Chapter 7: Queen of Disguise
Nakaupo ako sa kama ko, nakatingin sa kawalan. Nagtatanong sa sarili kung bakit hindi kaya ako pinapansin ni Callix?
Nakita ko siya kagabi sa hallway ng palasyo pagkatapos kong kumuha ng tubig sa kusina. Tinawag ko siya pero hindi niya ako pinansin, ni hindi man lang ako hinarap. Tapos hindi pa niya ako dinadalaw ngayon. Kapag may sakit naman ako, lagi niya akong dinadalaw. Pero ngayon, kahit anino niya, hindi ko makita.
"Ano kayang nangyari sa kanya? Busy ba siya? Bakit hindi niya ako pinapansin?" sunod-sunod ko na tanong sa sarili ko. Bumuntong hininga ako. Mababaliw ako kaiisip.
Mabilis akong tumayo sa kama at lumabas ng kwarto. Pupuntahan ko si Zandra sa kabilang kwarto.
Nang nasa tapat na ako ng pinto ng kwarto niya ay kumatok ako. Hinintay kong may magbukas pero hindi niya iyon binuksan. Kumatok ulit ako pero kagaya ng kanina ay walang nagbukas. Wala ba siya sa kwarto niya? Gising na kaya siya?
Hayys. Hinawakan ko ang door knob at pinihit ito.
"Bukas?" bulong ko sa sarili ko.
Itinulak ko ang pinto at tuluyang pumasok sa kwarto niya. Sky blue at white ang color ng kwarto niya. Mahilig siya sa painting kaya maraming painting dito sa loob, kahit nga kisame niya may painting ng galaxy. Ako naman ay mahilig sa mga unique designs kaya kung ano-ano ang nasa loob ng kwarto ko. Pero mostly, mahilig akong magbasa kaya may bookshelf ako dun. Dahil nga mahilig siya sa painting at mahilig naman ako sa unique designs, ang secret door namin ay nakabase doon. Isa sa mga paintings dito ay ang secret door, actually ito ang portrait naming dalawa na nakalagay di kalayuan sa kamang hinihigaan niya.
Nang mapadako ang tingin ko sa kama. Nandun si Zandra at mukhang hindi pa ito nagigising.
Naglakad ako papunta sa kanya pero makailang hakbang pa lang ako ay napatigil agad ako. Nagsasalita siya habang tulog. Is she having a dream?
Nang matauhan ay tumabi ako sa kanya at tiningnan ang mukha niya. Nakakunot ang nuo niya at maraming sinasabi. Inilapit ko ang tenga ko sa bibig niya dahil hindi ko marinig ang mga sinasabi niya. I froze when I heard her calling my name. Napapanaginipan niya ba ako? Bakit parang nag-aalala siya. Inilayo ko ang tenga ko sa kanya at inobserbahan siyang mabuti. Gigisingin ko ba siya? Ayoko namang makaistorbo sa tulog niya, baka mamaya sigawan niya pa ako dahil ginising ko siya. Mataray pa naman ito. Or gisingin ko na lang kaya? Pero... Masama mang-istorbo. Nagdadalawang isip pa ako nang may biglang tumulong luha sa mata niya. What's wrong with her?
Maya-maya ay bumulong siya. Mahina ito pero sapat na iyon para marinig ko kung ano ang sinasabi niya. Naalarma ako dahil narinig ko siyang tinatawag si papa. Mas lalo pang dumarami ang pagtulo ng mga luha galing sa mata niya. And this time parang may sariling utak ang katawan ko at ginising siya. I was shocked so I don't know what to do. Bakit niya tinawag si papa?
Hindi ko namalayan na nakaupo na pala ito at nakayakap sa dalawang tuhod habang nakapatong ang ulo sa mga ito. I can hear her sobs. And it breaks my heart. Ayokong nakikita siyang umiiyak.
Agad ko naman siyang niyakap at tinanong.
"What is it?"
Hinintay ko siyang sumagot pero hindi man lang ito nagsalita.
"Zandra it's okay. I'm here. Hindi kita iiwan," sabi ko sa kanya habang hinahaplos ang likod niya.
Yumakap siya sa akin at hinayaan ko lang siya, binigyan ko rin siya ng mahigpit na yakap. Minsan lang yan maging ganyan kaya pagbibigyan ko naman. Lagi kasi siyang mataray eh. Maya-maya ay unti-unti na siyang tumitigil sa pag-iyak niya. At nang nawala na ito ay kumawala siya sa pagkakayakap sa akin. Hindi siya makatingin sa akin.
"Zandra look at me," utos ko sa kanya pero hindi ito sumagot.
Umupo ako at hinawakan ang mukha niya para iharap sa akin. Namumula pa rin ang mga mata niya.
"Zandra, anong napanaginipan mo?"
Umiling siya. "Wala lang iyon ate. It's just a bad dream."
Bad dream? Pero sixteen na siya. Hindi na siya bata, at lagi ito sa kanyang nangyayari. Kapag tinatanong ko siya, hindi naman siya sumasagot at binabago ang topic.
"Zandra, sabihin mo sa akin ang totoo?"
"Ate, totoo ang sinasabi ko."
"Zandra, wag ka nang magsinungaling sa akin. Sabihin mo na this time. Please?"
"Bad dream nga lang 'yon ate."
Tsk. Alam kong hindi yun bad dream. Narinig ko ang pangalan ko at si papa. I know that it's a memory. A memory of an... accident...or should I say, believed as an accident. Pagkatapos ng aksidenteng iyon, wala nang naaalala si Zandra simula noon. She's too young back then. I'm only twelve and she's seven. Malamang hindi na niya iyon maaalala, plus nabagok pa siya nun.
"Zandra please?" pagmamaka-awa ko.
Tiningnan na muna niya ako bago magsalita. "Fine pero sa ating dalawa lang 'to."
Tumango ako.
"Nanaginip ako tungkol sa ating tatlo nila papa. Hindi ko alam kung bakit wala nun si mommy. Kinakausap daw tayo ni papa."
"Anong sabi niya?" tanong ko.
Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Maya-maya ay pinapatakbo na niya tayo. May apoy din akong nakikita at lumalaki na rin iyon. Hinila mo daw ako palayo pero nagmamatigas ako. May sinabi sa akin si papa pero hindi ko talaga maintindihan iyon, at nung matapos kong marinig iyon sumama daw ako sayo pero lingon pa rin ako ng lingon. Hindi ko nga alam kung saan tayo pupunta."
"Tapos?"
"Wait lang. Alam mo bang ang bata mo pa don?"
Naningkit ang mga mata ko.
"Syempre hindi. Panaginip mo yun eh," sagot ko sa kanya. Duh, pano ko yun malalaman? Pero ibig sabihin totoo nga ang iniisip ko. Kailan ko pang malaman kung ano ang sumunod na nangyari. Baka makahanap ako ng lead. "Oh anong sumunod?"
"Tapos may anino akong nakita galing sa apoy. Papunta siya kay papa, pero nakatingin siya sa atin."
"Tapos?"
"Tapos hinila mo ako kaya hindi ko na nakita ang sumunod nangyari. Pagkatapos din non ay nagkagising na ako."
Huminga siya ng malalim matapos niyang sabihin ang panaginip niya at ako naman ay nakatitig lang sa kanya habang bahagyang nakabukas ang bibig.
So kasalanan ko pa pala kung bakit hindi niya nakita ang gumawa non? Aisshhh. Edi ako nang may kasalanan!
"What?" tanong sa akin ni Zandra habang nakataas ang isang kilay. Wala na ang Zandra na nangangailangan ng yakap tulad kanina. Bumalik na ang Zandra na mataray.
"Wala."
Pagkatapos non ay pumasok ang awkward na katahimikan. Walang nagsalita sa amin. Siguro dahil ito sa panaginip ni Zandra, kapwa kami nag-iisip. Hanggang sa di ko na matiis at ako na ang bumasag nito.
"Zandra, labas tayo."
"Huh? Labas? Saan naman tayo pupunta?"
"Sa central city. Mag-malling tayo." Naisip ko 'to dahil gusto kong kalimutan na muna niya ang panaginip niya. Alam kong matalino siya kaya malalaman din niya na ala-ala niya iyon pagdating ng panahon. Baka sakaling kapag nag-malling kami, makalimutan na niya ang panaginip niya.
"Tara. Pero pano ang mga guards? Pareho naman nating alam na ayaw natin ng guards."
"Disguise."
"Pero..."
"No don't worry—"
"Ayoko ng pulubi," mabilis niyang sabi habang nakapikit.
Natatawa naman ako sa itsura niya ngayon. Hindi naman kami magiging pulubi.
"Nag-iisip ka ba Zandra? Paano tayo makakapasok sa mall kung pulubi tayo? Duhh."
Nakita ko naman na nakahinga siya ng maluwag. "Nga pala."
"Sige na mag-ayos ka na dyan. Alam kong kaya mo yan. Una na ako, mag-aayos pa ako dito. See you in 10 minutes."
Isasara ko na sana ang pinto pero nagsalita siya.
"10 minutes?"
Tumango ako.
"May problema ba?"
"Pero maliligo pa ako. Tsaka matagal pa yun kasi kailangang hindi ako nakikilala sa diguise ko na yun," sabi niya at nag-pout pa.
Oo nga pala. Para sa akin madali lang iyon, pero sa kanya hindi.
"Fine. 30 minutes." Isinara ko ang pinto kahit di pa siya sumasagot at dumiretso sa kwarto ko.
Kinuha ko ang lahat ng mga kailangan ko sa pagdisguise sa isang double-door cabinet. Pero kailangan hindi ito makita kaya syempre naka-disguise din yung cabinet. Sa unang tingin, puro mga damit ng isang prinsesa ito. Pero kapag pinindot ang pinakamaliit na button na makikita sa loob ng handle nitong pinto sa cabinet, iikot iyon at makikita ang mga gamit pang-disguise. Ako lang at si Callix ang nakakaalam nito. Si Zandra naman ay hindi ito alam dahil magtataka iyon kung bakit may mga ganito ako. Ang alam lang ni Zandra ay may kaunting gamit ako dahil sinabi ko sa kanya na hobby ko ang pag-disguise at yun lang ang paraan ko para makatakas sa mga guards, malaman ang mga nangyayari sa buong lungsod at higit sa lahat, ang matuto kung paano makisalamuha sa mga ordinaryong tao. Basta ang alam lang ni Zandra, dahil sinasabi ko, kaunti lang talaga ang gamit ko pang-disguise hindi tulad nito. Galing nga pala ang cabinet sa organization. Sila ang nag-provide niyan.
Basics lang ang gagawin ko ngayon para hindi na ako matagalan. I tied my hair into a messy bun and washed my face. Pagkatapos ay nag-apply ako ng cosmetics. Pinili ko ang liquid foundation na mas maitim ang kulay sa balat ko para ilagay sa mukha . Naglagay din ako ng tanning cream na ganon ang kulay sa kamay ko para pantay ang balat ko kapag tiningnan. Nagsuot ako ng contact lens na kulay blue at relo. Nagsuot rin ako ng sweatpants at black t-shirt, bukod kasi sa komportable ako sa ganito, ito rin ang mga nakikita ko sa mall na suot ng mga ka-edad ko.
Inilugay ko ang buhok ko. Pagkatapos ay humarap ako sa salamin.
"Perfect!" I exclaimed. Hindi talaga mahahalata na ako ito. And it took only 10 minutes for me to prepare. I bet naliligo pa rin ngayon si Zandra, sobrang tagal kaya niya maligo.
Since hindi pa naman siya ready, inayos ko na muna ang kwarto ko at ibinalik sa dati ang ayos ng loob ng cabinet. Tiningnan ko ang relo ko at nakita kong 5 minutes na pala ang nakalipas.
"Tapos na kaya siya?"
Tumayo ako at isinuot ang rubber shoes ko na color white at kinuha ang phone at earphones ko sa drawer ng kama ko. Kinuha ko na rin ang cap ko para masuot mamaya.
Tumakbo ako papunta sa kwarto ni Zandra at kumatok sa pinto.
"Come in." Narinig kong sabi niya. Hmm. So fast?
Pagpasok ko ay nakita ko si Zandra na nakasuot ng bestida at scarf at may suot siyang shades.
What the fudge! Bakit ganyan siya mag-disguise. Kaya pala sobrang bilis.
Natatawa akong lumapit sa kanya at nakatingin lang siya sa akin. I can see amazement in her face. Yeah, yeah. I know that I don't look like Princess Anastasia anymore. Parang ibang tao na rin ako, kasalanan ko bang magaling akong mag-disguise?
"Ate, ang galing mo!" Halata ang paghanga sa boses niya.
I smiled proudly. "Thank you very much."
Maya-maya ay nag-pout naman siya.
"How's my disguise?" she ask.
"Um, honestly...it's...um...poor," nakangiwi kong sagot.
She frowned. "That much?"
I nodded. "I can figure out that it's you even if your in disguise. Let me give you an advise. Change everything when you're in disguise."
"Everything?"
"Yes. E-V-E-R-Y-T-H-I-N-G, but don't change your talent in acting. Magaling ka dun at kailangan rin iyon sa pag-disguise. But for now, okay na muna ang ganyan. Just change your clothes, don't wear a scarf and shades, it will be suspicious. Instead, wear a wig and eyeglasses, that's fine...I think." Since basic lang naman ang disguise namin, no need for too much stuffs.
Tumango siya. "Yes, Your Majesty."
Nakunot naman ang noo ko. "Why are you calling me Your Majesty, we're both princesses here. We have the same title. And I'm your ate not Your Majesty."
"Yes but for me you're the Queen of Disguise," sabi niya nang nakangiti.
Natawa naman ako. "Baliw. I'll be back in 5 minutes."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top