kaya imposibleng hindi nila ito matagpuan.
“Ayos lang kung hindi mo sagutin ang tanong ko. Naiintindihan ko‚” halos bulong na lang na sabi ni Gwyn nang hindi agad ako makasagot habang bakas pa rin sa mga mata niya ang lungkot at pighati na pilit niyang itinatago at nilalabanan.
Mapait na lamang akong napangiti dahil sa pagpipigil ni Gwyn na ikubli ang tunay niyang nararamdaman. Hindi pa rin pala siya nagbabago. Ayaw na ayaw pa rin niyang ipinapakita ang tunay niyang nararamdaman kahit pa sa mga taong mahalaga sa kaniya.
Marahil ay panahon na nga para sabihin ko kay Gwyn ang totoong nangyari noong araw na mawala ako para kahit papaano ay malinawan siya at mabawasan ang bigat ng loob niya.
Malalim na lamang akong napabuntong-hininga upang humugot ng lakas ng loob at upang ihanda ang sarili ko sa pagkukuwento sa pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko. Nang pakiramdam ko ay kaya ko nang magkuwento ay doon ko lamang ibinuka ang bibig ko at sinimulan ko nang ikuwento ang nangyari bago pa isipin ni Gwyn na wala akong balak na sagutin ang nag-iisa niyang tanong.
“Nasa kwarto ako no’n at abala sa pagbibihis at pag-aayos para sa Graduation Ball nang bigla akong makarinig ng malakas na kalabog sa baba na sinundan pa ng tunog ng mga nababasag na bagay. Kaya dali-dali akong bumaba‚” panimula ko at hindi ko na napigilan pa ang mariing kagatin ang ibabang labi ko nang maramdaman kong nagsisimula na itong manginig dahil sa muling pananariwa sa akin ng mga nangyari sa araw ng pagkawala ko.
“N-Ngunit nasa may hagdan pa lang ako ay halos mawalan na ako ng balanse nang makita ko sina m-mommy’t daddy na pareho nang walang malay habang may mga lalaking nakaitim ang nakapalibot sa kanila. Ngunit sa kabila nito ay tumuloy pa rin ako sa pagbaba ng hagdan para lapitan sina mommy‚” pagpapatuloy ko sa aking kuwento at saglit akong tumigil upang pigilan ang pagkawala ng emosyon ko nang sa gayon ay magawa ko pa ring ituloy ang pagkukuwento nang hindi tumutulo ang mga luha ko.
“Iyon nga lang ay may bigla na lamang humawak sa magkabilang braso ko bago pa man ako makalapit sa kanila. Sinubukan kong magpumiglas at manlaban pero nabigo akong makawala mula sa pagkakahawak nila dahil higit na mas malakas sila sa ‘kin. At hindi pa sila rito nakuntento. Ginamitan pa nila ako ng kapangyarihan para patulugin ako kaya malaya nila akong natangay. Pero bago nila ako patulugin ay may binanggit sila tungkol sa prinsesa. Papatayin daw nila ako kapag hindi ko itinuro sa kanila ang kinaroroonan ng prinsesa. Iyon ang mga katagang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay. At sa paggising ko ay wala na sila at nasa ibang mundo na ako‚” tuloy-tuloy kong kuwento sa nangyari.
Sinadya kong magtuloy-tuloy sa pagkukuwento sa halip na putul-putulin pa ito dahil hindi ko na kayang tagalan pa ang aming usapan. Kung maaari nga lang sana ay ayoko nang balikan pa ang mga nangyari noon. Mas lalo ko lang kasing nararamdaman ang pagkawala nina mommy at paulit-ulit na bumabalik sa akin ang sakit na dulot nito.
“How were you able to escape?” tanong ni Kaiden matapos ang mahabang katahimikan‚ dahilan upang mabaling kay Kaiden ang tingin ko.
“Kaleb saved me‚” agad kong tugon.
Dahil nga na kay Kaiden ang tingin ko ay hindi nakaligtas sa akin ang pagkunot ng kaniyang noo na para bang hindi niya naunawaan o inaasahan ang sagot ko. Kaya naman ay agad akong nagsalita upang linawin sa kaniya ito.
“Nasa Punta Forest si Kaleb noong mga oras na iyon para sa isang misyon‚” pagbibigay-alam ko kay Kaiden sa pag-asang malilinawan siya sa tulong nito. Ngunit mas lalo lamang siyang naguluhan‚ dahilan para magsalubong ang kilay niya kaya agad kong sinenyasan si Kaleb para siya na ang magkuwento nang sa gayon ay malinawan na nga si Kaiden sa mga bagay-bagay na nangyari noon.
“Noong araw na iyon ay naatasan ako ni Reyna Aurora na bantayan ang lagusan dahil ayon sa isang gabay ay iyon daw ang araw na muling magbabalik ang kanilang nag-iisang anak na si Athena. Ayon sa gabay ay babalik ang prinsesa sa araw bago ang kaniyang ikalabing-walong kaarawan‚” pahayag ni Kaleb sa dahilan kung bakit siya naroon sa Punta Forest noong araw na dinukot ako ng Darkinians at dinala sa Fantasia.
Matapos magsalita ni Kaleb ay napansin kong unti-unti nang nalilinawan si Kaiden. Ngunit kahit pa wala nang nagtanong pa sa akin ay alam kong may mga tanong pa rin si Gwyn na kailangan kong bigyan ng kasagutan para mas maging malinaw sa kaniya ang lahat ng nangyari. Kaya naman ay pinili kong ituloy ang kuwento.
“Hindi naging madali ang pagpapaniwala nila sa akin na ako ang prinsesa ng Mesh Kingdom lalo pa’t lumaki ako sa paniniwalang sina mommy’t daddy ang mga magulang ko at isa akong tao. Pero dahil sa kapangyarihang ipinamalas ko kinabukasan at dahil na rin sa pagpapalit ng aking pisikal na anyo ay napatunayan nilang ako nga ang nawawalang prinsesa. At mas lalo pa nila itong nakumpirma nang kusa na lamang lumabas sa akin noong araw na iyon ang palatandaan ng pagiging isang prinsesa. Ito ay ang marka sa kanang braso ko na hugis-korona‚” mahabang salaysay ko sa mga nangyari matapos ang araw ng pagbabalik ko sa aming kaharian.
Matapos kong magkuwento ay nakita ko sa mukha ni Gwyn na may hinahanap pa rin siyang sagot na marahil ay hindi niya nahanap sa mga sinabi ko. Kaya naman ay inituloy ko pa ang aking kuwento para isa-isa kong masagot ang mga tanong na gumugulo kay Gwyn.
“Pero sa kabila ng pagbabagong nangyari sa ‘kin at sa paglabas ng kapangyarihan ko ay hindi ko pa rin maalala ang nakaraan ko bago ako mapadpad sa mundo ng mga tao na siyang ipinagtataka namin. Ginawa na kasi namin ang lahat ng paraan para lang maibalik ang alaala ko pero wala talaga akong kahit anong maalala. Ni hindi ko pa nga alam hanggang ngayon kung paano akong napunta sa mundo ng mga tao at kung paanong nawala ang alaala ko‚” pagpapatuloy ko at hindi ko na napigilan pa ang manlumo at malungkot nang muli na namang manariwa sa akin ang ilang ulit naming pagkabigo na ibalik ang alaala ko.
Kaagad din namang napawi ang lungkot ko nang maramdaman ko ang marahang paghagod ni Kaleb sa likod ko na para bang pinaparating niya sa akin na nariyan lang siya sa tabi ko at hindi siya mawawala makaalala man ako o hindi.
“Kung gano’n ay hindi mo pa rin pala alam kung ano ba talagang nangyari sa atin na siyang dahilan kung bakit pareho tayong walang maalala pagkagising natin‚” nanlulumong sabi ni Gwyn na bakas na sa mukha at boses ang frustration at kalungkutan.
Aaluin ko na sana si Gwyn ngunit hindi ko na nagawa pang kumilos sa kinauupuan ko nang mahagip ng paningin ko ang biglang pagbuntong-hininga ni Kaiden matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Gwyn. Kaya sa halip na si Gwyn ang pagtuunan ko ng pansin ay nalipat kay Kaiden ang atensyon ko at hindi ko na napigilan pa ang pagtaasan siya ng kilay nang magtagpo ang aming tingin. Ngunit kaagad din siyang nag-iwas ng tingin sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka may alam siya na ayaw niya lang sabihin sa amin. Noong mag-iwas kasi siya ng tingin ay parang iniiwasan talaga niyang magtagpo ang aming tingin at para siyang may pilit na ikinikubli sa mga mata niya‚ dahilan para ibaling pa niya sa ibang direksyon ang tingin niya.
Hindi ako sigurado pero may hinala akong may alam si Kaiden na hindi niya binabanggit sa amin. At kung anuman ‘yon‚ kailangan ko ‘yong malaman. Hindi niya naman dadalhin sa Fantasia si Gwyn ng walang dahilan. Saka hindi rin siya magiging protective at caring kay Gwyn ng walang mabigat na rason lalo pa’t ayon kay Kaleb ay ginagawa lang daw ito ni Kaiden sa iisang babae.
‘Wait. Hindi kaya si Gwyn at ang babaeng tinutukoy ni Kaleb ay iisa?’ wala sa sariling tanong ko sa aking sarili matapos kong maalala ang sinabi sa akin noon ni Kaleb tungkol sa nag-iisang babaeng pinaglalaanan ni Kaiden ng pansin na walang iba kundi si Kiana na ayon din kay Kaleb ay matalik ko raw na kaibigan.
Hindi imposibleng totoo ang hinala ko dahil una pa lang ay magaan na ang loob ko kay Gwyn. Palagay na ang loob ko sa kaniya kahit pa noong magising pa lang kami mula sa pagkaka-comatose. Bukod dito ay may kakaiba rin akong nararamdaman noon sa kaniya na nagtulak sa akin na lapitan at kausapin siya. Grabe rin ako kung mag-alala noon sa kaniya kahit na hindi ko pa siya kilala at kahit pa wala akong matandaan. Hindi malayong lahat ng ito ay naramdaman ko dahil si Gwyn ay si Kiana at magkaibigan na kami bago pa man kami mawalan ng mga alaala.
“Jane‚ ayos ka lang?” nag-aalalang tanong ni Gwyn na pumukaw sa aking atensyon at nagpalingon sa akin sa kaniyang direksyon.
“Ha? Ahh... o-oo‚ ayos lang ako. Tara na‚ kailangan na nating umalis dito. Baka nag-aalala na sina ama’t ina‚” nauutal kong sagot at sinadya ko pang ibahin ang usapan para hindi na magtanong pa si Gwyn.
Hangga’t maaari ay hindi pwedeng malaman ni Gwyn ang hinalang nabuo sa isipan ko lalo pa’t hinala pa lang naman ito. Ayoko na siyang mag-isip pa masyado at ayoko ring paasahin siya kung sakaling mali pala ako sa hinala ko.
Hindi ko na hinintay pa ang pagsang-ayon nilang tatlo sa sinabi ko. Nagmamadali na akong tumayo mula sa pagkakaupo ko. Mabilis namang kumilos si Kaleb upang alalayan akong tumayo at ganoon din naman ang ginawa ni Kaiden kay Gwyn.
“Mauna na kami sa inyo‚” paalam ni Kaiden nang makatayo na silang pareho ni Gwyn habang nakaalalay siya kay Gwyn.
Aalis na sana sina Kaiden matapos niyang magpaalam sa amin ngunit agad ko siyang pinigilan nang bigla akong may maalala.
“Kaiden‚ wait!” pigil ko kay Kaiden‚ dahilan upang tingnan niya ako ng puno ng pagtataka.
“Pwede ba kitang makausap sandali?” nag-aalangan kong tanong kay Kaiden.
Tipid lamang na tumango si Kaiden bilang tugon.
“Mauuna na lamang kaming lumabas ni Thea sa inyo. Doon na lang namin kayo hihintayin‚” paalam ni Kaleb at dali-dali siyang lumapit kay Gwyn upang pumalit sa pwesto ni Kaiden.
Nang makalapit si Kaleb sa kinatatayuan ni Gwyn ay maingat niyang inalalayan si Gwyn palabas ng tree house o mas bagay na tawaging Hidden Palace lalo na’t malapalasyo ang laki nito at mararangya rin ang mga kagamitan nito sa loob.
Nang tuluyan nang makalabas sina Gwyn ay doon lamang ako nakahinga nang maluwag dahil hindi ko na kailangan pang itago ang paghihinalang nabuo sa isip ko.
“What is it all about?” malamig na tanong ni Kaiden na nasa akin na pala ang tingin at kanina pa nakaabang sa sasabihin ko.
“It’s about Gwyn‚” diretsahan kong sagot.
Kaagad na nagsalubong ang kilay ni Kaiden matapos kong banggitin ang pangalan ni Gwyn.
“What about her?” nagtatakang tanong niya na halatang walang kaide-ideya sa dahilan kung bakit ko siya gustong makausap nang sarilinan.
“Anong alam mo tungkol sa tunay na pagkatao niya?” diretsahang tanong ko dahil kanina pa talaga ako nangangating tanungin si Kaiden sa kung anumang alam niya.
“What do you mean?” painosenteng tanong ni Kaiden na hindi nagtutugma sa naging reaksyon niya sa tanong ko. Bigla na lamang kasi siyang napaiwas ng tingin at sunod-sunod ang naging paglunok niya na tila ba kinakabahan siya sa magiging takbo ng aming usapan.
“Alam kong may alam ka na hindi mo sinasabi sa ‘min. Kaya sagutin mo ang tanong ko. Anong alam mo? Siya ba? Kaya ba ganoon na lang kung protektahan at bantayan mo siya?” pagpapaulan ko ng tanong kay Kaiden at pinagtaasan ko pa siya ng kilay para hamunin siyang isiwalat na ang nalalaman niya.
“Kung anuman ‘yang nasa isip mo‚ nagkakamali ka. Wala akong alam na kahit ano sa kaniya. So can you stop interrogating me!” mariing tanggi ni Kaiden na hindi na napigilan pang magtaas ng boses sa huli niyang sinabi na senyales na nagsisinungaling siya.
Si Kaiden ang tipo ng tao na mahirap mabasahan ng emosyon dahil palagi siyang walang emosyon na para bang wala siyang pakialam sa paligid niya. Pero kapag nagsisinungaling siya ay bigla na lang siyang nagiging uncomfortable at nag-iiba ang tono ng boses niya at maging ang kinikilos niya ay nag-iiba. Yes‚ kilalang-kilala ko na siya kahit sandali pa lang kaming nagkakilala na siyang ipinagtataka ko. Well‚ siguro kaya ganito ko siya kakilala ay dahil magkaibigan na kami bago pa man ako mapadpad sa mundo ng mga tao.
“You’re lying‚” mariing sambit ko para iparating kay Kaiden na hindi niya ako madadala sa pagmamaang-maangan niya.
“I’m not! Kaya kung walang ka ng sasabihin pa‚ mabuti pang tapusin na natin itong walang kwentang usapan natin‚” may bahid na ng pagkairitang wika ni Kaiden at basta na lamang niya akong tinalikuran at nagsimula na siyang maglakad palayo.
Bago pa man tuluyang makalayo si Kaiden ay muli akong nagsalita‚ dahilan upang mapatigil siya.
“Alam kong may alam ka‚ aminin mo man o hindi. Alam ko kung kailan ka nagsisinungaling at kung kailan ka nagsasabi ng totoo. And obviously‚ you’re lying. But it’s okay. Hindi mo naman na kailangang sagutin ang tanong ko dahil ngayon pa lang sinasabi ko na sa ‘yo na malalaman ko rin ang buong katotohan sa sarili kong pamamaraan. At sa oras na napatunayan ko na tama ang hinala ko‚ gagawin ko ang lahat para matulungan si Gwyn na ibalik ang lahat sa dati‚” puno ng determinasyong wika ko kahit pa nakatalikod sa akin si Kaiden.
Nang hindi kumilos si Kaiden at manatili lamang siyang nakatalikod sa akin ay agad na akong naglakad papunta sa direksyon niya. Ngunit sa halip na tumigil ako nang magkapantay kami ay nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad at walang imik ko siyang nilampasan.
Noong nasa may tapat na ako ng pinto ay hindi ko na ito nagawa pang buksan dahil bigla na lamang akong natigilan nang marinig kong magsalita si Kaiden mula sa likuran ko.
“Mas makabubuti kung huwag mo na munang ungkatin ang nakaraan. Alam mo kung anong mangyayari kapag nagkataon‚” seryosong saad ni Kaiden na tila isang babala.
“May mga bagay sa nakaraan na mas makabubuting ibaon na lang sa limot para hindi na siya masaktan pa. At may mga nakalipas na hindi na dapat balikan pa para hindi maapektuhan ang kasalukuyan at lalong-lalo na ang hinaharap‚” matalinghagang dagdag ni Kaiden na hindi ko na pinansin pa.
Sa halip na lingunin pa si Kaiden ay nagtuloy-tuloy na lamang ako sa paglabas ko at hindi ko na pinansin pa ang mga sinabi ni Kaiden.
Oo‚ alam ko kung anong maaaring mangyari at hindi ko hahayaang mangyari ‘yon. Hindi ko hahayaang muli na namang malagay sa panganib si Gwyn. Dadaan muna sila sa ibabaw ng bangkay ko bago nila magalaw si Gwyn. Magkamatayan na!
At oo‚ tama si Kaiden. May mga bagay sa nakaraan na dapat kinakalimutan pero hindi ito ‘yon dahil malaking parte ito ng buhay ni Gwyn. May mga parte ng nakaraan na dapat pinahahalagahan dahil ito ang bubuo sa pagkatao ni Gwyn at handa akong harapin ang anumang magiging epekto sa kasalukuyan at sa hinaharap ng pag-ungkat ko sa nakaraan matulungan ko lamang si Gwyn na maibigay sa kaniya ang sagot na matagal na niyang hinahanap na kukumpleto sa pagkatao niya.
✨✨✨
A/N: Sa panahon ngayon‚ mahirap nang makahanap ng tunay na kaibigan na maaasahan mo anumang oras at palaging nasa tabi mo na hindi ka kailanman iiwan anuman ang mangyari. Kaya kung mayroon man kayong kaibigan na tulad ni Jane/Athena ay huwag na ninyo silang pakakawalan pa. Huwag ninyong hayaang mawala sa inyo ang nag-iisang bagay na maituturing ninyong isang yaman❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top