CHAPTER 15: ON ALERT

KAIDEN’S POV

Nang makaalis na ang aming guro ay agad na humarap sa direksyon ko si Kaleb.

“Hey. Ilang buwan din kitang hindi nakita‚ cold prince. May utang ka sa aming paliwanag. Hindi mo pa sinasabi sa amin kung saan ka nagsususuot nitong mga nakalipas na buwan. Bigla-bigla ka na lang nawawala tapos bigla-bigla ring lilitaw nang walang pasabi. Daig mo pa ang kabute‚” dire-diretsong saad ni Kaleb na kanina pa kating-kating mang-usisa ngunit ngayon lamang nakahanap ng pagkakataon.

Si Kaleb ang prinsipe ng Fray Kingdom at ang matalik kong kaibigan. Kilala sila at ang kaharian nila sa husay nila sa pakikipaglaban. Sa kanilang kaharian matatagpuan ang mga pinakamagigiting na mandirigma. Walang panama sa mga kawal nila ang kawal ng ibang kaharian pagdating sa husay sa pakikipaglaban kung kaya madalas ay sa hanay nila nagmumula ang mga kawal na ipinapadala sa mga mapanganib na misyon.

“Tss!” ang tanging tugon ko.

Katulad ng sabi ko noon‚ wala akong utang sa kahit sino. Hindi ko kailangang magpaliwanag kung bakit ako nawala ng ilang buwan.

Sa akademyang aming pinapasukan ay walang hindi nakakakilala sa akin. Lahat ay kilala ako bilang prinsipe ng Sapience Kingdom na lulubog-lilitaw. Noong mawala kasi ako sa mismong araw na naganap ang digmaan ay muli rin akong bumalik makalipas ang mahigit apat na taon. Nabalitaan ko kasing magsisilang na si ina sa nakababata kong kapatid kaya dali-dali akong umuwi noon. Bumalik lang ulit ako ng mundo ng mga tao at ipinagpatuloy ang misyon ko nang tumuntong na ako sa labing-walong taong gulang na siyang tinutukoy ni Kaleb na pagkakataon kung kailan bigla na lamang akong nawala at ngayon naman ay bigla na lang sumulpot matapos ang mahigit dalawang buwan.

Hindi ako hinayaan nina ama at ina na lisanin ang aming mundo noong nasa labindalawa hanggang labimpitong taong gulang pa lamang ako dahil hindi pa lumalabas ang aking kapangyarihan. Ayaw kasi nilang may nangyaring hindi maganda sa akin kung kaya hinintay na muna nilang lumabas ang kapangyarihan ko bago nila ako pinahintulutang umalis nang sa gayon ay magagawa kong pangalagaan ang sarili ko.

Noon pa man ay nakatakda na talagang lumabas ang kapangyarihan ng isang charmer sa pagsapit ng ikalabing-walong kaarawan niya. Ngunit sa kaso ni Thea ay labimpitong taong gulang pa lamang siya ngunit nagsisimula nang lumabas ang kapangyarihan niya na hindi ko malaman kung paano nangyari. Ngayon lang kasi ito nangyari sa buong kasaysayan kung kaya maging ako ay walang paliwanag sa kaganapang ito.

“Saan ka ba kasi nagpupupunta‚ Kaiden? Saka ano bang pinagkakaabalahan mo na dahilan ng biglang pagkawala mo? May hindi ka ba sinasabi sa amin?” sunod-sunod na tanong ni Athena‚ ang prinsesa ng Mesh Kingdom at matalik ko ring kaibigan.

Ang mga mamamayan ng Mesh Kingdom ay kilala sa talas ng kanilang paningin kaya kayang-kaya nilang patamaan ng tunod ang kalaban kahit malayo ito. Bukod pa rito ay may mangilan-ngilan din sa kanila na biniyayaan ng kakayahang makakita ng mga pangyayaring magaganap pa lang. May kakayahan din silang alamin ang kinaroroonan ng isang nilalang gaano man ito kalayo dahil sa mga mata nilang malayo ang kayang maabot.

Matagal na kaming magkakaibigang tatlo simula pa noong mga bata kami. Pero kasabay kong nawala si Athena noong mangyari ang digmaan at nang magbalik siya ay wala na siyang alaala sa nakaraan niya. Ni hindi niya kami nakilala.

Mahigit isang buwan na ang nakakalipas magmula nang makabalik si Athena pero hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik ang alaala niya. Hindi ko man alam ang dahilan ng pagkawala ng alaala niya ay may isang bagay akong alam. Nawala siya noong kasagsagan ng digmaan dahil sinundan niya rin ang babaeng nakasuot ng kapang may talukbong na nagdala kay Kiana sa kabilang mundo. Kitang-kita ko ang pagkaripas niya ng takbo noon upang habulin si Kiana at ang tagapagsilbi ng palasyo kaya hindi ako maaaring magkamali.

Nauna sa akin si Athena kaya maaaring alam niya kung anong nangyari kay Kiana at kung nasaan ito. Iyon nga lang ay wala siyang maalala sa nakaraan niya. Nauna sa akin si Athena at medyo nahuli ako noon dahil may humarang sa aking isang Darkinian na kinailangan ko pang patumbahin gamit lamang ang alam ko sa pakikipaglaban kaya hindi ko na sila naabutan pa. Nang makalabas ako ng lagusan noon ay hindi ko na sila nakita pa. Hindi ko rin alam noon kung saan ako pupunta dahil iyon ang unang beses kong makatawid ng lagusan kaya hindi ako pamilyar sa lugar. Mabuti na lamang ay may nakakita sa akin na isang manlalakbay na nandoon sa lugar na ‘yon nang mapadpad ako sa mundo ng mga tao na siyang nag-alaga sa akin at tumulong sa akin na mamuhay nang matiwasay sa kanilang mundo. Ngunit sa kasamaang palad ay pumanaw na ang kumupkop sa akin nitong nakaraang buwan lang.

Tumatawang niyakap ni Kaleb si Athena mula sa likuran at naglalambing na ipinatong niya ang kaniyang baba sa kanang balikat nito. “Mahal‚ isa-isa lang. Mahina ang kalaban. Huwag mong tarantahin si Kaiden‚” tumatawang pag-awat ni Kaleb kay Athena.

“Mahal mo mukha mo!” Siniko ni Athena si Kaleb kaya ang loko ay umakto pa na nasaktan habang madrama niyang sinasapo ang kaniyang kaliwang dibdib na para bang ipinaparating niya na nasaktan siya emotionally‚ not physically.

“Aray naman‚ mahal! Iyan ba ang tinatawag mong siko ng pagmamahal? Masyado naman yatang malakas. Nangangahulugan ba itong labis mo akong mahal?” banat ni Kaleb na may kasama pang pagkindat.

Napailing-iling na lamang ako sa eksenang nasasaksihan ko. Magmula nang bumalik si Athena ay hindi na naubusan pa ng kalokohan si Kaleb.

Habang pinagmamasdan ko ang dalawang aso’t pusang nasa aking harapan ay bigla na lang sumagi sa aking isipan si Thea.

“Oh‚ f*ck! I almost forgot!” bulalas ko saka ako nagmamadaling umalis para sunduin si Thea.

Bago ako tuluyang makaalis ay narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Kaleb na hindi ko na pinansin pa dahil tiyak na kanina pa naghihintay sa akin si Thea. Mabuti na lamang at nakapag-order na ako sa canteen kaya siguradong nakahanda na ang pagkain namin sa Mystical Park.

Nang marating ko ang silid-aralan ni Thea ay agad akong pumasok dito. Ngunit nasa tabi pa lamang ako ng transparent glass ay agad na akong napatigil dahil sa eksenang aking naabutan. Mahimbing na natutulog si Thea habang nakatitig sa kaniya ang katabi niya.

Hindi ko man makita ang mukha ng lalaking katabi ni Thea sa upuan dahil natatakpan ng magulo nitong buhok ang halos kalahati ng kaniyang mukha ay batid ko nang hindi siya maaaring pagkatawilaan. May kakaiba akong nararamdaman sa lalaking ito na hindi ko maipaliwanag o matukoy kung ano. Pero sa paraan pa lang ng pagtitig niya kay Thea ay masasabi ko nang may binabalak siya. At kung ano man ‘yon‚ natitiyak kong hindi ko ito magugustuhan.

Sa halip na gumawa ako ng anumang hakbang ay mas pinili kong tahimik na pagmasdan ang kilos ng lalaking hanggang ngayon ay titig na titig pa rin kay Thea. Hindi nakaligtas sa akin ang bigla niyang pagmamadaling magpanggap na tulog nang sandaling kumilos si Thea kaya agad akong naalarma. Base sa ikinikilos niya ay mukhang palihim lamang niyang inoobserbahan si Thea kaya agad siyang umaktong natutulog nang kumilos si Thea.

‘Darn! She’s in danger. But why her of all people? Gumagawa na ba sila ng hakbang?’ naitanong ko na lamang sa aking sarili habang mataman ko pa ring pinagmamasdan ang katabi ni Thea.

“Kaiden‚ nariyan ka na pala!” masiglang sigaw ni Thea na umagaw ng aking atensyon.

Nabaling kay Thea ang aking tingin dahil sa ginawa niyang pagsigaw. Nakita ko siyang kinukusot-kusot ang mga mata niya habang panay pa rin ang hikab niya.

Hindi na ako nag-atubili pa at agad ko nang nilapitan si Thea sa kaniyang upuan. Nang makalapit ako sa kaniya ay kinuha ko ang bag niya at isinukbit ko ito sa kanang balikat ko upang ako na ang magdala nito.

Sa paglapit ko sa kinaroroonan ni Thea ay saka ko lamang natukoy kung ano ang kakaibang naramdaman ko kanina sa lalaking katabi ni Thea. Ngayong ilang pulgada na lamang ang layo ko sa lalaking kanina ko pa pinag-aaralan ang kilos ay nagawa ko nang maramdaman ang itim na aura na nakapalibot sa kaniya at ang ibinabadya nitong panganib.

‘Kailangan kong siguruhin ang kaligtasan ni Thea‚’ nasambit ko na lamang sa aking sarili habang nakaalerto ako sa maaaring gawing hakbang o pagkilos ng lalaking aming kasama sa silid na sa hinuha ko’y pakawala ng mga kaaway upang malaya silang makalapit kay Thea.

“Let’s go‚” anyaya ko kay Thea sa malamig na boses.

Hinintay ko munang mauna si Thea na maglakad palabas ng silid bago ako sumunod nang sa gayon ay matiyak ko ang kaligtasan niya. Nang tuluyan na kaming makalabas ng kanilang silid-aralan ay saka lamang ako tumabi kay Thea sa paglalakad.

Ilang minuto lang ang aming binilang sa paglalakad sapagkat agad naming narating ang aming destinasyon. Nasa may bukana pa lang kami ng Mystical Park ay agad nang tumigil si Thea sa kaniyang paglalakad upang magawa niyang mapagmasdan ang kabuuan ng lugar.

“Wow‚” manghang-manghang sambit ni Thea habang inililibot niya ang kaniyang tingin sa kabuuan ng Mystical Park.

Ang Mystical Park ay nilikha upang mabawasan ang mga tumatambay at kumakain sa canteen nang sa gayon ay hindi magsiksikan ang mga estudyante. Ngunit sa kabila ng pagkakalikha ng Mystical Park ay maaari pa rin namang kumain sa canteen. Mas pinipili ko lang talagang umorder lang sa canteen kaysa kumain doon dahil mas gusto kong sa Mystical Park kumakain. Maganda kasing kumain sa Mystical Park dahil oorder ka lang ng pagkain sa canteen at ang staff na sa canteen ang bahalang maghanda at mag-ayos ng mga order mo sa Mystical Park. Madali lang ‘yon sa kanila dahil ang kapangyarihan at kakayahan nila ay may kinalaman sa pagluluto‚ teleportation‚ super speed at iba pa na makakatulong sa kanilang magawa nang maayos ang kanilang mga gawain.

Ang Mystical Park ay napalilibutan ng mga puno na nagmistulang bakod nito. Ang bawat puno sa paligid ay makikinang na parang mga ginto o diyamante at mayroong napakaraming bunga na maaaring kunin at kainin ng sinumang may nais. Bawat puno rin ay binabantayan at pinangangalagaan ng hindi mabilang na mga paruparo.

Sa ilalim ng bawat puno ay may mga upuang yari sa katawan ng puno. Sa pinakagitnang bahagi naman ng Mystical Park ay mayroong magical fountain na nagbabago ang kulay ng tubig ayon sa emosyon o damdamin ng sinumang hahawak sa tubig. Sa palibot ng magical fountain‚ sa mismong damuhan ay may mga nakalapag na medyo makakapal na tela na nagsisilbing picnic mat ng mga katulad naming mas pinipiling kumain dito.

May mga pagkain nang nakahanda sa bawat telang nakalapag sa damuhan. May mga nakahain na ritong iba’t ibang pagkain tulad na lamang ng mga prutas‚ kanin at ulam‚ panghimagas at kung ano-ano pa. Maging ang ilan sa pagkain ng mga tao sa kanilang mundo ay makikita mo ring nakahain sapagkat marami sa mga charmer at staff ng canteen ang nasubukan nang manirahan sa kabilang mundo at nagawa nilang mamuhay na tulad ng isang tao.

“Kaiden‚ para kanino ang mga pagkain na nakahain?” nananabik at natatakam na tanong ni Thea na hindi na maitago ang kaniyang ngiti habang pinagmamasdan niya ang mga pagkaing nakahain sa aming harapan.

“Para ‘yan sa mga umorder ng pagkain sa canteen at piniling dito kumain‚” tugon ko at hindi ko na siya hinayaang muli pang magsalita. Agad ko na siyang hinila papunta sa puwesto namin na agad kong natukoy kung alin dahil nakasulat sa mismong mga tela ang pangalan ng bawat charmer na nagmamay-ari sa bawat puwesto.

Agad na naglaho ang pangalan kong nakasulat sa telang nagsilbing picnic mat nang sandaling makalapit kami rito.

Sa kabila ng pagiging tagapagmana ko ng aming kaharian at ganoon din sina Kaleb at Athena ay wala pa ring special treatment sa amin ang mga namamahala at nagpapalakad ng akademya. Maging sa pagkain ay walang special treatment pagdating sa amin dahil minabuti naming ganito ang maging buhay namin sa kabila ng aming katayuan. Ito kasi ang paraan namin para maiwasan ang hindi pagkakaintidihan at paglalamangan—ang maging patas kahit sa mga simpleng bagay.

“Pwede ko bang malaman kung sino ang naghanda ng mga pagkain na ‘to? Saka wala ba ‘tong lason?” pabulong na tanong ni Thea na lumapit pa sa akin para hindi marinig ng iba ang aming usapan.

Kasalukuyan na kaming nakaupo ni Thea sa telang nagsilbing picnic mat namin habang nasa gitna namin ang mga pagkain. Nakaharap kami sa isa’t isa at dahil sa paglapit niya sa akin ay hindi na ganoon kalayo ang aming distansya.

“Ang staff ng canteen ang naghanda ng lahat ng ito at maaaring tinulungan sila ng ilang fairies para mapadali ang trabaho nila. Kaya wala kang dapat ipag-alala dahil wala itong lason at malinis ang mga ito‚” paniniguro ko sa kaniya upang mawala ang pag-aalala niya.

Nasabi kong maaaring tumulong ang ilang fairies sa paghahanda ng mga pagkain dahil sa pagkakaalam ko ay ilan sa staff ay may mga alagang fairy na siya ring nagpapaganda ng Mystical Park para ito’y maging magical. Sa katunayan ay sila ang dahilan kung bakit maraming nagkalat na pixie dust sa paligid.

Bigla siyang umayos ng kaniyang upo ngunit nanatili pa ring nakatutok sa akin ang kaniyang mga mata. “Totoo ang fairies?” tuwang-tuwa at nananabik na tanong ni Thea na parang isang batang napangakuan na dadalhin sa Disneyland.

‘Haist! Kailan ba titigil sa katatanong ng kung ano-ano ang isang ‘to?’ naitanong ko na lamang sa aking sarili dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakakain dahil panay ang tanong ni Thea ng kung ano-ano.

“Totoo sila pero masyado silang mailap. Nagpapakita lang sila sa mga charmer na may busilak na puso. Pero kahit pa busilak ang iyong puso ay hindi mo pa rin sila makikita kung hindi ka isang malakas na charmer dahil tanging mga makapangyarihang charmer lang ang kaya silang makita at maramdaman. Pero may ilan namang mga fairy na maaaring magpakita sa kahit sino at sila ay kadalasang ginagawang alaga. Sila iyong mga ordinaryong fairy na hindi mahirap kunin ang loob at hindi mahirap maramdaman o makita katulad na lang ng mga alaga ng ilan sa staff ng canteen. Sa katunayan ay nasa paligid lang ang ilan sa kanila at pinapanood tayo pero hindi natin sila makita o maramdaman‚” mahabang paliwanag ko sa pag-asang sa tulong nito ay matitigil na siya sa katatanong niya upang sa gayon ay makakain na kami.

“Woah! Himala yata at ang haba ng sinabi mo‚” hindi makapaniwalang sabi ni Thea.

Napailing-iling na lamang ako dahil sa sinabi ni Thea. Iyon pa talaga ang napansin niya sa haba ng sinabi ko? Tss!

Nang muli kong balingan ng tingin si Thea ay may hawak na siyang mansanas sa kanang kamay niya na walang pag-aalangan niyang kinagat.

“In fairness‚ mas masarap siya kumpara sa prutas na matatagpuan sa mundo namin‚” tatango-tango sabi ni Thea habang nginunguya pa rin niya ang mansanas na nasa kaniyang bibig.

Napatango na lamang din ako sa sinabi ni Thea dahil totoo naman talaga ang kaniyang winika. Mas masarap nga talaga ang prutas na matatagpuan sa mundo namin dahil ang lahat ng prutas sa aming mundo ay sariwa‚ walang halong kahit anong kemikal at alagang-alaga.

“Bilisan mo nang kumain. Break time will be over soon‚” paalala ko sa kaniya saka sinimulan ko na ring kainin ang mga pagkaing nakahain sa aming harapan.

Lihim na lamang akong natuwa dahil hindi na muli pang nagsalita si Thea at itinuon na lamang niya ang buo niyang atensyon sa pagkain. Hindi na siya nag-ingay pa hanggang sa matapos na kaming kumain.

“I’m done!” malakas niyang sigaw na parang batang nagpapakitang-gilas sa kaniyang mga magulang matapos niyang makagawa ng kung ano.

Bago ko pa man maibuka ang aking bibig upang yayain siyang umalis na ay agad na siyang tumayo at bigla na lang siyang tumakbo palapit sa magical fountain.

“Woah!” manghang sambit ni Thea habang pinaglalaruan niya ang tubig sa fountain.

Agad ko siyang nilapitan upang alamin kung anong dahilan ng pagkamangha niya. Naabutan ko siyang manghang-mangha pa ring pinagmamasdan ang tubig sa fountain na ngayon ay naging iba-iba na ang kulay. Hindi ko na naman ito ikinagulat pa dahil noon pa man ay alam ko nang maraming emosyon ang namamayani sa puso niya matapos ang nangyaring pagsugod sa bahay nila na ikinasawi ng mga magulang niya.

“Ganito ba talaga ‘to? Nagkakaroon ng maraming kulay kapag hinawakan?” manghang tanong niya habang pinaglalaruan ang tubig gamit ang kanang kamay niya.

“Nagbabago ang kulay niyan base sa damdamin o emosyon ng sinumang hahawak dito‚” tipid kong sagot.

“Kung ganoon ay bakit nagkaroon ito ng maraming kulay nang hawakan ko?” naguguluhang tanong niya habang salubong na ang kaniyang mga kilay.

Hindi ko naman maiwasan ang mapaisip sa sa mga inaasal ni Thea. Napansin ko lang na nagiging isip-bata siya kapag nakakakita siya ng mga pambihirang bagay tulad na lang ngayon.

“That’s because of your mixed emotions‚” tanging sagot ko saka ko siya tinalikuran upang kunin ang aming mga bag sa kaninang kinauupuan namin. “Let’s go. You’ll be late for your next class.”

Hindi naman na ako nagdalawang-sabi pa dahil agad siyang sumunod sa akin kaya nagsimula na rin kaming baybayin ang daan pabalik ng kanilang silid-aralan.

“Thanks‚” pasasalamat niya nang tumigil kami sa harapan ng kanilang silid-aralan.

Maingat niyang kinuha sa akin ang bag niya at papasok na sana siya sa kanilang silid-aralan ngunit mabilis ko siyang hinigit pabalik.

“Mag-iingat ka sa mga nasa paligid mo. Hindi mo alam kung sinong kakampi at sinong hindi. Lagi kang maging alerto at huwag kang basta magtitiwala. Huwag ka ring magkakamaling maglibot mag-isa dahil araw-araw kitang ihahatid-sundo para tiyakin ang kaligtasan mo‚” mahigpit na bilin ko sa kaniya para hindi siya basta-basta magtiwala sa kahit sino at upang matuto siyang maging maingat at mapagmasid sa kaniyang paligid.

Kailangan naming maging maingat at kailangan ding kapwa kaming nakaalerto dahil hindi namin alam kung sinong totoo at sinong hindi sa mga nakapaligid sa kaniya. Maaari ding gamitin ng mga kaaway ang kahinaan ni Thea para makuha nila ang nais nila sa kaniya na siyang hindi ko pahihintulutang mangyari. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa akin ang dahilan kung bakit pinatay ng Darkinians ang mga magulang ni Thea at kung bakit siya tinawag na prinsesa ng mga ito. Oo‚ may hinala na ako pero wala pa naman akong patunay kung siya nga ba ang matagal ko nang hinahanap dahil tanging si Athena lamang ang makapagpapatunay nito at ang isang simbolo na lilitaw sa mismong kaarawan niya. Kapag lumitaw sa kaniya ang simbolong tinutukoy ko ay doon ko lamang mapapatunayang siya nga ang inaakala kong siya.

Kailangan kong mapatunayan ang hinala ko pero sa ngayon‚ ang magagawa ko lang ay ang protektahan siya. Siya man o hindi ang hinahanap ko ay mahalaga pa ring mapanatili ko siyang ligtas dahil nang dalhin ko siya sa aming mundo ay inako ko na rin ang responsibilidad na panatilihin siyang ligtas at nasa maayos na kalagayan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top