Prologue
"Ate, kuya, palimos po. Pangkain lang po." Inilahad ko ang mga palad ko sa mga taong palakad-lakad sa kalsada, ngunit ang iba'y hindi man lang ako mabigyan kahit isang tingin.
Nandito na naman ako sa lungsod para gawin ang aking nakasanayang trabaho. Ang mamalimos.
Lakad-dito lakad doon. Sobrang daming taong pabalik-balik, pero kahit isa ay hindi man lang ako binibigyan ng pansin.
"Ate, sige na po. Gutom na po ako."
Hindi ko alam, pero nalulungkot ako. Wala pa kasi akong nakukuha kahit isang barya lang. Umalis ako sa pwesto ko at lumipat sa kabilang kalye.
"Ate, kuya, palimos po. Pangbili lang po ng pagkain," pagmamakaawa ko.
Nagpalakad-lakad pa ako habang namamalimos. Lumalapit din ako sa mga taong hinihingian ko pero hindi man lang nila ako tinitingnan. Ang iba pa nga ay tinatakpan ang ilong nila at nilalampasan ako.
Maya-maya ay may lumapit sa aking isang matanda. Paika-ika siyang maglakad. Sobrang payat niya at kuba pa. Mukha siyang may sakit. Maputi na ang lahat ng buhok niya at maraming kulubot sa mukha.
"Hija, gutom ka na diba?" tanong niya sa akin.
Tumango-tango naman ako.
"Sumama ka sa akin. Wala akong pera ngayon, pero may pagkain ako sa bahay. Malapit lang dito ang bahay ko. Ayun oh." May itinuro siyang bahay sa dulo ng kalye.
Napangiti naman ako. Kung sino pa yung matanda at walang pera, siya pa ang nakapansin sa akin.
"Okay lang po ba sa inyo na may kahati kayo sa pagkain niyo?"
"Walang problema sa akin."
"Sige po."
Sinamahan niya ako papunta sa bahay niya. Maliit lang ito at medyo sira na ang bubong. May isang kwarto at maliit na lamesa. Pinaupo niya ako sa isa sa dalawang upuan doon. Nasa gitna ng mesa ang isang lampara na iniikutan ng isang gamu-gamo.
"Um, wala po ba kayong ilaw?" Tanong ko sa kanya.
Itinuro niya ang isang bombilya na napaliligiran ng sapot ng gagamba.
Sa kabuuan, malinis naman talaga ang bahay ni lola, kahit medyo maliit at walang gamit, maliban na lang sa kisame na hindi natatanggalan ng agiw. Siguro ay hindi na ito kaya ni lola tanggalin dahil medyo mataas. Dito ko nakita na kahit maliit lang ang bahay at medyo hindi kagandahan, kapag malinis ito ay maayos tingnan.
"Meron naman hija. Kaso matagal ko ng hindi nagagamit. Matagal na kasi akong naputulan ng kuryente dahil wala akong perang pambayad. Kahit kasi wala akong masyadong gamit dito na pinapatakbo ng kuryente, mahal pa rin ang binabayaran ko. Kaya inilaan ko na lang sa pagkain ang kinikita ko kaysa magbayad ng kuryente."
Tumango na lang ako. Inilapag niya ang isang tinapay sa lamesa at binigyan ako ng isang basong tubig. Umupo siya sa katapat na upuan.
Sinimulan ko na ang pagkain. Habang kumakain ako ay pinagmamasdan niya ako.
"Gusto niyo po ba?" wika ko sa kanya.
Umiling naman siya. "Mamaya na lang ako kakain, mauna ka na."
Lumingon naman ako sa paligid pero wala na akong ibang nakikitang pagkain. Imposible namang nakatago sa kung saan. Dapat nakikita ko na yun kasi kaunti lang ang gamit dito sa bahay.
"Nasaan po ang iba niyo pang pagkain?"
Nagtataka lang kasi ako kung bakit wala akong makita. Eh wala naman ditong pwedeng ibang paglagyan ng pagkain maliban sa kusina na walang kalaman laman maliban sa dalawang plato na ginagamit ko ngayon ang isa, isang baso at kutsara, na nakaimbak sa gilid.
"Ah, kulang pa ba yan? Sandali at bibili ako sa bakery." Patayo na sana siya pero hinila ko siya pabalik sa upuan.
"Ay tama na po ito sa akin," sagot ko sa kanya.
Abuso naman na kung hihingi pa ako diba? Tsaka binigyan na niya ako, tama na yun.
"Pwede po bang matanong kung nasaan ang mga kasama niyo sa bahay? Parang ang tahimik po eh."
Naging malungkot ang mukha ni lola. Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Hindi ko alam pero parang nalungkot din ako.
"Namatay na ang isa kong anak. Ang isa naman ay iniwan ako at sumama sa asawa niya."
Kung ganon mag-isa lang pala si lola. Ang hirap siguro non. Edi saan pala siya nakakakuha ng pagkain niya?
"Ano pong trabaho niyo?" Tanong ko sa kanya.
"Namamalimos lang din ako katulad mo. Mayroon namang lumalapit sa akin para tulungan ako, gusto nila na sumama ako sa kanila sa isang organisasyon para daw maalagaan ako pero tumatanggi ako. Ayokong umalis dito sa bahay. Umaasa pa rin ako nababalikan ako ng anak ko. Tsaka kapag umalis ako dito, at sumama sa kanila, baka hindi na ako mahanap ng anak ko pagbalik niya."
"Ilang taon na po ang nakalipas na iniwan kayo ng anak niyo?" Tanong ko.
"Limang taon na ata. Ay hindi, pangpito na pala ngayong taon," wika niya.
Nakaramdam ako ng galit. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin si lola na babalik ang anak niya. Nakalimutan na ba niya ang ina na nagpalaki sa kanya? Mukha namang mabait si lola pero bakit ganon? Marami ngang iba diyan na naghahanap ng ganitong klaseng ina tapos siya, kakalimutan lang niya. Tsaka matanda na si lola, at namamalimos lang din siya. Wala siyang katulong dito sa bahay at wala ding nag-aabot sa kanya ng pera. Nakakakain pa kaya siya ng tatlong beses sa isang araw?
"Bakit niyo po ako tinutulungan?"
Hindi naman sa ayaw ko ng tulong. Pero namamalimos lang din siya. Sobrang hirap kaya ngayong mamalimos, halos invisible na nga lang ata ang tingin sa aming mga namamalimos. Baka nga itong tinapay na kinakain ko ngayon ay pagkain niya. Pero bakit ibinigay niya sa akin?
"Hija, wala naman ding ibang magtutulungan kung hindi tayo tayo lang diba? Tsaka bata ka pa, matanda na ako. Sanay akong hindi kumain ng isang araw. Siguro bukas na lang ako kakain kapag may nagbigay sa akin."
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pag-iyak ko. Nagiinit ang pisngi ko ngayon pero hindi pwedeng umiyak. Parang may tumusok sa puso ko. Nakokonsensya ako. Kung ganun hindi pa siya kumakain simula kaninang umaga?
"Sigurado ka po bang ayaw mong kumain?" tanong ko sa kanya. Binagalan ko talagang kumain para kapag nagsabi si lola na gutom na siya, pwede ko sa kanya ibigay.
Umiling siya. "Hindi na hija. Basta may natulungan ako, masaya na ako. Ubusin mo na yan. Basta makita kong busog ka na, busog na rin ako." Nakuha pa niyang ngumiti kahit wala pang laman ang tiyan niya.
Inubos ko ng mabilis ang tinapay, kailangan ko ng umalis agad. May kailangan pa akong gawin.
"Saan ka ba nakatira, hija?" Tanong naman ni lola.
"A-ah. A-ano po. Sa tabi tabi lang. Aalis na po ako."
"Ayaw mo ba na dito muna magpalipas ng gabi? Bumababa na ang araw."
"Hindi na po, salamat na lang sa lahat. Pwede niyo pa naman akong makita sa susunod."
"Maligo ka muna kaya. Andun ang banyo. May tubig din. Ayaw mo ba munang maglinis ng katawan?"
"Kailangan ko na po talagang umalis baka po makuha yung higaan ko sa labas eh."
"Ah ganon ba?"
"Opo. Salamat po sa lahat."
Umalis agad ako at tumakbo palayo. Naawa na ako kay lola. Alam kong mahirap mamalimos at kaunti lang ang kinikita. Syempre nararanasan ko rin yun. Tapos ibinigay pa niya sa akin ang tinapay na pagkain niya sana ngayong araw. Bakit niya kasi ako pinakain? Napigilan ko ang pagpatak ng luha ko kanina pero nararamdaman ko pa rin ang sakit. Papunta ako ngayon sa timog ng buong lungsod.
Nakita ko na ang tulay patungo sa tulugan ko. Diretso pa rin ako sa pagtakbo. Palubog na ang araw. Wala akong pakialam kung hingalin ako mamaya. Basta makauwi na ako. Nadadaan ko na ang mga hardin na puno ng bulaklak. Malapit na ako.
Tumigil muna ako para maghabol ng hininga.
Yumuko ako at hinawakan ang mga tuhod. Malalim ang paghinga ko. Sabi na nga ba eh. Nang makapagpahinga ako ay tumakbo ako ulit pero....
"Aw!"
"Aray!"
Tumalsik ako pabalik at napaupo sa lupa. Sinapo ko ang noo ko na sobrang sakit ngayon dahil sa pagkakabangga. Sino ba kasing nabanggaan ko? Ang tigas naman ata? Nagulat ako nang may biglang sumigaw.
"Ahhh! Pulubi! Tulong! Paalisin niyo itong pulubing ito!"
Nabaling ang atensyon ko sa isang babae na ngayon ay nakaupo na din sa lupa. Agad akong tumayo at patakbong pinuntahan siya.
"Yuckk! Dirt—"
Hindi na niya natuloy ang sinabi niya dahil tinakpan ko agad ang bibig niya gamit ang kamay ko. Nagpupumiglas siya at kinagat niya ang palad ko pero hindi ako nagpatinag.
"Tumahimik ka nga! Ako ito."
Hindi naman siya gumalaw at ng makita niya ng maayos ang mukha ko ay nanlaki ang mata niya. Tinanggal ko naman ang pagkatakip ng kamay ko sa bibig niya.
"Ate!.....Lagot ka ka—"
"Shhh! Wag ka maingay."
"Ano na namang naisip mo?"
"Basta."
"Tsaka ang baho mo! Maligo ka na nga!" Utos niya sa akin.
Natawa ako bigla. Oo nga pala, syempre nabilad ako sa araw tsaka naglagay ng props.
"Eto naman, ang arte. Wag mo akong isusumbong ha."
Tumango tango siya.
"Promise?"
"Promise!"
"Ano tara na?"
"Tara na talaga, bilisan mo na. Magsisimula na ang ball."
Dumiretso kami papunta sa palasyo, ang bahay ko. At ang babaeng maarte na kasama ko ngayon ay ang kapatid ko, si Alezandra. Isa akong prinsesa, prinsesa ng buong lungsod. Bakit ko naisipang magpanggap na pulubi? Yan ang hindi ko alam. Naisipan ko lang din bigla eh. Sanay na ako sa pagpapanggap. Ayoko sa palasyo. Ayoko yung ikinukulong ako sa sarili kong kwarto at magpractice ng speech para sa sasabihin ko mamaya. Tsk. Hindi ko na kailangan ng practice. Kapag lumalabas ako ng lungsod ng walang kasama ay kinakailangan kong magpanggap bilang pulubi, nakakasanayan ko na din eh. Doon, nararamdaman ko kung gaano kahirap ang ibang tao. Nalalaman ko ang mga kaganapan sa buong lungsod at natututo akong makasalamuha sa ibang tao, hindi bilang prinsesa o isang ordinaryong tao kundi bilang pulubi. Nalalaman ko din kung sino yung mga may mabuting puso. At lagi kong kasabwat si Alezandra o di kaya ang butler at bestfriend ko na si Callix.
"Ate tago!"
Itinulak ako ni Alezandra sa isa sa mga bush. Fudge! Masakit. Nagtago rin siya sa isa sa mga puno. Hinintay namin na makalagpas ang isang guard bago kami lumabas sa pinagtataguan namin. Tinahak namin ang daan papunta sa likod ng palasyo. Syempre para hindi kami mapansin kapag tatakas kami, kailangan namin ng secret door. At doon kami dadaan ngayon.
"Ate! Hurry up! Hindi ko na makayanan ang amoy mo. Ang baho!"
Hindi ko siya pinansin at tumakbo papunta sa secret door. Syempre kaming tatlo lang ang nakakaalam nun. Kung isasama ang gumawa apat, kaso mukhang hindi na kailangan dahil...wala na si papa. Siya ang gumawa ng secret door. Ginawa niya iyon in case of emergency... Sinabihan niya kami na kapag may nangyaring masama at hindi pwedeng dumaan sa front door, yun daw ang gamitin namin sa pagtakas. At nung mga bata kami isang beses lang namin nagamit iyon on real purpose at ayaw ko munang balikan ang ala-ala na iyon dahil ayokong maiyak sa harapan ng kapatid ko.
Konektado ang secret door sa kwarto ko at ni Alezandra pati na rin sa labas. Actually kailangan pa talaga naming gumapang dahil halos 3 feet lang ang taas nito at isang tao lang ang kasya. Dumiretso ako sa kwarto ko at dumiretso naman si Zandra sa kwarto niya.
Pagdating ko sa loob ng kwarto ko ay bukas ang ilaw at nakalapag sa kama ang damit na susuotin ko para sa ball mamaya. Hindi ko alam kung bakit nagpadaos ng ball si mama. Binilisan ko ang pagligo at lumabas ng nakabathrobe. Buti na lang ay natanggal ang mabahong amoy na nilagay ko sa katawan ko.
Ang alam ko ay may pupunta dito para ayusan ako pero bakit wala pa. Nahiga muna ako sa kama. Nakakapagod at gusto ko ng magpahinga pero hindi pwede.
Maya-maya ay may narinig akong katok sa pinto.
"Pasok."
Akala ko ay ang mga stylist iyon pero hindi. Si Callix iyon. Nakasuot siya ng black na polo na pinapatungan ng white na suit, at white na slacks.
Hindi na ako nag-abalang umupo at pinabayaan ko na lang na makita niya akong nakahiga. Nakakapagod kaya.
"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya.
Umupo naman siya sa kama ko.
"Nalaman ko ang ginawa mo. Lagot ka sa mommy mo kapag nalaman niya iyon. Naging pulubi ka na naman ba?"
"Um yeah," yun lamang ang naibigay ko na sagot sa kanya. Speaking of pulubi... Bumangon ako bigla at hinarap si Callix.
"Callix can I make a request? Pwede bang magpadala ka ng tao at bigyan ng pagkain at pera si lola?"
Tiningnan niya lang ako.
"Hindi pala request yon. Utos pala."
Napabuga naman siya ng hininga. And I heard him mumbled something like 'unbelievable'.
"Ano ba kasing nangyari?" tanong niya.
Kwinento ko sa kanya ang nangyari kanina. Tahimik naman siyang nakikinig. Pagkatapos ko magkwento ay tumango naman siya.
"Kinain ko kasi yung last food niya. So please?" Nagpuppy eyes pa ako sa kanya.
"Fine. At wag ka na ulit magpa-puppy eyes dahil hindi bagay sa'yo."
Lumawak naman ang ngiti ko.
"Yey! Thank you. You're the best!"
"Tsk. Excuse me. Tatawagan ko na ang mga tao ko," tatayo na sana siya pero hinawakan ko ang pulsuhan niya.
"Wag mo akong isusumbong ha? Tsaka siguraduhin mong hindi 'to malalaman ni mama, lalong lalo na si lola."
"Oo naman. I'm not stupid. Gusto mo ata na maparusahan tayo."
"Tsaka pakisabi kay lola na pupuntahan ko siya bukas sa bahay niya."
Kumunot ang noo niya. "Lola? Diba parehas lang naman kayo nakatira sa iisang bahay?"
"I mean si lola na naikwento ko sayo."
Tumango na lang siya at lumabas ng pinto. Eksakto namang pagkalabas niya ay dumating na ang mga mag-aayos sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top