The Prodigals
The Prodigals
Lena0209
Taong 350, bagong taon ng makabagong milenyo, nahati na ang iba't ibang bahagi ng mundo at nagkalat na ang iba't ibang uri ng nilalang. Laganap din ang malawakang digmaan sa kalupaan at ang gulo'y bakas kahit saan lumingon ang lahat.
Upang mapanatili ang katahimikan sa mga bayang ayaw ng gulo, binakuran na ng bawat bansa ang kani-kanilang teritoryo. Wala nang kasunduan mula sa bawat nasasakupang bayan at ang tanging labanan na lamang ay matitira ang matitibay.
Isa sa mga nakabukod ang bayan ng Rubelhizb, kung saan binubuo ang tagong bayan ng tatlong uri ng nilalang: mga imortal, ilang normal na tao at mga kalahating halimaw.
Isang dayo mula sa bayan ng Rhoxinu na kilala sa pangalang Valentina Stigma ang aksidenteng nakapasok sa saradong bayan ng Rubelhizb. At sa tinagal-tagal niya sa trabaho bilang kaisa-isang reyna ng mga mersenaryo na tumatapos ng mga halimaw at imortal para sa malalaking pabuya, hindi niya inaasahang mapapasok niya ang tinatagong mundo ng mga Roja Revenante, mga halimaw ng Rubelhizb.
At sa hindi inaasahang pagkakataon, masasali siya sa Sanguina Torneo, ang taunang labanan ng mga imortal at halimaw para sa ministro ng Cedillar, ang gobyerno ng tagong bayan kung saan ang pabuya ay papabor sa kanya at sa kanyang paglaya sa saradong bayan.
Sa labang masasalihan, makikilala niya si Gangia Shima—ang lalaking halimaw na isa sa itinuturing na pinakatuso sa laban.
Isang kasunduan sa pagitan ni Valentina at Gangia ang mabubuo habang nagaganap ang Torneo. Gagawin ni Valentina ang lahat upang makuha ang premyo.
Ngunit, ang laban ay mananatili pa ring laban.
At sa bandang dulo, lalabas din ang totoo.
Ano ang gagawin ni Valentina Stigma kung ang kanyang mapapanalunan ay magiging daan upang masira ang lahat ng kanyang pinaghirapan?
At ano ang gagawin niya kung hindi lang pala isang simpleng halimaw si Gangia Shima sa Torneong nasalihan?
Makalabas pa kaya siya nang buhay sa Rubelhizb at matapos ang malaking labang napasukan?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top