Chapter 9: Grounded

Nandito ako ngayon sa kwarto ko habang nakaupo sa may bintana at nakatunganga sa labas. Pinakikinggan ko ang tunog ng ulan na napagpapakalma sa sistema ko.

Bumuntong hininga ako. Wala rin naman akong magagawa ngayon dahil nga one week akong grounded at umuulan rin so hindi ako pwedeng lumabas. Tinatamad ako.

Bumuntong hininga ulit ako. Ang daming nangyari sa mga nakaraang araw. Parang ang bilis ng panahon. Ang dami ko ring iniisip. At mas gumugulo pa sa utak ko si Callix. Hindi ko talaga alam kung bakit hindi niya ako pinapansin. Kasi dapat kahapon masusundan ko na siya! Kaso nga lang pinatawag ako. Hayyssttt.

"Nakakailang buntong hininga ka na ah," rinig kong sabi ni Zandra sa likod ko.

Hindi ko na nagawang humarap sa kanya. Basta pinapanood ko ang ulan.

"Gising ka na pala."

Dito kasi siya natulog kagabi. Papaalisin ko nga sana siya pero naalala ko na baka magflashback na naman ang mga alaala niya. Ayoko siyang umiyak, gusto ko kapag naalala na niya lahat, nasa tabi niya ako. Kaya pinayagan ko na lang siya na tumabi sa akin. Pero sana mas mabilis na bumalik ang mga ala-ala niya. Makakatulong iyon sa akin ng sobra-sobra.

"Gutom ka na ba?" tanong niya sa akin.

This time, humarap ako sa kaniya. Naka-indian sit siya sa kama ko at nakasuot ng blue na pajamas.

"Oo eh. Wala pa namang nagdadala. Nakakainis! Lagi na lang akong grounded."

Natawa siya. "Okay lang yan."

"Tsk! Tapos ikaw hindi!" sabi ko at pinaningkitan siya ng mata. Totoo naman. Ako na lang palagi ang grounded.

"Magpakabait ka kasi."

I pout. "Mabait naman ako ah."

"Alam ko." Tumawa siya. "Kaya nga naaksidente ka dahil sa sobrang bait mo."

Tiningnan ko siya ng masama.

"Oh bakit? Totoo naman ah."

"So...kasalanan ko pa? Anong gusto mo banggaan ko yung aso?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Okay...okay. Ang point ko lang naman ay mabait ka."

"Tsk. At mataray ka naman."

She stood and flipped her hair. "Whatever."

Natawa ako bigla. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa buksan niya ang secret door.

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Magpapadala ako ng breakfast nating dalawa."

Akmang tatapusin ko pa lang ang pagpapasalamat ko nang pinutol niya ito.

"Thank me later," wika niya at isinara ang secret door.

Napailing na lang ako habang may ngiti sa labi. Mataray nga pero mabait din naman. Nakakatawa.

Maya-maya ay narinig ko ang pagbukas ng lock ng pinto. Baka andyan na yung breakfast namin.

Pumasok si Merda, ang pinaka-pinagkakatiwalaang maid sa buong palasyo kasama si Zandra na umupo naman kaagad sa tabi ko.

Dahil nga boring dito at wala akong magawa hihingin ko muna kay Merda ang phone ko since nasa kanya naman iyon.

"Merda?"

Napatigil siya sa paglalakad at humarap sa akin na hawak pa rin ang tray ng pagkain namin ni Zandra.

"Ano po iyon, kamahalan?" tanong niya ng naka-ngiti.

Binigyan ko muna siya ng pinakamatamis na ngiti bago sabihin ang pakay ko. "Pwede ko bang mahiram ang cellphone ko?"

Nakita ko ang pagbabago sa kanyang mukha.

"Hindi po pwede. Baka mapagalitan ako ng reyna."

"Sige na. Please."

Umiling siya. "Hindi po talaga pwede."

"Hindi na ba magbabago yan?" Bakas ang kalungkutan sa boses ko. Baka kasi biglang magbago ang isip niya at maawa siya sa akin.

"Pasensya na po talaga, kamahalan."

Bumuntong hininga ako.

Nagulat ako bigla nang tumayo si Zandra at tumakbo papunta sa direksyon ni Merda. Napatigil naman si Merda sa akmang paglagay niya ng tray sa lamesa.

Naririnig ko pa ang mga sinasabi niya.

"Merda."

Mas dumikit pa siya kay Merda. "Masarap ba yan?"

Kumunot naman ang noo ni Merda. Siguro ay nagulat siya sa tanong ni Zandra na hindi naman talaga nagtatanong ng ganyan kapag may pagkain. Ang ginagawa niya kasi ay titikman muna ang pagkain at kapag ayaw niya, ititigil niya na ang pagkain. Hindi na siya nagkakaroon ng marami pang tanong bago kumain.

"O-opo, kamahalan," nauutal na sagot niya.

Tumango si Zandra. "Mabuti naman kung ganun. Sino nagluto niyan? Ikaw ba?"

Nanlaki ang mata ko nang makita ko na unti-unting pinapasok ni Zandra ang isang kamay niya sa bulsa ng apron ni Merda...kung nasaan ang phone ko! What the fudge!

Tiningnan niya ako na para bang sinasabi na huwag magpahalata kaya naman umakto akong walang nangyayari. Pero ang totoo, kanina pa ako natatawa dahil sa ginagawa niya. Sana hindi na magtagal 'to, baka mamaya hindi ako makapag-pigil at tumawa na lang ng malakas.

"A-ako po ang nagluto niyan. W-wala kasi ang cook kasi day-off niya kaya ako na ang napilitang magluto."

Tumalim ang titig ni Zandra sa kanya at mataray na nagtanong, "So napilitan ka lang?"

Bumakas ang panic sa mukha ni Merda. Seriously, kanina pa talaga ako natatawa dito.

"A-ah...a-ano po. Um...h-hindi naman po sa ganun."

Fudge. Nakakatawa talaga ang itsura ni Merda. Para siyang nilamon ng takot. Eh mas matanda pa siya kay Zandra ng sampung taon.

"Ano ang gusto mong ipahiwatig?" tanong ni Zandra ng may pananakot.

"A-ah... Ipinapahiwatig ko po na hindi naman talaga ako napipilitan dahil trabaho ko po iyon bilang isang maid ng palasyo," mabilis niyang sabi at nakapikit pa ng madiin!

She looked so tense and nervous. And I think I will include frightened. Nakakatawa talaga. Sana hindi na tumagal 'to. Hindi ko na mapigilan yung tawa ko, konting-konti na lang. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili na tumawa. Mamaya ilalabas ko talaga 'to lahat.

Ngumiti ng napakatamis si Zandra. Nakuha na rin niya ang cellphone ko galing sa bulsa ng apron ni Merda! Fudge! She's so talented. Napakagaling, pwede ng magnanakaw. Maybe I should kiss her later as a thank you gift. I can't believe she's doing that for me.

"Good. Akin na yang tray, ako na ang maglalagay." Inagaw niya ang tray at tinakpan ang phone ko gamit iyon. Hindi talaga napansin ni Merda.

"Pwede ka nang umalis," utos niya.

Naglakad naman papunta sa pinto si Merda. Siguro hindi pa rin siya makaget-over sa pananakot ni Zandra kaya mabilis siyang naka-alis.

"Thank you!" sigaw ko bago niya maisara ang pinto at mai-lock 'yon.

Tiningnan ko si Zandra at tsaka ako humagalpak sa tawa na kanina ko pa pinipigilan.

Nang matapos ako sa kakatawa, naramdaman ko na nasa tabi ko na naman pala si Zandra. Kinuha ko ang cellphone ko sa kamay niya kahit hindi pa niya ibinibigay.

I hug her, kiss her and hug her and kiss her again! Fudge, I don't know how to say thank you.

Later on, I noticed that she looks so...problematic.

"Bakit ganyan ang itsura mo?" Lumayo ako ng kaunti sa kanya para bigyan siya ng space kung kailangan niya.

Tiningnan niya ako. I swear, she looks so problematic like she's carrying the problem of the whole world.

"I can't believe it!" wika niya sa hindi makapaniwalang boses.

Tiningnan ko muna siya bago nagsalita. "You can't believe what?"

"I can't believe that I did that just for you!"

Umawang ang labi ko habang pinagmamasdan siya. Maya-maya ay napangiti ako nang nakita ko na nagbago ang itsura niya at parang may ngiti na rin akong nakikita sa mukha niya.

"Yeah, I can't believe it also that you did that for me! You did me a favor. Thank you very much," I said as I hugged her and kissed her many times.

Siya naman ay kumawala sa yakap ko at lumayo ng konti. Pinunasan niya rin ang pisngi niya gamit ang likod ng palad niya.

Napangiwi siya. "Ew. Don't you dare do that again!" Tiningnan pa niya ako ng masama.

Tumawa na lang ako. I'm very thankful to have a sister like her. Kahit na mataray siya ay mabait pa rin naman siya. Pasalamat nga siya mahaba ang pasensya ko eh. Natawa lang ako sa reaksyon niya na parang hindi siya makapaniwala na nagawa niya iyon. Tsk. Kunwari pa.

"Kain na tayo," akit ko sa kanya kasi baka naawk-awkwardan na siya. Tumango lang siya at nagsimulang maglakad papunta sa lamesa. Sinundan ko siya at nagsimula na kaming kumain.

Pagkatapos naming kumain ay tumayo na agad si Zandra nang walang sinasabing kahit ano.

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya. Kakakain pa lang namin tapos aalis na siya agad.

"I have to find someone. I think I should meddle with this just to fix the problem."

Tumango lang ako at pinanood siyang pumasok sa sikretong daan.

Ako naman ay bumalik sa pagkakahiga.

"Bakit kaya lagi na lang akong naga-grounded?" bulong ko sa sarili ko.

Minsan kasi hindi ko talaga maintindihan si mama. Nakakainis! Natatakot na akong gumalaw dahil baka isang konting galaw ko lang grounded na ako. Sawang-sawa na ako ng ganito. Ilang taon ko na rin itong pinagtitiisan. Wala naman akong magagawa dahil si mama ang nag-uutos. Alangan namang kalabanin ko siya.

Hayss. Kinuha ko ang cellphone ko galing sa bulsa ng pajama ko. Nag-scan ako ng kung ano-ano dahil wala talaga akong magawa. Hindi ko talaga alam kung anong mangyayari sa akin dito.

Grounded ako ng isang week. Ang boring nun.

Umuulan. Kaya hindi ako makalabas ngayon. At baka magtuloy-tuloy pa yan sa mga susunod na araw. Mas lalo pang boring yun.

Si...Callix. Hindi ko talaga alam kung ano nang nangyayari sa kanya. Galit talaga siya sa akin at lagi niya akong iniiwasan. Dapat nga nandito siya palagi dahil butler ko siya. Kung isisante ko kaya siya?

Nevermind. Hindi ko kaya yun since itinuring ko na rin siyang best friend. Naalala ko na kaya pala ako naaksidente dahil nagdrama siya na mare-resign na daw siya. Tsk.

Napa-upo ako bigla dahil may narinig akong kalabog galing sa secret door.

Dahil kalabog ang narinig ko, "Zandra!" tawag ko sa kanya.

Tumakbo ako at lumuhod para buksan iyon pero nagulat ako nang iba ang nakita ko sa loob. Hindi siya ang inaasahan kong pupunta dito.

Mas lalo pa akong nagulat ng ngumiti siya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin dahil ayaw kong makita ang ngiti sa mukha niya. So fake!

Umatras ako para bigyan siya ng daan para makapasok. Umupo ako sa gilid ng kama ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Tinulak ako ni Zandra papunta dito."

Tumango ako bilang tugon. So that means na si Zandra talaga ang kumatok kanina. Anong balak niya?

An awkward silence filled the room. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Bakit ba kasi pinapunta siya ni Zandra dito? Alam naman niya na galit siya sa akin, at lagi niya akong iniiwasan.

Pero I think I get it. Nakuha ko na kung bakit pinapunta siya ni Zandra dito. Hindi ko nga alam kung bakit ang bait ni Zandra ngayong araw. Siguro, she woke up at the right side of the bed. Pero imposible naman na ngayon lang siya nagising sa tamang parte ng kama. O kaya dahil sa kinain namin? Siguro si Merda na lang ang lagi kong paglulutuin ng pagkain para laging mabait si Zandra. Tsk. Napa-iling na lang ako.

"Callix, iniiwasan mo ba ako?" Ako na ang unang bumasag ng katahimikan dahil nga alam ko naman na hindi talaga magsasalita si Callix.

Ngumiti siya sa akin at napangiwi naman ako. So fudging fake!

"No."

Huminga ako ng malalim. "Callix..."

"What?" pagmamaang-maangang tanong niya.

"Stop that kind of smile."

"Why? What's wrong with it?" At inulit pa niya ang ngiti niyang sobrang peke.

"It's so fake!" diretsong sagot ko. Ayoko namang makasakit ng damdamin pero hindi ko talaga kaya na makita ang mukha niyang ganyan.

"Wag mo na ulit gagawin iyan. Mas mabuti pang wag ka na lang ngumiti kaysa gamitin mo yang ngiting ganyan," dagdag ko pa.

After that, he returned his poker face, or should I say, his mask.

"Callix, I'm asking you again. Are you mad at me?"

Tiningnan kong mabuti ang reaksyon niya habang hinihintay ang sagot niya. Ilang minuto pa ay bumuntong hininga siya. At tuluyan nang natanggal ang maskarang nakatakip sa mukha niya. Pain. I can see pain across his eyes. Bago pa man siya makapag-salita ay inunahan ko na siya.

"Callix, I'm begging you. Answer me honestly. If you don't want to be honest, then don't answer. But please. I want to know your problem. Hindi ko na 'to kaya. Hindi ko na kaya na lagi mo akong iniiwasan. Hindi mo na rin ako kinakausap. Callix. Please," pagmamakaawa ko.

I thought hindi na siya sasagot. Pero maya-maya ay nagsalita siya.

"Zie, a-ano kasi. Um. Ano kasi Zie. A-ah..."

"Ano?" Nagtataka ako kung bakit siya nabubulol. Gusto ko na talagang malaman ang problema niya.

"Zie... U-um. A-an—"

"Ano?!" Medyo naiirita na ako kasi puro siya ano. Nakakainis.

"I'm jealous!"

Natigilan ako sa narinig ko at tiningnan siya ng mabuti.

"Anong sabi mo?"

"I-im jealous," pag-uulit niya sa sinabi niya kanina.

Ako naman ay napataas ng kilay. "Dahil?"

Gusto kong malaman ang dahilan niya. All along he's acting like he doesn't see me dahil lang sa dahilan na yan? So shallow.

"Dahil nakikipag-tawanan ka kay Raphael."

What?! Tama ba ang narinig ko. Dahil lang dun kaya siya umiiwas. Or baka mali lang ako ng pagkaka-interpret.

"Bakit mo ako iniiwasan?" tanong ko sa kanya dahil parang unreasonable naman yata kung iiwas siya dahil lang sa selos. At bakit ba siya nagseselos eh wala naman kaming...uh nevermind. Ayoko nang isipin yun.

Tiningnan niya ako at napakamot sa likod ng ulo. "Hindi ko alam."

Napabagsak balikat ako. Yun lang talaga. Ang babaw naman ng dahilan niya.

"At bakit ka ba nagseselos?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. I look like a strict teacher right now.

"Yun nga. Nakikipagtawanan ka sa kanya."

"Bakit masama ba?"

"Oo."

"At bakit naman?"

"Dahil sabi mo ayaw mo sa kanya tapos nakikipag-tawanan ka. Tsk."

"Ang babaw mo naman."

Tiningnan niya ulit ako. "Edi mababaw na kung mababaw na kung mababaw, wala na tayong magagawa dun dahil yun ako."

Napabagsak balikat na lang ako. Hindi naman na talaga magbabago ang pagiging mababaw niya pero kasi dapat sinabi niya na nagseselos siya hindi yung iiwasan niya ako sa hindi ko malamang dahilan. Ano ba yan!

"Tsk. Isang araw mo rin akong iniwasan. May utang ka sa akin. Kung hindi lang kita best friend, nasesante ka na bilang butler."

Tumawa siya. At nakuha pa niyang tumawa matapos niya akong iwasan? Maniningil talaga ako nang sobra-sobra.

"Kaya nga ginawa ko iyon kasi alam kong hindi mo naman ako tatanggalin."

Tiningnan ko siya ng masama. "Tsk. At bakit ka ba nagseselos?"

Nawala naman ang ngiti sa mukha niya at hindi siya nakasagot agad.

"Tatay ba kita?" dugtong ko sa tanong ko.

Umiling siya.

"Eh ano?"

Nag-isip siya at mabilis na sumagot. "Butler...at best friend!"

"At anong karapatan mong magselos?"

Nag-isip siya pero hindi agad nagsalita.

"K-kaya nga iniiwasan kita dahil wala akong karapatang magsel--"

Muntik na akong mapatalon sa gulat ng may sumigaw.

"Hey guys! Bati na ba kayo?!" Energetic na tanong ni Zandra na nakapasok gamit ang secret door.

Napa-face palm na lang ako. Oo nga pala, hindi ko nai-lock!

"Oo," sabay namin na sagot ni Callix.

"Anong ginagawa mo dito?!" tanong ko sa kanya.

"Nakatayo?" puno ng sarkasmo niyang tugon.

"Narinig mo ba lahat?" tanong ni Callix na may pangamba.

Tumango naman si Zandra habang naka-ngiti pa.

Napa-face palm si Callix at tumayo ng nakayuko. Naglakad siya papunta sa secret door.

"Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ko.

"May gagawin pa ako. Aalis muna ako," sagot niya na hindi man lang kami tinitingnan. Pumasok siya sa loob at isinara ang pinto. Ako naman ay nakatingin lang dun.

Maya-maya ay naramdaman ko ang kamay ni Zandra sa braso ko at hinihila na ako nito pa-upo sa kama.

Sinundot niya ang tagiliran ko. Inilayo ko naman ang sarili ko mula sa mga daliri niya.

"Ano ba? Ano bang nakain mo at ganyan ka? Nakakapanibago na hindi ka na naman nagtataray."

Nag-pout siya. Nag-pout siya? Omg, nag-pout siya! Iba talaga ang epekto ng kung ano man ang nakain o nangyari sa kanya.

"Bawal ba akong maging ganito?" tanong niya habang naka-pout pa rin.

"Hindi naman sa bawal per--"

"Nevermind. Hindi naman talaga yan yung topic. Yieee. Who's jealous, huh? Who? Yieee. Should I ship you both?"

"Stop it," tumayo ako at lumayo sa kanya. Sabi na nga ba eh. Aasarin na naman ako nito kapag may nalaman siyang kung ano katulad nito. Aish.

"Yiiee." Sumeryoso siya at tumikhim kaya naman napatingin ako sa kanya.

"I'm jealous," she said trying hard to immitate Callix's voice.

Ako naman ay gustong lumapit sa kanya at batukan siya pero pinipigilan ko ang sarili ko. Baka umiyak na naman siyang parang bata. Kahit hindi naman masakit, magda-drama na naman. Tsk.

"Yiee. Jealous pala ha. Ano kayang magandang tawag sa inyong dalawa? Calzie?" Umiling siya. "Ang pangit. Eh kung Kenlix? Bakit hindi na lang kaya Calnastasia?" Umiling ulit siya. "Masyadong mahaba. Nakakatamad sabihin. Ano nga ba?"

Tumingin siya sa akin at ibinalik ko naman ang tingin sa kanya. Pasalamat siya wala talaga akong balak patulan siya ngayon.

Nagsisigaw siya, "Yiiee. Jealous! Jealous! Jeal—"

Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil narinig namin ang ringtone ng phone ko.

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng pajama ko at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Nakunot ang noo ko nang makita ang pangalan ng tumatawag.

"Boss?" tawag ko sa kabilang linya.

Teka hindi kami pwedeng marinig ni Zandra. I don't want to involve her in any dangerous situation.

I mouthed wait to Zandra at pumunta sa cr ng kwarto ko at ini-lock ang pinto nun.

"Hello boss?"

....

"Another mission again?"

....

"Pero katatanggap ko pa lang."

....

I frowned. "Boss naman."

....

"Pero—"

....

"Fine! I'll take it even of I don't want to!"

....

"Tsk. Where's the justice there? Ang daya naman. Diba nasa rules na bawal pa magtanggap ng misyon ang isang agent kapag meron pa siyang on-going na misyon."

....

"Tsk. What's special there?"

....

Umiling-iling ako. "Sino ang kasama ko? Kami bang lahat?" pagre-refer ko sa groupmates ko.

Tumango ako. "Sige boss. Bye."

Hindi talaga dapat kami magtagal sa pag-uusap dahil baka mahalata kami ni Zandra. Hindi niya pwedeng marinig ang pag-uusap namin kahit katiting no'n.

Paglabas ko, nagulat ako nang nasa harap ng pintuan ng cr si Zandra. Napa-face palm ako sa isip ko. Fudge, I'm doomed!

"A-anong ginagawa mo dito?"

Nakakunot ang noo niya habang pinagmamasdan ako nang mabuti.

"A princess has a boss?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay at nakapamewang pa.

Fudge. Anong gagawin ko? Sasabihin ko ba? O wag na lang? Hala. Pero kapag sinabi kong wala, malalaman niya na may itinatago ako at pilit siyang maghuhukay pailalim. Imposible naman na hindi niya narinig ang pagtawag ko sa boss ko, eh may tenga naman siya.

Fudge. Nilalamon na ako ng takot. What if she will dig deeper about this? She's smart. I know she can find her own ways. What if she involve herself in my situation? No, hindi ko papayagan mangyari iyon. Alam ko na!

"Yeah, n-naalala mo y-yung t-trabaho ko? Tumawag yung boss ko dun." Hala! Bakit ngayon pa ako nabubulol! Fudge.

"At anong sabi?" tanong niya dahil halata naman na hindi siya kumbinsido sa palusot ko.

Tiningnan ko lang siya dahil wala na akong ibang maisip na palusot. Anong gagawin ko? Dahil wala akong maisip ay humiga na lang ako sa kama at tinakpan ang ulo ko ng unan.

Siya naman ay sumunod sa akin at pilit na tinatanggal ang unan. Wala talaga akong ibang maisip na palusot! Anong gagawin ko?

Gosh, I should prepare myself to an interrogation. Pero kahit anong mangyari. Wala akong sasabihin. Kung anuman yung narinig niya sa phone, hanggang dun lang iyon. At wala na akong balak dagdagan pa iyon.

And after one month, makikita ko na naman ang mukha ng mga kagrupo ko...oops, mata lang pala. Hindi mukha. But I'm looking forward to my next mission. Ito yung first practical mission ko after my leave. And I can't help but smile.

Pero sa ngayon, poproblemahin ko muna ang mga palusot ko kay Zandra. I should make a plan...or a script? Aish. Bahala na nga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top