CHAPTER 2: PRESUMPTION
KAIDEN’S POV
Hindi ako tao at hindi ako nabibilang sa daigdig na ngayon ay kinaroroonan ko. Isa akong royal blood charmer. My charms are fire and ice that can produce water if you combine it together. I’m the prince of the Sapience Kingdom. Kilala ang aming kaharian at angkan sa mga taktika. Wala pa kaming laban o digmaan na hindi naipanalo dahil sa husay naming gumawa ng taktika.
I’m here in the mortal world because of an important mission. Isang misyon na ako at ang pamilya ko lang ang may alam at iyon ay ang hanapin ang kauri ko na magsasampung taon nang naninirahan sa mundong ito. Dinala siya rito ng isang tagapagsilbi ng Ardor Kingdom nang mangyari ang digmaan mahigit siyam na taon na ang nakararaan. I followed that servant but unfortunately‚ I got lost because that was my first time to be in this world.
Hindi ko alam kung saan siya dinala ng tagapagsilbi ng palasyo. That’s why until now‚ I’m still searching for her so that we can go back to the world where she really belong. The world that is destined to be ruled by her in the future. The world where magic exist—the Fantasia.
Makalipas ang ilang taon kong paghahanap sa kaniya‚ sa tingin ko ay nahanap ko na siya. Iyon nga lang ay hindi pa ako nakakatiyak dahil matagal na iyong huli naming pagkikita at masyado pa kaming bata noong mga panahong iyon. Hindi ko na gaanong maalala ang maamo niyang mukha at tiyak kong malaki na ang ipinagbago niya kaya hindi ko matukoy kung ang babae bang nasa aking harapan at ang babaeng hinahanap ko ay iisa.
Sa kagustuhan kong mabigyan ng kasagutan ang katanungang gumugulo sa aking isipan ay hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin ang gurong kasalukuyang nagsasalita sa harapan. Mas minabuti kong ituon ang atensyon ko sa babaeng aking katabi na abala sa pakikinig sa talakayan. At base sa ikinikilos niya ay mukhang hindi niya napapansin ang pagtitig na ginagawa ko at wala siyang kamalay-malay na may mga matang nakamasid sa kaniya.
Hindi ko matukoy kung anong mayroon sa kaniya pero may naramdaman akong kakaiba sa kaniya nang sandaling matuon sa kaniya ang paningin ko. At sa kailaliman ng puso ko ay may naramdaman din akong kakaiba na tila ba kilalang-kilala ko siya at nakasama ko na siya sa loob ng mahabang panahon. Mayroon din akong napapansin at nararamdamang kakaiba sa kaniya. I can’t even read her mind. May kung ano sa utak niya na humaharang at pumipigil sa akin na basahin ang laman ng isip niya.
Sa tagal ko nang naninirahan sa mundong ito ay wala pa akong nakilalang tao na may kakayahang pigilan akong basahin ang kanilang isip. That’s because we have easy access on it. Ang tanging may kakahayahan lang na pigilan at hadlangan kaming mapasok ang isipan nila ay iyong mga malalakas na charmer na kayang labanan ang kapangyarihan at kakayahan namin. Kaya mas lalo lang tuloy lumalalim ang pagdududa ko na siya nga ang matagal ko nang hinahanap. Dahil kung isa lang siyang ordinaryong tao ay makakaya kong basahin ang isipan niya.
‘Sino ka bang talaga? Ikaw ba ang hinahanap ko?’ naitanong ko na lamang sa aking sarili habang pinagmamasdan ko ang babaeng katabi ko.
Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil sa magulo niyang buhok na tumatabing sa kaniyang mukha at dahil sa salamin niyang napakakapal at napakalapad.
‘Alam kong may inililihim ka at aalamin ko kung ano man iyon‚’ I thought to myself.
Hindi ako babalik sa mundo namin hangga’t hindi ko siya kasama. Hindi ko hahayaang mauwi sa wala ang matagal na panahon kong paghahanap sa kaniya.
Ngayong nahanap ko na siya‚ hindi ko na hahayaan pang muli siyang mawala. Gagawin ko ang lahat para pangalagaan siya kahit pa buhay ko ang maging kapalit.
Natapos ang aming klase na wala akong natutunan. Hindi ko kasi nilubayan ng tingin ang katabi ko. At dahil nakatitig nga ako sa kaniya ay hindi nakatakas sa aking paningin ang biglaan niyang pagtayo.
Pagkatayo ng babaeng kanina ko pa pinagmamasdan ay agad niyang isinukbit ang kaniyang bag at binitbit niya ang kaniyang mga libro saka tahimik siyang naglakad paalis. Ngunit bago pa man siya tuluyang makalayo ay agad ko siyang sinundan nang hindi niya namamalayan.
Narating niya ang hardin bitbit ang kaniyang napakaraming libro. Walang imik siyang naupo siya sa lilim ng isang puno. Nang makaupo na siya ay mabilis niyang binuksan ang isa sa mga librong hawak-hawak niya at tahimik niya itong binasa nang hindi man lang ibinubuka ang kaniyang bibig.
Naupo na rin ako sa lilim ng isang puno na may kalayuan sa kaniya-sa lugar kung saan hindi niya ako mapapansin upang malaya ko siyang mapagmasdan nang hindi niya namamalayan.
Wala na akong pakialam kung nagmumukha na akong stalker niya. Ang tanging mahalaga lang sa akin ay mapatunayan kong tama ang hinala ko tungkol sa pagkatao niya dahil habang tumatagal ay mas nanganganib ang buhay niya. Hindi namin siya magagawang protektahan kapag nanatili siya sa mundong ito. Ang malala pa ay maraming inosenteng tao ang madadamay at mawawalan ng buhay. Kaya habang maaga pa ay kailangang maibalik ko na siya sa aming mundo upang siya’y pangalagaan.
Nakasandal lamang ako sa puno habang nakatingin sa direksyon niya samantalang siya naman ay abala sa pagbabasa ng libro at walang pakialam sa kaniyang paligid. Nasa ganoon kaming sitwasyon nang bigla na lamang humangin nang malakas. Kasabay nito ay ang nakabibinging paghuni ng mga nagliliparang ibon sa kalangitan na tila ba ay may nagbabadyang panganib mula sa malapit.
Nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon ng babaeng kanina ko pang pinagmamasdan dahil sa nangyari. Ang walang emosyon nitong mukha ay nabalutan ng pagtataka at pagkabalisa na ikinagulat ko dahil ibig sabihin lamang nito ay nararamdaman din niya kung anong nararamdaman ko na tanging charmers lang ang may kakayahan.
Hindi nga talaga siya isang mortal. Isa siyang charmer at may posibilidad na siya nga ang matagal ko nang hinahanap.
Agad kong iginala ang tingin ko sa paligid dahil nararamdaman kong may hindi magandang mangyayari. At sa aking pagtingin-tingin sa paligid ay napako sa field ang aking atensyon. Sa field hindi kalayuan sa amin ay may napansin akong mga naglalaro ng soccer. Sinipa ng isang lalaki ang bola nang napakalakas kaya ito ay lumabas ng field at ngayon ay papunta sa direksiyon ni Miss Gutierrez ang bola.
Now‚ it makes sense. Nararamdaman ng paligid‚ ng kalikasan at maging ng mga hayop ang panganib na nagbabadya sa kaniya. Kung ganoon ay magkadugtong ang buhay niya at ng iba pang mga nilikha na tanging sa katulad lamang naming royal blood charmers nangyayari.
Ngayong natunghayan ko ang koneksyon na mayroon siya sa kapaligiran at maging sa kalikasan ay isang bagay na lamang ang kailangan kong alamin-iyon ay kung siya nga ba ang matagal ko nang hinahanap. Pero bago ‘yan ay kailangan ko muna siyang protektahan upang hindi siya matamaan ng bola.
Matapos kong mapagpasyahan kung ano ang kailangan kong gawin ay pupuntahan ko na sana si Miss Gutierrez sa puwesto niya para harangin o pigilan man lang ang bola para hindi siya matamaan ngunit sobrang bilis ng pangyayari. Napakalapit na nito sa kaniya at anumang oras ay maaari na siya nitong tamaan. Hindi na ako makakaabot kahit tumakbo pa ako nang sobrang bilis dahil sa layo ng aming pagitan. Hindi rin ako maaaring mag-teleport dahil maraming tao sa paligid na maaaring makakita—isang bagay na hindi pwedeng mangyari. Hindi maaaring malaman ng mga tao ang tungkol sa amin. Magdudulot lamang ito ng pangamba sa kanila. Maaari din itong magdulot ng kaguluhan lalo na kapag nabuhay sa dugo ng mga tao ang kagustuhang maging katulad namin upang mamuhay sila ng ilang libong taon at magawa ang anumang naisin nila.
Habang nagtatalo ang isip ko sa kung anong dapat gawin ay nagulat na lamang ako nang makita kong sa halip na diretso kay Miss Gutierrez tatama ang bola ay napunta ito sa ibang direksyon nang makalapit sa kaniya. Tila ba may transparent barrier o shield na bumabalot sa katawan niya kaya kusang umiwas ang bola. Parang wala lang din sa kaniya ang nangyari dahil tinapunan lamang niya ng tingin ang bolang bumagsak sa damuhan at muli niya nang ipinagpatuloy ang kaniyang pagbabasa.
Napakurap-kurap ako nang ilang beses dahil sa aking nasaksihan. Hindi ko magawang paniwalaan ang aking natunghayan. Sa buong buhay ko ay hindi pa ako nakakita ng ganitong pangyayari. Tunay nga siyang makapangyarihan dahil maging ang kaniyang kapangyarihan ay pinoprotektahan siya sa anumang panganib nang hindi man lang niya namamalayan.
“Tunay ngang nababalot ng misteryo ang pagkatao mo‚ Miss Gutierrez. Kaya kailangan kong malaman kung sino kang talaga. Dahil kung tama ang hinala at kutob ko‚ kinakailangan na kitang isama pabalik sa mundong tunay mong kinabibilangan bago pa mahuli ang lahat. Kailangan mong bumalik sa mundo na parte na ng buhay mo bago ka pa man isilang‚” nasambit ko na lamang sa aking sarili habang nakapako pa rin sa kaniya ang aking buong atensyon.
Sinasabi ng puso ko na siya na nga ang matagal ko nang hinahanap. Pero bakit kung umasta siya ay parang hindi niya ako kilala? Ni hindi man lamang niya ako tinapunan ng tingin. The way she treated me a while ago‚ it seemed like I’m just a wind passing by that she can’t even see.
“Nakalimot ka ba o talagang sinasadya mo lang na kalimutan ako? Are you planning to live a normal life on your own? I hope you’re not because it will break my heart. I miss you so bad. Kaya sana magawa mo na akong makilala. Pero habang hindi mo pa ako naaalala‚ hindi kita lulubayan ng tingin. Hindi ako titigil hanggang sa maalala mo ako. Ipinapangako ko‚” mariin kong wika habang nasa kaniya pa rin ang aking tingin at habang pinag-iisipan ko ang una kong hakbang para tulungan siyang makaalala nang sa gayon ay makilala na niya ako.
✨✨✨
A/N: Pasensya na po sa mga mali-maling grammar. Masyado po kasing trying hard si author e. But I hope you will still read it and you will still support my story until the end🤗
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top