ACKNOWLEDGEMENT

Maraming‚ maraming salamat sa lahat ng nagbasa‚ nagbabasa at magbabasa ng story na ito. Salamat sa pag-intindi ninyo sa walang palya kong typographical at grammatical errors. Mabuhay kayong lahat😂

Gusto ko rin palang pasalamatan ang best friends ko na sina Rhona at LouiessaCesar (Yiiieee. Special mention😅) dahil sila ang nag-inspire sa akin na i-pursue ang story na ito. Hindi man directly na pi-nush nila ako ay presence pa lang nila sapat na lalo pa’t si Rhona slash momma ang pinababasa ko ng ibang part ng story na ‘to para ipa-check sa kaniya kung ayos na ba iyong naisulat ko o may kailangan pang baguhin.

Kung nagtatanong naman kayo kung paano ko ito nagawang matapos kahit minsan na akong sumuko at tinangka ko pa itong i-delete‚ it’s because of my promise to the girls I mentioned above. Nangako ako sa kanila before vacation na sa pasukan ay tapos ko na ito at ipapasa ko sa kanila ang softcopy nito. At dahil may isa akong salita at ayokong magpaasa ay ayon na nga‚ pinilit ko itong tapusin kahit na nabablangko na ako😂

Pasensya na rin pala kung hindi kagandahan itong story ko. Ito kasi ang kauna-unahang fantasy story na ginawa ko kaya talagang malaking challenge ito para sa akin. But luckily‚ natapos ko rin siya.

If you have any questions or feedback‚ just leave your comment below. I would be happy to hear your thoughts regarding this story. I don’t mind even if it’s a negative comment. What’s important is I can know what your thoughts are para malaman ko kung anong dapat kong i-improve‚ i-maintain o i-stop.

Ayon lang. Paalam na‚ minamahal kong mga tagasuporta. Salamat ulit. Mahal na mahal ko kayong lahat. Hanggang sa susunod na story😂

✨✨✨

Date Started: December 3, 2017
Date Completed: April 29, 2018

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top